Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bibilhin" poems
Sabi nga ni sir, wag mo na pisil pisilin Lalo na kung hindi mo din bibilhin Kasi mahirap na kung ito'y iyong sisirain At kung wala ka ding balak na mahalin English: Title: Heart for sale "Just like sir said, don't pinch it anymore Specially if you're not even planning on buying it Because it's gonna be hard if you'll end up breaking it And if you don't even plan on loving it"
0
Sep 22, 2015
Sep 22, 2015 at 7:42 AM UTC
Pusong ipinagbebenta
Nung linggo, napadaan ako sa nbs nakita ko kasi sa facebook yung libro ni Juan Miguel sabi ko, bukas bibilhin ko to. para pag pumunta ulit ako sayo, may babasahin ako pag hinihintay kita nung lunes, binili ko. tanda ko pa kung gaano ko pinipigilan yung sarili ko na ilipat sa susunod na pahina nung sinimulan ko isip-isip ko kasi, baka sa martes o sa miyerkules pa tayo magkita baka maubusan ako ng tula di naman kasi tayo yung klase na nag-uusap sa labas ng kwarto mas mahaba pa nga ata ang tulang ito kaysa sa palitan natin ng mga salita pag hindi tayo nakahiga sa kama dumaan ang martes, miyerkules, baka may ginagawa lang huwebes kinausap kita ang sabi mo “May tao dito, pagod na din ako. Sa susunod nalang” mahal, tumango lang ako. Wala namang tayo. Ano bang karapatan ko sayo? nung biyernes, sinubukan ko ulit tinanong kita kung may ginagawa ka ba sabi mo “wala pero matutulog na ko” sinagot mo ko habang nakatayo ka sa kabilang kalsada, di mo ko nakita pero nandun ako. Nung isang linggo, mahal mo ako. Alam ko na mahal mo na ko nun. Tinanong mo ko kung mahal na kita, ngumiti nalang ako. mahal. mahal, mahal na kita. minahal kita nung unang pagsikat ng araw na nagising ako sa yakap mo minahal kita sa unang paglapat ng labi. mahal, sa tuwing natutulog ka ibinubulong ko sa labi mo na mahal na kita. mahal, dati nung ako pa ang kasama mo matulog binubulong ko sa labi mo na mahal kita.
0
Sep 17, 2016
Sep 17, 2016 at 11:25 PM UTC
ang naiwan
Sa pagkagat ng dilim Ibinulong ko sa iyo ang nililihim Patagong ipinaaalam sayo Dahil gustuhin ko man isigaw kahit malayo Hindi ako pwedeng magpadalos dalos Dahil kagay nga ng sinabi ni Rommel Pamaos Ang pusong ito na akin Mahirap na kung ito lamang ay iyong pisil pislin Lalo na't di mo naman bibilhin At wala kang balak mahalin Kaya hanggang dito na lamang Ang puso kong nagaabang Naibunyag ko na naman na sayo Mula man sa malayo Ang mga sikretong itinatago Ng aking mumunting puso
0
Feb 18, 2017
Feb 18, 2017 at 9:32 AM UTC
Nakatago~
"MA, NASA'N Y'ONG MASK?". nagmamadali na 'kong lumabas. may bibilhin lang kasi ako sa 7-11. ba't pa kailangan ng mask? pati y'ong ano- ano'ng tawag doon? AH quarantine pass. bago pa lumabas ng bahay, nasermonan ang atat na mokong. kapiranggot na mga salita ang nag-udyok upang hindi na hawakan pa ang pinto. "mag-ingat ka sa sakit pero mas mag-ingat ka sa mga sundalo na nakatanod sa checkpoint palabas." isang taon na ang nakalipas. 'di na natapos ang pandemya. para pagsabihan ako sa edad kong 'to, tanggap ko na. hindi na 'ko takot sa sakit. ang hindi katanggap-tanggap ay ang maharas at makulong sa kawalang katarungan. kung amoy kalawang ang dugo at 'di sila takot mabahiran, kalawangin sana yaong mga kamay na bakal
0
May 29, 2020
May 29, 2020 at 11:05 AM UTC
quarantine pass