Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"natataranta" poems
Simula sa unang pagupo ng puwet ko sa tagayan Nakita ko sa mga mata mo ang saya ng isang misteryosong lalaki Mga mata **** nakatitig sakin Habang sinasabi mo sakin na “baka may magalit na iba?” Ang sabi ko’y “wala” Tinuloy mo ang usapan sa salitang “okay ka lang ba?” Ang sabi ko’y “oo, basta kasama kita.” Natataranta ako tuwing ika’y mananahimik pagkatapos **** magsalita Nangangamba ako na baka may nasabi akong kakaiba na hindi ko natantsa Nagpaliwanag kang “hindi ganto lang talaga ko” Naisip ko na baka kasi lasing ka na Ang sabi mo nama’y “hindi, kaya ko pa.” Ako din.. Kaya ko pa. Kaya ko pa…. Alam mo ang hindi ko kaya? Yang mga mata **** nakatitig sa mga mata ko Na parang ayaw mo kong mawala sa tabi mo Yung mga kamay mo na naglalaro sa balikat ko Yung mga haplos mo na tila sinasabing “ikaw ang gusto ko” Hanggang sa ikinagulat ko na nagmula mismo sa bibig  mo “Gusto kita.” Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko Napatingin nalang ako sa malayo habang sinasabi sa isip kong “Tangina! Tangina! Tangina!” Napamura nalang ako kasi ngayon ko nalang ulit naramdaman 'to Natutuwa ako pero natatakot ako na baka kasi ngayon lang 'to Na baka lasing ka lang kaya yan ang nasasabi mo Natatakot akong masaktan muli kaya kasunod non ay pagpigil nalang sa hininga ko at sinabi ko sayong “okay ka lang ba?” Ang sabi mo’y “oo, kaya ko pa.” Ayoko nang ituloy ang kuwento ko tungkol sayo Wala din nga akong balak sanang sabihin to sa mga kaibigan ko Kaya nga eto, sinusulat ko nalang ang mga pangyayari gamit ang mga piling letra para lang sayo Sa dulo ng kuwentong ito, ipapahayag ko na iniwan mo nalang ako Hindi sa paraang ikakasama mo.. Kundi sa paraang ikinalulungkot ko kasi hindi na nasundan ang pagkikita nating dal'wa Ayoko  ng umasa.. Pagod na kong umasa.. Napagod nalang akong umasa.. Nasaktan na ko noon kaya inaalalayan ko lang ang sarili ko Ayokong magpadalos dalos kasi alam kong nasasaktan padin ang nobya mo noon sa paghihiwalay niyo At ako eto ngayon.. Sa sarili kong bersyon, ako yung nobya, na tila parehas ang nararamdaman namin ng nobya mo Parehas kaming nanghihingi ng atensyon sa mga mahal namin Ayokong agawin ka sakanya, kasi sabi mo nga sakin mahal ka pa niya Hindi kita kukunin sakanya Dahil alam ko ang pakiramdam ng kinukuha nalang basta-basta Para matapos lang tong salaysay ko Magiiwan ako ng mga salita na para sayo Mga salitang sana maintindihan mo at wag **** tignan bilang mababaw Gusto ko lang malaman mo 'to Dahil pagod na kong itago lahat ng to dito sa puso ko “Siguro masyadong mabilis ang mga pangyayari Dumating ka nalang bigla na tila binagyo mo ang isip ko Mga salitang binitawan mo na hindi maalis sa isipan ko Para kong tanga na mabilis masawi Nakakahiya.. Pero totoo to “Gusto rin kita” Hindi dahil sa alak o lakas lang ng loob Hindi dahil malungkot ka at gusto kitang pasayahin Yung mga titig mo Yung mga titig mo Yung mga mata **** nakatitig sa mata ko Yung mga haplos **** namimiss ko Yung mga salitang lumabas sa bibig mo Yung ikaw Yung ako Pero… Yung akala kong may “tayo” Bigla ka nalang naglaho.. Bakit? Anong problema? Kulang pa ba yung alak na laman ng tiyan mo para sabihin mo saking…… “ikaw talaga ang gusto ko.””
0
Oct 14, 2015
Oct 14, 2015 at 12:26 AM UTC
ALAK

Continue reading...
72
1:40 am, Ganitong oras mo ‘ko sinagot Ganitong oras mo pinaramdam sa’kin na mahal mo rin ako Ganitong oras ko narinig ang mga katagang mahal kita mula sa’yong mapupulang labi Kaya naman, sa ganitong oras ko din isisiwalat kung gaano kita kamahal Matagal ko na ‘tong pinaghandaan Di ko nga tansya kung ilang letra, ilang salita o ilang talata ang nasulat ko Di ko na tansya kung ilang araw ko ‘tong kinabisado para lamang maging perpekto sa harapan mo Di ko tansya kung ga’no nga ba kita kamahal, nung tinanong mo ‘ko Pero ngayon, ito na. Ala-una kwarenta ng umaga, ginising ako ng isang panaginip Panaginip na nagbigay init sa puso kong natutulog. Ito din yung oras kung kailan ako’y natataranta kasi nga may pasok na naman. Ito rin yung araw kung kalian kita unang nakita. Di ko alam kung tadhana nga ba, na napaniginipan kita bago kita nakilala Tandang-tanda ko pa… Yung mga ngiting binigay mo sa’kin nung ika’y nasa panaginip ko pa lamang Tandang-tanda ko pa… Yung mga ngiti mo Nung tinanong mo ‘ko kung kailangan ko ba ng tulong sa mga akdang-araling binigay sa’tin ng ating mga **** Tandang-tanda ko pa…. Na hirap akong makatulog kasi nga di ako makapaniwala na ang babaeng napanigipan ko’y Magiging kaklase ko Kaya naman Sinet ko na ang alarm sa 1:40 am simula nung araw na yun Araw-araw Para lamang itext ka ng goodmorning at gulat naman ako Kasi nga, nagrereply ka pa sa ganoong oras Destiny at meant for each other nga naging mantra’t mentality ko noon. Di ko nga alam kung ako ba’y nasa loob pa ng isang panaginip O ito ba’y kathang-isip na lamang Masaya ako! Hindi, Mali Sumaya ako simula noon Kaya naman ginagawa ko ang lahat ng gusto mo at pinipilit gustuhin ang mga ito Para lamang matugunan ko ‘tong pag-iisip ko na TAYO NGA’Y PARA SA ISA’T-ISA Nakakatawa kasi nga dumating yung araw na para nalang akong tangang Di ginagamit ang kokote dahil nagpakabulag na sa tinatawag nilang pag-ibig. Tangang, pinabayaan ang sarili para lamang mapasaya ka Tangang, pinaubaya ang lahat sa mga salitang “Mahal kita” Tangang, akala na ang lahat ng bagay na ginagawa mo at ginagawa ko ay Si tadhana ang may pakana Ngunit di pala, ito pala’y purong katangahan na lamang Ang akala kong nagpupuyat ka rin para lamang makareply sa text ko pagsapit ng 1:40 am Ay di pala talaga para sa’kin Ang akala kong panaginip na nagbigay init sa pusong malamig na natutulog Ay panaginip pala na sinunog ang natunaw ko nang puso dahil sa malaanghel **** boses Ang akala kong pananginip na nagbigay kulay sa buhay kong matagal nang matamlay Ay panaginip pala na sa sobrang kulay ay nagbigay kadiliman na lamang Ang akala kong perpektong panaginip Ay panaginip palang maraming butas at naging isang masakit na bangungot na lamang Mahal, sa ganitong oras mo ‘ko sinagot Sa ganitong oras mo binigkas ang mga salitang matagal ko nang inaasam-asam At sa ganitong oras mo din binigkas ang katagang “Tapos na tayo” 1:40 am Nagising ako sa isang panaginip Panaginip na purong kadiliman na lamang Panaginip kung saan ang kasiyaha’y naging purong kalungkutan na lang Mahal, sa ganitong oras ko isisiwalat ang lahat Kaya maghanda ka na, Kasi di ko tansya kung ilang salita, ilang talata o ilang araw ko tong pinaghandaan Para lamang maging perpekto sa harapan mo Di ko tansya kung gaano nga ba mo ko minahal O kung minahal mo ba talaga ako Pero ngayon, ito na…. 1:40 am Malapit nang masira ang aking tainga dahil sa pagtunog ng orasan. Ginising na ako ng katotohanang wala nang ‘TAYO’ Kaya naman ako’y Bumangon, tumayo’t binago na ang alarmang inilagay, Gising na ako, gising na gising. Masaya, masayang-masaya!! Kahit wala ng ‘TAYO’ Time Check: 1:41 am
0
Jul 7, 2016
Jul 7, 2016 at 1:32 AM UTC
1:40 am

82
Alam mo ba ang salitang pag-ibig? Natagpuan mo na ang iyong mangingibig? Handa ka na bang maging kaibig-ibig, Sa isang taong tinatangi mo't iniibig? Nang tamaan ako ng pana ni Kupido, Nabighani ako sa isang katulad mo. Bumilis ang tibok nitong abang puso ko, Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Sa tuwing ika'y pinagmamasdan, Lagi akong tulala at hindi maintindihan. Natataranta sa tuwing ika'y mapapadaan, Sa aking harapan at ako'y iyong ngingitian. Pag-ibig na nga itong aking nararamdaman. Naging magulo ang sistema sa aking katawan. Parang piyesta sa bayan kung ika'y pagkaguluhan, At nag-uumapaw na kaligayan kapag ako'y iyong kinindatan. Ang iyong mga mata'y ay parang bituin sa kalangitan. Na nagniningning at punong-puno ng kaligayahan. Ang hugis ng iyong mukha ay parang engkantada sa kagubatan. Napakaamo at mala-anghel kung ika'y aking tititigan. Nang ako'y magtapat ng aking tunay na hangarin, Naisiwalat ko ang sinisigaw nitong aking damdamin, Hindi ka nagdalawang-isip na ako'y agad na sagutin, At pinanindigan **** ako ay mahal mo rin. Mahigit dalawampu't limang taon na ang ating pagsasama. Biniyayaan tayo ng anim na anak at masusunuring mga bata. Inaruga at minamahal natin bilang mapagmahal na ama at ina, Na siyang dahilan na matagal nating buhay mag-asawa.
0
Jan 9, 2016
Jan 9, 2016 at 11:57 AM UTC
O, Pag-ibig
Ako'y natataranta, Sa tuwing nakikita ka. Ako'y nadadapa, Kapag tinititigan kita. Mainit pa sa kape, Ang pag-ibig ko sayo. Kasing layo ng Antlantika, Ang pagtangi ko. Sana'y iyong mapansin, Ang wagas kong pagtingin, Nang mabuksan mo na rin, Ang pag-ibig kong malalim pa sa bangin.
0
Apr 17, 2016
Apr 17, 2016 at 1:24 PM UTC
Sikreto
*Ngunit ako'y natataranta At ako'y nagtataka Kung bakit kinailangan Mo pang mawala Hindi na nagpahanap At 'di na bumalik Kaya habang ika'y wala sa 'king piling Ako'y magtitiis 'Di maiwasang isipin At magtanong sa sarili Kung ano ang nagawang mali Ano ba ang nangyari At habang lumilipas ang panahon Alam ko'y hindi na mababalik ang kahapon Ito na lama'y tatanggapin Kaysa maghanap pa ng bagay na hindi na muli Mapapasaakin*
0
Mar 4, 2015
Mar 4, 2015 at 9:25 AM UTC
Naglaho Na Ng Tuluyan
Kung alam mo lang Na ikaw ang dahilan Sa bawat ngiti Kung alam mo lang Ang tuwa at kulay na ibinibigay mo sa aking buhay Kung alam mo lang Kung gaano mo ako pinasaya Kung alam mo lang Kung gaano ako kasaya kapag nakikita ka Kung alam mo lang Kung gaano ako kasaya Kapag kausap at kasama ka Kung alam mo lang Na ikaw rin ang dahilan Kung bakit may mga luhang dumaloy Kung alam mo lang Kung gaano rin kalungkot ang makita kang malungkot Kung alam mo lang Kung gaano kita gustong damayan Sa bawat pagsubok na pinagdaanan mo Kung alam mo lang Kung gaano kita gustong puntahan Nang sinabi **** malungkot ka Kung alam mo lang Ang bilang ng mga gabing sinakripisyo para makausap ka Pero sasabihin ko sayo na hindi ko iyon pinagsisihan Kung alam mo lang din Kung gaano ako natataranta kapag nandiyan ka Kung alam mo lang Ang mga tanong na nais itanong sa’yo “Naiisip mo ba ako?” Kung alam mo lang Kung gaano kakulang ang tulang ito Para masabi sa iyo ang damdamin ko Pero… Gusto kong malaman mo Kung ilang beses ka iniisip at naaalala: Palagi
0
Jan 30, 2018
Jan 30, 2018 at 8:23 AM UTC
Kung Alam Mo Lang
Hindi makita, Hindi maalala, Ang tanging pag-asa, Tuluyang nawala. Hindi na alam kung saan pupunta, Hindi mapakali, natataranta, Hindi na mapigilan, Ang damdaming kinakatakutan. Sa bangin ng kawalan, Nahulog ng biglaan, Walang kasama ni kaagapay, Sa lugar ng pagkakahimlay. Ngunit bakit nga ba ako narito? Paano nga ba ako napadpad sa pook na ito? Hindi ko maalala ang bawat detalye, Basta may hinahanap akong importante. Pinipilit kong alalahanin kung ano, Ngunit baka hindi ano, baka sino, Kung sino, sino nga ba? Ang paglalaanan ko ng panahon upang makita. Ang mga katagang ito ay galing sa isang awitin, Awiting umantig sa aking damdamin, Dahil ang sagot ay "ikaw", Ikaw, ang hinahanap ng puso kong ligaw.
0
Jun 6, 2017
Jun 6, 2017 at 9:47 PM UTC
ligaw
Naiilang ako sayo Wag mo akong tingnan sa mata! Takot na takot na ang puso Sayo ba'y muling aasa? Natataranta itong isip Nais ko na munang maidlip Ngunit sa aking pag gising, Ramdam ko pa rin ang pagkalasing Sabihin mo nga! Ilang bote pa ba ng GIN?
0
Feb 20, 2019
Feb 20, 2019 at 4:47 AM UTC
RED HORSE
bughaw, tulad ng iyong sining sa bawat salita ay nanginginig, natataranta kada tumitindig isipa'y nasa alapaap tuwing awit ng giliw ay naririnig luntian, tulad ng iyong
0
Oct 13, 2016
Oct 13, 2016 at 6:04 AM UTC
Untitled