Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
ESP Nov 2014
Puro isip, walang gawa
Puro lito, walang aksyon
Puro na lang ba ganito?
Ayoko na ng ganito!

Masyadong masikip
Masyadong maraming ingay
Maraming kuda
Maraming putangina

Masakit sa ulo
Nakakarindi ang mga ingay
Nakakasawa sila
Pero nakakaadik

Magulo pero gusto ko
Ayokong wala sila dito
Gusto ko maingay sila
Siguro nababaliw na nga

Sinong matino ang gusto nito?
Wala sabi nila
Matino ako para sa akin
Kayo nga ang hindi matino

Ayoko sa inyo
Gusto ko lang dito
H'wag niyo kong kausapin
Hindi ako kasapi niyo

Malalim 'to
Malalim tayong lahat
May lalim tayong lahat
H'wag niyong hayaang mawala.
dalampasigan08 Jun 2015
Ang aking mundo ay napakasaya,

Ako’y namumuhay ng sama-sama,

Ang galak at luha ay walang pinag-iba,

Ginhawa at dusa’y tila iisa.

Sa aking mundo ay wala nang gutom,

Ang lahat ng sugat agad naghihilom,

Wala nang maaapi pagka’t ako ang hukom,

Hindi rin mamamatay ang matagal nang tikom.

Lagi kang dumaraan na parang hangin,

Ang iyong pagka-inggit ang aking napapansin,

Pagka’t ang aking mundo’y inaasam mo rin,

Ngunit ‘di mo maamin kaya’t hindi mo maangkin.

Kung ang aking mundo ay puno ng ginto,

At sayo’y basura, kasalana’t dugo,

Ngayon mo isipin at nang iyong matanto

Kung sino nga ba sa atin ang mas matino.
Hanzou Jul 2019
Ang pag-ibig ay 'di naisusukat ng mga letra
Kung magbabakasakali lamang na ito'y makita
Kahit na may malayo, at posibleng may magbago
Ang pagibig ay nandyan, at nananatiling buo.

Ano nga ba ang pagibig kung hindi ka totoo?
Totoo sa bawat salita, at binitawang mga pangako?
Pangako na inilahad, ngunit laging napapako
Napapakong pagmamahalan, kailanma'y 'di na lalago.

Kapag sinabi mo bang "mahal kita",
Ay talagang sigurado ka na?
Totoo ba talaga lahat, ang iyong nadarama?
Tagos sa puso, matino, at sayo'y may pagkakilala?

Kung minsan ang pagibig, ay seryosong usapin
Hindi sapat ang salita at dapat hayaan ang damdamin
Hindi lamang sa isang tao, kundi sa bawat isa sa atin
Dahil ang pagibig ay turo ng Maykapal, sa kalooban natin.

— The End —