Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makatingin" poems
I. Heto na naman ang panahon na naman ng tag-ulan. Ating ala-ala ay dahan-dahang nagsisibalikan, Sa aking mumunting isipan. Mga ala-alang na hindi na dapat pang binabalikan. II. Naalala ko pa noon ang ating unang ulan, Sa kung paano mo ako hagkan, Sapagkat pareho tayong nangingig ang katawan. Niyakap kita ng mahigpit at halos ayaw na kitang pakawalan. III. Pareho tayong tahimik ng mga gabing 'yun, Hindi tayo nag-uusap nasa iba ang atensyon. Bigla kang bumalikwas at sa akin ika'y napatingin. Ako'y panandaliang nagulat at ako'y umiba ng tingin. IV. Napukaw ang atensyon mo ng iyon ay aking gawin, Ika'y nagtanong: “Mahal, anong ba’t 'di ka makatingin?” Nagulat ako sa tanong mo, 'di ko alam ang sasabihin. Sagot ko'y: kaswal na “Wala” at ika'y niyakap ng mariin. V. Bigla akong nagising sa katotohanan, Kaya’t akin ng tinigilan ang pag-iisip ng kalungkutan. Kung itatanong n'yong nasaan na s'ya. Nandun s'ya sa langit kapiling ang Diyos Ama. VI. Oh, ulan! Kasalanan mo talaga 'to! Kaya ngayon sila'y muling tumatangis mula sa mata ko. Hayaan n'yo na ako, Ganito na talaga siguro ang epekto ng mga ulan sa buhay ko.
0
Jul 8, 2015
Jul 8, 2015 at 11:53 AM UTC
Ang Ala-ala Sa Unang Yakap Sa Ulan
Alam kong mali ito Kahit ang nasa itaas di sasang-ayon Pero ano nga bang magagawa ko? Pakiramdam ko’y lalong nahuhulog sayo. Nung una at pangalawa di ako sigurado Ngunit sa pangatlong beses? Di ko na mawari ang nadarama Pag-ibig ko sayo’y lalong lumalalim Ang hirap! mali kasi talaga to, minsan iniiwasan kitang kausapin, dumidistansya Hindi dahil sa maygalit ako Subalit yun lang ang paraan ko, Paraan na mabawasan ang pagkahulog sayo Minabuti kong di magpakita ng ilang araw’ “And it’s been weeks” Subalit, lalo lang kitang namimiss. Pag ika’y aking kaharap Hindi ko alam ang sasabihin Hindi ko alam saan ako mag uumpisa Ni hindi nga makatingin ng deretso sayo Oo! Single naman tayong pareho Ngunit sa kabila ng lahat Alam kong hindi pwedeng pilitin Alam kong hindi ka itinadhana sa akin Kung hindi lang ito mali Bakit pa kita pakakawalan? Bakit pa kita iiwasan? Bakit ko pa patatagalin? Ngunit may dahilan ang lahat May ibang plano ang Diyos Plano niya'y ikakabuti nating dalawa Kaya di ako manghihinayang! Dalangin ko sa maykapal Maibsan ang aking nadarama Pagkat tanging ito lamang ang solusyon, Sa puso kong di na dapat  umaasa sayo.
0
Apr 11, 2016
Apr 11, 2016 at 2:08 AM UTC
SIDE B
Tumingin si Kupidong hindi mapakali Sa damdamin kong nag-aalab sa iyo. Aking pagkamangha ng labis sa iyong mga Mata na hindi makatingin sa akin. Sana Magtapat ang naglalabang puwersa Ng pagmamahal at pagkainis para ang Nadarama ko sa iyo ay maibsan na. 'Di ba't nais mo na mawala ako; hindi ba't Gustong-gusto mo na akong gumuho? Ika'y torete na sa akin, alam ko 'yon. Kung Mawala ako, mawawala ka na din Dahil ako lang nagmahal sa'yo ng sobra. Handa ka na ba mawala? Tignan mo sana Akong nakaalis na sa iyong puder. Kung Ibigin mo ako ng sobra at sumubok Ka pumasok sa aking puso, makapapasok ka? Kung papipiliin ka, ako o ang sarili mo? Maging makasarili o subukang makabuo ng Tayo? Ako'y pinipilit mo pa na bumalik Sa'yo, sa'yong maliit na puder. Noon, simple Lang ang nais ko, ibigin at umibig. Ngayon, Ang pag-ibig ko'y may hangganan, ang Puso ko'y napapagod. Pakawalan mo na Ko at ang pag-ibig mo sa akin. Silent inside the room, with darkness in the Sanctuary, I sit here and try to seek you.      (to alfia) -J.J.
0
Sep 24, 2015
Sep 24, 2015 at 10:44 PM UTC
Mahal Pa Rin Kita
guni- guni lang ba? *mayroon akong sikreto nakatago sa kuwaderno nakabaon sa isang pahina doon ako naglabas ng luha basahin ang kuwento ko sa isang eksena sa may puno nakikinig sa iyong mga pangarap habang ako'y naninigarilyo di ko batid kung iyong napansin panay ang titig ko sa iyong labi palaisipan sa aking damdamin kung bakit ba ikay di makatingin sa tuwing akoy nagsasalita malayo ang isip mo sinta nakatulala sa ibang dalaga ang masdan ka'y impyerno na* ako ba talaga ay buhay pa?
0
Nov 17, 2015
Nov 17, 2015 at 10:01 AM UTC
Multo
mga uwak sa posteng nagkubli sa dilim, bitbit ay bato kung makatingin matalim, mga pula na mata'y nahalina't, pag-alis leeg sukbit ay karit. mga nasugat na balat sa paggupit ng kuko, pinupuwing ng luha ang mga mata sa bungo, kailan kaya hihinto ang mga diwatang nangisi? kailan matutulog nang managinip ay 'di gising?
0
Apr 14, 2018
Apr 14, 2018 at 3:54 PM UTC
dilat alas dos
Noong ikaw ay unang makilala, mundo ko ay nag-iba. Isip ko ay umariba, puso ko nama'y tumaba. Sa ganda **** taglay, ako ay napalupaypay. Titig ng iyong mata'y, binura ang dala-dalang lumbay. Buhay ko ay lalong sumaya nang makita kita, Pero ano itong nadarama, pag tumingin sayo'y natutulala. Hinanap ko ang dahilan at sa wakas ito'y natagpuan. Ang inaasam-asam na katotohanan ay aking nahanap. At nang ito ay nahagilap, nabigla ako't napakurap. Sa sandaling bumukas ang mata ko'y, ikaw ang nakita. At doon ko napagtanto, gusto na pala kita. Ngayo'y alam ko na kung bakit, paano ko kaya ibabatid ang nararamdaman kong labis. Buong araw nagiisip, halos mapudpod na ang ginagamit kong lapis. O sinta aaminin kong hindi ako makatingin ng direcho. Sa titig mo ba naman kapag magkausap tayo. Di ko makakaila pero nakakakilig syempre, pero  kailangang lumiko, patay malisya nalang ang palusot ko. Simpleng minamasdan ka. Bat di ako nag sasawa? Wala ka mang ginagawa. Sayo ako'y namamangha. Pero ako'y nagtataka. Ano nga ba ang meron ka. Bat sayo ko nakikita. Bagay na wala sa iba. Nabihag mo ako, gamit ng iyong mga mata, gamit ng iyong mga ngiti, gamit ng iyong maamong mukha. Nabihag mo ako. Wala akong maisip na paraan kung paano mo ito mababasa. Pero kung sakaling ako'y magbabasa sa harapan. Sinisigurado kong ikaw ang dahilan. Dahilan kung bakit nagawa ko itong tula.
0
Oct 18, 2018
Oct 18, 2018 at 9:23 AM UTC
Unang araw