Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
ika-4 ng Agosto – umiiyak na naman ang langit kasabay ang paghampas ng malakas na simoy ng hangin at bumubulong ng mga kalungkutang hindi alam kung kailan o saan nga ba isinilang.

at dinadala ka nang paulit-ulit sa rumaragasang alaalang pilit **** kinakalimutan habang giniginaw sa mga luhang dulot ng mga hinanakit na patuloy lang na nag-iiwan ng mga marka sa iyong dibdib.

ika-4 ng Agosto nang umiyak na naman ang langit.
*kailan kaya darating ang mga gabing hindi na basa ang mga unan sa paghikbi?
muling iikot ang mundo sa araw,
may darating na panibagong
bagyo at kapanatagan
na nagpapaalalang
ang iyong pananatili ay hindi para lang sa kawalan,
sapagkat
kung paanong kumikinang
ang mga bituin sa kalawakan
ay gayunding
masisilayang muli ang bukang-liwayway;
at sa iyong pagtingala
ay may langit na nag-aabang
sa dadalhin  mo pang hiwaga.

magliwanag ka.

**mahalaga ka.
walang tigil na naman sa pagluha ang langit.
hampas ng hangin
ay tila galit na matagal nang itinimpi,
at ang mga paghikbi nitong ihip
ay hindi maikubli.

at gaya ng mga nagdaang araw,
itong sandali ay wala rin namang pinagkaiba;
pasan-pasan ang mga bigatin
at lumbay ay kapiling
hanggang sa makaidlip.

kailan kaya magigising na hindi na hapô
mula sa pagtakas sa masamang panaginip?
Daniella Torino Feb 2017
What happens
when my version
in real dimension

met your version
in parallel universe,
staring at each other like
it’s a usual scenario,
seeing those cold eyes
flaming my heart on fire,
feeling the blazing sensation
memories outnumbering stars,
yet still overwhelmed by the suffocation
of the aroma
called love
?

What happens
when your version
in real dimension

met my version
in parallel universe,
sitting on the same bench,
looking at the same sky,
watching  how the sun and moon keep distance,
spectrum illuminating our souls,
exquisitely walking  away,
monsters screaming in shadows,
vanishing footprints
but still,
synchronous to my heartbeat?
Daniella Torino Feb 2017
Let me walk away;
back then,
the very first time
we've met.
when sleepless nights of
thinking of you
is not a deliria.
when shutting myself off
from other people
is not my favorite work.

Let me walk away;
these butterflies in my stomach
are not even dying, yet
my heart is slowly crumbling,
for finding my world
in that most little space
in your heart,
for allowing myself that *home
is not just a place

but being with you is.

Let me walk away;
entertaining my favorite visitor, sadness
every night,
staying in our memories,
enduring the agony,
and going back in the middle of time,
we believed our always.
You're no longer
my definition of art,
sobbing in those in-betweens,
unimmortalizing you in those poems
that meant to be eternal.

I will turn back from you —
my dearest home –
to a strange place
that I’d never known;
forgetting our prints
that I’d kept tracing,
tearing those pages that were
not included in
my very own structure,
and building my walls
far from any memory of you.
and for the very last time,
forgive me of my obstinacy,
help me to ease the pain,
just
let. me. walk. away.
everytime i look into you,
i see radiance shedding clarity
to these uncertainties,
slowly warming unsightly places
with your sincere presence
that deeply affects my soul.

your words resonate –
a serene impression
overcoming an anxious heart
and a war in my mind
that keeps me longing
for your familiar embrace,
my sanctuary and grace.
sa pagitan ng pag-alis at pananatili
ay ang mga pagkukubli,
ang mga pagbabakasakali,
ang mga hindi mapakaling
pangamba't takot
na matagal nang gustong sumalisi –

at doon sa gitna,
ay naiwan akong nag-iisa.
lumuluha't
basang-basa sa ulan;
walang patutunguhan.
Daniella Torino Feb 2017
Sinking deep* in a sea of thought
Don't know what life has brought
Asking if this is really what she ought,
Then, in confusions she were caught.

Sinking deep in full of emptiness
Drowning in her own weariness
Wishing that she should be emotionless
So would be caring less.

Sinking deep in a flock of rejections
That causes her heart from hallucinations.
Disappointed by unfulfilled expectations,
Got so many refusal and negations.      

Sinking deep in her own contradiction
Made her own wrecking distraction
But in the middle of agitation,
Found an unexplainable solution.

Sinking deep in that thing called heaven,
Resulted to removed all the predicament,
And taken the state of being heavily-laden.
Now make her life full of excitement.

Sinking deep by this kind of Splendor
Covered by all of it's favor.
She called it her Savior
And she knows it would *last forever
.
Daniella Torino Feb 2017
Some days,
I feel like I’m the only one left here,
a sound of anxiety is too clear,
whispering in my ear,
floating softly in rays,
helplessly dreary days,
perfectly lost in trance,
ferocious beasts collide to dance,
escape no chance
obsolescence,
broken pieces of me reminiscence.


Some days,
sadness is magically beckoning,
voluntarily pursuing,
constantly succeeding,
dust particles sparkling
like tiny specs of glitter
galaxies of terrors shiver,
storms ignite with chaos
insecurities wondrous
creating puzzle
in a muzzle.

Some days,
oh most of the days
are falling apart
and I can’t help it,
the habit
of endlessly dwelling
the warmth
of whiffing my soul
.

-**d.t
Daniella Torino Jun 2017
Naaalala ko
kung paanong lumusong sa dalampasigan
ng walang kasiguraduhan,
naglakbay sa ilalim ng mga madilim na ulap
sa likod
pilit na itinatago ang mga bituing
sinusubukang abutin
ang daang hindi alam ang pupuntahan
kung mayroon nga bang walang hanggan o mayroong patutunguhan,
sa pag-asang mahahanap din
ang hindi matagpuang kakulangan.
Nagbabakasakali
sa karagatang hindi maalon,
malayang naggagalugad,
sumasandal at yumayakap ang malamig na tubig
sa maligamgam at aligagang kaluluwa,
hindi mapakali,
kung paano nga bang makararating o madadatnan ang pampang.
At unti-unti,
naririnig ang bawat hampas ng lumalakas na alon
kasabay ang mababagsik na hanging may dala-dalang unos,
ako’y hinahaplos,
lumulubog
at naghihikahos,
hindi makahinga,
humihiling
na sana’y rito na matapos
ang paghahalughog na hindi matapos-tapos.

Pero tapos,
hindi pa rito magtatapos,
bubuksan ang mga mata
ngunit hindi makita-kita
ang puwang sa pusong hindi mapunan
ng kakaibang dulot ng panitikan,
ng sining na nagpapaalalang napakaraming bagay pala
ang hindi maipakikita o mabibigkas
sa likas na paraan na alam ng tao,
na sa kahunghanga’y naniwalang
ang sining at pag-ibig ay walang pinagkaiba;
sa pagbili ng paboritong libro
habang inaamoy ang kakaibang
halimuyak na dala
ng mga papel na may bagong imprenta,
sa proseso ng pagkabuo at pagkawasak
mula sa mga salita’t tugma
hanggang sa ito’y maging tula
dahil kahit bali-baligtarin ma’y pipiliin pa ring
makulong sa isang tula,
itinatatwa
ang mga panandaliang tuwa
sa pagitan ng mga delubyo’t sigwa.
Lumulutang
sa mga pighati,
pasakit,
pagkadapa,
pangamba,
pangangatal,
paglisan,
pagkapagod
at pagkatalisod.
Kaya ako’y pipikit na lamang,
susubukang umidlip,
o matulog nang ilang oras,
walang pakialam kung abutin man ng ilang araw o dekada,
tatangkaing matagpuan ang patlang sa panaginip,
sa pagitan ng bawat malalim na buntong-hininga,
sa lingon, baka hindi lang nahagip ng aking mga mata
o baka nakatago sa paboritong sayaw at mabagal na musika,
sa bawat patak ng luhang hindi na mabilang
kasabay ang ulang panandaliang kanlungan,
sa anino ng bahagharing hindi alam ang pinanggagalingan.
Hindi ko na alam
pero susugal na matagpuan
ang katiyakan sa walang katiyakan
sa panaginip at bangungot na walang katapusan.

Tapos heto,
hinahanap pa rin
ang halaga ng halaga
ang tula ng tula
at ang ibig ng pag-ibig.
Patuloy lang na hahakbang,
mula sa kinagisnang tagpuan,
magpapabalik-balik,
pagmamasdan ang hungkag
na sarili na nasa katauhan ng isang katawan
kung paanong mamamanghang paglaruan
ng dilim na magwala ang kaluluwang nawawala.
Umaalingawngaw
ang kalungkutang matagal nang gustong lumisan
sa pusong ang tanging alam lang
ay ang hindi na muling paglaban,
bilanggo ng mapanlinlang
na ligayang kumukupas
at nag-iiwan ng malalalim na bakas.
Tumatakas
ang inakalang kasiyahan
na kadugtong pala ay kalumbayan,
ang liwanag ay kapatid pala ng kapanglawan.
at ang paghahanap ay kasunod ang kawalan.

Ngunit,
ako'y paikot-ikot lang dito,
umaalpas,
naliligaw sa isang pamilyar na kapilas,
mag-iba-iba man ng anyo ang simula’t dulo,
iiwan sa kawalan ang ilang libong pagdududa
sapagkat sa isang bagay lang ako nakasisiguro:
daan ko’y patungo pa rin sa’yo.

Maligaw man
o maiwan akong mag-isa sa tuktok ng kabundukan,
lagyan man ng piring ang mga mata,
harangan ng tabing ang lansangan,
umusbong ang malalaking gusali ng palalong hiraya,
alisin man ang lahat ng aking alaala,
makakaya pa ring sumayaw sa panganib na nagbabadya
dahil hindi na ako nangangamba,
alam kong ako’y iyong isasalba.

Kaya taluntunin man nila
ang mapa
ng aking napagal na puso,
ngingiti lang ako at sasabihing:
“ikaw ang dulo, gitna, at simula”.
Walang humpay mang umagos ang luha,
wala nang palalampasing pagkumpas
ng iyong mga kamay
sa aking tinatahak na landas
dahil ipilit man ng kalawakan
ang ilang libong katanungang
parating naghihintay ng kasagutan,
ikaw at ikaw lang
ang tanging sasapat
sa sagot na hinahanap.
Paikutin man
sa kawalan,
sa pagkukubli,
wala nang pagkabalisa
dahil ngayon naiintindihan ko na
ang bawat tamis at pait,
lungkot at saya,
pighati at ligaya,
pagkabagot at pagkasabik;
at ang bawat sandali pang darating.
at ngayon,
nahanap din kita.
Mali, matagal mo na akong natagpuan.
At nalaman ko na sa gitna ng mga sandali
ay naroroon ang ating walang hanggan,
sa iyong piling.

Kaya
magsimula man muli sa walang kabuluhan,
gitna o dulo ng paroroonan,
mananatili lang na
magpapahinga ang pusong
nanghihinawa
sa dala **** ginhawa.
Ngayon,
naiintindihan ko na -
na sulit ang lahat
at maligaya ang aking paglalakbay
sapagkat
sa wakas, nakarating din ako sa aking tahanan – ang PAG-IBIG mo.
Daniella Torino Apr 2019
every piece of you is like a small wave in a sea,
no matter how i try hard  to go against the current,
those waves just merge with bigger waves;
the more i need to dive in a raging sea
and i'm just sinking deep.
the sun will go down,
and the heavens pour out,
but the colors of your rainbow
will never fade –
ascending the mountain peaks,
embracing rough surface
that even when anything else
seems to make no sense –
your hues will just intensify
and your soul remains fascinating.
We are empty souls under the night sky,
shadows in the streetlight
haunting our secrets
searching desperately in the breeze –
storms raging
yet make us feel warm,
flame inside's burning
and we're close to resuscitate.

All the stars delight
the whispers in my ears,
beautiful galaxies beneath your skin,
believing your deep breaths of –
"you are not alone because you have us at lonely nights".

You're a beautiful disaster
there's power in your earthquakes and tornados combined,
touching mine with ravenous passion,
but your heart is crying out for her;
destructively reverberating
louder than any music we've made,
reflecting your empty soul yearning for her.

Fire is consuming me,
and the only thing I hear
are your screams.
I hear you screaming her name while taking shower;
I hear you screaming hear name and it makes you feel home;
I hear you screaming her name in my dreams – even in my nightmares;
I hear you screaming her name
all the days of my life,
and now,
I'm letting you go.
you are the sunshine on the gloomy days —
everything you touch illuminates
and forms a soul soothing
flowing freely into solace.
even all the clouds part
to let you rise and bloom;
the radiance has grown within you
shining through
the scars,
the cracks,
the losses,
and it whispers –
a gratitude for your existence.
Daniella Torino Feb 2017
"you're my favorite almost",
he said.

"you're my sweetest what if",
she said.

— The End —