Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Patawad.
Sa mga salitang sinabi ko,
mga salitang di sadyang lumabas sa bibig ko
mga salitang hindi sigurado ng puso ko

sinabi kong magiging malakas ako,
sinabi kong ayos na ko,
pero hindi ako ganun kalakas
di ako ganun ka ayos
at nalaman ko,
nalaman ko na,
hindi pala naghihilom ang sugat ko

Pero kung merong ibang nagpapasaya sayo
nagpupuno ng pagkukulang ko,
Sino ako?
Sino ako para humarang sa kasiyahan mo.
Hindi ako hahadlang sayo.
Alam kong kabaliwan ito,
sana pagkatiwalaan mo
kung ito ang dapat
akoy maglalaho.

Kung tama na ang nararamdaman,
gawin mo ang yong gusto
Dahil hindi ko isisi sayo
na ang pinili mo ay hindi ako

Mahal masakit pa
Pero kung meron ng ibang nagpapasaya
pinupunan nag pagkukulang ko ng iba
Sino ako ? Sino ako para humadlang sayo diba ?
Kung ito man ang aking nadarama,
hindi mo na ito problema
dahil kung meron ng ibang nagpapasaya
Hindi ako papagitna.

Kung may pagkakataong may magtanong
kung sino ka.
sasagutin ko.
Dating Kakilala.
Jose Remillan Sep 2013
Hindi ang dalawang katawang lupa ang
Nagniniig, nagsasanib ngayong gabi. Tangay ng
Daluyong na pumapaindayog sa bawat
Paghagod, pagkumpas sa ritmo at ritwal

Ng pagsamba sa dambana ng laman,
Katas at dahas ng magdamag, sabay
Tayong lumalaya sa hangganan ng
Pag-ibig ng mortal nating katawan.

Hindi ang pag-ungol o ang malalim
Na pagbaon ng mga kuko sa talim
Ng bawat lihim ng silid na ito ang
Hahadlang sa atin patungo sa wagas na

Pag-ibig. Pakatandaan mo, lilipas ang
Alindog at handog na kagandahan ng
Katawang lupang kusang bumabalik,
Humahalik sa paanan ni Kamatayan,

Ngunit hindi kailanman ang wagas
Na katotohanang sa gabing ito, hindi
Ang dalawang katawang lupa ang
Nagniniig, nagsasanib, kundi tayo,

Bilang mga kaluluwa.
Bacoor City, Philippines
August 2013
inggo Feb 2016
Nais kong lumakad sa tabi ng dagat kasama ka
Babakas ang ating mga paa sa puting buhangin
Maaring masaktan ka dahil sa mga batong nakakalat
Huwag ka mag alala dahil sasabayan kita sa bawat sakit
Kahit gaano pa kahaba ang ating lalakarin
Kapag pagod ka na ay handa kitang pasanin
Dahil hindi tayo susuko sa mga hahadlang
Maging bagyo man ito o gutom at uhaw
Wala sa ating ang maiiwan
Sabay natin panunuorin ang pag sikat ng araw
cosmos Jan 2016
Pero
Isang salitang
Pag iyong marinig,
Dapat nang paghandaan
Ang sakit na papalapit

"Maganda naman pero..."
"Mabait ka naman pero..."
"Mahal kita pero..."

Isang hudyat
Ng dapat pang ayusin
Ng kasayangan ng panahon
Ng pagkukulang

Isang hadlang
Sa satispaksyon
Sa pagkakaibigan
Sa iyo at sa akin

"Mahal kita pero may iba na"
"Mahal kita pero hindi ko na kaya"
"Mahal kita pero hindi na tama"

Madaming pero
Madaming dahilan
Di mo lang maamin
Ayaw mo na talaga

Sana sa susunod
Sabihin mo naman

"May iba na pero mahal kita"
"Hindi ko na kaya pero mahal kita"
"Hindi na tama pero mahal kita"

Na tila ba
Nagsasabing
"Ano man ang humadlang, humahadlang, at hahadlang,
Mahal kita,
At iyon lang,
Sapat na,
Para sa ating dalawa"
Malaki pala ang nagagawa ng sentence arrangement, 'no? hehe
Pusang Tahimik Feb 2019
Ang araw ay pumapatak na parang orasan
Mga sandali'y hahantong sa ganap katapusan
Halina't sulitin bakit hindi mo pa simulan?
Dahil ako'y darating na kakatok sa iyong pintuan

Teka sandali hanggang dito ka na lang
Pasya ko sa lalaking tiyak na kulang-kulang
Akala niya ay wala nang hahadlang
Sa mga sandali ng kanyang pagsasayang

Ako'y bisitang kumakatok ng hindi inaasahan
Sana'y handa ka at walang pinagsisisihan
Sapagkat ako' y bingi sa mga kahilingan
At ang aking pasya ay siyang makapangyarihan

Sa karit ko nagdaraan ang mabuti at hangal
Ako'y di nabibili nang iyong mga pagpapagal
Ngunit ang kalaban ko ay syang mararangal
Sapagkat di ko maaari ang kanilang mga dangal

JGA
Kenn Feb 2020
Isang babae ang kilala ko,
Napapagod pero hindi sumusuko.

Mga problema na nasa kaniyang puso
Matatag, matapang hanggang dulo.

Bawat araw niya ay hindi madali,
Kaya’t andito ako palagi.

Mga ala - ala kung saan sinulat ko ang

“Simula’t hanggat sa huli”

Na ang lahat ng ito ay simula pa lamang,
At ang pag - ibig ko sayo ay walang hahadlang.
Notes of K
Eugene Aug 2017
Bakit mo pipigilan ang oportunidad sa iyong harapan?
Bakit mo hahayang mawala ang pagkakataong para sa iyo ay nakalaan?
Ito na ba ang sandaling iyong pinakaasam-asam?
Ito na ba ang hudyat ng hinihintay **** kapalaran?

Iiwanan mo na ba ang dati **** nakasanayan?
Lilingunin mo pa ba ang mga kahapong nagdaan?
Babalikan mo pa ba ang mga bagay na iyong nakagisnan?
O haharapin ang hamon ng bawat bukas sa iyong kasalukuyan?


May pumipigil pa ba sa iyong dapat marating?
May hahadlang pa ba sa iyong nais na abutin?
May pag-asa bang magtagumpay ka sa iyong mithiin?
May suliranin bang dapat mo pang susuungin?

Kailan mo dapat gawing handa ang iyong sarili?
Kailan mo dapat ibigay ang sagot **** oo o hindi?
Kailan mo dapat sabihing handa ka ng pumili?
Kailan mo dapat simulang talento mo ay maibahagi?

— The End —