Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
 Sep 2015
inggo
Ako ay isang kandila na may sindi
Isang ihip lang ng alaala mo wala na akong silbi
 Sep 2015
Mark Ipil
Hindi ako naghahangad,
Sapagkat ako’y iyong alagad,
Sa pusong hindi mailakad,
Kailan kaya mamumukadkad.

Hindi pa rin makalilimot,
Sa iyong mga bangungot,
Tila’y kay hirap ang paglimot,
Sa istorya nating busangot.

Ako ma’y ‘di maalumana,
Sa tanging lugar na pinana,
Ni Kupidong madalas ay sablay,
Na tanging hanap ay tunay.
P.S. Hanggang ngayo'y panaghoy ko'y ikaw.
P.P.S. 2nd tagalog compo
 Sep 2015
Mark Ipil
Paulit-ulit na nagtatanong,
Palaging may binubulong,
Hanggang kailan ikukulong,
Huling sigaw ay tulong.

Puso’t isip ko’y nasasaktan,
Kailan kaya kita makakakamtan,
Kailan kaya ang tamang panahon,
Kung saan ang pagibig nati’y aahon.

Hanggang sa huli ay ikaw,
Sa mga sandaling ninakaw,
Sa piling mo aking giliw,
Oras nati’y walang maliw.
P.S. My very first tagalog poetry in hellopoetry, Sigaw ng Pagibig: Tulong!
 Sep 2015
NvrMnd
..
*Nasayang na Oras
Ako'y nakaposas
'Di makawala
sa mga bagay
na nawala.
 Sep 2015
Angel Tomas
Naaalala ko pa ang araw na una kong masilayan ang ngiti sa iyong mukha.
Para bang biglang nagliwanag lahat ng tala sa langit.
Para bang isang eksena sa isang pelikulang patok sa takilya.
Para bang kaya ko atang sumulat ng ilang pahina ng paglalarawan at paghahalintulad nito sa mga bagay na aking hinahangaan.
Para bang bumilis ang pintig ng puso kong matagal nang nakaupo’t nananahimik.
Para bang maraming sumasabog na magagarang kulay sa paligid, sa aking katawan.
Para bang kilala ko ata ‘yung ganitong tagpong naglalaro sa aking isipan.
Para bang alam ko rin ata ang kahihinatnan ng lahat.
Para bang hindi ata sa akin ang matamis na pag kurba ng iyong labi.
Para bang lahat ng ito ay isang pagnanais sa isang pangarap na lipas na.
“Para saan?” Tanong ko. Hindi mawala-wala ang ngiti sa iyong labi.
Para bang nakita kong sinindihan ang aking mundo at panuorin ‘tong gumuho sa harapan ko.

“Para sakanya.” Hindi sa’yo, sa kanya.
Para sa'yo.
 Aug 2015
Idiosyncrasy
Ikaw at ikaw
Ang pipiliin ko
Hanggat kaya ko
Ang tinig mo
Ang natatanging
Papakinggan ko
Hanngang sa pagtulog
Dahil hinding hindi na
Hindi na mapapalitan
Ang iyong mga salita.
Translation:

Words

You and only you
Would be the one I'd choose
Until I can, until I breath
Your sound
Would be the only one
That would sing me
Until I sleep
Because your words
Won't be changed
It'll forever stay.

Bago magtapos ang Buwan ng Wika...
 Aug 2015
damsel in distress
Limang taon na akong naghihintay
Sa puso mo'y magkaroon ng kaunting espasyo
Pag-asa'y unti-unting namamatay
Sabihin mo
Kailan ba dapat huminto?

Kung may araw na sa gabi?
Kung ubos na ang buhangin sa disyerto?
Kung matamis na ang tubig-dagat?
Kung ayaw ng magluto ni Spongebob ng Krabby Patty?

Dahil hindi ako titigil
Hangga't hindi pa nauubos ang nakaimbak kong "Kaya ko pa!"
Hangga't hindi pa napapatunayan kung may forever ba
At hangga't makalimutan ko na ang paghinga
When Is The Right Time to Stop?

I've been waiting for five years
To have even just a little space for me in your heart
Hope is slowly fading away
Please tell me when to stop

Till sun shines at night?
Till there is no sand left in the desert?
If the ocean's water is already sweet?
If Spongebob doesn't want to make krabby patty anymore?

Because I won't stop
Till I could say "I still can!"
If it is not yet proven uf there is really a forever
Till I forget how to breathe
 Aug 2015
damsel in distress
Gaya ng pagtapos sa isang pangungusap
Nilagyan mo rin ng tuldok ang ating kwento
Ako'y nakiusap
Sana'y huwag sumuko

Naalala ko ang iyong mga sinabi
"Kailangan nating tapusin ito
Upang makapag- umpisa tayong muli
Kahit hindi na ako maging parte ng iyo"


Ngayon ay nauunawaan ko na
Salamat sa pagligtas sa akin sa mga luha
Nahanap ko na ang tamang tao para sa akin
Na hanggang dulo ako'y mamahalin
Period

Just like how a sentence ends
You also put a period in our story
I begged and cried
For you not to give up on us

I remember what you said
*"We have to end this
For us to start another story
Even if I am not part of yours."*

Now I understand
Thank you for saving me from tears
I've found the right one for me
The one who will love me until the end



Para sa buwan ng wika. :)
 Aug 2015
Pia Montalban
Nakatawid na ang gabi sa umaga,
Umuusad ang magdamag ng digma.
Tahimik ang silahis na nakikiramdam
Sa paghulagpos ng salimbayan
Ng mga kulay na nagluwal ng dilim.
Hudyat ang kindat ng kislap ng talim,
Pagtitilad-tilarin sa pakikipagtalad
Naglalagablab naming mga balak.
Talampaka'y mangangahas sumampa,
Sa binakuran **** pagsasamantala.
Kabisado ng mga bisig kahit pa nakapikit,
Imbay ng sandata naming karit.
Matipid sa kilos, mabilis ang hagip
Dinambong sa aming libong ektaryang langit,
Babawiin, handa sa anumang kapalit,
Karapatan, aming muli’t muling igigiit.
 Aug 2015
Pia Montalban
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang mga butil ng bigas
Ay mula sa mga butil ng binhi ng palay
Na bago pa man maitundos sa lupa
May paghahandang dapat na maisagawa
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang kailangang palipasin
Ilang mga araw at linggong magdamag
Bago simulan bawat umaga ng pag-aararo
Bawat umaga ng pagpapalambot sa lupa
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang pagkatapos ng pagpupunla’y
Mahabang takipsilim ng pag-aabang
At pagdidilig. Hindi lamang ng tubig,
Kundi pati pawis at dugo, higit na pag-ibig
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang may panahon ng paghahasa
Ng mga gulok, sundang at karit
May panahon ng paghahawan
May panahon ng paggapas at pag-aani
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang may aangkin ng lupang kanila
Batid nilang may panahon ng paniningil
May panahon ng pag-ani ng karapatan
May panahon ng pagkapatas
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Hindi sila nahihimbing sa kanilang paghihintay
Mababaw ang tulog, tiyak nila ang oras ng paggising
Ang oras ng pagtindig
Ang oras ng paghawak ng kanilang mga karit.
Anong silbi ng luha?
Kung papatak lang ito gaya ng ulan,
At gaya ng baha'y pagtatampisawan.

May iilang paslit sa Kalye ni Juan,
Nagbabangka-bangkaan
Paglaki nila'y dal'wa ang sinasagwanan.

Doon sa iskinitang panay basura ang laman,
Bisita nila'y araw-araw na kagutuman.
Iwinawagayway ang sarili,
Bentahan pala'y kanilang pagkakakilanlan.

Minsa'y nasaglit ako sa tindahan
Nang may matiyagang nakipag-usigan
Banta niya'y bubuwagin ang buhay
Ang latay ng bukas ay aangkinin nang ngayon
Titila rin daw ang buhos ng ulan,
Pang-lamang tiyan lang daw,
Bagkus dahas ang kikitil sa kasaganaan.

Ganoon na nga,
May mga nauudlot na kinabukasan
Pati istoryang panay nagtititigan.

Ngayon kasi'y
Pakalat-kalat na lang,
Iba na pati takbo ng isip,
Nakikilimos na lang
Baka may singkong duling man lang.
Mabuti pa ang Araw,
May kalayaan.

Ang Buwan,
May sariling Wika.

Eh tayo kaya?
Kailan hindi magiging dayuhan
Sa **Inang Bayan.
Next page