Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nangangapa" poems
Sa dami ng mga trabahong tumambak dahil hindi mo pa nagagawa Mga papeles na nagpatung-patong na Yung lamesa **** inaagiw na dahil hindi mo alam kung saan at paano magsisimula. At mga istoryang di mo pa maisulat dahil nangangapa ka pa. Isama mo na rin yung katrabaho **** nakakairita na sa tenga. Dahil crush niya daw si Justin Bieber At paborito niyang frappe sa Starbucks ay Caramel. Kahit mukhang ang afford niya lang ay Nescafe “Oo nga pala, French Vanilla” na iniinom ni Toni Gonzaga. Pero wala siyang pambili ng sarili niyang tumbler. Tangina. Idagdag mo pa ang mga patay na oras na sunod-sunod ang mga buntong-hininga Nahuli ka pa ng boss mo na nakatulala Kaya hayan at napagalitan ka pa. At dahil contractual ka, yung limang buwan na kontrata mo Biruin mo, baka mapaaga pa ang endo. Aminin mo na ang pagpatak ng alas-singko Ay may kakaibang dalang saya. Na parang sumagot na ng “oo” yung matagal mo nang nililigawan. Nakulayan na rin yung mga pinlano niyong outing na buong akala niyo’y hanggang drawing na lang. Parang pagbabalik sa Pilipinas ng kasintahan **** kumayod sa ibang bansa. Parang ibinalita sa TV na hindi traffic ngayon sa EDSA. Himala! Kaya ang pagsapit ng alas-singko ay kakambal ng paglaya. Wala sa’yo kung sa bus man ay tayuan O kaya sa dyip ay makasabit man lang. Basta makauwi ka lang. Nakakasabik pa rin ang ideya Na ang bawat pag-uwi Ay kasing banayad ng mayroong sasalubong sa’yong ngiti Mga ngiting papawi sa kangalayan ng mga binti. Mayroong yakap na nakaabang Ang mga bisig na nagmistulang pinakapaborito **** kulungan Dahil doon mo nararamdaman ang tunay na kalayaan. Mula sa pang-aalipin sa’yo ng lipunan. Nakahain na rin ang hapunan. “Mahal, ano ba ang ulam?” Sabayan natin ito ng mahabang kwentuhan. Simulan natin sa simpleng kamustahan. Dahil pagkatapos, ay aabangan mo na naman ang alas-singko kinabukasan.
0
May 20, 2016
May 20, 2016 at 11:11 AM UTC
Kung Bakit Inaabangan Niya Ang Alas-Singko

Continue reading...
39
isang musmos na lahi isang munting nasyon parang itinanim na buto itinakdang sumibol at lumago sa paglaon ng panahon nag-aabang, naghihintay puno nang sabik pero kay tagal dumating tayo ay nainip tadhana nating tagumpay kailan kaya makakamit kasi apat na raang taon hanggang ngayon lulong pa rin sa putik nangangapa, nadadapa sa dilim mga butong nanginginig sa lamig mga isla pitong libong isang daan at pito ito ang ating lupang sinilagan, tahanan ng ating lahi pero nga bahay ba ito o burol? mga pangarap na masilayan ang mga sinag ng araw at mahagkan ang malayang langit mananatili lang bang panaginip dito sa bayang natutulog o kaya namang natutulog lang kunwari tanggapin mo na lang na humikbi, humagulgol, ibuhos mo man ang iyong luha walang darating kumayod ka man at magdamag magsikap diligan mo man ang lupa ng pawis wala pa ring mangyayari kasi dugo dugo lamang na dumaloy mula sa mga palad ni Hesukristo kung ang Kanyang pag-ibig ay babaha sa lupa ng parang delubyo ito ang nag-iisang paraan ang nag-iisang sagot: dugo dugo lamang na ibinuhos ang tanging makakatubos makakaahon makakaligtas sa atin
0
Mar 22, 2015
Mar 22, 2015 at 7:46 AM UTC
dugo lamang
Kunin ang litrato sa sulok na nag-iisa Pakinggan ang himutok sa kwadradong kahoy nakapatong ng bangkay na  nangangapa pa Buuin ang palaisipan Kung may itsura ay hugutin ang kasagutan sa bugtong Tulungan mabatid ito, iwasan ang pagkalito Nababalisa ang gabi at di makatulog Munting daliri ay igalaw Ngunit nanatiling tamad ang mga braso Sa pagkabog ng dibdib Ang halinghing ay maririnig Sa kalaunan ay parang di na humihinga Kinakalawang sa silid Nakahandusay sa silyang rektanggulo Tiisin ang katahimikan Magdurusa sa kaawa-awang mga oras na di pa umaga Malayo ang araw at mga bituin ay pinagkait pa Tagpi-tagping tela ang lulan ay hinala Magbuntong-hininga ito makipag-usap Isinalaysay ang pagdaralita Nakatikom ang bibig Maghihilom din bagkus di makatawa Magmumukmok sa loob ang walang saysay na uwak Idagit ang kabuluhan Ang pakikipagsapalaran ay sakuna
0
Dec 4, 2018
Dec 4, 2018 at 4:02 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #5
Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na itapon ang litrato mo. Mga litratong hawak hawak ko gabi gabi. Ito lang ang nagbibigay sakin ng saya. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na alisin ka sa bawat panaginip. Dahil tuwing nakakasama ka sa panaginip. Ayoko nang magising. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na manghula pa. Nangangapa sa dilim, naghihintay ng sagot. Na tila hindi naman darating. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na kalimutan ang sakit. Ang sakit na dulot ng pag-alis mo, na bumasag sa puso ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na kalimutan ka. Dahil kahit na anong mangyari, Mahal na mahal padin kita.
0
Oct 16, 2015
Oct 16, 2015 at 8:52 AM UTC
Hindi Ko Kaya
Atras. Abante. Mga paang hindi makampante. 
Atras. Natakot, nahiya. Nangangapa mula sa paglaya. Iniipon ang lahat ng lakas para tuluyang iwan ang bakas ng nakaraang namaalam na sa lungkot, pait at sakit na dulot ng patuloy na pagkapit. 
 Abante. Uusad, lalayo. Uunahan ang damdamin sa pagbugso. Isang libo’t isang daang duda. Animnapu’t isang segundo ng pag-asa. Imumulat ang mga mata Nangagapa ma'y unti-unting hahakbang Patungo sa ‘di alam kung saan. 
 Urong. Sulong. Palalayain ang damdaming nakakulong.
 Urong. Nag-iisip, nagmumuni. Tinatantyang muli ang sarili kung ilalatag na ang lahat ng sandata at ibubunyag ang mga stratehiya sa laban ng buhay. Handa ka na nga ba? Natuto? Hanggang saan ka dadalhin ng takot mo?
 Sulong. Lalaban, susugod. Hindi alintana kung mapagod, manalo o matalo. Alinma’y hindi susuko. Hindi maliligaw ipikit man ang mga mata sapagka't alam na kung saan pupunta. Bawat hakbang ay kabisado Patungo sa kinaroroonan mo.
 At ako’y mananatili na... sa’yo.
0
Apr 26, 2018
Apr 26, 2018 at 10:54 PM UTC
APAT NA HAKBANG SA PANANATILI
Minsan talaga hindi ko na alam kung bakit pa ako naghihintay At kung ako naman ay lalaban para saan pa ba iaalay. Minsan hindi ko na alam kung bakit pa ako umaasa At kung titigil naman nangangapa ako ng rason para tumuloy pa. Minsan hindi ko na rin alam kung bakit pa ako humihiling At kung itatapon ko nalang hinahabol naman ako ng mga bituin. Minsan hindi ko alam kung bakit nakakaya ko pang magbigay At kung ako naman ay tatanggi hindi ko rin makita ang saysay. Minsan hindi ko na alam kung bakit pa kita minamahal At kung susubukan kong magdahilan naiisip ko pa ring sumugal. Minsan hindi ko na rin alam kung bakit hindi pa ako sumusuko At kung ihihinto na sarili ko rin lang ang aking niloloko. Minsan hindi ko na talaga alam minsan hindi ko na mahanap ang kasagutan Ngunit sana makahanap ako ng kasiguraduhan kahit minsan lang.
0
Nov 21, 2017
Nov 21, 2017 at 8:50 AM UTC
minsan
Pero paano kapag si teacher naman ang nangailangan ng tulong? Paano kapag si teacher naman ang nahirapan? Paano kapag hindi na rin maintindihan ni teacher ang mga pangyayari? Paano kapag si teacher mismo napagod na? Paano kapag ubos na ang pasensya ni teacher? Sinong iintindi sa kanya? Mauunawaan ba siya ng mga musmos na nangangapa pa lang sa buhay? Paano kung si teacher mismo naliligaw? Kaya bang sagipin ni teacher ang sarili niya? Kakayanin niya ba? Kaya niya pa ba talaga? Kaya niya ba talaga?
0
May 8, 2018
May 8, 2018 at 10:29 PM UTC
"Teacher, I need help"