Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nightkeeper Oct 2018
Mahal ko,
Pangarap kong makita muli
Ang matamis **** ngiti,
Sa kabila ng kahapon.

Mahal ko,
Tayo’y gumawa ng paraan
para atin nang kalimutan
Ang pait ng nakaraan.

mahal ko,
tara na’t umuwi;
Ako ang gagabay sa’yo
Sa gabing umuulan,
Patungo sa ating tahanan.
Yours truly, BokxDoc.
darkangel Oct 2018
unan ang naging kaibigan sa tuwing ako'y luhaan
unan ang naging sandalan sa panahong ika'y nagpaalam
gabi-gabing umiiyak, kahit ano-ano ang sumasagip sa isipan
salamat at palagi mo akong dinadamayan sa oras ng kawalan
Xian Obrero Mar 2020
Bakit ganito ang aking nararamdaman?
Tila sa puso ko ay may napakalaking puwang
Hindi ko maipaliwanag, ni hindi rin kayang matiyak,
Bakit ang mga luha ko'y patuloy sa pagpatak?

Hindi nakilala, hindi rin nakasama
ngunit bakit sa'yo ay labis na nangungulila?
Sa bawat paglingon mapa-kanan o kaliwa,
Bakit nasa isip kita? Bakit ka nasa alaala?

Sa bawat umagang idinidilat ko ang aking mga mata,
nararamdaman ko para sa'yo ay sadyang lumalala.
Madalas gusto kong isipin na sa tamang katinua'y nawawala,
Sino ka nga ba? Bakit hindi na lang tayo pagtagpuin ng tadhana?

Bakit kinakailangang maghirap ako ng ganito?
Ako ba ay sumisinta? Hindi ko mapagtanto!
Kapag mukha mo'y naiisip, iba ang pagtibok ng aking puso.
Nakilala na nga ba kita? Ano nga ba talaga tayo?
Wynter Oct 2018
Mga salitang walang kahihinatnan
Bakit pa ba ako nagsusulat?
Puso'y ulila at walang tahanan,
Puno ng tulang walang pamagat.
Wynter Oct 2018
Nagsulat ako ng tula
Kahit ako'y hindi makata.
Nagustuhan mo naman kaya
Ang paulit ulit na mga salita.
Nagnanais lang ng kasiyahan
Sa mundong puro kapighatian.
Nagbabakasakali
Na iyong mapili.
Posted late
Wynter Oct 2018
Nakikinig sa himig ng ulan
Habang ginawa ang ika-isang daan.
Ganito ba talaga ang magmahal
O ako lang 'tong hangal?
Pinilit ibalik ang bagay na wala na
Dahil akala ko pwede pa.
Sana'y madinig nang langit
Ng tuluyang mawala ang sakit.
Posted Day 1 to Day 99 at my Tumblr. Now I will post Day 100 onwards here.
AUGUST Oct 2018
Mahal kong Margaret,

Patawad

(Higit pa sa Sampong beses ko na tong nagawa
Hanggang ngayon di pa maunawa
Ang tulad mo sa akin na nag mahal ng kusa
Nasaktan ko ng di sinasadya)

Alam kong sawa ka na sa paulit ulit na nang yayari,
Away bati sa  mga bagay na kahit na simple.
Walang ibang Iniisip kundi ang puro pansarili,
Nagseselos ako bawat sinong makatabi.

Marahil pagod ka na, at gusto mo nang umayaw.
Ngunit sana ikaw ay magbalik tanaw
Humihingi ng tawad, hiling na magbalik ang dating ako at ikaw
Maging ako man ang inakalang papawi ng luha sya pa ang unang bumitaw

Tanggapin ang alay kong tsokolate at rosas na pula
Tikman ang tamis nito, tulad ng pagsisikap kong laging pasobra
May taglay na bango ang bulaklak, binabalik ang alaala
Ng lumipas, Kalakip ang tula galing sa puso, inukit sa pluma, indinaan  ko sa letra.

Pakinggan mo sana ang mga daing kong nawalan nang tinig
Masdan ng mga mata **** nakapinid,ayaw nang tumititig
Muli nating painitin ang samahang unti unti nang lumalamig
Bigyang pagkakataong buhayin ang pusong di na pumipintig

Alam mo namang lahat ay aking gagawin,
Ano mang kaparusahan ay handa ko nang akoin,
Sa panong paraan ba ako patatawarin?
para lang ANG PANGALAWANG PAGKAKATAON SA AKIN AY IYONG MARAPATIN.

*ps. hintayin kita duun lagi 。
1-4pm kada meirkules


Makatang humihingi ng tawad,
August E. Estrellado
MM Oct 2018
Salamat sa hinanakit
Salamat sa sakit
Salamat sa pait
Natuto akong muling kumapit
Ang mga paa ko ay muling lumapit
At natutunan ko na sa tamang tao, ako ay sasapat

Hindi kailangang ipilit
O sa mabubulaklak na salita ang dila ay magkapili-pilipit
Iaaalay nang buo ang marami pang tula at awit
Sa tamang tao, ako ay sasapat

Hindi na hadlang ang agwat
Mas pinatunayan na walang mahirap basta’t tapat
Ngayon ay maiaalay na ang mga sulat
Sa tamang tao, ako ay sasapat

Hindi kami apat
Walang mga kaibigang sa pagtatago at panloloko’y kasabwat

Malilimot na ang hinanakit
Mapapawi na ang sakit
Mawawala na ang pait

Dahil sa tamang tao, ako ay sasapat
MM Oct 2018
Sige lang
sanay na ako sa tunog ng mga paang papalayo
sa mga kamay na basta na lamang bumibitaw
sa mga pangako ng pagbabalik na walang katotohanan
sa mga bagay na hindi kayang panindigan

Sige lang

Baka hindi naman masama ang muling pagguho
MM Oct 2018
Ang nanatili ay kalungkutan
Ang nanatili ay ang pait
Ang duda, ang sakit
Ang kutya, ang kirot

Wala nang mas sasakit pa
Sa pakiramdam ng pagkakulang
Sa pagiging hindi sapat
Sa lahat

Ang nanatili ay ang takot
Sa bukas na may muling pang-uusig
Sa mga pagkakamali
At muli, sa kakulangan

Ang nanatili ay wala
Dahil ang pinili ay hindi nanatili
Next page