Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magtaka" poems
Sa dami ng saksak na aking inabot Wag ka ng magtaka kung bakit madami akong hugot
0
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 9:51 AM UTC
Hugot
makalipas ng daang-daang araw ikaw ay nagbalik, nagtagpo muli ang mga mata, bisig, at ngiti. 'di nila mapigilang magtaka kung ano ang pasalubong dala mo sa iyong pagbisita; kung anong mga damdamin at alaala ang mahuhugot mula sa mga puso nating 'di malaman kung nagtataguan ba o naghahanapan, basta siguradong nawawala. ang surpresa mo kaya ay kaba? sabik? takot? hiya? hiwaga? hindi. pinunit ang balot at binuksan ang kahon. natagpuan ko ay wala. oo, wala lang. wala na pala tayong natira para sa isa't isa. baka tinangay na ng bagyo, ninakaw na ng iba, o 'di kaya'y naglaho lang talaga na parang bula. 'di nila mapigilang magtaka at napaisip din ako kung bakit. natagpuan ko ang sagot at ito ay wala.
0
Apr 25, 2015
Apr 25, 2015 at 7:43 AM UTC
wala (wala lang)
puro ka salita at ang mga salita mo ay puro mga dahilan kung bakit hindi mo magawa at hinding-hindi mo kaya. nakaupo ka lang diyan kaya huwag kang nang magtaka kung bakit ikaw ay napag-iwanan. alam mo naman na nandito lang naman kami, palagi. **pero bago ang lahat tulungan mo rin sana ang iyong sarili**
0
Apr 26, 2014
Apr 26, 2014 at 8:39 AM UTC
ANO BA
... makalipas ng daang-daang araw ikaw ay nagbalik, nagtagpo muli ang mga mata, bisig, at ngiti. 'di nila mapigilang magtaka kung ano ang pasalubong dala mo sa iyong pagbisita; kung anong mga damdamin at alaala ang mahuhugot mula sa mga puso nating 'di malaman kung nagtataguan ba o naghahanapan, basta siguradong nawawala. ... ang surpresa mo kaya ay kaba? sabik? takot? hiya? hiwaga? hindi. pinunit ang balot at binuksan ang kahon. natagpuan ko ay wala. oo, wala lang. wala na pala tayong natira para sa isa't isa. baka tinangay na ng bagyo, ninakaw na ng iba, o 'di kaya'y naglaho lang talaga na parang bula. ... 'di nila mapigilang magtaka at napaisip din ako kung bakit. natagpuan ko ang sagot at ito ay ... wala.
0
Jul 28, 2015
Jul 28, 2015 at 10:29 AM UTC
Wala lang
Gusto niyong matuto kami mag-isip pero sarado naman kayo sa mungkahe namin. Para sa inyo lahat ng salita na lumalabas sa aming labi ay isang uri ng paghihimagsik. Yan ba ang ehemplo na gusto niyo namin sundin? Na isara ang inyong tenga at ipilit ang inyong paraan, hangang sa punto na bantaan mo pa kami na palayasin sa inyong bahay? Yan ba ang gusto niyong ibakat sa aming pagiisip, na walang kwenta makipag-usap sa inyo dahil walang kwenta ang aming opinyon? Tapos nagtataka kayo kung bakit gustong gusto namin magsarili at talikuran ang inyong paraan ng pamumuhay? Hindi ito resulta ng katamaran o pagiging rebelde, resulta to ng inyong di-makatuwirang ugali
0
Jun 26, 2018
Jun 26, 2018 at 2:46 AM UTC
Wag kayong magtaka
Kumalabit dugo'y dumilig kasama ang nangilid na patak ng luha at sa kabila ay sa usok ng bakal nakangiti Mga Gintong ihinagis sa mga buwaya at babuyan Ngunit mga baboy at buwaya’y walang pakialam Wala na ngang pagkaalam Basta kain lang, lamon lang. Umuusok sa dami ng nakisakay Mga pekeng tagapalakpak nakakabasag na halakhak Mga nakakakita, nabubulag sa tila Pyesta ng de-kalabit Iyak di marinig sa mga manhid na nakamasid Tago, takip, tagpi itinuring na tama ang mga mali Teka, karapatan mo’y imamali panandali? at ang mga baho ng kamalia’y pilit ikukubli? Binalot ng tama kunwari at sana huwag ka nang magtaka Huwag n’yo kaming gawing tanga! Sa ngayo'y mananahimik sandali Hindi ba’t parang gulong lang ‘yan? kaya matutong maghintay sandali, madali . . .
0
Sep 7, 2017
Sep 7, 2017 at 9:46 PM UTC
MANAHIMIK SANDALI
Wag kang magtaka Kung ako ay mawala At di na muli tayong magkita Nararapat na akoy di na makasama Dahil ikay masaya Habang nadudurog ako sa tuwina Hahayaan na lang kita Basta ikaw ay may tuwa Mahal pa rin kita Yun pa rin an huling salita Namaririnig ng iyong tinga Ngunit wala kang pakialam sinta Saakin nadarama "Mahal pa rin kita"
0
Oct 26, 2017
Oct 26, 2017 at 10:22 AM UTC
MAHAL PA RIN
Ikaw ang simula at ang wakas Panahon man ay lumipas Sa iyong yakap ako’y walang takas Aking pag-ibig sa iyo ay wagas Ang ating pagmamahalan sa isa’t isa Lumiliwanag nang parang mga tala Hindi ko ninanais na ikaw ay magtaka Huwag ka nang mag-abala pa Ikaw ang kinang sa ‘king mga mata Ikaw at ako’y iisa Ikaw ang laman ng bawat pahina Ang pamagat sa aking tula Ang musika sa aking kanta Kung ang pag-ibig ko sa iyo, sinta Ay magiging isang sumpa Habangbuhay akong manunumba sa dambana Ayokong lumayo sa’yo Ikakalungkot ng puso ko Ika'y aking naging mundo Sa iyo, mahal ay ako'y natutuliro Hawakan mo lamang ang aking kamay Ikaw lamang ang aking pipiliin sa habangbuhay Ang aking minahal ng tunay Ang makamit ka ay isang tagumpay Ikaw ang aking biyaya Ang dumating nang kusa Ikaw ay mahalaga Huwag kang mag-alala Ikaw ay minamahal kong talaga Ang aking puso'y sa iyo mas sumasaya Ikaw ang aking dinalangin sa Poong Maykapal Ang hinintay ko nang kaytagal
0
Aug 29, 2023
Aug 29, 2023 at 12:00 AM UTC
6-13-22 (10-10-22)