Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lumakas" poems
Bakit kasi biglaan ko pa rin naaalala ang lahat? Bakit hindi pa rin kita makalimutan? Gusto ko ng sumaya. Gusto ko na din magmahal ng iba. Pero sa tuwing gagawin ko yun, natatakot ako. Natatakot akong masaktan sila, at masaktan ulit ako. Namamanhid ako tuwing susubukan ko. Bakit ang hirap pa rin? Sana may tumulong naman sakin para lumakas lakas naman ang loob ko. Kasi hindi ko alam kung hanggang kelan ko pa kakayanin ang ganito. Ang hirap-hirap, sa totoo lang. Dinadaan ko lang lahat sa tawa, sa pagguhit, sa pagsusulat… Pero onti na lang, baka bumigay na ako. Ayoko na ng ganito…
0
Nov 4, 2015
Nov 4, 2015 at 5:40 AM UTC
Akala ko okay na ako
Hayaan mo na hawakan kita, Sa mga oras na hindi mo na kaya, Huwag **** bibitawan ang aking kamay, Pag lumakas ang alon at hindi alam san tayo matatangay. *Hayaan **** haplusin kita,* Hahaplusin sa mga oras na masakit na, Punasan ang bawat luha; sapagka’t Ito’y makakalimutan at maghihilom din ang sugat. *Hayaan **** yakapin kita,* Kahit sa mga oras na masaya o malungkot ka, Hihigpitan at babalutin para iyong madama, Na ako’y nandito sa hirap man o ginhawa. **Hayaan **** ipakita ko ang lahat ng ito.** Para malaman mo sa lahat ng oras ako’y naririto.
0
Mar 30, 2016
Mar 30, 2016 at 8:41 AM UTC
HAYAAN
Espiritu ng Alak , Salamat sa mga pansamantalang galak, Pinawi mo ang problema sa gabing maaliwalas, Gusto ko nang iwanan ang mundo subalit salamat sa matindi **** "Tukso" Lumakas ang loob , at gusto pang ipagpatuloy ang mahina kong pulso, Ang mahina kong loob , na takot na muling masilayan ang kulay ng mundo, Dahil tapos na , tapos na ang mga Araw at Gabi naglaho na ang kulay sa mundo ko. Mga matitirang araw na kailangang ibahagi ko sa mga taong nagkulay noon ng mundo ko, At sa bandang huli darating din ang araw na maiisip nyo ko, Maiisip kung ano ang tama at mali,Mga bagay na gumugulo sa isipan nating mga tao .Teka, Bakit pa ako naririto , kung papanaw din naman sa dulo, Kumbaga nabuhay lang ako para makita nyo ang Ngiti ko hanggang sa pagpanaw ko.
0
Nov 19, 2017
Nov 19, 2017 at 11:20 AM UTC
Pansaman-G-alak
Naging masaya ako ng dumating ka sa buhay ko Parati tayong magkausap lahat sinishare mo Mabilis na nagkasundo naging close pa nga tayo Masaya ako na sa work, ikay ang unang kaibigan ko. Pero ewan ko ba sa puso kong ito Sa tagal nating magkasama parang nahulog na sayo Kasi naman si kupido pinana pa tong puso ko Tuloy naguguluhan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko Gusto ko sanag ipagtapat tinatagong lihim ko Na ako’y talaga naming nahuhulog na sa’yo Ngunit paano ko sasabihin kung may iba ka nang gusto Masira masira lang pagkakaibigan nating nabuo Sana’y dumating ang panahong lumakas ang loob ko Nang masabi ko sayo itong nararamdaman ko Hahamakin ang COI at kahit ano pa mang hadlang Pagmamahal ko sayo masabi ko lamang.
0
Oct 5, 2017
Oct 5, 2017 at 5:40 AM UTC
Pusong Nag-aalangan
Minsan naisip kong huminto Naisip ko na ring sumuko Pakiramdam ko kasi kakaiba na ako sa lahat Kaya madalas naiisip kong tumigil na sa pagsusulat Hanggang sa makatagpo ako ng ilang Makata At sa PANGATLONG PAGKAKATAON,sa kakayahan ko, Mayroong naniwala Isa yun sa mga pangyayaring labis kong ikinatuwa Pagkat kahit papano,may nagpapahalaga pa sa aking mga akda May nakakapansin pa sa natatago kong kakayahan Kaya nga mas lumakas ang taglay kong paniniwala Na isinilang ako para magsulat Kahit na pakiramdam ko kakaiba ako sa lahat Hindi ako titigil Sa pangarap kong 'to walang makakapigil Patuloy akong magsusulat hangga't kaya ko At Pagyayamanin pa ang bigay sa aking talento At sana balang araw, Matupad din yung pangarap ko Maging propesyonal na manunulat At May akda ng Isang Libro.
0
Oct 11, 2017
Oct 11, 2017 at 1:33 AM UTC
Walang Titulo
Hindi ko rin alam. Kung bakit naguguluhan, kung bakit mas gusto ang pinaghihirapan. O mas gusto lang talaga mahirapan. Bawat tinginan na hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaka alam, nakakapansin, na meron talagang namamagitan sa atin. Isang napaka weirdong koneksyon na nagdudugtong sa mga isipan, iniisip pati ang pinaka malalim at ang pinaka sulok ng imahinasyon, kuha mo ako. At agad ay nakuha rin kita, hindi ko naman alam na pati pala ang puso ko nakuha mo na. O ako lang pala ang nakakaramdam, nakakaisip, nakakapansin, na ako lang pala ang nakakakita, nakakarinig, amoy ang bango ng iyong buhok sa t'wing bebeso o yayakap o lalapit upang tumabi, makipag-usap, oh sinta. Ganda ng iyong mga mata, chinita, halos hindi na ako makita kapag napapatawa, o hindi mo naman pala talaga ako nakikita sa paraan kung paano ko gustong makita mo ako? Oh sana, habang napapatawa kita, habang lumiliit ang iyong mata ay mas lumakas ang pandinig mo, na ikaw lang sinisigaw nito. Nitong puso ko.
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 3:58 AM UTC
iyong mga mata