Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Para sa’yo ito, Mahal ko.

Pagmulat ng iyong mga mata, kaninang umaga, ay nagising ka.
Nagising ka sa karagatan ng luha na nanggaling mismo sa iyong mga mata
Mga luha na tila itinakda para sa iyong pagdurusa
Kasama ang mga salitang “Kaya ko pa ba?”

“Kaya ko pa ba?”
Ang mga salitang itinatanong mo sa sarili mo noong ikaw ay umiiyak dahil sa ilang beses ka na niyang nabigo sa mga pangakong napako.
Sa iyong pagbangon ay iniisip mo siya.
Hanggang sa iyong pagtulog ay baon mo siya hanggang sa panaginip
At pinangalanan mo siyang “Pag-ibig”

Pag-ibig na itinuring **** totoo
Na pumuno ng kanyang pangalan sa likod ng iyong kuwaderno
Umaasang nakalimbag ang pangalan niyong dalawa sa palad ng isa’t isa

Pag-ibig na akala mo ay kukumpleto sa’yo
Ngunit siyang naging daan ng pagkawask mo

Pag-ibig na sumira sa paniniwala mo
Ang naging sanhi ng pagsabi mo ng mga salitang “Walang forever.”
At pinaniniwalaang ang pagmahal ay tila isang laro na maaaring may manalo ngunit laging may talo

Ngunit ito nga ba ang tunay na pag-ibig? Kung hindi, ano nga ba ito? Ano nga ba ang hugis ng pag-ibig?

Ang PAG-IBIG ay isang TATSULOK

Magsisimulang tumaas at umakyat sa tuwa
Ngunit pagkatapos ng ilang pagsubok
Ay magsisimula muli sa ibaba

Katulad na lamang ng isang pagbati na laging magtatapos sa paalam
Na tila kayo’y nagtagpo sa tuktok pagkat sa dulo kayo’y tinakda upang mawalay sa piling ng isa’t isa
Na kahit na ipinangako niyo sa isa’t isa ang walang hanggan ay narating niyo parin ang dulo.

Ang pag-ibig ay hindi tatsulok.

Ang PAG-IBIG ay isang PARISUKAT

Naroon ang pagmamahal sa bawat dalisdis
Ngunit sa bawat dulo ay magtatapos at maghahanap muli
At sa dami na ng pag-ibig na lumipas ay maaari mo nang iangkat ang pangalan nila sa isang malaking kahon na hugis parisukat

Ang pag-ibig ay hindi parisukat

Ang PAG-IBIG ay isang BILOG

Patuloy na umiikot sa sariling aksis at tila walang katapusan
Ngunit pag tinignan **** mabuti sa gitna ay ang landuyan nito ang sarili mo.
Na nagsasabing
“Mahal kita dahil maganda ka…”
Paano kapag tumanda ka na’t kumulubot ang iyong muka’t nawala ang kagandahan?
“Mahal kita dahil mabait ka..”
Paano kapag ang bait ay tila nawala sa mga pagsubok na inaasahang dumaan
Laging magkakaroon ng dahilan
Laging magkakaroon ng kondisyon

Ang pag-ibig ay hindi bilog

Ang PAG-IBIG ay isang PUSO

Patuloy na tumitibok para sa binabaybay niyang pagmamahal
Nagsasabi ng mga salitang matatamis at mabubulaklak
Pag-ibig na nakilala mo sa mundo at akala mo ay bibigyan ka na ng lahat ng iyong ninanais

Pero nagkamali ka. Ang puso ay napuno ng kiro’t biglang tumigil sa pagtibok. At tulad ng minsan nang umiinit na kape ay nanlamig. Ang iniwan nito ay mga sugat na hindi mo kayang pagalingin ng mag-isa. Ang pag-ibig ay hindi isang emosyon. Hindi ganito ang pag-ibig!

Ang PAG-IBIG ay isang KRUS

Ang Krus kung saan naganap ang pag-ibig. Pag-ibig kung saan ang pangako’y hindi napako pero ipinako. Pag-ibig na nagpakita ng sakripisyo upang maligtas ka lang sa kamatayan. Sabay ng aking pagkapako ay ang kapatawaran mo. Na kahit na ikaw dapat ang nasa posisyon ko ay ipinagdamot ko ang krus upang hindi ka na magdusa pa. Ito ang tunay na pag-ibig.

Ako ang una **** mangingibig na kahit na habang nililikha ko ang mga tala’t bitwin ay nasa isip kita.

Pag-ibig na lumikha sa’yo
Na kahit na itabi kita sa mga bulalakaw o alingawngaw ng mga nag-iingayan na kuliglig o sa bawat kariktan na madadaanan ay ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng kariktan

Pag-ibig na talagang totoo
Na kahit na hindi ang pangalan ko ang pumuno sa likod ng iyong kwaderno ay minahal kita
At tuwing gumuguho ka na’y pinilit kong iangat ka sa iyong pagkabagsak

Pag-ibig na kukumpleto sa’yo
Tinanggal ko nga ang kasalanan mo, paano pa kaya ang mga puwang natititra sa loob ng iyong puso?

Ito ang hugis ng pag-ibig

Pagmulat ng iyong mga mata, kaninang umaga, ay nagising ka.
Ginisng kita sa katotohanan na ang mundo ay magsasabi sa’yo ng napakaraming salita
Pero mahal, ang salita ako ang pinakatotoo
Dahil kahit na ilang beses mo akong biguin, ang pangako ko ay kailanma’y hindi mapapako dahil ipinako na ito para sa’yo dalawang libong taon na ang nakalipas.
Ilang beses nang natanggihan ang pagkatok ko sa puso mo
Pero hindi parin ako sumuko, inaraw-araw ko ang pagkatok dito
Umaasang maiisipan **** bumalik sa ating tagpuan
Kaya kumakatok ako muli, Ang tanging katanungan ko lamang ngayon ay; Mahal, handa ka bang tanggapin ako?

Iyong iyo, Ang manlilikha mo
This piece is meant to be spoken.
theivanger  Jun 2019
Di Tugma
theivanger Jun 2019
Hindi alam kung pano sisimulan,
nahihirapan itugma ang bawat salita na lumilitaw sa isipan,
Ang bawat tunog sa bawat saknong ng bawat kaludtod ay nabibigatan,
Ilapat sa mensaheng
ibig iparating ng damdaming nagaalinlangan.

Oo, hindi ako sanay gumawa ng tula,
Itoy dili iba't hindi inaakala,
Ngunit aking susubukan, alang alang sa kaibigan,
Nanghihinayang sa alaala ng ating samahan, sa isang saglit ay iniwan.

Mga pagsubok biglang dumarating,
Sa kabagabagan ng buhay at panimdim, saklolo niyaong Dakilang may gawa ang tanging hiling, araw at gabi siyang dalangin.

Ako ma'y naguguluhan sa mararamdaman, isip at puso laging nasa kabagabagan, kalungkutan ang nasusumpungan sa bawat araw ng aking kinalalagyan, damdamin ay halintulad sa parisukat, makipot at madilim na kulungan.

Kaibagan koy huwag magtanim ng sama ng loob, Sa puso ko'y kalungkutan ang bumabalot, hirap ng pakikibaka sa araw-araw siyang sahod, ng buhay na sa pagsusumakit sa paglilikod, upang sa harap Niya'y magbigay ng lugod.

Ala ala ang siyang pumupukaw sa aking loob, huwarang kaibigan ang ipinagkaloob, nagbigay inspirasyon at lakas ng loob, upang maganap tungkuling kaloob, sa Maylalang aking utang na loob.

Patawad, unang sambit kung tayo man ay muling magkikita. Kalakip ay ngiti't saya sayo'y muling igagawad. Ipapalit sa galit at sama ng loob ay aking ilalahad, magpapakumbaba sayo ay aking hangad.
ikalawang tula nagawa para sa kaibagan. Hindi ako makatang tunay kayat iyong pagpasenyahan.
Randell Quitain Aug 2018
unang patak nitong tintang,
patak ng dulo'y simula;
nitong dulo'y walang tuldok,
tintang; simula tuldok, subok.
Celaine Dec 2016
Sa bawat paggalaw ng mga kamay sa orasan
Naitatala nito ang takdang oras.
Ito ang mga kamay na sumusukat sa bawat
Segundo, minuto at oras sa bawat araw
na lumilipas.

Ngayong araw na ito,
tila sadyang nagmamadali ang
yaring mga kamay
na parang bang may hinahabol.
Hindi naman sila mga paa
Ngunit sila’y parang kumakaripas ng takbo

Sa aking pagtingin sa mga mabibilis na kamay,
nabagabag ako sa pagkaripas nilang ito.
Na kung sila’y magkakabuhay lamang
Ay aking itatanong,
“’Hindi pa ba kayo napapagod?”

Akala ko ba’y
Bilog man o parisukat ang hugis ng orasan
Ay ito’y patuloy na tatakbo?
Tatakbo at tatakbo.
Tatakbo lamang sa lugar na iniikutan nito
at hindi lalayo.
Iikot ng iikot.
Tulad ng ating mundo na hindi naiisip na tumigil.
Liban na lamang kung mayroong sadyang pipigil,
kung sadyang naubusan ng batirya,
kung nawalan ng dahilan para hindi pumalya.

Ngunit
sa isang saglit na pagpikit ng aking mga mata,
'Di ko nabatid kung isang panaginip
o isang realidad na nga ba ang aking narating.
Ang mga kamay na laging kumakaripas ng pagtakbo
ay bigla na lamang huminto.
Ang pagkumpas ng oras ay nabigo.
Ang panahon natin ay naglaho.
Habang aking isinusulat ang tula na ito, aking biglang sabi sa sarili,  "Dami **** time, girl. May research paper ka pa." HAHAHA how ironic
Dilaw na trayanggulang babala
Ilang hugis lobo na sayad sa lupa
Parisukat na alaga'y basong nag-iisa
Naghihintay sa ekstrangherong sasaling muli
Nang ang dati'y maitapon
Ang bago'y maidampi na sa uhaw na lalamunan.

Naglaho sila't nagsipangwala
Ang lupa'y hati sa sukat na pantay
Nilamon ang mainit na hangin,
Umihip ang taglamig na hindi nyebe
Bumulong sa akin, ngunit walang pahiwatig.

Tila namamasyal ang telang marumi
Pupuswit ang tubig mula sa bibig
Ipon nya'y kayrami,
Bukas sana'y maubos na ang mga ito
Nang ang dungis ay pahiran din ng malinis na likido.

Parehas ang kulay ng tumawid sa linyang puti
Higit sa isa ang bawas na sinyales
Akala ko'y kilala ko, ngunit naglaho sa usok
Ang apat na bilog na itim,
Gumulong at rumolyo sa aspaltong pulbura.

Itong may pula ang sutla
Itim ang tangan na may kasama pa
Bumungad at inihaing may lista
Ngayon pala'y may salamin sa harap
Malayo ang hugis at ang porma
Hindi ko na binalingan ng pansin
Ngayo'y laos na ang bawat eksena.

(6/3/2014 @xirlleelang)
John AD  Mar 2019
Rosas
John AD Mar 2019
Lungkot ng sistema , Pag-gising sa umaga tulala ang eksena
Nakasanayan na ang pagpatak ng tubig sa mata, Basang-basa na ang tela
Pinipilit ko kasing punasan ang sakit , pagkalumbay , dala ng kalungkutan
Alaala mo na di mawawala,lumipas man ang panahon dala dala ko ito sa libingan

Kahapon lang ngiti mo'y hindi maipaliwanag , yun na pala ang huli nating pagkikita
Di man lang ako nakapagmano at nakahalik sa iyong mga noo , hanggang mawalan na ng hininga
Ang Nais ko pa naman sana maabutan ka ng magiging apo mo sa hinaharap , upang makita mo sila
Pero huwag magaalala , ituturo ko naman lahat ng bagay na natutunan ko sayo lola

Paalam lola , Hindi ko man lang nasulit na ika'y makasama
Wala na tuloy magkwkwento sakin nung ako'y bata pa
Wala ding kasabay kumain kapag ako'y magisa na
Nakakalungkot pero kailangang tanggapin , ang buhay natin ay sakanya

Salamat , Alam kong maaliwalas na ang iyong pakiramdam
Nakatakas ka na kasi sa parisukat na mundo na kasuklam-suklam
Payapa na ang sistema , darating din kami dyan

Ang mga rosas ay nalanta , at may uusbong muli na maganda...
RIP Lola Rose
Sep 24 1955 - March 3 , 2019
Penne  Jan 2021
Bilisan
Penne Jan 2021
Ano 'tong haluan?
Bigla rin ako napasuka
Akala ko ako na ang utak
Pwede ako magbawi, pero ikaw hindi
Yan ang batas, di ba?
Patas ang batas
Ng patintero
Lamunin ang mga numero
Parang wala silang ****
'Pag nag-iisa daw, masama kaagad

Ang bilis umakyat ng ministro pero walang dalang impormasyon
Lagyan ng sablay ang tibok
Sakit na dala ng kinalalamnan ng araw
Sa sunod ng sunod sa malarong pisngi at ang kulay nito

Pinapasa-pasa nila
Wala daw sabaw
Kaya ko iniba ang presyo
Kahit hindi mahanap ang totoo
Nilalayo ang inspeksyon

Ingay ng "Happy Birthday"
Siyamnapung beses sa kabilang bahay

Paikot-ikot sa steering wheel
Ng milyong dolyar, walang down payment na sasakyan komersyal
Iyon ang benepisyo ng mga itik  sa latik
Wala naman talagang may gugusto na lumabas sa parisukat
Kasi iyon lang ang tirahan nila
Kahit ang halaman ay tigok

Ano ba talaga gustong mangyari?
Hindi iisa ang kasiyahan
Nasaan ba siya?
Kamatayan ang hintayan
Hindi pa rin matulungan ang nahihirapan
Hindi na ako komportable sa ilawan
JOJO C PINCA Nov 2017
Isa itong tablang parisukat,
platapormang nakaangat.
Dito tumatayo ang nakabarong
at Ingleserong mga tulisan
pag gusto nila maging legal
ang kanilang gagawin
na pagnanakaw sa kaban ng bayan.
reyftamayo Aug 2020
umiikot ka na naman
sa tabi ng parisukat
na tatlong taon mo ng ginagawa
araw-araw.
binabaybay ang makipot
na diwa sa malawak na kamalayan
hanggang tuluyan itong sumabog
at magkahiwa-hiwalay
upang muling mabuo.
maliit ang kurot
ng ibinatong kulangot,
sa halip na ito'y humarang
bumara lang at nakapuwing
sayang ay muntik pang matapakan
dulot ng taglay nitong kalakihan
sa kailaliman na abot pusod
pero balon ang katumbas.
kaya sige pa at ituloy
ang animo'y walang humpay
na paghahanap sa hindi mawala-wala.
nasa likod lang ng buwan.
kasing daling tingnan ng araw.
lalo na kung gabi't mapanglaw ka,
walang kasama.

— The End —