Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Ayin Azores Aug 2018
Ilang taon akong nabulag sa paniniwalang kailangan mo munang makaranas ng sakit bago mo makamit ang tunay na ligaya.
Na ang bawat luha ay may katumbas na galak, na ang bawat gabi ng pighati ay may pangako ng isang masayang umaga.

Ilang taon akong nakipagsapalaran sa pagibig na mapagpanggap. Kaliwa't kanang kabitan, walang katapusang kasinungalingan.
Pagibig na sa harap ng madla ay puno ng kilig at lambing. Ngunit sa ilalim ng mga yakap at mga halik ay ang mga pasa at sugat na dulot ng masasakit na salitang sing talim ng bagong hasang lanseta.

Ilang taon akong nasanay sa kalungkutan, walang kadaladala. Sugod ng sugod sa labang alam ko namang sa bandang dulo ay ako ang uuwing talunan. Pilit akong kumapit sa mga maling tao. O tamang tao sa maling pagkakataon. O sa akala ko'y tamang tao pero hindi naman ako gusto. Sakit no?

Ilang taon akong sumugal sa mga relasyong walang kasiguraduhan, sa pagibig na "pwede na", kahit alam ko sa sarili kong walang patutunguhan. Minsan nga kahit wala nang kakabit na emosyon basta lang may pantawid sa tawag ng laman pinapatos ko ng walang pagaalinlangan.

Ilang taon akong pansamantalang nakisilong sa iba’t ibang tahanan. Na sa una’y buong puso ang pagtanggap ngunit sa bandang dulo ay walang habas din akong pinagtabuyan palabas.

Ilang taon? Hindi ko na mabilang. Hindi ko na mabilang kung ilang taon akong nagtapang tapangan na suungin ang mga tila panibago na namang disgrasyang maaari kong kaharapin sa proseso ng paghahanap ng tunay na ligaya. Isang pagibig na may pangako ng walang hanggan.

Hanggang sa... napagod na ako. Sa wakas, napagod na ako. Napagod na akong kwestyunin ang kalawakan sa kung bakit palagi na lang akong pumapalya sa pagibig. Napagod na akong magtiwala. Natakot na akong magtiwala. Natakot na akong buksang muli ang puso ko sa susunod na estrangherong magsasabing “hindi kita sasaktan, peksman mamatay man”

At Unti unti kong napagtanto na sa ilan taon kong paghahanap ay ako, ako ang nawala.

At nahanap mo ako.

Ikaw ang naging sagot sa bawat tandang panong na ibinato ko sa kalawakan sa loob ng maraming taon. Tinuldukan mo ang lumbay at ipinamukha sa akin na hindi ko kailangang masaktan para makamtan ang tunay na ligaya. Na kailanma'y hindi ako dapat lumuha dahil sa hinagpis. Hindi ka nangakong hindi mo ako sasaktan, ngunit ipinadama mo sa akin ang  ang masarap **** pagaalaga. Pagaalagang hindi kailangan malaman ng iba para mapatunayan na bukal sa loob ang hangarin. Binigyan mo ako ng dahilan para muling magtiwala.

... Ng lakas na sayo ay kumapit at ipadama sayo ang init at gigil ng pagibig na ni minsan ay hindi ko naipadama sa sinoman. Binigyan mo ako ng pagasa... ng dahilan para muling maging matapang.


At ngayon, sa unang pagkakataon.
Buong tapang kong ipagsisigawan sa buong mundo na palangga ta ka. Na handa na ako sa pagsisimula ng isang bagong paglalakbay kasama mo mahal ko. At oo, oo ang naging sagot ko.
Random Guy Oct 2019
bawat tadhana ng isang tao ay kakabit ng isa
kahit pa
ilang taong hindi nagusap
ay babalik pa rin sa kung anong trato sa isa't isa
kaya ngayong nagparamdam ka
ay mas naguluhan ako kaysa noong unang umalis ka
Random Guy Oct 2019
bawat tadhana ng isang tao ay kakabit ng isa
parang natutulog na magkasintahang nagpapalitan ng hininga
kaya nung maghiwalay tayo
ay mas nawalan ako ng tulog sa pagbabakasakaling babalik ka pa
Random Guy Oct 2019
bawat tadhana ng isang tao ay kakabit ng isa
parang tali na may buhol
kaya nung maghiwalay tayo
ay mas humigpit ang paniniwala ko
na sa akin ka pa rin sa huli
Random Guy Oct 2019
bawat tadhana ng isang tao ay kakabit ng isa
parang tela na tinapal sa butas na isa pa
kaya nung maghiwalay tayo
ay mas nasira at nasisira pa lalo ako
Random Guy Oct 2019
ganon siguro talaga
maaring may malimutan kang mga pangyayari
ngunit hindi ang maliliit na detalye

kulay ng bimpo
amoy ng pabango
kung paanong ang kamay mo'y pumulupot sa kamay ko
tulo ng luha mo
takot sa mata mo
mga ngiting minahal ko
boses mo
at matatamis na mga yakap mo

na bumubuo ng isang malaking pangyayari sa buhay ko
ngayon
na kada pikit
may sakit
bawat sambit ng pangalan mo
ay may kakabit na pagkasawi

dahil ang mga maliliit na detalyeng ito
ay nakatago sa isipan
naka ukit sa puso
dumadaloy sa dugo
at hindi kailanman maalis
kahit pa gaano ka liit ang mga detalye
kahel Sep 2021
sumusulat sa’yo simula nang ‘yong pagdating

sumusulat sa’yo hanggang sa ‘yong paglisan

sumusulat sa’yo sa pagitan ng lupa’t kalangitan

sumusulat sa’yo  kakabit na ng ‘yong pag-ibig; ang tinta sa aking mumunting libro ng mga pangako.

‘balik ka na’—sigaw ng bawat letra.
hanggang mapaos
hanggang malaos
hanggang maubos
susulatan ka, oh aking minahal nang lubos~

— The End —