Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"naglaro" poems
Tuwing balikan ko ang nangakaraang araw na nagugol noong kabataan. Wari'y nagbabalik ang diwang malumbay, na minsang dinanas niring abang buhay. Ang bawat nagdaang aking mga araw, doon sa luntiang ating paaralan gunita ay pawang dusa't kapanglawan, ang bumabalot niring balintataw. Subalit ang dusang nakapanghihina, pilit napapawi ng mumunting saya. Ang isang bituing kahali-halina'y naging hugot-lakas niring pusong aba. Hindi ko mawari noon yaring dibdib, tuwing binabaybay ang daang matinik. Anong ubod sayang naglaro sa isip, ang sinintang Musa ng aking pagibig. Simula nang ikaw ay aking mamasdan O! hangad kong tala sa sangkalangitan, hindi ko malirip at di na maparam tila nanggayumang lagi sa isipan. At magbuhat noo'y aking hinahangad; ang sangkalangita'y aking malilipad, upang mahahaplos ang talang pangarap at isang dahilan niring pagsisikap. Subalit ang hangad wari'y panaginip at tila'y malabo itong makakamit. Pagkat ako'y lupa't ikaw'y nasa langit, at kutad ang pakpak at walang pangsungkit. Ang tanging nagawa, sa layo'y pagmasdan. Puso'y inaaliw sa taglay **** kinang, at kung anong siglang sa akin nanahan, ang sanlibong dipa'y lakaring di pagal. Iyon ang gunita't aking kabataan, doon sa mahal kong ating paaralan. Kung pagsaulan ko'y pawang kapusukan, subalit tiyak kong sa puso ay bukal. Sumapit ang yugtong di ko na namasdan ang tanging bituing aking minamahal. Pagkat ay nalayo ako sa tahanan, upang susuungin ang bago kong daan. Ang pakiwari ko'y sa taong nagbago, paghanga'y aayon at ito'y maglaho. Tulad ng magapok ang buhay na bato, kung saan inukit ang puso't ngalan mo. Taon ay nagdaa't panaho'y lumipas, ngunit ang paghanga'y hindi kumukupas. Hindi ko maarok na lalong nagningas, nang muling magtagpo ang ating nilandas. Kaya ninais kong maipapahayag, ang mga damdaming sa puso'y nailimbag. Limang ikot-araw ang mga nagwakas, magpahanggang ngayo'y laging umaalab. Ikaw ang bituing aking hinahangad, isa sa nagtanglaw niring aking landas. Ang Musa sa puso't tanging nililiyag, ang umakay niring diwa na sumulat. At ngayon ay aking naipapabatid, dito sa talatang nagsalasalabid. Mula sa paghanga't tungo sa pagibig, ang hindi maihayag niring dilang umid. Papalarin kaya itong abang lingkod, at mula sa langit ikaw'y pumanaog? Diringgin mo kaya yaring tinitibok ng pusong noon pa'y sa'yo umiirog? At kung yaring akda'y sa'yo walang lasap, ipaguumanhin ang pusong sumulat. Ninanais ko lang na maipahayag, ang aking pagtangi sa'yo at paglingap. At kung kasadlakan nito'y pagkabigo, sa aking paglapit, ikaw ay lalayo. Tanging hinihiling, sa iyong pagtakbo, nawa'y di burahin ang mga yapak mo. ©Raffy Love Canoy |March 2020|
0
May 10, 2020
May 10, 2020 at 7:53 AM UTC
Gunita ng Paghanga

Continue reading...
73
Tagu - taguan, maliwanag ang buwan Pagbilang Kong Tatlo, wala na akong nararamdaman! Isa— ito na Ang huling patak ng aking mga luha At pangako di na ako muli pang magpapakita Pagkat mahal, ika'y akin nang pinapalaya Alam ko naman kasing napaglaruan lang tayo ng tadhana, Minsan kasi, naglaro si kupido ng kanyang pana At sumakto Ang araw na yun sa una nating pagkikita Tinamaan ako,tinamaan ka rin yata?— Mahal Ang alam ko lang kasi noon, mahal natin Ang isa't isa At makulay Ang mundo! Mundong binuo nating dalawa. Bihira man Ang relasyong katulad ng sa atin, Pero gagawin ko ang lahat wag ka lang mawala sa akin Marami mang problema Ang ating pinagdaanan, At sa kuwento natin marami man tayong nakalaban— Parang senaryo sa pelikula, maraming naki-eksena Pero love story natin 'to at tayo Ang mga bida Kaya't sa bandang huli,kamay mo pa rin Ang aking hawak Masaya pa tayo't sabay na humahalakhak Hanggang sa... Dalawa— Dumating siya sa buhay mo At sa isang iglap,naitsapuwera ako! Nalunod man ang puso sa selos Ngunit pilit ko iyong iginapos Pagkat relasyon nati'y gusto Ko pang maayos At wag 'tong maputol, wag 'tong matapos. Pero nakakapagod maghabol sa taong mabilis tumakbo, Nagmimistula lang akong isang mumunting aso Naghihintay kung kailan mapapansin Naghihitay kung Kailan mamahalin Kaya napilitan akong isuko ka, Napilitan akong bitiwan ka Kase una sa lahat—alam Kong sa kanya ka sasaya Siya na Ang makakapagbigay sa iyo ng ligaya Ng kilig,Ng mga ngiti at tawa— Mga Bagay na bihira ko nang mamasdan At Alam Kong sa kanya mo nalang mararamdaman Kaya Tatlo— Paalam. Salitang di ko sana gustong bitiwan Pero sadyang kinakailangan Hindi ko man gusto na ika'y iwanan Ngunit marahil,ito na Ang ating hangganan. Pagod na ako mahal sana'y maintindihan Dahil kung ipipilit ko pa'y pareho lang tayong masasaktan Mahal kita tandaan mo yan. Kaya Dito ko na tatapusin Ang ating kuwento,aking sinta Ang libro ng pag-ibig nati'y akin nang isasara Masakit man Ang ating naging pagtatapos Siguradong sa puso ng magbabasa,ito ay tatagos Tapos na akong magbilang ng numero At gaya ng ipinangako ko— Pagsapit ko ng Tatlo, Ibibigay na kita sa kanya ng buo Paalam.
0
Dec 3, 2017
Dec 3, 2017 at 9:30 AM UTC
"Laro Ng Pag-ibig"

59
Minsan na bang naglaro sa iyong isipan na sa bawat araw na nagdaraan ikaw lamang ang mayroong kakayahan na makapagpatakbo sa iyong kinabukasan? Mula sa pagmulat ng iyong mata, sa liwanag na iyong nakikita; ikaw ba'y nagtataka? Na bakit ang isang katulad mo ang nabiyayaan na makapaglakad sa mga malamig na sementadong daan? Gayong sa iyo naman ay walang kakaiba. Teka, wala nga ba talaga? Sa bawat dugo na pinahintulutang sa iyo ay dumaloy malaman mo sanang nalunasan mo ang aming panaghoy Huwag mo sanang isipin na nawawalan ka ng karamay sapagkat ako'y narito, handang iabot ang aking kamay Sa iyong mga mata, nawa'y masalamin ko pa ang kinabukasan ang ngiti sa iyong mga labi, huwag sanang lumisan sapagkat, kaibigan narito kami upang ikaw ay tulungan Sabay nating hintayin ang hinaharap, baka sakaling doon ay matapos na ang paghihirap
0
Aug 15, 2015
Aug 15, 2015 at 2:00 PM UTC
Ki·na·bu·ka·san
sa isang minsan naglaro ang tadhana, pinagtagpo ang mga mata ng dalawang uhaw sa kahulugan sa isang minsan nagsimula ang tagu-taguan, mga salitang walang kahulugang sinasambit ng mga labing mapagpanggap, sa isang minsan nagdikit ang mga labi, pilit itinago ang init na nadama ngunit mga ngiti natin ang nagsasabi sa isang minsan maipapakita natin sa lahat na nandito tayo para sa isa’t-isa at di na kailangan pang matakot sa panghuhusga sa isang minsan, kailangan nating maniwala sa pagdating ng oras at tadhana, magkasamang lalaya, sa isang minsan masasambit rin natin ang ating pagsinta, sa isang sulyap na walang takot, walang alinlangan, sa isang minsan ang minsan ay magiging walang hanggan, panghabang-buhay, kahit saan, kahit kailan, kahit anong oras sa isang minsan darating rin na magtutugma ang tadhana kaya’t makontento muna tayo sa mga nakaw na sandali, sa isang minsan magtatagpo ang ating mga mata at ngiti kahit na walang kahulugan, kahit na tayo’y nasasaktan, sa isang minsan tayo ay nagkatagpo at nagmahalan, kahit alam nating tayo ay sawi, sa pag-ibig nating tulad ng ulan sa isang minsan
0
Nov 4, 2019
Nov 4, 2019 at 7:09 PM UTC
sa isang minsan
Tinitigan kita, Mula ulo hanggang paa. Sinulyapan mo ako, Ng kakaibang pagnanasa. Dumapo ang iyong kamay, Sa aking katawa'y nananalaytay. Nang labi ko'y dumantay, Muntik ka nang mahimatay. Mapusok, umaalab, nag-aapoy. Bawat damdam'y hindi nagpaliguy-ligoy. Ninamnam ang panandaliang kuryenteng dumaloy, Hanggang sa tuluyan nang naglaro ng apoy.
0
Apr 17, 2016
Apr 17, 2016 at 1:36 PM UTC
Mapusok
Ang pagmamahal siguro'y bulag nga Nang makita kita sayo'y nahulog agad Ikaw ay may itsura Mabait at palangiti pa Ngunit sabi ng Ina'y ako ay mag-ingat Tayo'y magka-iba, hindi raw pinagtadhana Hindi ako naniwala Alam kong sayo ako'y sasaya ng lubusan Naglaro, nagtawanan Sa mga panahong kasama ka ako'y nagagalak Subalit dumating ang araw Araw na magwawakas pala ang lahat Ako'y nawasak at ikaw ang may sala Unti-unting nabasag Wala na akong magagawa Tama nga ang sinabi ng ina na hind tayo para sa isa't-isa
0
Nov 11, 2017
Nov 11, 2017 at 9:46 PM UTC
Ang Ating Kapalaran
Nung ika'y aking nakita, pakiramdam para sayo ay wala, Ngunit di nagtagal, Naglaro si kupido at tadhana. Pinana ng pana ni kupido at binaluktot ni tadhana landas nating dalawa Isang araw, nakita kita sa isang tabi, ika'y nilapitan at pinangiti, Hnaggang isang gabi, Puso'y di mapigilan, sinigaw sayo Mahal kita, aking sinta! Nung naging tayo. Walang umangal ng kung ano, Hanggang sa dumating ang araw na tayo'y pinaglayo. Hindi kinaya ang pagkukulang, kaya winakasan, sapagkat sandata ng kalawakan, oras at distansiya ating kinakalaban. Bakit kailangan ganito? Pero anu pa bang magagawa ko? Huli na lahat, para ipaglaban ko, pag-ibig na binalewala ko. Kasalanan ko, Pagdurusang dinaranas ko.
0
Dec 6, 2017
Dec 6, 2017 at 4:34 AM UTC
KASALANAN KO
kahit na gusto kita ayoko na maghintay ka sa wala, balewala. simula pa lang nung umpisa naglaro na tayong dalawa diba? pasensiya na. di ko naman sinasadya na mahulog ka sa isang tanga. akala ko ay kaya kong bigyan ka, isang bagay na ako pala’y wala. kasi di pa natin oras. masyado tayong nagmadali. ngayon pareho tayong mali. pagmamahal kong ningas kugon, pakinggan aking tugon: unahin ko muna sarili ko. gusto kita, pero mas gusto ko sarili ko.
0
Dec 14, 2019
Dec 14, 2019 at 2:36 AM UTC
pasensiya
Inulo ang bato Nabasag ang bungo Lumukso sa laot Pating humablot Sa bangin tumalon Kalansay umambon Naglaro sa apoy Napaso, tumaghoy Humawak sa kidlat Nalitson ang balat ‘Yan ang napapala Ng tulad kong tanga Dulot ng tadhana O tangi mang likha Maibalik pa kaya Katawang luray na? Diyos lang ang pag-asa Ng tangang buhay pa. -11/24/2011 (Dumarao) *sentimental
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 9:32 PM UTC
Pag-asa ng Tanga