Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kaylan" poems
Maraming beses nang ako'y naging alipin ng damdaming masidhi't napakahirap supilin; Mga aliw ng sandaling tila salamisim, mga sugat ng kahapong wari'y basag na salamin. Kahit anong gawi'y hindi siya maikubli, 'pag yumakap sa puso'y parang nakatali; Pumiglas-piglas ka ma'y wala ring magagawa, Pagka't puso'y gapos na sa pag-ibig na dala. Ang taglay na karikta'y sadyang mapang-akit, Ikaw ma'y nakapikit larawan niya'y nakaukit; At mistula iisa ang 'yong mundo't sinisinta, Kaya't bulag sa biyaya 'pag nawala na siya. Oh, linlang na pag-ibig bakit ba mandaraya? Ang mahina kong puso'y hindi na pinalaya; Sa ligaw **** pangako ng pag-ibig na totoo, Kaylan ba matatanto ang wagas na pagsuyo?
0
Jun 15, 2015
Jun 15, 2015 at 12:33 AM UTC
ALIPIN
Isang araw nang matanong kita Mahal mo ba talaga Isang tulad kong di naman masaya Nakakagulat pa nga't nandyan ka Laging nasa tabi Na kahit umaga man o gabi Pinapasaya ako Mga matang inakip ang buong isipan ko Kaakit akit na salita binitawan mo Nang di mo napapansi'y Madalas kitang isipin Kaylan ma'y di nagbago Pangakong tinago Mga kasalanang naglalaho Unti unting nagagago ng tadhanang di natin mabago-bago kaylangan bang pahirapan bago makuha ang gusto katulad ng simpleng pagharap sayo marinig ang salitaang oo o ano mang salitang pwedeng makuha Para masagot mo ng totoo
0
Nov 23, 2015
Nov 23, 2015 at 3:41 AM UTC
Totoong kaylangang malaman
Maikli lng ito, hindi mahaba kagaya ng pasenya ko. Tamang tama lang kagaya ng pagmamahal ko sayo. Parang kape lang yung tipong kahit malamig na, wala na yung init, gusto mo paring tikman dahil gusto mo siya, masarap, matamis kahit malamig. Kaylan kaya babalik yung init na nararamdaman ko habang hinawakan ko ang iyong mga kamay? Hindi marahil sa estado ng puso ko, malalim ang determinasyon kong maghintay. Saludo ako sa katatagan kong kahit sa saya at pighati hindi ko man lang nasubukang ibigay ang puso ko sa iba. Sapagkat alam kong kahit hirap na hirap kana, alam ko na darating ang araw na tayo ay malulumbay at hahanapin ang bawat isa. Subalit habang ang oras ay dumadaan, ako'y nag-iipon ng tapang sa katawan. Iniisip na niyayakap mo ako at binulungan, hindi paaasahin gaya ng ginawa mo saakin noong nakaraan. Ngunit ano pa nga ba ang aking magaggawa, kung sa una pa lamang ng ating pagkikita ako ay nagmamahal ng isang tala. Kung pwede lang sanang bigyan moko ng isang pagkakataong baguhin ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa nakaraan. Ang mga pagkakamaling nananatiling nakaukit sa puso't isipan, ako'y nagdadasal na sana sa isang sandali tuluyan ko itong makalimutan. Hindi ko lubusang maisip ang sakit na dinaranas mo sa mga oras na iyon, sa mga tangang desisyon na iniwan kita para magbago ang intensyon. Intensyong akala ko ika'y nagkagusto saakin dahil ako'y naghahabol sayo, sadyang takot lang akong baka sa isang saglit ika'y biglang maglaho. Ilang beses na akong nagbuntong hininga upang mailabas ang lungkot na aking nadarama sapagkat dati ako yung pinakawalan, ikaw ang nahirapan. Tapos sa kasalukuyan, kabaliktaran ang aking nararamdaman, ako yung nasasaktan, kahit ikaw yung aking iniwan. Gusto kong lumapit sayo ngunit sa tuwing gagawin ko ramdam ko ang 'yong paglayo. Ano pa nga ba ang aking magagawa? Kung ayaw mo na saakin di na kita pipilitin. Isa lang naman akong taong mahina, ginawa para ika'y mahalin.
0
Aug 31, 2017
Aug 31, 2017 at 8:22 AM UTC
❝Katangahan❞

Continue reading...
1
Aking sinta noong tayo ay nagsisimula Ako sayo'y hindi tiwala Sa dami ba naman ng sakit na naranasan Mahirap na ulit na ika'y basta pagkatiwalaan Ngunit mahal pinatunayan mo Na ikaw ay karapat dapat sa pagmamahal na ito Kaylan man ay di pagsisisihan Na pag ibig ko sayo'y nilaan Tanggap ko bawat pagkukulang mo Tanggap ko bawat sakit na dinala at madadala mo Tanggap ko ang bawat mali sayo Dalhin dyan ka nagiging perpekto Kung san man tayo magtungo Hiling ko lamang na hanggang sa dulo Sayong bisig pa rin uuwi Kahit na ano man ang mangyari
0
Apr 5, 2020
Apr 5, 2020 at 5:31 AM UTC
walang pagsisisi
"ikaw lang at ako, yan ang pangakong binitawan mo, ikaw lang at ako pangako hanggang dulo ikaw lang at ako pangako yan mahal ko. " hindi ko na maalala kung kaylan at paano nagumpisa pero ang sakit at sugat sa puso ay sariwa pa. minahal kita ng totoo at sobra sobra maski nga para sa sarili ko ay hindi na ako nagtira naaalala mo pa ba noong tinanong kita miss pwede ba kitang mahalin? nagbiro ka pa nga "pwede, wag mo lang angkinin" ilang buwan din kitang sinuyo at pinaglaanan ng pansin at sa wakas aking sinseridad ay iyong binigyang pansin ilang buwan din ang lumipas biglang nagiba ang pagtingin ako ba ang nagkulang o sadyang may iba ka na giliw? at akin ngang nalaman buhat sa isang kaibigan ako pala'y walang karapatan sapagkat hindi ako ang orihinal mahirap man pero kailangang tanggapin eto ang kinahinatnan na bigay ng kapalaran ang tanging tanong ko lang bakit ganun naman tao lang ako nagmahal ngunit nasaktan akala koy tunay pagmamahal **** pinakita yun pala'y isang huwad at nakamaskara ang iyong pagibig na ipinupunla sana'y inamin na ng mas maaga upang hindi na umasa pa na may isang taong darating upang aking makapiling
0
Feb 15, 2018
Feb 15, 2018 at 10:14 AM UTC
IKAW LANG AT AKO
PANAHON AY NAGBABAGO SABAY SA PAG-IKOT NG MUNDO KATULAD NG DAMDAMIN MO AT NG PAG-UUGALI KO KUNG DATI-RATI AY TAYO NGUNIT NGAYO’Y MAGKALAYO SINO NGA BA ANG NAGBAGO AT SAAN NA BA PATUNGO ANG BAWAT PINTIG NG PUSO PATULOY NA GUMUGUHO PAALAM NA BALATKAYO AT SA ISIP NA TULIRO KAYLAN MA’Y DI KA NILOKO HANGGAN SA WAKAS NG KWENTO
0
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 9:39 PM UTC
SONETO # 22
Bakit siya,hindi ako Kaibigan mo at kaibigan ko Mahal ka ,minahal ko Oo nga pala Kaibigan lang ako Masaya ako kung masaya siya Masaya siya kung kasama ka Naging masaya kayo Ng iniwan niyo ako ng may distansiya Sinubukan kong maging masaya Kahit hindi niyo ako kasama Unting unting nagdurusa Umiiyak mag isa Nag lalakad ng nag lalakad Bawat hakbang pinag mamasdan Hangang saan hangang kaylan Ang pag mamahal na dapat saakin lamang
0
Nov 30, 2018
Nov 30, 2018 at 2:05 PM UTC
Pag ibig nga ba?
SANA AY MAY ISANG ARAW NA IKA’Y AKING MATANAW AT SA IYO’Y ISISIGAW ANG LALIM NA SUMASAKLAW NG DAMDAMING NATUTUNAW AT PUSONG DI NADADALAW NA ANG PAG-IBIG KO’Y IKAW HANGGANG SA AKO’Y PUMANAW KUNG AKO MAN AY NAWALAY AT SA HANGIN AY SUMABAY PATUNGONG KABILANG BUHAY AKO’Y HINDI MALULUMBAY SA LAMIG AKO’Y AAKBAY AT SA DILIM AY HIHIMLAY ALAALA ANG SYANG GABAY SA AKING BIGONG TAGUMPAY MALI MAN ANG NAGING LANDAS NG PAG-IBIG NA TUMAKAS SA BUHAY KONG NAKALIPAS NAWALA MAN ANG AKING LAKAS AT ANG KULAY AY KUMUPAS NGUNIT ANG DAMDAMING WAGAS KAYLAN MA’Y DI MAGWAWAKAS KAHAPON, NGAYON AT BUKAS
0
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 9:46 PM UTC
PAG-IBIG
ANG ALAALA AY NABUBUO KUNG SAAN PUMUPINTIG ANG PUSO MGA LARAWAN ANG PUMUPUNO SA KAHAPON NA NGAYO’Y NAGLAHO SA PANAGINIP AY NAGTATAGPO ANG PAG-IBIG NA SUMISILAKBO PUNO NG MADAMDAMING PAGSUYO AT WALANG KATAPUSANG PANGAKO ANG PANGARAP AY ITINATAYO NANG PAG-IBIG NA WALANG SIPHAYO SA PAGMAMAHALAN BUONG BUO KAILAN MAN ITO’Y DI GUGUHO KUNG SA PAGGISING AY MAGLALAHO SA ALAALA NAMAN BUO KAHIT KAYLAN AY DI ISUSUKO SA ALAALA NG PUSONG BIGO
0
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 9:38 PM UTC
SA ALAALA NG PUSO