Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mapalagay" poems
Ang iyong mga mata’y lagusan ng liwayway Sa kulimlim na bagtasin ng aba kong buhay At ang iyong labi na sintingkad ng rosas Ay ang tanghali ko sa mga gabing ayaw mag wakas Ang durado **** buhok ay ang gintuang palay Sa kaparangan ng puso kong hindi mapalagay Ang ngiti mo ay binhi ng halaman sa kalangitan Na sumisibol unti-unti sa mundo kong ‘di  na nadidiligan Sa piling mo sana ang pinapangarap kong daigdig Ituturing kong alapaap ang mahimlay ka sa aking bisig Ngunit tulad din ng mga kwentong itinago ng kasaysayan Maaaring ikaw at ako, Ay kwentong ako na lang ang makaka-alam Mapaglarong tadhana ay dito ako inilagay Sa digmaang hindi ko kayang magtagumpay Sa tunggaliang ang kalaban ko’y ako Sa pag-ibig na hindi ko maipag tapat sa'yo *Palihim kitang sinusuyo Kaya’t palihim din akong nabibigo Patago akong lumalaban Kaya’t patago din akong nasasaktan* Kung iadya man ng panahon na dito ka maligaw Sa tulang habang panahon na ang laman ay laging ikaw Ito pa rin ang mga sandaling ako'y alipin mo Ito pa rin ang mga sandaling hawak mo ang aking mundo © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 29, 2018
Jul 29, 2018 at 2:12 PM UTC
Zet
Tulad ng duling, di kayang magbilang Wala na makadugtong sa pangarap Nanlimos sa kanto sadyang naulila Sa bayang sinisinta nawawala Talagang kumakapit ang mga nagawang kamalian Sa muling pagdilat ng mata ay di mapalagay Lahat ng bisala ng mga bagay ay nahahanap ng wari Sa isang kisapmata, laging nauulit Sining ng pagbabalatkayo Magpakalabis ng konting katuwaan Tinakpan ng panlabas na ekspresyon Naanod sa kasayahan At nalungkot ang nagsidatingan sa piging Ang nagtago ng tunay na damdamin Sa bandang huli, bumaybay ng mga hinaing Sapat na masilayan ang paghati ng abot-tanaw sa lagablab ng araw na unti-unting naparam at sa karagatan na nag-iwan ng pamana
0
Dec 21, 2018
Dec 21, 2018 at 6:36 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #22
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi. Maisusulat, halimbawa: “Ang gabi’y mabituin, at nanginginig, asul, ang mga tala sa dako pa roon.” Umiikot sa langit ang hangin ng gabi, umaawit. Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi. Siya’y inibig ko, at kung minsan ako’y inibig din niya. Sa mga gabing tulad nito, niyakap ko siyang mahigpit at hinagkan sa lilim ng walang-hanggang langit. Ako’y inibig niya, kung minsan siya’y inibig ko rin. Paanong hindi iibigin ang mga mata niyang malamlam? Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi. Isipin lang: Hindi ko siya kapiling. Nawala siya sa akin. Dinggin ang gabing malawak, mas malawak pagkat wala siya. At ang tula’y pumapatak sa diwa, parang hamog sa parang. Ano ngayon kung di siya mapangalagaan ng aking pag-ibig? Ang gabi’y mabituin, at siya’y hindi ko kapiling. Iyon lamang. Sa malayo, may umaawit. Sa malayo. Diwa ko’y hindi mapalagay sa kanyang pagkawala. Anyong lalapit ang paningin kong naghahanap sa kanya. Puso’y naghahanap sa kanya, at siya’y hindi kapiling. Ito ang dating gabing nagpaputi sa mga dating punongkahoy. Tayo, na nagmula sa panahong iyon, ay di na tulad ng dati. Hindi ko na siya iniibig, oo, pero inibig ko siyang lubos. Tinig ko’y humalik sa hangin para dumampi sa kanyang pandinig. Sa iba. Siya’y sa iba na. Tulad ng mga dati kong halik. Tinig, maningning na katawan. Mga matang walang-hanggan. Hindi ko na siya iniibig, oo, pero baka iniibig ko siya. Napakaikli ng pag-ibig, at napakabata ng paglimot. Pagkat sa mga gabing tulad nito’y yakap ko siyang mahigpit, diwa ko’y di mapalagay sa kanyang pagkawala. Ito marahil ang huling hapding ipadarama niya sa akin, at ito na marahil ang huling tulang iaalay ko sa kanya. “Tonight I Can Write The Saddest Lines” ni Pablo Neruda sinalin sa Filipino ni Jose Lacaba.
0
Dec 16, 2016
Dec 16, 2016 at 9:30 AM UTC
Kung 'di Man

Continue reading...
43
Nais kong simulan pagka't di ko matanto bakit nagiging tuluyan kang laman ng aking diwa at isipan. Sinubukang ibaling sa ibang bagay, ngunit bakit tila ikaw ay kumakaway na halos di ako mapalagay. Paniniwalaan kaya kung malaman mo na tila nakaguhit ang iyong ngiti, na di ko alam kung paano wariin sa aking sarili.   Sa pag-lalim nga din nitong gabi, sa apat ng sulok napapamuni muni. Wari ko'y may tawag ang damdamin at tila may napili. Hinahamon ko ang aking puso dahil pag-kakatanto ko'y may nakapunlang butil ng pag-suyo. Ipag-paumanhin ang aking panulat, dahil ang katotohana'y di ko alam ang wastong pamamaraan kung ano o paano ba ang dapat. Marapatin nga sana ng kalangitan, isinusuko sa ilalim ng sansinukob na bihagin ng buwan at mga bituin ang pag-sinta; na sa bawat pag-kutitap nila ay maipamasid ang kinang at taglay ng wagas ng aking paghanga
0
Feb 28, 2020
Feb 28, 2020 at 1:59 AM UTC
Wagas ng Aking Paghanga
BY; ELVIN ADO SIMULA PAGKAMUS-MOS PAGKAKAALAM KO AY SA LANGIT LANG MAKIKITA, PERO SA LUPA’Y PWEDE RIN PALANG MAKITA, KAYA HALINAT BASAHIN ANG AKING TULA, TUNGKOL SA ISANG ANGEL NA PINADALA NI BATHALA SA LUPA. DAPIT HAPON, NAGLALAKAD MAG-ISA SA LUGAR KUNG SAAN PURO KAHOY ANG MAKIKITA, TAHIMIK , LUNTIANG PALIGID ,MGA IBONG NAGSASAYAWAN SA SANGA NA NAKAKABIGHANI SA MGA BILOGAN KONG MATA, MGA HUNI NG IBON NAGPAPAIGTING NG TAINGA, PERPEKTONG LUGAR PARA ILABAS ANG MGA PROBLEMA. TINGIN SA KANAN ,TINGIN SA KALIWA, HANGGANG SA NAHAGIP ANG HINDI PAMILYAR NA MUKHA, NAPAKA-AMONG MUKHA NA TILA BA ISANG DIWATA, NAPAKO ANG MGA MATA MULA ULO HANGGANG PAA, KARIKTAN NA SA BUONG BUHAY NGAYON LANG NAKITA, MAGULONG ISIP AY NAPALITAN NANG KUNG ANONG SAYA, PAA’Y DI MAPIGILAN LUMAKAD MAGISA, PATUNGO SA ISANG PRINSESA NA NGAYO’Y NASA HARAP KO NA, SARILI’Y DI MAPALAGAY KUNG BAKIT IBA ANG NADARAMA, KABOG SA DIBDIB AY IBANG-IBA. NGAYON AY KAYLAPIT NA NAMING DALAWA, BIBIG AY BIGLANG NAGSALITA , AT LUMABAS ANG KATAGANG ANGHEL KABA? SIYA’Y NAPATINGIN AT NAKITA KO ANG MAPUPUNGAY NIYANG MATA. MALA ANGHEL NA TINIG NA LALONG  NAGPAANTIG NG KABA, ANO BA TONG NADARAMA PAGIBIG NABA, TILA BA SILI NA KAY BILIS MADAMA, MGA LUNGKOT AY NAPALITAN NANG  SAYA. SA UNANG PAGKAKATAON UMIBIG ANG MAKATA, PERO ISANG SAGLIT DUMILAT ANG MATA, NAPAGTANTONG LAHAT AY PANAGINIP LANG PALA, AKALA’Y  LAHAT AY TOTOO NA SA ISANG IGLAP AY NATAPOS NA.
0
Feb 14, 2020
Feb 14, 2020 at 6:16 AM UTC
" ANGHEL"
Pinilit lumaban, ngunit sadyang nahirapan, Isinuko sa tadhana,ang sitwasyong ‘di na tama, ‘Di na kailangan na itong emosyon ay mahirapan, Kaya’t itong iyong kamay na hinahawakan, ay kusa ko nang binitawan… Kusa ko nang hinayaan. Kusa ko nang pinabayaan… sa hangin kung saan man, ang kamay na ito’y ramdam ang kalayaan, Ang kaginhawaan… ang kapayapaan. Nagparaya, Nagpaubaya, Nagpalaya. Bakit tila hirap akong ito’y maunawaan? Tila hindi mapalagay itong puso’t isipan… At tunay na umasa sa kamalian… Kawalan ay tila tinakasan… Balakid ay aking kinalimutan… Naglakas loob dahil nasasaktan, Ininda ang natatanging kahinaan, At hinarap ang tatlong kalakasan. NAGPARAYA Sa tadhana ako’y nagparaya… Nagparaya na sa kanya’y maging taya, Nagparaya sa kanyang maging tanga, At nagparaya sa larong kayduga. NAGPAUBAYA Nagpaubaya nang natatanging biyaya, Nagpaubayang ang luha ay tumulo sa lupa, Nagpaubayang ang puso ay magambala, At lamunin ng takot sa muling pagkikita. NAGPALAYA Ang huli ngunit kaysakit na aking magagawa, Nang umabot sa puntong ako’y nagpalaya, Nagpalaya kahit nagmistula nang kawawa, Ang pusong nagmahal lamang… ngunit ‘di nakamit ang laya. Kaya’t sa huling pagkakataong ako’y gagawa, Nang aksyong sa salita ko ay aakma, Ay yun ay ang panahong ako ay… Nagparaya, Nagpaubaya, at Nagpalaya.
0
Oct 27, 2020
Oct 27, 2020 at 9:02 AM UTC
"NAGPARAYA,PAGPAUBAYA,NAGPALAYA" (Inspired by Moira's song "PAUBAYA")
unti-unti na lang bang masasanay? tila nalanta na at wala nang buhay ang mundo na sabay nating binuo natutuliro, nababalisa at hindi mapalagay ang dating mga usapang hindi maubos-ubos ngayon ay para na lang kandilang nauupos hindi alam kung paano, bakit at ano ang nangyari bigla na lang nagbago; wala man lang pasabi. nawalan na nga ba ng gana ang tadhana sa'tin o sadyang ito na ang huling hantungan natin? maaari bang samahan mo akong lumaban at agapan ang ating nararamdamang tinatangay na ng hangin sa kawalan? akala ko ba'y sabay pa nating pagmamasdan ang marahan na paglubog na araw ngunit bakit tila parang mauuna pa ang ating istoryang hindi pa nga nasisimulan?
0
Aug 19, 2019
Aug 19, 2019 at 11:37 AM UTC
Ang Kwento Nating Dalawa