Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"simulang" poems
Spoken word poetry by: Quencie D.R Puno ang aking isipan ng mga katanungan, Ni hindi ko alam kung may patutunguhan. Hindi ko alam kung paano o saan sisimulan, Kung tatakbo palayo o sayo ay ika'y lalapitan. Eto na sisimulan ko na ngunit nagaalangan, Sa simulang tanungin ang yong pangalan. Nang di naglaon nalaman ko yung katauhan, Di nagtagal tayo ay naging magkaibigan. Aking hihimayin kung gaano kahaba o kaikli, Etong tulang patungkol sayo at pinili. Kung ilang pahina at itatantya kung sakali, Sisimulan ko na ngunit eto ako nagbabakasali. Simula sa  "Ako at Ikaw" ngunit walang tayo, Ano bang pakiramdam ng maging gwapo? Dahil lahat ng niligawan mo iyong napa-Oo. Babe,Mahal at lahat ng tawagan nagamit mo. Balita ko madaming nagkakagusto sayo, May nakahome based na sa puso mo. Nakatres ba? Ilang puntos ba sya sayo? Gusto mo pala maglaro sana sinabihan mo ako. Gusto mo ng one-on-one pero madami pa pala, Kung tutuusin sa mobile legends adik ka na. Paiba iba ka ng character bane,alpha at angela, Inugali mo na pati sa laro kotang - kota ka na. Di kami isang laro pag napagtripan mo na, Di kami dota iffirst blood mo tapos GG na. Di kami coc o lol iiwan mo pag nagsawa kana, Ano bang degree natapos mo at bihasa kana. Patawad!! Kung ginusto kita, Patawad sa mga binitawan'g salita. Patawad kung mahal na kita, Patawad kung ako'y lalayo muna.
0
Apr 19, 2019
Apr 19, 2019 at 3:46 AM UTC
"Patawad"
032317 Sinubukan kong intindihin ang bawat salitang sinasabi mo Hinabi gamit ang iba't ibang lenggwaheng Bago lang sa paningin at pandinig ko. Natakot ako pagkat hindi ko maintindihan At dumating na nga sa puntong hindi na  rin kita maintindihan. Kaya sumubok akong humanap ng ibang kahulugan Nagbaka sakaling sa "doon" ay may mapupuntahan. Pero mali pala yung takot na namuo saking pagkatao. Lahat ng sabi kong iintindihin ko'y bigla na ring naglaho. Lumapit ako sayo pagkat kinakain ako ng emosyon ko, Ng takot, duda at kakulangan sa tiwala sayo. Sinambit mo sa aking tumigil na ako -- Sa pag-aalala sa mga bagay na ikaw mismo ang aareglo. Dagdag mo pa'y ikaw ang aakay sa mga walang katapusang kahinaan ko At doon ako natutong: wag ka nang ipilit ang kakayahan ko. Nilinis mo ako at ginawa mo pa ring bago At sabi mo pa nga'y aabahin mo ako Hanggang sa makarating tayo sa simulang dulo. Ama, sa aking pagpapasakop, Pwede bang yung buong ako Yung yakapin **** may pagkalinga? Napagod na kasi akong mag-isa Gusto ko nang sumilong -- Sumilong sa tangi **** presensya.
0
Mar 22, 2017
Mar 22, 2017 at 11:45 PM UTC
Silong
Binura ang sinalungguhitang alyas Ang nag-alsa na biyas Ang kaya ay katamtaman na hulugbigat Dahil sumunong nang kapalaluan, tumiklop ang tuhod Simulang pagtingin ay noong una na nabighani Nababaliw sa sinundang pag-ibig Sa mala-rosas na labi at mala-kristal niyang mata na may salamin Umaapaw na giliw ay sa kanya nakalaan Kung sumandig man sa ataul ang katawan Mahukay sana ang pinipintuho - bigay ng kalangitan bago mamayapa Kahit mali ang pangkukulam ay gagawin para manipulahin ang manika Mamangha sa mahika na taglay Ganun kung magmahal, kahit balakyut dapat ay tupdin Kumuha ng ilang hibla ng kanyang buhok Tapos isinuksok sa bestida na kahapon niyang isinuot Ginupit at lumikha ng damit ng manika Sinambit ang inkantasyon ng pag-ibig
0
Dec 23, 2018
Dec 23, 2018 at 5:08 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #24
071424 Kung ang bawat palakpak at panalo ko sa mundo’y Siya namang mitsa ng paglayo ko Sa’yo — Huwag na lang siguro; hihinto na ako. Kalimutan na lang natin ang entabladong ito At ikahon ang mga bituin sa’king mga mata. Mga damdaming minsa’y napapariwara, Ngayo’y kusang inaanod sa hiwaga ng Pagsinta. Kakatok tangan ang pahiram na hininga… Palimos ng kahit isang patak ng dugo **** dumanak. Pagkat kaligtasan ang aking hanap, Sa isang iglap ako’y magbabalik sa simula — Sa simulang nalimot at nilumot ng kasalanan. Ako’y magbabalik Sa’yo, bunga ng yaman ng Pag-ibig Mo. Sa silid na ang tanging Hari ay Ikaw At ang Ngalan Mo ang nananatiling may kabuluhan. Sa’yo ang unang yapak Habang ako’y nakaakbay Sa’yong Kalakasan At Ikaw lamang ang aking palatandaan Na ang pintua’y bukas na At handa na upang maging isang Pahingahan.
0
Jul 17, 2024
Jul 17, 2024 at 4:35 PM UTC
Hudyat ng Panimula
Kumusta mga kabataan Na pag-asa bayan, Ano ang dahilan Aral ay napabayaan? Isip ay nalason Ng banyagang layon Alisin ang tuon Sa aral ng nayon Nasaan ang tinig Ng tunay na pag-ibig Sa bayang natitigib Ng mapanirang bibig? Tila ba nakalimot Puso ay ibinalot Sa bagong aral na pulot Nagmistulang mga salot Walang pagmamahal Bayan na ng mga hangal Nasan na ang dangal Na turo ni Rizal? Halika na't magising Simulang tanawin Ang nagdaang ningning Ng Araw at Tatlong Bituin! JGA
0
Feb 20, 2019
Feb 20, 2019 at 7:50 PM UTC
Sa Aking Mga Kakabataan
021924 Itikom aking bibig Nang Sayo’y mamahinga. Isip ko’y Iyong pagharian At muling awitan ng Iyong pagsinta. Ilang dekada na’y Nanatili Kang tapat — Ni hindi ka nagkulang, Ikaw ay naging sapat. Paano nga ba ako hihinto? Kung Ikaw ang aking Kalakasan. Bakit nga ba ako mapapagod? Kung Ikaw rin ang aking uuwian. Tatahan ang aking mga mata, Pagkat Ikaw ang aking Tahanan. Ikaw ang Simulang Walang katapusan. At balang araw, Sa isang kurap At sa isang iglap lamang — Ang lahat ay alaala na lamang.
0
Feb 19, 2024
Feb 19, 2024 at 7:45 AM UTC
Isang Kurap, Isang Iglap
Simula palang alam ko na Simula palang alam ko nang katulad ka rin niya Simula palang alam ko nang mahuhulog ako Kahit na sinabi kong, “Tangina ano, pustahan pa tayo” Simula palang kasi pinaramdam mo na Na sa simulang ito ay maghahantong sa pagtatapos ng “tayo” Hindi ko nga alam kung bakit ko pa ipinagpatuloy Siguro ay nadala lang din ako sa agos at daloy Bakit nga ba nakinig pa ‘ko sa puso kong nananaghoy Kita mo na ang nangyari, ayan. Ayan tuloy
0
Apr 3, 2016
Apr 3, 2016 at 8:58 AM UTC
He Lario
Bakit mo pipigilan ang oportunidad sa iyong harapan? Bakit mo hahayang mawala ang pagkakataong para sa iyo ay nakalaan? Ito na ba ang sandaling iyong pinakaasam-asam? Ito na ba ang hudyat ng hinihintay **** kapalaran? Iiwanan mo na ba ang dati **** nakasanayan? Lilingunin mo pa ba ang mga kahapong nagdaan? Babalikan mo pa ba ang mga bagay na iyong nakagisnan? O haharapin ang hamon ng bawat bukas sa iyong kasalukuyan? May pumipigil pa ba sa iyong dapat marating? May hahadlang pa ba sa iyong nais na abutin? May pag-asa bang magtagumpay ka sa iyong mithiin? May suliranin bang dapat mo pang susuungin? Kailan mo dapat gawing handa ang iyong sarili? Kailan mo dapat ibigay ang sagot **** oo o hindi? Kailan mo dapat sabihing handa ka ng pumili? Kailan mo dapat simulang talento mo ay maibahagi?
0
Aug 15, 2017
Aug 15, 2017 at 3:44 PM UTC
Bakit at Kailan
Patapos na ang taon!! Paano kaya tayo nakaabot sa sitwasyon na ito. Nitong nakalipas lang hinihiling na mawalay sa mundo to pero lumalaban ka parin, pagmasdan mo nandito ka parin nagpapatuloy ― Siguro bago natin salubongin ang panibagong taon ayusin at taposin ang mga problema ng nakaraan; Mahirap simulang ang bagong pahina kung ang luma pahina ay punit at di kumpleto. Nasabi mo na din to dati!! Magbabago na ako!! Sana bago natin ideklarang magbabago na tayo ngayong taon, nawa ay maayos muna natin ang mga gusot ng kahapon ̄ Isipin mo yon ang taon ay nakausad na pero nakakulong ka parin sa nakaraan; Hindi na natin mababalikan ang nakalipas pero pwede tayo magsimula ng panibago kaya tuloy lang. Simulan natin to na may kasamang kilos hindi lang puro salita at asa sa iba kundi matuto tayong tumayo sa mga sariling mga paa. Salamat sa mga tao nakasama natin dahil sila ang ating kasama pagtaas pa mula una at hanggang pagbaba, madadagan man o mabawasan sila ang mahalaga nandito ka parin. Sana magtuloy tuloy ang samahan hanggang sa panibagong pahina. Salubongin natin ang panibagong pahina na may kasamang pagtitiwala sa Diyos. Maligayang Bagong pahina, pag-asa, yugto at Taon.....
0
Dec 31, 2022
Dec 31, 2022 at 7:18 PM UTC
Untitled