Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagdadalamhati" poems
Tatlong bituing patungo sa Norte Sa Silangan at Kanluran Ang dugong hindi bughaw Kalayaa'y sagisag. Nagdadalamhati ang Perlas Pagkat ito'y tanyag Sa sari't saring anumalya Pawang sa pulitika't Maging sa simpleng eskinita. Tuwid na daan ang sabi ng Hari Itong kaibigan ko nga Pumaskil pa sa Facebook "Tuwid na daan patungo sa kamalian." Maulop ang daan patungo sa katuwiran May limitasyon sa bawat miyembro ng lipunan Kasapi rin tayo sa eskandalong may hithit Uhaw nga sa salapi, sirang plaka naman. Kinalakhan ko ang dungis ng bayan Nasanay na lang bagkus tuloy lang ang pangarap Sabi nila'y tatsulok ang patakaran Ang mayayama'y tataas* Mahihirap ay lulusong sa putikan Mayroong tama sa bawat nasaksihan Ngunit hindi ko maitatangging Ako'y kasapi ng masalimuot na kasaysayan Ngunit kung tanging mali Ang pupukaw sa paningin Aba't wala akong mararating. Mahirap na nga Makitid pa ang isip Mayaman na nga Hindi pa nasusuka sa kurapsyon. Batu-bato raw sa langit Bagkus ang tamaa'y sa lupa rin ang bagsak Tayo na't sumulong Pagkat ang giyera'y walang urungan. Walang nararapat na panigan Pagkat ang tama'y Hindi na dapat pinag-iisipan Kung ang prinsipyo nati'y Lalang para sa kaluwalhatian Nasisiguro ko, ito'y may magandang patutunguhan.
0
Jul 10, 2014
Jul 10, 2014 at 9:47 PM UTC
Sapat na, Sumulong Ka Kaibigan
Ang monasteryo ay pugad ng dasal ng maya Nasa tono ang plawta, umiirog na nota Ang natatanaw na inakalang bukang-liwayway  ay magandang kasintahan Harana ng kalawakan, nakakabinging bulong alulong ng multo na nanahan Sundin ang pagkabigo Sapagkat ang harmonya'y bihasa sa pagbibilanggo Ang kinikimkim na rosas ay lumulubo Ngunit nakagapos ang mga ugat Nakapanlulumo man ito'y totoo Nabubuhay ang bulaklak sa hardin na nakatago Itigil ang kahibangan ng bahaghari Pagkatapos ng pag-iyak ng kalangitan puso'y nagdadalamhati Kahit gaanong tingkad ng kulay sa himpapawid Malaking imahinasyon lamang ang makisabay sa pana ng anghel Iwaksi ang pagtitibok Ang mga konstelasyon ang patunay Guhit ng relasyon sa hangin ialay Papalayo, hindi mamamatay paulit-ulit na mabibigo Ang samyo ng damuhan ay may kaluwalhatiang hatid Sa paraiso nakasandal ang mga balikat at pighati Malayang pag-iisip, paglalakbay ng diwa Lunas sa damdaming mahapdi
0
Dec 3, 2018
Dec 3, 2018 at 8:05 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #3
Saglit lang ang ligawang nangyari. Wala ngang isang buwan nang puso ko ay nadali. Magkagayunpaman, nakaramdam ako ng sigla kahit na sandali, Pintig nitong aking puso ay hindi kailanman nagkamali. Dama ko ang bawat silakbo at mga pighating iyong hinabi, Nang magkuwento ka kahit pa umabot tayo ng hatinggabi. Tuwang tuwa ako dahil tiyan ko ay napuno yata ng tutubi, Para kang mahalimuyak na nektar na sa akin ay kumikiliti. Pagmamahal ko sa iyo ay tumindi nang tumindi, Para kang apoy na kapag sinindihan ay lumalaki, Kagandahan at talino mo ay labis kong ipinagmamalaki, Katulad mo para sa akin ay karespe-respeto, aking Binibini. Mahigit isang taon din akong iyong napapangiti, Pero bakit ngayon ang puso ko ay nagdadalamhati? Wala bang saysay ang lahat ng aking mga sinabi, Na higit kailanman ay minahal kita kahit may gatas ka pa sa labi. Kahit labis akong nagdamdam at nasaktan ay nagagawa ko pa ring ngumiti. Kahit hindi mo na ako pinapansin, pilit pa rin kitang iniintindi. Kahit ang layo ng agwat natin sa isa't isa, ikaw pa rin ang aking pinili. Kahit ramdam kong ang pagmamahal mo sa akin ay umiiksi, tiniis ko ang pighati. Kaya, ako na ang magtatapos sa pag-ibig nating hindi na puputi. Ibabaon ko na lamang sa limot ang lahat ng alaalang namutawi, Kahit madurog pa ang puso at isipan ko sa kakahikbi, Hindi na maibabalik pa ang tamis ng kahapong tayong dalawa ang humabi.
0
Aug 24, 2017
Aug 24, 2017 at 4:49 PM UTC
Tamis ng Kahapong Pag-ibig
puti, para sa malinis na intensyon para sa mukhang sigaw ay perpeksyon ako't ikaw ay hanggang sa imahinasyon walang katapusan, walang limitasyon pula, para sa mabungang alaala walang humpay na pagsasaya hindi matapos-tapos na tawa pula rin, para sa pagibig na pinalaya asul, para sa nakakubling nakaraan mga naburang tawanan naburang talaan at naburang pangalan  itim, para sa pusong nagdadalamhati para sa natamong sugat at pighati mga nawalang sabi-sabi at bati itim, para sa pag-ibig kong nahati
0
Mar 30, 2020
Mar 30, 2020 at 7:42 AM UTC
Untitled
Samo't saring emosyon Tila bulkan na gustong sumabog. Pakiwari niya'y lahat nalang ay kanyang kapintasan. Maririnig ang hibik sa may dapit sulok. Animo'y nagdadalamhati sa sariling sawi. Siya'y pinagsapantaha sa kasalanang di ginawa. Kanyang ipinagbatid nguni't tila sila'y bingi. Umagos muli ang luha sapagka't pakiramdam niya'y hindi sapat. Humiling sa itaas dahil ito'y nararapat. At siya'y hindi binigo at binigyan ng abiso, Isang salawikain na may naglalamang 'Sa mata ng Diyos'. Nagbigay man ng kaginhawaan sa kanyang kaibutoran. Datapuwa't hustisya ang siyang nararapat. Hindi madaling magpatawad nguni't hindi rin madaling makalimot. Darating man ang panahon na siya'y maghilom nguni't hiling niya'y kahit ngayon lang ay siya'y pagbigyan. Sapagka't ang sakit ay nanatiling nakaukit. Kirot na siyang nagbigay nang traumatiko. At upang maibsan ang pakiramdam nilinlang ang sarili at nagbabakasakaling halinhan ang nagbabagang deliberasyon. Maaring marami ang nakakaalam nguni't tila sila'y bingi sa katarungan. Sapagka't sila'y naaaliw sa kasinungalingan. Na siyang nagbibigay sa kanila nang kaluguran. Tanging hiling lamang, na kung sinuman ang tumalima ay hindi danasin ang kanyang pinagdadaanan. Dahil hindi madaling paratangan ng isang kasalanan na hindi naman ginawa. Bagkus, pakinggan at umunawa para sa ikabubuti ng bawat panig.
0
Jul 3, 2022
Jul 3, 2022 at 8:21 PM UTC
'SA MATA NG DIYOS'
Heto na naman ang madaling araw Walang kausap, walang natatanaw Paulit-ulit na ang aking mga sigaw, At ang luhang galing sa aking mata'y umaapaw Hindi ko alam ang aking gagawin Para sabihin ang aking mga damdamin Aking puso't isipan ba'y susundin? Kahit masalimuot pa ang nakikitang pangitain Pilit na pinapalakas ang angking kalooban Para tuparin ang maaring nakalaan Sa pag-iirog kong tagal ko nang inaasahan Na ngayo'y pilit kong gustong maintindihan Pero biglang nawasak ang puso Biglang bumilis ang tibok ng aking pulso Nang sinabi mo ang mga katagang mapanukso Ang mga salitang sinabi mo nang walang tuso "Lumayo ka" at lumayo nga akong nagdadalamhati Ngayo'y hinahatid ka sa kanyang may ngiti Kahit sobrang sakit na ang aking pighati Magpapakalayo na lamang saiyong ikabubuti
0
Mar 30, 2020
Mar 30, 2020 at 9:53 AM UTC
lumalayo
Alam kong gumagabi na Pero heto tayo at gising pa Nilalabanan ng antuking mga mata Ang pagtawag ng diwang “tulog na” Ramdam ko rin sa bawat paghikab mo Ang unan at kamang nakatutukso Hinihila ang iyong pagkatao Tila ba sinasabing “halika rito” Ngunit nananatili tayong mulat Pagka’t tulad mo ang gabi ang kaban ng aking mga pangarap Doo’y nakatitik ang aking mga ligaya na inuulit-ulit kong muling danasin sa pangarap Doo’y lagi kong iniingatan na huwag uling mabuklat Ang dahon ng aking kalungkutan Kaya ating isinasantabi Ang antuking matang nagdadalamhati Pagka’t sa kadiliman ng gabi Gising ang pusong naglilimi
0
Jan 4, 2020
Jan 4, 2020 at 8:56 AM UTC
Para sa Taong kasama kong Gising
sa paglubog ng araw ay nakatakda ang pagsikat ng buwan magniningning ang mga bituin huhuni ang may sanlibong kuliglig maririnig ang daing ng nagdadalamhati "magandang gabi, buwan." nakabibingi ang katahimikan walang tugon subalit tiyak na may nakikinig madilim ngunit siguradong may nagmamasid iihip ang malamig na amihan sa pagsambit ng mga panaghoy, bubuhos ang ulan mula sa mga mata hihiyaw sa galit at hapis ang nagtitimpi titigil ang mga kuliglig mag-iibayo ang katahimikan patuloy na lalagaslas ang ilog sa 'di kalayuan, kasabay ng rumaragasang damdamin bababa ang buwan mula sa langit mahuhulog ang mga tala ako'y mababalot ng hiwaga
0
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 8:57 PM UTC
takipsilim