Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Parecious816  Jan 2019
Problema
Parecious816 Jan 2019
Ako lang ba?
Yung laging nakakaramdam ng lungkot
Lalo na ng pagkabagot?
Oo, dapat lahat ng problemay ibaon sa limot
Pero paano?

Bawat taoy may problema
Problema mo nalang kung pano mo maiiwasan ang nadarama
Kailan kaya madadama
Tunay na galak at kasiyahan

Laging tanong sa isipan
Anong dahilan ng ating kalungkutan
Dahil ba may nais kalimutan?
O nais matanggap at maintindihan

Anong mang sagot sa tanong
Problema nati'y hayaan
Problema moy pabayaan
Harapin ang problema ng makatamnan ang tunay na kasiyahan

Maniwala at magtiwala sa Diyos
Sa Panginoon makakatamnan ang kasiyahang lubos
Lahat ng problema'y may dahilan
Ito ay pagsubok lang kaya tatandaan
Marami pang kabanata ang haharapin
Pagkatao moy susukatin
Kaya kung mamarapatin
Maging malakas at mahandain
Tatagtag at tibay ang gamitin.
kingjay Jul 2019
Kasabay ng patak ng ulan
Ang luha kong umaagos nang marahan
Damdamin ay nasasaktan
Panibugho kong di tumahan

Bakit ako'y pinagpalit
Palagi naman sa iyo ay mabait
Minahal kita nang higit pa sa iyong nalalaman
Pagmamahal na iyong pinabayaan

Ikaw ang aking pinipintuho
Kahit sasalungatin ng bagyo
Di ako mapapadaig
Delubyo man ang maging dulot nito

Ang putik sa mga paa kong dumidikit
Ay parang pumipigil sa paghakbang
Kahit mabubuwal sa daan
Patuloy pa rin sa paglakad

Sa tuwing iniisip ka
Nalulungkot ako't humihikbi
Ang pait ng dagat
At ang alon ay sampal sa pisngi
sapagkat iba na sa iyo ang nagmamay-ari

Matalim ang bawat pagaspas ng mga dahon
Ang mabanayad na awit ay nagdadagdag ng sakit
Habang sa silong nag-iisa
Nalulumbay ako nang inaalala ka

Ipikit ko man ang mga mata
Ay hindi tinakpan na bituin sa gabing maulan
Sapagkat maaliwalas gaya ng batis
Ang kagandahan mo na nagniningas

Kaya pagkatapos ng ulan
Sa silong ako'y pabayaan
Iniwan mo sa akin ang awitin
ng damdamin kong umiibig
Eugene  Feb 2016
Kasikatan
Eugene Feb 2016
Hindi ko kailangan ang kasikatan,
Kung wala naman akong kaibigan.
Kaibigang lagi kong maaasahan,
Sa pighati man o kakulitan.

Hindi ko kailangan ang kasikatan,
Kung pamilya ko'y makakalimutan.
Hindi ko sila pwedeng pabayaan,
Sa kanila po nanggaling ang katalinuhan.

Hindi ko kailangan ang kasikatan,
Kung Diyos ay aking lalayuan,
Sisisihin kapag may kasalanan,
At iiwan ng walang pakundangan.
HAN  Oct 2018
ADRIAN
HAN Oct 2018
Kamusta kana?
Ilang taon na ang nagdaan nuong ika'y aking nakilala.
Mahigit kumulang na rin ang luhang lumabas sa aking mga mata
Nuong ako'y iniwan **** nag-iisa.

Nuon pag ika'y naaalala nagwawala dahil sa nadarama.
Ngayon ako'y napapangiti na lamang sa twina.
Akala ko dati ay di ko makakaya,
ngunit heto unting unting sumasaya kahit wala ka.

Mahirap sa umipsa,
Pero nakaya
Mahirap sa umpisa, oo
Parang nilibing at hinampas ng troso.
Ako'y litong lito
hindi alam kung bakit ganito
Kung bat nilisan mo...

"Sana pala pinigilan kita
para ngayon para ika'y kasama parin
at nasa tabi ko padin."
Yan ang aking hiling sa unang linggong
ika'y hindi kapiling.
Ako'y humihiling sa bituin na sana ika'y bumalik sa akin
Ngunit tila ba'y hangin ang sumagot at hindi ako pinansin.

Mahal wag mag-alala
kasi kaya ko na ang mag-isa at wala ka.
Mas malakas na ako
kaysa sa dating nakilala mo.
Hindi na ako umiiyak pagnag-iisa
Mas kaya ko na.

Alam mo minsan ang ang tanong sa sarili ko
"paano kaya ikaw parin ay nandito?"
"Magiging kompleto kaya ang araw ko?"
Pero ang sagot ng isip at puso
"Mas mabuting ika'y nilisan kaysa minahal sa kasinungalingan.
Naging malakas ka nang ikaw ay iniwan.
Naging makata ka paminsan minsan."
Kaya alam ko sa sarili na mas maayos na na ako'y iyong binabayaan
Pero mas masaya at buo parin ang aking puso kong hindi mo iniwan sa kadiliman.

Sana, iyong malaman na ika'y aking minahal ng lubusan,
"Huwag **** pabayaan ang iyong kalusugan"
Aking huling habilin bago ka lumisan.

Tinanong ko parin ang aking sarili minsan,
"Ako ba'y may pagkukulang? O sadyang ako lang ang nagmahal sa aming pag-iibigan?"
Maraming tanong ang tumatakbo sa aking isipan pag alaala ay naalala paminsan-minsan.
Ngunit lahat ng yon ay di mo masasagot at aking  na lamang dinagdag sa tulaan.

Lahat na ata'y aking nakwento sa tulang ito.
Ito, itong tula na ito ang tanging paraan upang malaman mo
Ang pagdurusang pinagdaanan ko
nang mawala ka sa piling ko.
Ang mga pangakong binitawan mo
para bang naglaho
Pero kahit masakit ang ginawa mo
Hindi kita masisisi sa pagkukulang nagawa ko
Hindi ko masisi ang tadhana kung hindi tayo para sa dulo.

Kahit na ganito, ikaw ang nagparamdaman ng pagmamahal
Kaya hindi ko kita malimut-limutan kahit tila ba'y ako ay sinasakal.
Sadyang ikaw lamang ay minahal
kahit na isang malaking sampal
na ako'y iyong iniwang luhaan at puso'y nagdurugo sa daan
na kahit pa'y ikaw ay may iba ng mahal
kahit pa na naubusan na ang luha at letra sa aking isipan.

At heto ako ipinagdiriwang ang ating kaarawan kung saan nagsimula ang ating pagmamahalan.
Sana'y iyong malaman,
na ako'y hindi nakakalimot sa ating tagpuan at mga kasiyahan.
Sana rin iyong malaman,
ang pangalan ng ating anghel ay Adrian.
kingjay Jan 2019
Pusong bingi'y naaantig ng awit
Ganun pala sa unang pagsinta
Sa sombra niya'y laging nakabuntot
Paglumingon ay siyang paglinga-linga sa paligid
Ni ayaw mahalata kung saka-sakaling mapansin

Hindi malaya sa demokratikong bansa
Alila ng iniibig na panauhin
Ano nga ba, di alam ang gagawin
Sa pagpikit ng mata,
mukha niya'y nagniningning

Sa pantasya'y nahuhumaling
kahit na  gising, lumulutang sa hangin
Kaya ganun na lang sa pagsasalamin
sa mga nangyari - medyo pagmamalabis

Hinabol ang bawat galaw
Sa utak ay walang hinto na sumasayaw
Disente sa pananamit
Mayumi kahit sa anong bihis

Di man lubos nililimi ang mga katangian at ugali
Pabayaan pagkat mapagkumbaba
Hahamakin ang lahat
Dahil ang dibdib ay lumilingas
kingjay Dec 2018
Tinik sa dibdib, tali sa puso'y pinaghihigpitan
Sa alambreng bakod di na makawala
yung pulang tubig lang aagos
Napuno ng kabanalan, kasunod ay kasawian

Ibuhos ang isang daang karayom sa nakatiwalwal na mga sugat
Tusok sa balat ay ang kirot na lalong tumitindi nang walang kapahingahan

Mabangis na  mga pangil sa talahiban nakatago
Wasiwas ng damo binabantayan
Mahinahon na inaabangan
Mas masahol pa sa tuklaw ng sundo ni Kamatayan

Ang kaantukan ay sumagi sa ulo
Pangambang nangangahulugan
Habang puyat na bumangon

Sa dulo ng dapithapon nagsisi-awitan ang mga ibon ay may bagong silang na paraiso
Isama na at huwag pabayaan
Lahat ay humayo
062721

Doon sa parteng may tubig sa aming bakuran
Ay natagpuan ko ang hiwaga ng bawat nilalang
Na araw-araw na sumasalubong sa'kin
Buhat sa paggayak sa umaga’t hapon.

Silang mga nakabihis ng puti
Ay sabay-sabay na sisigaw ng aking ngalan
At bagamat hindi ko rin wari
Ang lenggwahe na kanilang taglay,
Ay para bang kampante akong
Sila’y akayin at alalayang maitawid
Sa bawat araw nang may galak sa puso.

Tila ba sa bawat araw
Na itiunuro sa akin ni Tatay noon,
Ay natututo na rin akong
Makiramdam at makialam.
Ito yung tipong kaya ko na rin palang
Arugain ang hindi akin
Ngunit ang bawat binhi
Ay ngayo’y itinuturing ko ng kayamanan.

T'wing nakatirik ang araw
Ay agaran kong kukumbinsihin ang aking sariling
Gumayak na't lisanin ang aking higaan
At kamustahin ang mga ito.

Tangan ko ang kahoy na gawad ni Tatay sa akin,
At balewala ang putikang aking sasadyain.
Bilin nya nga sa aki’y wag ko raw hahayaang
Lubugan na ako ng araw
Bago ko pa yakapin ang responsibilidad
Na iniatang nya sa akin.

Sa yaman ng kalikasan
Ay wala na akong magiging dahilan pa
Upang kalimutan ang aking pagkatawag
At sila’y pabayaan
Sa matatalim na ngipin ng ibang mga nilalang.
Silang sa pagsapit ng dilim
Ay nakabantay lamang at handang sunggabin
Ang bawat naliligaw ng landas.

Sa tubig, sa batis at ilog
Ay akin naman silang aalalayan
Ang galak ko habang sila'y hinahayaang
Busugin ang kanilang mga sarili
Sa berdeng kalupaa’y walang katumbas.
Pagkat dito ko sila nasisilayan
At napagtatantong totoo nga ang sabi sa akin ni Tatay.

Ni hindi ko na kailangang maglakbay
Patungo sa kung saan mang siyudad
Matamasa lamang ang tunay na kaligayahan
Pagkat sa akin ay sapat na
Ang sundin ko ang bilin ni Tatay.

Malayo pa ang umagang
Kami’y maghahawak kamay.
Ang yapos niya’t pagkalinga sa akin
Ay araw-araw ko ring hinahanap-hanap.

At naniniwala akong
Darating ang umagang iyon.
Maghihintay lamang ako
Habang ang kanyang pamana’y
Lubos kong aarugain ng pag-ibig at pag-aalalay.
habang kaya ko pa,
sabihin mo ang totoo.
habang kaya ko pa,
aminin mo.
habang kaya ko pa,
wag ka ng magpanggap
habang kaya ko pa,
lalayo ng ganap
habang kaya ko pa,
pabayaan mo na sana
habang kaya ko pa,
atin ng itigil na
habang kaya ko pa,
maari ba, tama na?
habang kaya ko pa,
na di ka na mahalin pa.
habang kaya ko pa,
maawa ka sinta
habang kaya ko pa,
ako'y palayain na.
habang kaya ko pa,
sabihin mo na.
na hindi ako mahal,
habang kaya ko pa....
Pilipinas anong nangyayari sa'yo?
Ang dating bayan ng matatalino.
Bakit, lahat ata ay nawala na sa huwistyo.
Ginagawang biro pandemyang ito.

Huwag po sana tayong ningas-kugon.
Noong una lamang magaling ang pagtugon.
Ngunit naging suwail at pabibo ng naglaon.
Sige lang, hanggang lahat na tayo nakabaon.

Hindi ninyo ba talaga alintana?
Ang sa ating lahat ay nagbabadya.
Kalabang di nakikita, sakunang nakadamba.
Walang malakas, walang mayaman lahat tayo ay biktima.

Hindi ba kayo naaawa sa mga bata at matatanda.
Idagdag nyo pa ang mga may sakit na madaling mahawa.
Maaaring ilan po sa kanila ay iyong kapamilya.
Tumahan ka po sa bahay para sa kanila.

Tulungan po natin ang ating lingkod bayan.
Mapa Sundalo, Doktor, nars o basurero pa yan.
Huwag nating dagdagan hirap na kanilang pinapasan.
Huwag na nating ilagay buhay nila sa kapahamakan.

Huwag na po nating antayin lumalim.
Hanggang masaksihan ang di kakayaning lagim.
Magdadala sa ating buhay at bansa sa takipsilim.
Pakiusap, tayong lahat ay magdasal ng taimtim.

Labanan po nating lahat ito, Kapwa ko Pilipino.
Iyan ang lahi ko at lahi mo.
Diba likas sa atin ang pagiging matatalino.
Ngayon natin patunayan ito.

Sumunod na po tayo sa Gobyerno.
Simpleng utos na kayang sundin ng kahit kanino.
Wag na pong lumabas ng bahay ninyo.
Kung di man lang importante ang rason nito.

Sumunod na po tayo, Please lang
Ang makukulit ay babarilin, BANG BANG
Para kang latang nasipa, TANG TANG
Andyan na ang sundo mo, **** ****

Siguro nga kailangan na ang Kamay na bakal.
Para ang mga suwail tuluyang masakal.
Ang rason ay masarap ang bawal.
Kaya pati buhay ng iba ay isusugal.

Huwag na nating pabayaan, Inang bayan.
Matatalo lamang itong kalaban.
Kung tayong lahat ay magtutulungan.
Bagkus na magturuan at magsisihan.
Ms Oloc  May 2020
Panalangin
Ms Oloc May 2020
Kapag ako’y na sa simbahan
Ikaw ang lagi kong kahilingan.
Ikaw ang lagi kong pinagdadasal
Na wag kang pabayaan ng may kapal.

Sa kahilingan mo’y nakasubaybay.
Dahil ikaw ang aking panghabang buhay.
Pangako, hindi ka iiwan magpakailanman
At tayo’y magsasama ng walang hangganan.

— The End —