Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Natandaan ko ang mga tawa **** ‘di natatapos,
At ang mga pang-aasar **** ‘di maubos.
Naiinis ako pero, “haha. Tawa na lang.”
Hindi ko naman inaasahang
May muling bubulaklak ulit sa aking puso.
Noong hinahawakan mo pa ako,
Lagot na naman ang aking damdamin.
Ikaw na ang laging nasa isipin.
Pero... May minamahal na rin ako.
Bakit ngayon may lungko’t galit ka?
Sila ba ang rason at sa susunod ay ako.
Sorry kung ako ang naging dahilan.
Hindi ko sinasadya, iiyak-iyak ka na.
Aaminin kong hindi ako sanay
‘Di ko rin man lang matanong kung,
“Huy. Okay ka lang ba?”
Halata naman sa mga mata mo
Na hindi mo na talaga kaya.
Ewan ko ba, ngiti mo lang ang hinahanap ko.
‘Di ko rin alam na iyon ang kailangan ko.
Kaibigan lang naman pero bakit iba?
Gusto kita patawanin ng patawanin...
Para tumigil ang pagwawasak ng iyong damdamin.
Kaibigan kong malakas at matapang,
Alam kong lalaki ka pero hindi mo tinago,
Ang mga damdamin **** ‘di naglalaho.
Alam ko na baka isumbong mo ako,
Sa aking lalaking iniirog.
Pero kung alam ko lang ang rason ng mga tawa mo,
Sigurado akong naibigay ko na iyon sa’yo.
Yung mga pang-aasar mo para sa’kin na ‘di mo malimot,
Nasa ulo ko, pinagtatawanan kong paikot-ikot.
Malamang ay pinagtatawanan mo rin
At sigurado akong gusto **** balikan.
Magiging baliw ako, mapatawa ka lang,
Nagugustuhan (na) kitang makasama,
Pero mas maganda pang kaibigan na lang.
Kasi pag nalaman ****, “oo. Gusto kita,”
Hala heto na naman... Aalis at iiwas ka na.
Minsan ay nakakapagod rin maghabol
Ng mga taong sa huli’y mabibigay ng hatol.
Pero ‘di tayo aabot sa ganoon.
Kalimutan mo na ang aking sinulat.
Ito ay kabilang sa pagkakamali ng kahapon.
Kahit “kuya” lang? Okay na.
Haha. Kaibigan lang? Okay na.
O lalaki kong best friend? Sapat na.
Tandaan mo na lang na narito ako lagi,
Para subukan na mapatawa ka kahit minsan.
Sapat na, hanggang kaibigan lang.
Ube Jam Nov 2015
Isang araw nang matanong kita
Mahal mo ba talaga
Isang tulad kong di naman masaya
Nakakagulat pa nga't nandyan ka
Laging nasa tabi
Na kahit umaga man o gabi
Pinapasaya ako
Mga matang inakip ang buong isipan ko
Kaakit akit na salita binitawan mo
Nang di mo napapansi'y
Madalas kitang isipin
Kaylan ma'y di nagbago
Pangakong tinago
Mga kasalanang naglalaho
Unti unting nagagago
ng tadhanang di natin mabago-bago
kaylangan bang pahirapan
bago makuha ang gusto
katulad ng simpleng pagharap sayo
marinig ang salitaang oo
o ano mang salitang pwedeng makuha
Para masagot mo ng totoo
PairedCastle Sep 2016
Wala ba talaga ako halaga sa iyo?
Kahit isang litrato ay wala sa iyong telepono?
Ganun mo ba ako hindi ka-gusto?
Ni hindi mo man lang ako kayang tignan na parang mahal mo?

Hindi kita matanong kung ano ang talagang iyong gusto
Natatakot sa maaaring isagot mo
Tinanong mo ako kung naiinip na ako
Gusto kong sumagot ng “Oo”

Ano ba ang gusto **** maging sagot ko?
Gusto mo bang ako na mismo ang kusang lumayo sa iyo?
Ano kaya ang iyong tugon kung sabihin kong may manliligaw na ako?
Ipaglaban mo kaya ako at ituring sa wakas na sa iyo?

Ayaw ko hanapin pa ang lugar ko sa puso mo?
Ano ba talaga ako sa pagkatao mo?
Nais mo ba akong manatili sa tabi mo?
Manatili hangga’t makahanap ka ng kapalit ko

Sana ay hindi ka na lang umamin
Sana ay nanatili na lang ng katulad ng nagsisimula pa ang sa atin
Nagpapakiramdaman, nagkakamabutihan
Walang aminan, nagtataguan

Ngayon ako ay nahihiya
Bakit ganun ang inasal ko sa aking pagsinta
Naging hindi totoong ako
Ninais na maging lahat na iyong gusto

Paano nga ba tayo magtatapos?
Tayo pa ba ay may simula sa pagtatapos?
Ako lamang ba ang sumisinta ng labis?
Ako lamang ba ang nag-iisip ng ganitong labis?

Sabi ng utak ko ay huwag na umasa
Huwag nang maghangad, tama na sa parusa
Kung gumagana man ang puso
Ang sabi nito ay sundin ang bugso

Maari naman natin ayusin
Sabihin mo lang sa akin ang iyong naisin
Ano ba ang gagawin upang maitama ang mali?
Ano ba ang gagawin upang maging pag-aari mo muli?

Ganito talaga ang aking pag-ibig
Laging sawi, laging nagsusumamo
Pag-ibig na hindi lagi masuklian
Hindi mahalaga sa kahit na sino man
August 14, 2016
21:00
Arelove Sep 2017
Malabo, magulo, parang guguho ang mga salita. Matanong kita, makata ka ba talaga?

Kung oo ang sagot, bakit parang limot na ng labi at ng kamay mo ang paghabi sa mga tulang minsang bumuhay sayo? Bakit parang hindi na sanay ang utak sa ingay ng patak ng ulan sa paglikha ng pyesang alam mo na ang katapusan?

Anong nangyari sayo?

Marami na silang nagtanong ng ganito. Mga lito sa kung ano na ba ang pinagsasabi ng labi ko.

Sa lahat ng nagpadala ng sulat, at sugat dahil lang hindi ko nailapat ang tamang salita, hindi naipinta ang gustong makita ng mata, patawad.

Hindi na kasi kayang patahimikin ng isip ang puso. Hindi na kayang tabigin, pagkunwariing ayos lang ito.

Sa lahat ng nagpadala ng sulat, at sugat dahil lang hindi ko nailapat ang tamang salita, hindi naipinta ang gustong makita ng mata, patawad.

Hindi na kayang itago ang malabo, magulo't matagal nang gumuhong ako.
Claudee Feb 2017
Gawan kaya ulit kitang tula
Tulad noong ikaw lang ang nasa gitna?
Noong ako'y lumulutang pa
At di pa nalalaglag.

Gawan kaya kitang tula
Parang dating bawat sulat-kamay
Isang direksyon lang ang tinatahak
Mula sa 'yo at pabalik patungo sa'yo.

Noong di kita matingnan nang tapat
Di man lang makausap nang di nanghihina
Di matanong tungkol sa mga tula
Dahil, ano ba, ikaw kasing paksa nilang lahat.
01/31/17
kahel Jan 2020
para akong nasindak
epekto na din siguro ng alak
nagsimula na din ang luha sa pagpatak
bigla ka na lamang umalis
‘di na ako nakapagisip
‘di ko na din nasagip
bumitaw ka sa kamay ko kahit mahigpit
sa sobrang bilis
matagal din tayo nagtiis
sa pait at tamis
pero sulit naman ‘di ba?

matanong ko lang,
kailan ka ba babalik?
babalik ka pa ba?

halika,
dahil kailangan ko ang iyong halik.

— The End —