Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagguhit" poems
Bakit kasi biglaan ko pa rin naaalala ang lahat? Bakit hindi pa rin kita makalimutan? Gusto ko ng sumaya. Gusto ko na din magmahal ng iba. Pero sa tuwing gagawin ko yun, natatakot ako. Natatakot akong masaktan sila, at masaktan ulit ako. Namamanhid ako tuwing susubukan ko. Bakit ang hirap pa rin? Sana may tumulong naman sakin para lumakas lakas naman ang loob ko. Kasi hindi ko alam kung hanggang kelan ko pa kakayanin ang ganito. Ang hirap-hirap, sa totoo lang. Dinadaan ko lang lahat sa tawa, sa pagguhit, sa pagsusulat… Pero onti na lang, baka bumigay na ako. Ayoko na ng ganito…
0
Nov 4, 2015
Nov 4, 2015 at 5:40 AM UTC
Akala ko okay na ako
Ang lalim ng 'Yong pag-unawa'y Higit pa sa mga nakapilang karagatang Nagsasapawan patungong Silangan at Kanluran. Umaapaw ang 'Yong pagkalingang walang ibang nais Kundi ibuhos ang 'Yong katapatan sa aking kakulangan. At gaya nga ng mga ibong walang sawang sumisipol, Ay gayundin naman ang 'Yong pag-ibig Na hindi ko mabigyang pamagat Gaya ng mga tulang kinakatha ng puso't pag-iisip. Sa bawat bigkas ng bibig, Sa bawat tuldok na simula ng pagguhit, Sa bawat pintig ng pusong tanging Sayo ang papuri.. Ikaw at ikaw pa rin ang hihintayin, At malaya kong ihahagis ang mga kamay sa ere -- Kung saan ang langit ay panandaliang masisilayan. Maghihintay sa araw ng paghayag ng liwanag, Ang boses **** sa mga letra lamang nabibigyang-buhay Ay balang araw ding hehele't magpapatikom Sa mga armas ng kadiliman. At balang araw, masasabi ko ring, "Nagbunga ang paghihintay."
0
Jul 16, 2021
Jul 16, 2021 at 2:40 AM UTC
Silaw
Agosto at Setyembre 2015 – Ika-19 ng Agosto, Crim. Mini Intrams na pinaka-una Naging hurado si Mi sa pagguhit at pagpinta Ika-10 ng Setyembre, ika-28 kaarawan ni Jo Ipinagdiwang sa Crim., si Mi ay dumalo Ika-15, nagbukas si Jo ng unang account sa BDO Nananghalian sa Mang Inasal ang MiJo! -11/11/2015 (Dumarao) *4th MiJo poem
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 10:41 PM UTC
400. Agosto at Setyembre 2015 ng MiJo
Ang nadarama'y isusulat, Gamit ang aking plumang tanging panulat, Sa bawat pagguhit ng letra, kailanma'y hindi na magtataka pa, ang pagsabay ng luhang pumapatak, sapagkat ang puso'y may lungkot at galak. Ang tangi lamang mithiin, ay madama mo rin, ang mga tulang isusulat na sa aking puso nanggaling.
0
May 29, 2020
May 29, 2020 at 12:13 PM UTC
Aking Isusulat