Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kakahanap" poems
Hindi ko mahanap ang tamang mga salita upang maipahayag sa iyo ang nais kong sabihin. Ngunit tila panahon na upang ilabas ko ang lahat ng hinanakit, ang mga pasakit na dinanas ko habang nasa piling mo. Noong mga panahong akin ka pa, noong mga araw na magkasama pa tayo, at noong mga sandaling may “tayo” pang umiiral. Hindi ko inasahang magbabago ka, na magsasawa ka, na iiwan mo ako, at ipagpapalit sa kanya. Pero ang hindi ko maunawaan, bakit mo nasabing ayaw mo na? Pagod ka lang ba talaga, o napagod ka na sa atin, sa sitwasyon, sa pagtatago, sa mga muntikan na tayong mabuking, o sa mga araw na may nakakita sa atin? Sino ba talaga ang nagbago— ako, ikaw, o baka tayo pareho? Bakit tila nawalan ka na ng gana? Ang mga salita mo’y naging malamig, ang mga yakap mo’y unti-unting naglaho, at ang dati **** liwanag sa mga mata’y nawala. Sa gitna ng lahat ng ito, ako’y patuloy na lumalaban, habang ikaw, unti-unting bumitaw. Paano mo nagawang balewalain ang lahat ng pinagsamahan natin? Paano mo natapos ang ugnayang binuo natin nang magkasama? Ngayon, nauunawaan ko na kung bakit mo ako iniwan: nakuha mo na ang gusto mo— sirain ako, iwan ako, pagkatapos mo akong pakinabangan. Noong araw na hinatid mo ako hanggang sa dulo ng kalsada, lumingon ako, nagbabakasakaling lilingon ka rin, tatakbo papunta sa akin, yayakapin ako, susuyuin ako na huwag kang iwan. Pero hindi na pala. Pinili **** lumayo, at sa wakas, pinili ko ring huwag nang bumalik pa. Nararamdaman ko na lang ang mga hawak mo— tila paalam na, ang mga yakap **** nanlalamig, ang mga titig **** umiiwas, hanggang sa tuluyan kang nawala. Ang mga pangako mong “mahal kita,” “ikaw lang,” at “hindi kita iiwan”— lahat pala’y kasinungalingan. Noong akin ka pa, pinanghawakan ko ang mga salitang iyon, pero ngayon, ang “ikaw at ako” ay naging bulong na lamang sa hangin, tinatangay ng nakaraan. Kung iisa tayo, bakit mo nagawang pagkaisahan ang damdamin ko? Saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali? At bakit mo ako iniwang ganito? Oo, bigla kang nawala, at nagmukha akong tanga kakahanap sa iyo. Hanggang sa makita kita, nasa piling na pala ng iba. Sobrang saya mo sa kanya, ibang-iba sa tuwing ikaw ay kasama ko noon. Pinilit kong lumayo, kahit alam kong mahirap. Pinalaya kita, kahit hindi ko kaya. Ginawa ko ito para sa kapayapaan nating dalawa. Hindi na kita hahabulin. Tanggap ko na— matagal na tayong wala. Ibabaon ko sa limot ang lahat ng sakit, ang lahat ng alaala, at ang lahat ng naging tayo. Paalam, nagmamahal pa rin, Mahal.
0
Sep 16, 2020
Sep 16, 2020 at 9:27 AM UTC
Nagmamahal, Mahal.

Continue reading...
106
nilalamig, nanginginig, nanghihina, at humahangos, sa siksikan na lugar, pinipilit kong umusad at makaraos. ang sakit ng puso’y nagpaparamdam sa paos niyang sigaw ng “tigil!” sa mga matang hindi alam ang ginagawa pero ayaw magpapigil. naghahanap ng sagot, nangungulila sa gustong pagmulan nito, ang mga paa’y hinahatak palayo sa direksyon mo. paurong-sulong ang isip na tanging laman ay ikaw, nagmamakaawang nakaluhod, pilit nang nag-aayaw. nananakit na ang leeg kakahanap sa kanyang noo’y sandalan, naiiyak na inaalala ang nagtapos kamakailan lang. ngayo’y naglalakad mag-isa sa gitna ng maiingay na tao, dahil sa manhid, wala nang pakialam kahit natutulak at nabubunggo. bagsak ang mga balikat, ang mga tuhod ay sumusuko, paubos man ay lumalaban ang mahinang bulong ng puso. umaasa na sa konting sakit at hintay pa, baka ako pa rin— na sa aking paghahanap ay makita ka at ang iyong mga matang naghahanap din sa akin.
0
Feb 19, 2025
Feb 19, 2025 at 8:39 PM UTC
paghahanap sa gitna ng lahat
hindi ko alam saan magsisimula saan pupulutin ang mga naiwang piraso ng pagkatao ko naliligaw, nalilito, parang lalagyang walang laman lumulutang at walang patutunguhan sasakyang walang destinasyon ibong naiwan ng mga kasama nito nasaan na nga ba ako? ba't naliligaw pa rin sa mundong 'to? kakahanap ko sa sarili ko, bakit di ko pa rin matumbok kung nasaan ako
0
Dec 4, 2022
Dec 4, 2022 at 10:18 PM UTC
09-06-'22
Ikaw pala yan, yung taong palangiti at palaging masaya. Ikaw pala yan, yung taong kalungkutan ay halos hindi makita. Pero tila ba nagbago na yung taong nakasanayan nila. Saan napunta yung ngiting kayang makapagpasaya ng iba? Yung dating masigla at makulay, ngayo'y napapalibutan ng kadiliman. Tuwing babalikan ang kahapon, masasabing isa kang liwanag na walang hangganan. Ngunit anong nangyari at parang pagod na pagod ka? Hindi na nga ba maibabalik yung dating sobrang saya? Iyong mga mata ay napagod na, kakahanap sa kalutasan para sa iyong mga katanungan. Ang iyong boses ay halos mapaos na,  kakasagot sa mga katanungan na "ayos ka lang ba". Sa bawat gabi na ika'y nag-iisa, hindi mo man sabihin alam ko'y meron kang pangamba. Takot na baka bukas ikaw nalang mag-isa, o takot na baka sumuko ka nalang bigla. Hindi man tayo sobrang magkakilala, pero gusto ko lang sabihin na sana marunong ka din magpahinga. Walang masama kung ika'y magpapabida, pero huwag kalimutan na ikaw ay mas mahalaga. Bilang isang paalala, mga katagang ito'y aking iiwanan na. Ikaw na nagpapanggap, kamusta ka na?
0
Mar 27, 2020
Mar 27, 2020 at 2:33 AM UTC
Kamusta ka na?
Nilalamig at nangangatog. Naghihintay na tila ba maaga pa. Alas dos na ng umaga, Pero ito ako, Nagbabakasaling darating ka pa. Sabik na makita ang labi **** binabalot ng ngiti, At mga mata **** animo'y bituin sa kalawakan. Inagahan pumunta sa tagpuan upang mapaghandaan, Nakapagdasal na rin ako na Sana damit ko'y iyong magustuhan. Isang oras ang lumipas, Gahol na gahol pa akong kumaripas Makabili lang ng mapupulang rosas Na ikakalat sa lamesang aking hahainan. Handa na rin ang bulaklak na ipinasadya sa murang halaga. Nasinghot ko na nga lahat ng amoy, Pero mahal, wala ka pa. Naalala ko pa nga kung paanong Nabigyan ko ng problema si mama Kakahanap ng magandang tela Na ilalatag ko para maupuan nating dalawa. Ito na nga, handa na. Nahiga, naupo, tumihaya. Lahat na ata ng posisyon nagawa ko na, Kaya mahal, nasan ka na ba? Lumamig na rin ang niluto kong putahe. Nawalan na rin ng lasa ang tinimpla kong inumin kakalagay ng yelo Para mapanatili ang lamig niya. Handa na rin ang musika. Handa nang umindak ang parehong kaliwa kong paa. Nananabik nang maisayaw ka sa unang pagkakataon, Sa loob ng pagsasama natin ng mahabang panahon. Tila'y nagsasabi na rin na paparating ka na Ang mga ilaw na aking palamuting hinanda, Sa bawat pikit nila'y pag-asa kong Yapak mo ay papalapit na. Nilalamig at nangangatog. Naghihintay na tila ba maaga pa. Alas dos na ng umaga, Pero ito ako, Kakabasa lang ng mga text nilang, "Wala na sya." Nakatanga. Nakatulala. Hawak ang bulaklak na ipinasadya. Bumuhos ang mga luhang nawalan ng pagasang, Darating ka pa..
0
Feb 28, 2019
Feb 28, 2019 at 10:26 AM UTC
"Bakit"

51
Tumigil na ‘kong suyurin ang bawat sulok para tuntunin ang para sa’kin. Huminto na ‘ko sa kakahanap, kakatanong, at kakatingin. Ayoko nang pilitin ang ayaw pang magpakita, ang ayaw pang sumilong sa lilim — ang ayaw pang dumating. Natuto na ‘kong maghintay. Marunong na ‘kong pumirmi sa isang lugar at ibilad ang sarili sa ibang bagay. Alam ko na kung paanong ang pag-iisa ay maaari kong gamitin para kilalanin pa ang buhay. Na nagbabago pa rin ang kulay ng langit sa maghapon kahit wala akong kasama, o kasabay. Umiikot pa rin ang mundo. Hindi ito humihinto dahil lang mag-isa ako. Kaya’t tumigil na ‘kong suyurin ang bawat sulok para lang hanapin ka. Ayoko nang pilitin ang mga bagay o tao kung hindi pa ito handa. Basta. Bahala na — Hihintayin na lang kita, hanggang sa dumating ang panahong p’wede na.
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:27 PM UTC
Untitled