Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
John AD Nov 2017
Malapit na ang aking kaarawan , Subalit puno parin nang lungkot ang aking sistema,
Ako nga ba ay nababahala sa nangyayari sa eksena , o sadyang di ko lang mapigilan ang naririnig sa aking mga tainga,
Nakarinig ako ng isang malungkot na kanta , tugmang-tugma sa tema,
Dala ang lungkot at sakit sa aking mga nadarama, titigil pa kaya ang pagiisip na patuloy lumalala , o magkukunwari nalang sa bawat araw na gusto ko nalang matapos na .

Magpapasaya parin ba ako ng maraming tao , para lang itago itong nararamdaman ko , o ilalabas ko ito kahit napakahirap at baka pagtawanan nyo pa ko.
Sa bawat ngiti ko na naipamamalas ay isang puntos o paraan para lumigaya ako kahit kaunti ,
Sa pagtahimik ko nagmamasid lang ako sa paligid , dahil takot akong magbigay opinyon , at baka ako'y paulananan ng masasakit na Salita na uukit sa aking kaluluwa hindi lang sa balat , hanggang sa tuluyan na nga akong dalhin ng aking isip ,
Kung saan ang dulo at solusyon ay kamatayan.
Mahirap sa pakiramdam yung simpleng bagay o salita para sayo , ay may kahulugan at di mo na mapigilang di magisip sa mga bagay na ito.
Christien Ramos Jun 2020
patawad
patawad kung natakot ang mga balikat ko.
kung wala silang lakas ng loob upang pasanin ang bigat ng mga kwento mo.
alam nilang mangangalay sila
at baka hindi ako patulugin sa sakit,
sa pangamba,
sa pag-aalala.
nababahala ang kanan,
ang kaliwa
silang dalawa
kaya patawad;

patawad kung inalagaan ko ang lamya
hindi mo makakapitan ang mga buto
dahil sa rupok
dahil sa walang kasiguraduhan
dahil takot sila sa pusok
hindi kongkreto ang pundasyon
at inisip kong 'wag sila ialok sa'yo.
kaya patawad;

patawad kung walang tamis ang mga pangungusap.
tinanan ka ng matatabang na salita sa kawalan
at wala silang balak na bumalik.
iniwan kang nakalutang sa ere;
nag-iisip,
nanabik
sa ginhawang mailap.
kaya patawad;

takot lang ang mga balikat na ito
na maging makasarili.
ayaw lang nilang sumandig ka sa pader
na nagdadalawang-isip.

kaya kapag dumalaw muli ang gabi
na kailangan **** ihilig ang sarili mo,
handa na sila

sumandal ka't makikinig ang mga ito.
Agust D Feb 2020
malamig na hanging sa aki'y nagdampi
kawalan ng pag-asa'y pilit tinitimpi
lumalalim na ang hating gabi
maririnig na ang pintig ng paghikbi

tila'y nakatitig sa makulimlim na tala
humihingi ng katiting na himala
pagkat ako'y nalilito't nababahala
sa isang umuukit na tanikala

sekretong nawa'y hindi maibunyag
nawa'y hindi rin sakupin ng sinag
ang lihim na unti-unting lumiliwanag
h'wag hayaang lumayag, kumakalas na bihag

sa susunod na habambuhay
sana'y mawala ang ingay
ingay na punong-puno ng lumbay
nawa'y magabayan ang paglalakbay
Mga Tulang sinulat sa Dilim
moon-kissedstar Mar 2018
Pagkakitang muli, isinuot na ang maskara-
Labing itinatago sa ngiti,
Katotohanang nakikita
Maaaring tama, maaaring mali
Walang kasiguraduhan- tulad sa hangganan ng iyong pananatili

Ngunit masisisi mo ba sila, sa pangambang kahit ako ay nababahala
Makita kang masaya, kahit sa piling ng iba-
Muli, pag-asa'y nawala
Kaya puso ko, tulog na-
Magpahinga ka muna.
an0nym0us Jan 2019
Pangyayaring di ko aakalain
Ikaw na nakahuli ng aking paningin
Anyo **** sa isip ko'y tumanim
Liwanag ang dulot sa mundo kong nababalot ng lungkot at dilim.

Oras, araw, bwan, taon ang nagdaan
Pagtingin sa iyo'y tila nananahan
Pag-ibig na nga ba ang nararandaman?
O nararapat ang puso'y mag dahan-dahan.

Simple lang ang aking hiling
Nawa, tinig ng puso ay dinggin
Panalangin ng sarili sa mga bituwin
Maging kaibigan ka, kahit di na mapa sa aking piling.

Ngunit ang isip ay nababahala
Sa puso, ito'y naghahatid ng kirot at pagkasira
Ang dating dulot ng pag-ngiti, ngayon ay pag luha
Bakit ba ang sarili sa iyo'y di nagsasawa?

O aking ****-usap sa iyo
Sana naman, ako'y pakinggan mo
Sa akin nawa ay huwag lumayo
Kahit na kakilala mo lang ako.

Isip ko'y gulong-gulo
Ulo'y di makapag-isip ng diretso
Puso'y nangangailangan ng mga payo
Tanggapin mo nawa ang pagsusumamo.
If you want the translation, just write down the comments...I'll make one soon.
Ilang beses na tayo pinagtatagpo ng tadhana
Hindi ka ba nababahala
Na baka ito na ang itinakda ni Bathala

Ang tamang panahon na naantala
Na ang dating sana at mamaya na

At ang dating ikaw at ako, noo'y mag kaiba
Bukas at ngayo'y, iisa.
June 28, 2016
5:19pm
Ikaw ba’yganado na ako’y makita?
Bawat kilos ko ba’y parating nakaabang ka?
Interesadong-interesado sa susunod kong ipapakita?
Kung gayon, ako’y sinubaybayan mo na parang pelikula!

Ikaw ba’y nababahala na ako’y magsalita?
Bawat galaw ko ba’y nag-aalinlangan ka?
Sa aking pagpapaliwanag, sarado ba ang mga tainga?
Kung gayon, ako’y minamanmanan mo pala!

-03/30/2012
(Dumarao)
*Walong Maiikling Tula ng Kahapon, Ngayon at Bukas
My Poem No. 110

— The End —