Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lubhang" poems
Umiibig akong matapat ang puso, sa iyo, O Sintang pithaya ng mundo. Dilag na bulaklak sa harding masamyo, sinuyo’t pinita ng laksang paru-paro. Tinataglay nila’y mararangyang pakpak, subalit ang nasa’y tanging halimuyak. Iba sa bagwis kong luksa ang nagtatak, sa mata ng iba’y isa lamang hamak. Ako’y dahop-palad, niring mundo’y aba, sa utos ng puso, ikaw’y sinasamba. O! ang saklap naman, umagos ang luha, pagkat lumilihis ang ating tadhana. At niring landas ta’y lalong pinaglayo, nang ikaw’y nabihag ng hari ng mundo. Buong taglay niya’y di tapat na puso,  tanging hangad lamang ang kagandahan mo. Sinta ko ano pa ang aking magawa, kung sa ngalan ng Diyos kayo’y tinali na? Daloy ng tadhana’y mababago pa ba’t, panaho’y balikang ikaw’y malaya pa? Bihag ka na ngayong walang kalayaan,  hawak ang mundo mo ng lilong nilalang Wari'y isang ibong ang lipad may hanggan, at ang yamang pakpak, dustang tinalian.  Paano O! Sinta yaring abang buhay? Ikaw’y tanging pintig nitong pusong malumbay. Kung ikaw ang buhay ng buhay kong taglay, Sa iyo mabigo’y sukat ng mamatay. Subalit nasa kong lumawig sa mundo, sapagkat buhay pa niring pag-ibig ko. At ikaw O! Sintang namugad sa puso, napanagimpan kong pinaghintay ako.  Sa harap ng hirap na di masawata, tanging asam ko’y lalaya ka Sinta. At itong pagtiis ay alay ko Mutya, mula sa puso kong nagdadaralita. Maghihintay ako sa pagkakahugnos, sa tanikala **** higpit na gumapos, sa kalayaan na lubhang nabusabos, at mariing dulot, galak na di lubos. Ang aking paghintay akay ng pag-asa, lawig ng pag-asa’y kambal ang pagdusa. At ang dukhang pusong batis ng dalita, tila pinagyakap ang pag-asa’t luha. O! aking minahal ako’y maghihintay, kahit walang hanggang paglubog ng araw. Magtitiis ako sa gabing mapanglaw, hanggang sa pagsilang ng bukang liwayway. Yaong sinag nito’y ganap na tatapos,  sa dilim na dulot ng dusa’t gipuspos. Sinag na tutuyo sa luhang umagos,  niring mga matang namumugtong lubos. Yaong pamimitak ng mithing umaga, araw na mabihis ng mga ligaya, ang buhay kong abang tinigmak ng luha, mula sa kandungan niring Gabing luksa. Maghihintay ako sa gitna ng dusa,  kapiling ang munting kislap ng pag-asa. Magtitiis kahit sanlibong pagluha, hanggang sa panahong muli kang lalaya. Maghihintay akong di hadlang ang pagal,  kahit ang panaho’y lalakad ng bagal. Magtitiis ako pagkat isang tunay itong pag-ibig kong sa puso’y bumukal. Maghihintay kahit dulong walang hanggan, na pagdaralita’t mga kapanglawan Kahit di tiyak kong muling sisilang, ang bukang liwayway na tanging inasam. ©Raffy Love Canoy |May 2019|
0
May 28, 2019
May 28, 2019 at 6:21 AM UTC
Bukang Liwayway na Hinihintay

Continue reading...
69
Itaas ang iyong noong aliwalas, Mutyang Kabataan, sa iyong paglakad; Ang bigay ng Diyos sa tanging liwanag Ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas. Ikaw ay bumaba, O katalinuhan, Mga puso namin ay nangaghihintay; Magsahangin ka nga't ang aming isipa'y Ilipad mo roon sa kaitaasan. Taglayin mo lahat ang kagiliw-giliw Na ang silahis ng dunong at sining; Kilos, Kabataan, at iyong lagutin, Ang gapos ng iyong diwa at damdamin. Masdan mo ang putong na nakasisilaw, Sa gitna ng dilim ay dakilang alay, Ang putong na yaon ay dakilang alay, Sa nalulugaming iyong Inang Bayan. O, ikaw na iyang may pakpak ng nais At handang lumipad sa rurok ng langit, Upang kamtan yaong matamis na himig, Doon sa Olimpo'y yamang nagsisikip. Ikaw na ang tinig ay lubhang mairog, Awit ni Pilomel na sa dusa'y gamot Lunas na mabisa sa dusa't himutok Ng kaluluwang luksa't alipin ng lungkot. Ikaw na ang diwa'y nagbibigay-buhay, Sa marmol na batong tigas ay sukdulan, At ang alaalang wagas at dalisay Sa iyo'y nagiging walang-kamatayan. At ikaw, O Diwang mahal kay Apeles, Sinuyo sa wika ni Pebong marikit, O sa isang putol na lonang makitid Nagsalin ng kulay at ganda ng langit. Hayo na ngayon dito papag-alabin mo, Ang apoy ng iyong isip at talino, Ang magandang ngala'y ihasik sa mundo, At ipagbansagan ang dangal ng tao. O dakilang araw ng tuwa at galak, Magdiwang na ngayon, sintang Pilipinas! Magpuri sa Bayang sa iyo'y lumingap, Umakay sa iyo sa magandang palad.
0
Oct 13, 2014
Oct 13, 2014 at 10:15 AM UTC
Sa Kabataan Pilipino
Kaibigan, pinakamasakit na tinawag mo sa akin, Na lubhang kumirot at tumusok sa damdamin, Isang bagay na tumuldok sa aking naisin, Isang kirot at hapdi na kay hirap alisin. Kaibigan, isang taong laging nandiyan, Hindi ka iiwan o lalayuan kailanman, Lahat ng sakit at luha mo’y maiintindihan, Hindi ka matiis kahit mapunta saanman. Kaibigan, isang mapagpanggap na kaaway, Na palagi sayo’y nakangiti’t kumakaway, Ngunit sa iyong pagtalikod hanap ay away, Iyong pagbagsak ay kanyang tagumpay.
0
Sep 25, 2015
Sep 25, 2015 at 7:40 AM UTC
TATLONG LEBEL NG KAIBIGAN.
Lubhang mapanganib ang sinumang daig ng isang dayuhan umibig sa 'di sinilangang bayan. O, anong poot at sigalot ang kanyang itinanim sa Kaluntiang nagbigay-lilim sa kanyang murang katawan, Upang silaban at yurakan ang kabanalan ng kasarinlan Ang magkapatid ng pisi ay 'di dapat magtunggali, Ngunit ang isang bayaran ay masahol pa sa kawatan Kaya ako'y nananawagan sa maringal kong Haring Bayan, O, kanyang tipunin Mga anak ng Dakilang Lahi, Handang paglingkuran ang lupang kinamulatan Pagkat ang aking lupang kinamulatan ay isang makatang manunulat, Siya ay bukal ng kaluwalhatian, Angkan ng kayumangging balat Samakatuwid, bigyang pansin ang nagngangalit na damdamin ng Sinaunang Mandirigma, Sa awit ng himagsikan dumaloy ang himig ng dangal, At sa kalupkop ng kanyang sandata lumigwak ang kagitingan magpasahanggang kamatayan, Sa ngalan ng kalayaan iamthe_avatar ©2016
0
Oct 4, 2016
Oct 4, 2016 at 5:52 PM UTC
Mga Anak ng Haring Bayan
Ikasampung lagok na at higit pa ng mainit **** ala-ala subalit malapit man wari kung aking tinitingnan sa sulok ng napadpad na isipan sa kabilang ibayo ng mga pananaw sa malayong dalampasigan ng pagkatao, hindi ko kayang abutin ang pinutol kong pusod na sa puting lampin ay ibinalot, at ibiniting tila bituin sa mga alapaap. Maghapon ko mang lakarin mula sa aking pusong pinabango ng galapong na bagong giling, na kung saa’y tiniis ang init ng kahirapan habang isinasangag ang bawat butil ng sanlibo’t sandaang ari-muhunan mula sa masuyong pinagsikapan, pinagtiyagaang alagaan - puno ng liberikang kape ng lupang sinilangan. Malayo, malayo na ang Lipa madaling lakbayin sa malawak na kalsada na dumaraan na ngayon sa kabundukan ng Malarayat na noong musmos pa’y malayo, malayo, malayo . . . tanging nakakarating lamang ay mga uwak at sabay-sabay na lumilipad na tagak sa takip-silim nama’y mga nagsasalimbayang kabag. Noo’y maliliit pa ang puno ng sintunis Ngayo’y natabunan na ng palitadang makinis Hinahanap ko ang lungga ng dagang bulilit At puno ng bitungol sa unahan ng lumang bahay na inaakyat ng mga paslit napawi na rin ang matayog na tahanan tila binura ng kapalaran at mistulang iginuhit ng chalk lamang sa pisara’y kumupas na larawan. Natabunan na ng bundok ng mga alikabok ng ala-ala, wala na tahanan, o ang lumang pisara tila nawaglit ang apat na dekada Malayo na ang lumang Lipa at katulad ng dahong alamat ng ngalan nya makating-masakit at di makakalimutan ang mga karanasan at mga aral na dala Kung wala na ang bigas na kinanda magtitiis ako sa samyo ng binlid at ipa Kung wala na ang pinipig at nilupak sa baraka kahit budbod at lumang latik ay yayamanin na Lalakbayin ko’y lubhang malayo pa Ngunit sinisinta ika’y makakaasa: Ang pinanggalingan, ang pinagmulan, lilingunin tuwina.
0
Feb 14, 2020
Feb 14, 2020 at 9:15 PM UTC
Kapeng Barako X

58
*Nang una kitang makita at makilala ‘Di ko mailahad ang aking nadarama Pinagdarasal na lagi kitang kausap Palaging sinisilayan  at hinahanap Madalas tinitignan ang iyong larawan Ika’y ‘di rin nawala sa aking isipan Sa munting panahon ng ating pagsasama ‘Di ko naiwasang mahulog at umasa Ika’y hinintay ko, hindi ako napagod Aking nadarama’y hindi bastang naglaho Kahit masakit, matagal ako nagtiis ‘Di mo hiningi ngunit ginusto kong gawin Nagkunwaring manhid ngunit ako ay hindi Paghihirap ay ‘di ko na lamang pinansin Pagkat alam ko na sa dulo, ito’y sulit Inisip ko na ika’y mapapasaakin Ito ang aking lubhang pinaniwalaan Hanggang umabot sa puntong ako’y nabulag ‘Di namalayang habang ika’y iniibig Unti-unting nawala ang aking sarili*
0
Mar 1, 2015
Mar 1, 2015 at 11:32 AM UTC
090214
Sa ngalang makahiya ay nawawari Palaging nag-iisa at nangingimi Daho'y tumitikom kapag nasasagi Kahiman sa patak ng ulan sa gabi ay tila may alerhiya't pangangati Di nababatid kung mayro'ng ipagsabi Dalawin ng hangi'y siya rin magtimpi Sinanay na pumipinid ang sarili Kaya lubhang masukal maiintindi Nakikitang walang pahayag 't lunggati Sa banayad na sanggi'y humahapdi Ang buong tangkay ay parang nababali Sinadya na labis ang sanggalang dagli Sapagkat takot na mahipo parati At sa kinabukasa'y bubuka muli Matampuhing halamang namamalagi Sa diwa'y natigalgal nang kumukubli Anong alamat 't pinanggalingang uri Bakit ang iba ay ayaw kumandili Sa lalang ng D'yos nasasaktan sa anggi Lapain man ng pantas ang mga bahagi Ay di matalos kung bakit tumutupi Ang kaganapan ng agham 'y lumalapi Sa pagkagulumihanan ng pagsuri Guwang sa bahay ng dunong nanatili Yaon taglay na mga tinik ay mumunti Madalas nagagambala't inaapi Ng mapangahas na palad at daliri Dahil sa tingi'y manunusok ang gawi Tinuring kapintasa'y ikinamuhi Kung hahawaka'y nangungulubot dali Umuurong ang awra kahit tanghali Duwag sa damdamin - puro atubili Nagbabantulot ang kilos at ugali Balasik na katangia'y itinanggi
0
Jan 31, 2020
Jan 31, 2020 at 6:24 PM UTC
Makahiyang pag-ibig
Alam mo bang minsan na kitang naging paksa? Ikaw ang laman ng tula kong may pagmamahal, Hinugot ko sa puso ko ang mga kataga Dahil para sa akin ikaw ay lubhang mahalaga. Maraming salamat sa iyong pag-ibig Para sa akin ikaw ang tala sa kalangitan Hindi man kita abot sa aking mga kamay Sa puso ko at isipan ay naririto ka lang.
0
Jul 9, 2019
Jul 9, 2019 at 1:41 AM UTC
MAHAL KONG TATAY
huli na nang malaman, ikaw pala ay bituin talagang lubhang naakit sa ningning na angkin lumipad nang napakalapit, nagningas ang bagwis naubusan ng hininga nang lumabas ng daigdig sa kawalan ng kalawakan, bumulusok nang kay bilis huli na nang malaman, ikaw pala ay bituin nakabibighani lamang sa malayong tingin
0
Dec 18, 2020
Dec 18, 2020 at 8:25 AM UTC
bituin
Yapos parin ako ng ala-ala ng isang madilim na hapon; tulala sa durungawan ng paborito nating kainan, at namamangha sa rumaragasang ulan. Lubhang napakalamig ng hangin. Katawan ko na'y giniginaw subalit ayaw pa lisanin kan'yang upuan. Na para bang may hinihintay na biglang lumitaw mula sa kawalan. Nag-babakasakali na ika'y mapadaan, huminto sa aking harapan. Mapakinggan muli mula sa bigat ng pag-patak ng ulan ang iyong tinig-- nais muling boses mo aking marinig. Ngunit sa mga sandaling ito, habang lumalakas ang buhos ng ulan, malabo na nga kitang tuluyang mahagkan; sumilong kana sa panibagong kainan, na kung saan bago mo na paboritong puntahan-- kasama mo yong kasintahan.
0
Jan 2, 2021
Jan 2, 2021 at 10:14 AM UTC
"Sisilayan nalang mula sa mga ala-ala"