Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Apr 2020
Aking sinta noong tayo ay nagsisimula
Ako sayo'y hindi tiwala
Sa dami ba naman ng sakit na naranasan
Mahirap na ulit na ika'y basta pagkatiwalaan

Ngunit mahal pinatunayan mo
Na ikaw ay karapat dapat sa pagmamahal na ito
Kaylan man ay di pagsisisihan
Na pag ibig ko sayo'y nilaan

Tanggap ko bawat pagkukulang mo
Tanggap ko bawat sakit na dinala at madadala mo
Tanggap ko ang bawat mali sayo
Dalhin dyan ka nagiging perpekto

Kung san man tayo magtungo
Hiling ko lamang na hanggang sa dulo
Sayong bisig pa rin uuwi
Kahit na ano man ang mangyari
no regrets
Paula Martina
Written by
Paula Martina
693
 
Please log in to view and add comments on poems