Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Arelove Feb 2020
"Tick-tock tick-tock
Time is running
Shouldn't you do the same?"

"But to where? To what? To whom?"

"To the One that matters most, to Whom you matter the most."
Arelove Feb 2020
The less I think
The more I breathe

The less I feel
The more I heal

The less I mind (others)
The more I find (myself)
Arelove Feb 2020
I know it's wrong to deceive people
Whether with tears or with a smile
But I can't keep myself from doing so
So I pretty much expected that I'll end up here

Here, alone
No one to talk to
No one to deceive

Whenever I go out of this place
I'm clothed with fear
To be seen
To be known
Clothed with fear
That the life I'm living
Will be exposed
  Feb 2020 Arelove
Grand Piano
Step 1: Get out of bed
Step 2: Look in the mirror
Step 3: Practice your smile
Step 4: Eyedrops to hide the red eyes
Step 5: Conceal the dark circles
Step 6: Breathe
The curtains are almost up
Step 7: Lock down the pain
Step 8: Ignore the weight on your chest
Step 9: Silence the screams inside of your mind
Step 10: Choke down the sobs
Step 11: Ignore the stinging in your eyes
Step 12: Swallow past the tightness in your throat
You’ve put on this show a million times
Step 13: Don’t let them see
Times up. Curtains up. Camera rolling
You know how when you’re not ok but you try so hard to pretend you’re ok that it becomes a ritual
Arelove Sep 2017
Remember
It was I, do you
Remember?
It used to be I
That leans and cries
Upon your shoulder

Remember
It was we, do you
Remember?
It used to be we
Who will be for ever
Arelove Sep 2017
Nasaksihan ko kung paano nabuo, nabubog, nadurog ang pagkakaibigan nyo.

Nasaksihan ko ang bawat tawa, bawat luha na pumatak mula sa mga mata ninyong dalawa.

Nasaksihan ko kung paanong hindi nyo mahiwalayan ang isa't isa pati na ang minsang nagkunwari kayong di magkakilala.

Nasaksihan ko. Nasaksihan ko ang lahat maging ang pagkakalamat sa bagay na ingat na ingat kayo, pati na rin ata ako.

Dahil sa panahong kayo ay nabuo, nabubog, nadurog ay sumabay ang puso ko sa pagdurugo ng sa inyo.

Sa panahong halos maubusan ng hininga sa kakatawa, maniwala kayo, mas masaya ako kaysa sa inyo.

Pero sobra din ang sakit kapag kayo ay magkagalit dahil sa pagkukunwaring multo ang isa't isa o kaya'y taong di ninyo kilala hanggang sa magkapikunan kayong dalawa.

Akala ko'y iyon na ang pinakamalungkot sa lahat. Nagkamali ako. Dahil mas malalim pa sa lungkot ang lumukot sa kalooban ko nang umagang iyon. Nang makita ang ilang pahiwatig ng nalalapit na pagtatapos, ng pagwawakas ng bagay na minsang nagpalakas sa inyong dalawa.

Akala ko, tuluyan na itong masisira. Ngunit mukhang di ako pwedeng manghuhula dahil...

Nasaksihan ko ang muli nyong pagkapit, paglapit sa isa't isa kahit pa pilit kayong pinaglalayo ng hindi niyo pagkakaintindihan, ng inyong pagkakasakitan.

Nasaksihan ko kung paano nabuo, nabubog, nadurog, at muling nabuo ang pilit na pinaglalayo.
Arelove Sep 2017
Malabo, magulo, parang guguho ang mga salita. Matanong kita, makata ka ba talaga?

Kung oo ang sagot, bakit parang limot na ng labi at ng kamay mo ang paghabi sa mga tulang minsang bumuhay sayo? Bakit parang hindi na sanay ang utak sa ingay ng patak ng ulan sa paglikha ng pyesang alam mo na ang katapusan?

Anong nangyari sayo?

Marami na silang nagtanong ng ganito. Mga lito sa kung ano na ba ang pinagsasabi ng labi ko.

Sa lahat ng nagpadala ng sulat, at sugat dahil lang hindi ko nailapat ang tamang salita, hindi naipinta ang gustong makita ng mata, patawad.

Hindi na kasi kayang patahimikin ng isip ang puso. Hindi na kayang tabigin, pagkunwariing ayos lang ito.

Sa lahat ng nagpadala ng sulat, at sugat dahil lang hindi ko nailapat ang tamang salita, hindi naipinta ang gustong makita ng mata, patawad.

Hindi na kayang itago ang malabo, magulo't matagal nang gumuhong ako.
Next page