Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Kurtlopez Jul 2023
Masakit pero kailangan nating tanggapin na di lahat ng gusto natin mapapasaatin the good way na magagawa natin ay palayain at mahalin nalang ang sarili natin, kasi u know kung ipipilit pa natin yung gusto natin paulit ulit lang tayong masasaktan paulit ulit lang ung hapdi sa puso natin pede naman na maging masaya nalang tayo sa kanya sa mga bagay na nagpapasaya sa kanya alam mo kung mahal mo talaga sya masaya ka sa mga bagay o taong nagpapasaya sa kanya
Kurtlopez Nov 2022
Naranasan ko ang manlimos ng pagmamahal, ang makontento sa panandalian, at matuwa sa paminsang ako ang hinahanap. Nakauubos.

Kaya nang makilala kita, abot langit ang pasasalamat ko, dahil kahit papaano ay iba ka sakanya— lamang nang kaunti kumbaga. Kaya ganoon na lang din ang takot kong mawala ka pa.

Alam ko naman sa sarili kong kulang, pero maghahanap pa ba ako? Paano kung ito lang talaga 'yon? Kaya kahit hindi puno, niyakap ko ng buong puso. Hanggang hindi ko namalayan, inuulit ko lang pala kung paano ako gumuho.

Akala ko iba ka. Akala ko, sa'yo ko mahahanap ang pahinga. Pero hindi. Nakatatawang isipin na lalo akong nawala nang matagpuan kita.
Kung kailan handa Ka na mag mahal ulit saka naman nawala ..at kung kailan nagugustuhan mo na sya saka naman bumalik na ung totoo nag mamahal sa kanya.....nasaktan na naman ako naulit naman.. na buong akala ko sya na akala ko may pag asa ..na akala ko totoo na...pero hindi pla ....
Anton Dec 2019
Sa mga araw na di kita pinansin,

pinilit ko ang sarili na hindi ka kulitin,

Hindi dahil Gusto na sana kitang limutin,

Hindi dahil sa gusto na kitang lisanin,

Kundi

Dahil ayaw kitang angkinin,

Dahil ayaw ko nang saktan ang iyong damdamin,

Dahil ayaw  na kitang paluhain,

Dahil sa mahal kita ng lubusan,

Pipilitin kitang iwanan ,

Upang ang tunay na pagibig at kaligayahan,

Iyong matagpuan
Kahit itoy sa ibang tao naman mangaling,

titisin ko ang sakit,
Para lang ikaw ay lumigaya
cj Mar 2020
ang tali ko ngayon ay unti-unti nang napapatid
ngunit ako pa rin ay kumakapit
dahil alam kong maikli lamang ang buhay

kaya hahayaan ko na lang ang sarili ko
kung mahuhulog na ako muli

sapagkat gagawin ko ang lahat
makamit lamang ang pag-ibig na wagas.
JulYa04 Aug 2018
Mahirap hanapin ang bagay na wala
Lalo na kung ito ay isa lamang bula
Bula na kung saan masaya sa una tignan
Pag iyong hnawakan maglalaho nlng sa kawalan

Para ding tao na dumaan sa buhay mo
Pilit kang pinatawa, pilit kang pinasaya
Nang buo na ang loob mo para mahalin cya
Saka naman unti unti syang nawala


Tanong mo sa sarili
San ka ngkamali
Di ba cya masaya na ngaun mahal mo na cya
Bakit cya lumayo ng panahon na gusto mo na
Para kang pinahawak sa tali at bigla nalng nya binitawan
Prince Allival Mar 2023
Hi this is my spoken poetry that I made, I'm not a professional, So by the way I hope you like it. If you like this poem dont forget to like and share love you mga marupok. 😊

Mahal, hanggang saan ako
kakapit sa "PANGAKO" mo
hanggang kelan ko pang-
hahawakan yung "PANGAKO"
mona babalikan mo ko

Lahat ba ng "PANGAKO" mo ay
patuloy na mapapako
patuloy parin ba akong aasa
o dapat ba na bitawan kona
upang hindi na ko tuluyan pang
masaktan ng ganito

Iiyak, mag-tatanong sa sarili
kung hanggang kelan ako
magiging ganito?
kung hanggang kelan ako
magpapaka-tanga sayo

Nakakapagod na, pero mahal
padin kita, nakakasakit na, pero
umaasa padin ako, gusto ko ng
sumuko, pero paano kung
bumalik kapa kung kelan
sumuko na ko sa pag-asang
pinanghahawakan ko.

Sana ako'y mapatawad mo kung
ako'y tuluyan ng susuko at bibitaw
sayo, mahal kung hindi ko ito gagawin
patuloy padin akong makukulong sa
sakit at sa pag-asa kong babalik kapa

Sana ako'y maintindihan mo
paalam at ako'y tuluyan
ng lilisan at tuluyan ng bibitawan ang
"PANGAKO" mo na patuloy na nag-
papasakit sa damdamin ko.
shy soriano Apr 2019
Ang araw ay lumipas na nagkatagpo tayo ng
kanya-kanyang taong mag papasaya sa atin. Ngunit ang ala-ala ng atin nakaraan ay lagi bumabalik sa tuwing nakakakita ng mga bagay na nag papaala-ala sayo ala-ala noon ay nababalikan. Bakit ganoon ? alam ko sa sarili ko na wala na akong na raramdaman ngunit ang mga pangarap at pinag samahan atin andyan parin buhay sa akin isipan. Paano ako mag sisimula kung ang ala-ala mo'y ako! parin ang ginagambala.
#pangarap #pinagsamahan #inpirasyon #kasawian
Kurtlopez Aug 2023
Dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon.

Nasanay na rin akong umupo sa tabi nila; makinig sa kanilang mga istorya, tumawa nang tumawa dahil posibleng hindi na ito maulit pa, gumamot ng mga sugat, at kasabay ng mga ito ay ihanda ang sarili sa salitang "paalam".

Nasanay na ako—pero nakakapagod din pala.

Nakakapagod palang maglaan ng oras sa isang taong alam **** anumang segundo ay maaaring magpaalam na.

Nakakapagod palang makinig sa mga kuwento niya habang hinahanap ang lugar mo sa kanyang kasaysayan, habang napapaisip kung babanggitin ka rin kaya niya pagkatapos ninyong maghiwalay ng landas.

Nakakapagod palang buksan ang buhay mo para sa isang tao kung sa simula pa lamang ay batid **** bubuksan mo rin ulit ang pinto, sasamahan siya palabas, ihahatid sa sa tarangkahan, at tatanawin hanggang mawala sa iyong paningin.

Iniisip ko palagi kung bakit hindi sila nagtatagal. Bakit palagi akong iniiwan? Bakit paulit-ulit lamang ang itinatakbo ng bawat kuwento? Iba't ibang tao, iisa lamang ang nagiging dulo. Sa katagalan ay nasanay na ako sa pagtatapos, iyong tipong nagsisimula pa lamang ay tinatanggap ko na ang pagwawakas nito.

Dahil dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon.

Kailan kaya ako magiging destinasyon?
012025

Paanong ang mga bulalakaw
Ay kusang nagpapaubaya?
Mahuhulog sa lalim ng gabi
Dawit ang liwanag nitong taglay.

Sumapit ang ika-dalawampu ng unang buwan
At pumipisan pa rin ang mga mata
Sa lilim ng Kanyang kagandahan.
Ang yaman ng pag-ibig ay bukas sa lahat,
Sa palad Niya’y kakapit pa rin
Maging ang may tangan ng mga sandata.

Sa wakas at hindi na muling mauubusan pa
Ng hininga ang gabing walang himpil sa paghikbi.
Hindi na muling pipikit at hahawi sa dilim
Na nagbabakasakaling masaklawan nito
Ang Ilaw na papawi sa kanyang pagkabulag.

Ilalantad na ang sarili
Na para bang ito na ang huling paghinga.
Hindi na iaantala ang panahon,
Ngayo’y oras ay hindi na kalaban pa —
Ngayon ang tugon nya‘y “oo”
Pagkat ang bukas ay wala nang pahina.
Hindi ko talaga alam kung saan ako magsisimula.
Hindi ko alam kung alin sa mga bumabagabag sa isipan ko ang dapat kong unahin. Pero isa lang ang sigurado ako ngayon—kailangan ko itong himayin.

Magsisimula ako sa tanong na:
“Si Ate na lang ba talaga palagi?”

Si Ate na lang ba talaga palagi ang mag-a-adjust?
Ang utusan sa pamilyang ito?
Kesyo ganito, kesyo ganyan—mga rason na hindi ko na alam kung valid pa ba o hindi. Pero sige na nga, i-aagree ko na lang. Para matapos na ang usapan. Para hindi na humaba pa ang diskusyon.

Si Ate na lang ba talaga palagi ang magsasakripisyo para sa pamilya?
Si Ate na lang ba ang mag-iisip kung paano magtitipid, kung anong dapat unahin—hindi ang luho, hindi ang sariling kapakanan—kundi kayo?
Kayo na lang muna. Ako, mamaya na lang.

Si Ate rin ba palagi ang kailangang magpakumbaba at magpatawad?
Ang aako ng responsibilidad, ang gagawa ng gawaing bahay?
Alam ko naman—may mga kapatid ako. Pero ako na lang ba palagi ang kikilos?
Ako na lang ba ang laging may kusa?
Ako na lang ba ang mag-iisip kung anong ulam ang lulutuin?
Maglalaba, maghuhugas ng pinggan, maglilinis ng bahay?

Kabisado ko na lahat ’yan. Hindi niyo na ako kailangang pagsabihan. Hindi ko na kailangan ng utos.
Pero paano kayo?
Paano kung wala na tayong mga magulang?
Paano kung ako na lang ang natira?

Si Ate na lang din ba ang laging magtuturo at magdidisiplina?
Noong ka-edad ko pa lang kayo, namulat na ako sa responsibilidad.
Pero ngayon, anong nangyari?
Halos lamunin na kayo ng cellphone. Wala nang kusa. Wala nang malasakit sa paligid.

Baka nakakalimutan ninyo—tao rin si Ate.
Hindi ako robot. Hindi ako ginawa para lang sumunod sa utos.
Marunong din akong mapagod. Marunong din akong masaktan.
May damdamin din ako.

Sana maintindihan ninyo ’yan. Na may sarili rin akong buhay na kailangang atupagin. Hindi ako utusan na sunod-sunuran lang. Hindi ako kailangan bigyan ng sahod para gawin ang iniutos ninyo, walang barya o walang pahinga ang makakapagbigay sa akin ng pahinga na hinahanap ko.

Pagod? kaya kong tiisin, kaya kong matulog nang ilang oras lang, kaya kong pagsabayin ang trabaho ngunit anong nangyari sa akin? nagkasakit ako in return. Walang halaga ang bawat barya na binibigay ninyo sa akin, kapalit ng nawala kong adrenal gland.

Puyat at pagod, ipagsabay mo. Instant noodles at walang masustansyang pagkain ang makakapatay sa akin. Coke at kape na ginawang tubig. Pagbantay sa lola kong maysakit ang naging libangan.

Hindi sa hindi ako marunong magpasalamat o baka isipin ninyo hindi ako grateful at wala akong utang na loob sa ginawa niyo para sa akin. Ang utang na loob na habangbuhay kong pagbabayaran ay hindi katumbas nang pilak at ginto o salapi, kundi habangbuhay na karangalan at respeto ang ibibigay ko sa inyo sa pagsilang sa akin sa mundong ito at dahil binuhay niyo ako at hindi pinabayaan.

Hindi niyo ako narining na nagrereklamo, hindi niyo ako nakikita na nagmamaktol, hindi niyo ako naririnig na nagpapaliwanag at nagrarason dahil alam ko sa sarili ko na sarado ang isipan at taenga ninyo kung sakali man na ako ay magpapahiwatig nang aking saloobin sa inyo.

Alam ko, naiinitindihan ko na napapagod rin kayo, iba rin ang pagod na nararamdaman ko. Hindi kumpletong tulog, hindi unan at kama ang lunas nito, dahil kung minsan kung ako ay tulog na ay sadyang nag-iingay rin ang aking isip. Ang tanging lunas na gusto ko sa pangungulila ko sa pahinga ay kapayapaan, katahimikan at dalampasigan. Iyon lamang.

Hanggang dito nalang,

Nagmamahal,
                               Ate :)
TripleJ Sep 2024
Nobita's Rainy Search for Joy

Sa isang maulang umaga, si Nobita’y nag-iisa,  
Sa madilim na kwarto, ang puso’y nagluluksa,  
"Nasaan na kaya si Joy?" tanong sa isip na tila wala nang sagot,  
Umiiyak sa alaala ng tawanan, mga araw na puno ng liwanag, ngayon ay nag-iiwan ng sakit.

"Kung may gadget si Doraemon," siya'y nag-iisip,  
"Makakapag-aral ako, at sa hirap ay magpapakatatag."  
Ngunit kahit anong gawin, tila siya'y nag-iisa,  
Sa bawat patak ng ulan, ang lungkot ay dumadaloy, tila wala nang pag-asa.

Habang naglalakad, ang ulan ay patuloy na bumuhos,  
Kumakalat ang lamig, sa bawat hakbang ay bumibigat,  
"Joy, sana’y mamiss mo rin ako," sigaw niya sa hangin,  
Ang damdamin ay tila nag-aalab, galit sa lungkot, hirap na di matanggal.

Nakita ang isang sabon, tumambad sa daan,  
"Anong ginagawa mo rito?" siya’y napatawa,  
"Parang ikaw, Joy! Laging nalilito, di ba?"  
Ngunit sa likod ng ngiti, may lungkot na nagkukubli, mga luha’y tila umuusok.

"Isang taon na tayong hindi nagkikita," aniya sa sarili,  
"Naiwan ang aking puso, tila binihag ng takot at pagdududa."  
Sa bawat alaala ng saya, ng mga tawanan at ligaya,  
Ngayon ay naging alaala ng pagdududa, hinahanap ang ngiti sa dilim.

Isang video ang naisip, tila nakakatawa,  
Nahulog sa putik, nag-aaral sa ulan ang puso’y bumibilis,  
"Maraming nanood, sana’y malaman mo,  
Sa gitna ng lahat, ikaw ang tanging hinahanap ko."

"Kapag kasama kita, parang walang hanggan,"  
Sana’y marinig mo, ang puso’y naglalakbay sa dilim,  
Ang mga kalokohan, ang mga pangarap, parang ulap na naglalaho,  
Ngunit ang sakit ay nananatili, sa bawat alaala’y may lungkot.

Tumingin siya sa langit, nagdasal ng taimtim,  
"Joy, sa susunod na ulan, sana'y maging kasama ko'y ikaw."  
Sa ilalim ng madilim na ulap, ang mga bituin ay nagniningning,  
Ngunit ang pag-asa ay di naglalaho, kahit ang simoy ng hangin, sa akin ay lumalamig.

At isang araw, sa paglalakbay, siya’y muling tatawa,  
Makakasama si Joy, sa hirap at saya.  
"Sa ilalim ng ulan, ang puso’y muling sasaya,  
Dahil ang tunay na pagmamahal, ay laging nagbabalik, kahit gaano pa kalayo ang mga alaala."

Nobita’t Joy, sa dulo ng bawat kwento,  
Sa hirap at ginhawa, walang ibang dahilan kundi ang pag-ibig na totoo.  
Kahit anong ulan, kahit anong bagyo,  
Sa bawat patak, sa bawat tawanan, ang puso’y muling magsasaya kasama si Joy, sa mga pangarap na naglalakbay, sa pag-asa at pangungulila, sa bawat patak ng ulan.
just a imaginable poem
Akala ko noon, sapat na ang mahalin,
Na kapag totoo ka, 'di ka sasaktan.
Ngunit natutunan kong kahit gaano kabuo,
May pusong pipili pa ring lumayo.

Pinili kitang mahalin sa bawat araw,
Sa bawat paghinga, ikaw ang dahilan.
Ngunit kahit anong pilit kong hawakan,
Ang isang pusong sawa, 'di na mapipigilan.

Akala ko ang “tayo” ay pangmatagalan,
Na kaya nating lagpasan ang bawat sugat at lamat.
Pero hindi pala laging sapat ang dasal,
Kung ikaw mismo, ay ayaw nang lumaban sa ating pagmamahalan.

Ang sakit, hindi lang sa pagkawala mo,
Kundi sa tanong na: “Saan ba ako nagkulang sa’yo?”
Ginawa ko ang lahat, pati sarili'y kinalimutan,
Pero sa dulo, ako pa rin ang iniwang luhaan.

Walang perpektong pag-ibig—oo nga, totoo.
Pero sana, hindi ko nalang inialay lahat sa’yo.
Sana natutong magtira kahit kaunti,
Para may natira sa sarili kong muli kong buuin.

Ngayon alam ko na,
Ang tunay na trahedya ay hindi ang pag-iisa,
Kundi ang manatiling umiibig
Sa isang taong kayang mabuhay na wala ka.
Wick Jan 2023
Wag piliting magmahal ng iba
Pag sarili ay di pa kayang mahalin
Bigyang kahulugan ang sariling talata
Ito’y sa iba huwag hanapin
Pagkat ang malabong imahe
pag binigyan **** kulay,
sadyang malabo parin.

.
Vincent Liberato Oct 2018
Iniluluksa ko ang sarili
Nasa ilalim ng puno
Nasa ilalim ng buwan
Kahit matulog...
Kahit ipikit ang mga mata...
Kasama kita, ngunit hindi kapiling.
Chia F Lanojan Feb 2019
Kapag kayo'y makita
Wala ng lumalabas na salita
Pinipilit pigilin ang sarili
Dahil dapat supporta lang ako lagi



Alam kung dapat walang ganito
Yung nasasaktan ako
Dahil akoy kaibigan mo
At siya ang tinitibok ng Yung puso



Pero brad bakit ganito
Bakit ayaw huminto
Sasabog na ata puso ko
Sa kaseselos sa Inyo



Pero brad wag kang mag alala
Dahil susuportahan lang kita
Pero sana wag kang mang imbita
Pag dumating ang araw na ikakasal ka sa kanya



Mamahalin kita
Kahit alam kung wala ng pag-asa
Kaya matatapos man ang tulang ito
Pero hinding Hindi ang pagmamahal ko sayo
#falling in love with my best friend
#forbidden love
aiya Apr 2021
ilang taon na ang nakalipas at wala akong naisulat na kahit na ano
sa lahat ng nangyari, sa lungkot, sa ligaya,
hindi ko magawan ng kahit simple lang na tula.
parang naubusan ako, para bang naubos ako.

pilit kong sinusubukan,
ngunit napagod lamang ako.
napagod piliting may maramdamang malalim,
sa mga panahong pakiramdam ko hindi ako karapatdapat makaramdam ng kahit ano.

ngayong sa aking pagbalik, nais kong makasalubong ang dating ako.
sana sa panahong ito, mahanap ko muli ang sarili ko.
04012021 / 0438
Mga boses sa kaniyang isipan
Kailan kaya mauubusan?
ng lakas loob upang manira
hindi lamang ng sarili pati iba
pilit na pagpapakinis
upang tuluyang matanggap ng iba
kailanma'y di ka naging normal
produkto nang di kanais nais na mga ganap

kailan kaya naisipang sumuko?
at ngayo'y di na tumigil sa paghinto
at pagpatay ng bawat kasiyahang natitira sa iyong puso
ang wirdo mo

bakit di ka maging kagaya nila?
bakit di mo baguhin kung sino ka?
patayin ang sariling pagkatao para matanggap ng iba
walang pinagkaiba
nagiging kagaya ka na nila

ngayon, alam mo pa ba kung sino ka?
sa dinarami rami ng kasinungalingang iniluwa
mga pader na itinayo't ngayo'y pilit tinatago
natatakot na baka sakaling di na sila matuwa
na tumigil ang atensyong pinaghirapang makuha
matapos ay sasabihin nilang
"nag-iba ka na"
Filipino People pleaser lost nawawala people-pleasing bad habits
Yenson Jan 2023
kaya ang karaniwang tao na hindi sapat mula sa mga slums ng favelas ay binubuwis ang kanyang pea-utak upang magsulat ng walang kapararakan
habang ipinagbibili ng kanyang ina ang sarili upang makalikom ng sampung dolyar para mapakain ang kanyang pamilya ng mga batang walang ama sa kalye
oh..to be a well bred rich and respectable man
ay napakaimposible
kaya ang karaniwang tao na hindi sapat mula sa mga slums ng favelas ay binubuwis ang kanyang pea-utak upang magsulat ng walang kapararakan
ito lang ang kaya niyang gawin
ano pa ang meron sa pilay na makata mula sa HappyLand...yan ang balintuna ng ironic na makata.

— The End —