Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Tapos na ang giyera
Tapos na ang labanan at hindi matigil na sakitan
Tapos na ang nakakatakot na digmaan sa labas ng mga tahanan
Tapos na.

Pipiliin ko nang maging masaya
Hahanap ako ng madadaluyan kung saan mabibigyan
Ako ng kalakasan
Maghahanap ako ng kapayapaan

Kapayapaan na yayakap saakin
Sa mga takot na dinanas ko
Sa mga bangungot na nagkakaron parin ako tuwing gabi
Sa mga multo na paulit-ulit na dumadalaw saakin

Kapayapaan na pupunas
Sa mga luha na di na natutuyo
Sa mga pawis na matagal nang gustong mawala
Sa mga dugo't na minsan nang nanggaling sa sarili ko

Magkakaron ako ng kapayapaan

Ngunit bakit hanggang ngayon
Na tapos na ang giyera
Ay hindi ko parin mahanap ang kalayaan na iyon?

Bakit patuloy na kumukurot ang ala-ala
Na minsan nang nagdaan at sumabit at nanatili
Hanggang sa mawala?

Bakit kahit na pilit kong kinakalimutan
Ay bumabalik parin ang sakit
Na dinanas ko habang nasa piling mo?

Ngunit ang dating nakaraan
Ay tila gumugulo ulit saakin paulit-ulit
Bumabalik at tila nagiging kasalukuyan

Bumabalik yung nakaraan na
Nagmahalan tayo at piniling di maniwala sa katapusan
Naging matigas ang ulo't sumunod
Sa mga pusong pagal

Nasaksihan ng araw at buwan na
Ang pagiging seryoso ng bawat puso't isip
Natagpuan ang kasiguraduhan sa mundong walang katiyakan

Ngunit sa isang pikit ko
Ay nagulat ako nang magkaron ng "Siya"

Simulan natin sa "Siya"

Simula nung araw na iyon
Ang salitang "siya" ay naging panakot saakin
At tila naging digmaan sa isipan ko
Tila naging parusa sa puso ko

Ang dating "tayo"
Ay unti-unting naglaho
At nagbago
At naging "kayo"

Doon nagsimula ang digmaan
Nasakop mo ang puso kong ngayon lamang umibig
At binomba ito

Pinosas mo ito at ikinulong
Ibinilanggo sa lugar na hindi ko rin alam
Binugbog at pinarusahan para sa kasalanang hindi naman ginawa

Nagmamakaawang pakawalan

Sumulat ito ng kanta
Umawit gamit ang natitirang pintig
Sumulat gamit ang natitirang dugo

Isinigaw niya ang awitin niya ng paulit-ulit
Ngunit walang nakakarinig sakanya

Naghihingalo para sa natitirang lakas
Umawit ulit siya muli

Hanggang sa marinig siya ng Maykapal

Ang alibughang puso ay natagpuan na sa wakas

Ngayon ay dumating na ang kasalukuyan
Kasalukuyan kung saan ang dating nasasaktan ay gumagaling na

Kasalukuyan kung saan tapos na ang giyera
Possible na ang kapayapaan

Hawak ko ang sedula ng pananakop mo sa puso ko
Handa na akong kumalimot
Handa na akong tumalikod
Sa nakaraan na hindi na kasalukuyan

Magtatapos ako sa "Ikaw"

Mag-isa ka na
This piece is meant to be spoken
032116

Tutugon iyong kamay
Sa musikang natural na naririnig.
Pagkat sa una **** pagtapak sa eskwela'y
Turo na yan nila Ma'am at Sir --
Ilagay mo raw ang kanang kamay sa puso
At saka umawit ng Lupang Hinirang.

Habang nagkakamuang ka't nilisan ang kamusmusan,
Doon mo mas natitimbang ang liriko ng kanta.
Tila baga kaylalim ng hugot ng may akda nito,
Pagkat sa bawat linya'y, bibilis bawat pintig ng puso mo.

Perlas ng Silanganang ninais **** sisirin.
Alam kong wari mo'y bakit tatsulok ang mayroon sa Pilipinas.
Ang mga mahihirap, patuloy na naghihirap.
At mga mayayama'y mas nagsisiyaman pa.
Nababagabag ka ba sa istilo ng pulitika?
O minsan ninais mo ring mangibang bansa na lamang?
Para sa higit na salapi't oportunidad.

Nag-aalab pa ba ang puso mo para sa dangal ng Bayan?
Buhay ay langit pa ba pag kapiling ang bansa?
O ito'y pinausukan na ng modernong pambobola't pagmamanipula?
Taglay mo pa ang pagmamahal,
Na siyang tutulak sayo para manatili sa Bayan
At lumaban at tumayo sa pagkatawag mo?

May kumpas pa ba sa puso mo
Ang kislap ng watawat?
Tagumpay pa ba ang pahiwatig nito?
O ika'y nagpapainda sa paghahatak talangka ng iilang Pilipino?

Masasabi mo pa ba't matatayuan
Ang linyang, "ang mamatay nang dahil sayo?"
Gaano kaalab ang puso mo para sa Bayan?
Walang Pilipinas, kung walang Pilipino.
Walang Pilipinas kung wala ka't wala ako,
Walang Pilipinas kung wala tayo.
Ibalik natin ang tunay na diwa ng pagka-Pilipino!
Lumaki ako na kinukwentuhan ng aking inay bago ako tumungo sa panaginip ko tuwing gabi.
Kinakantahan niya ako ng mga oyayi’t hele. Hinding hindi ko malilimutan ang mga gabing iyon.
Hindi lang ang tugtog ng awitin ng kanta niya ang pinakinggan ko, pati na rin ang pintig.
Pintig ng tibok ng puso naming mag ina na onti onting nagtutugma sa tugtog ng kanta na inawit naming dalawa.
At tuwing magsisimula ang awit, ako’y sumasabay… A-Ba-Ka-Da…
Ngunit hanggang ngayon, hanggang Da lang ang aking natandaan. Ang aking inay ay may katawa-tawang paraan ng pagkanta ng awiting ito. Matatapos siya sa Da, ipagpapatuloy sa Du at magsisimula ulit sa A at sasabihing “aking anak hindi kita sinukuan.” “A-Ba-Ka-Da-Du-A-Ba-… aking anak hindi kita sinukuan.” Hindi ko naunawaan ang kantahing ito at hindi ko inisip na unawain. Isang gabi, kumuha siya ng pluma at papel. Sumulat siya ngunit hindi ko ito nabasa. Ibinilin niya saakin na basahin ito sa tamang panahon. Hindi ko ito naintindihan pero talagang naghintay ako para sa sinasabi niyang panahon. Ilang taon ang lumipas, ngayon, ako’y nakaharap sa kanya(sa puntod niya), hawak ang papel na sinulatan niya noong ako’y munting musmos pa. Nakatingin ako sakanya, hinihiling kay Bathala na maibabalik ko ang mga taon na lumipas.
Isa. Dalawa. Tatlo. Onti-onting tumulo ang aking mga luha.
Umawit ako ng mahinhin… A… Ba… Ka… Da…Du… A… Ba… Aking inay, kailanma’y di kita sinukuan…
Ito na siguro ang tamang panahong ihinahayag ng aking mahal na ina. Binuksan ko ang papel na kanyang sinulatan. At saaking pagbuklat, ako’y nagulat at natulala. Mayroong labing apat lamang na salitang nakasulat dito. “Ang BAlakid ay KAkalat at DAdating. DUmating Ang BAlakid, aking anak hindi kita sinukuan.” Ngayon ay naunawaan ko na ang ipinararating ng aking inay. Gusto ko siyang kausapin sa huling pagkakataon para sabihin na salamat. Salamat sakanya kasi kahit na DUmating ang mga balakid ay tinuruan niya akong lumaban. Kaya ngayon, handa na ako sa mga DAdating na pagsubok dahil alam kong nasa tabi ko lamang siya.
The language used is filipino.
Peter Simon May 2015
'Wag kang mag-alala,
'Pag nilangaw na ang
     bahagharing tuyot na
     at wala nang sigla,
Lilipad ang mga paru-parong
     matagal nang nagtago
     sa aking sikmura,
Noong mga panahong
     pinaghalong saya at kaba pa
     ang nararamdaman ko
     'pag kasama kita...
'Wag kang mag-alala,
     mamahalin pa rin kita...

'Wag kang mag-alala,
'Pag napagod na ang
     dagat sa pag-alon
     at pagsayaw ng mahinahon,
Patutulugin siya pansamantala
     ng mga minahal at
     pinagkatagu-tago kong mga ibon
Na nagkubli sa tinig mo
     habang inakala kong
     hindi lilipasin ng panahon...
'Wag kang mag-alala,
     mamahalin pa rin kita...

'Wag kang mag-alala,
'Pag tinamad nang umawit
     ang hangin para sa
     iningatang puso,
Bababa ang mga tala
     na inipon nang
     matagal at itinago,
Upang alisin ang lamig ng gabi
     na noo'y nasa mga bisig mo
     at inakalang 'di magbabago...
'Wag kang mag-alala,
    mamahalin pa rin kita...

'Wag kang mag-alala,
'Pag nakalimutan nang
     ngumiti ng araw
     dahil sa inis,
Yayakapin siya ng buwan
     kahit pa ang kapalit
     ay masunog siya nang labis,
Pipigain ang huling patak
     na luha mula sa mga matang
     tinirahan na ng hinagpis...

'Wag kang mag-alala,
     mamahalin pa rin kita
     kahit sa huling dugong
     dadaloy sa ugat ng puso
     kong sirang-sirang na...

'Wag kang mag-alala,
     mamahalin pa rin kita
     kahit sa huling hanging
     aagpas sa aking bibig
     na pagod nang sumigaw...

'Wag kang mag-alala,
mamahalin pa rin kita, Mahal...
JOJO C PINCA Nov 2017
Ang makamtan ang maliliit subalit makabuluhang layunin sa loob ng maiksing panahon. Sa maiksing panahon lang, ‘hwag mo’ng sakupin ang lima hanggang sampung taon na paparating pa lang. Ituon mo sa ngayon at sa mga darating na araw o buwan ang pagkamit sa iyong mga layunin. Hindi totoo ang long term plan, tangina baka nga hindi mo na ito ‘datnan kaya hindi mo ito dapat na saklawan. Ang tagumpay ay hindi sinusukat sa haba ng paghahanda para ito makamit, ang totoong tagumpay ay dapat na lasapin sa bawat sandali, minuto, oras at araw ng buhay mo. Oo, ganun lang dapat, kasi maiksi lang ang buhay baka sa sobrang abala mo para paghandaan ito ay makalimutan mo ang maging maligaya.

Ito ang pinaka malaking trahedya ang kalimutan ang kasalukuyan para lang paghandaan nang todo-todo ang bukas na iyong hinihintay. Ok lang na mangarap, na magsumikap at pangarapin ang magandang bukas subalit hindi mo dapat na ipagpalit kung ano man ang kaligayahan na meron ka ngayon para lang dito. Enjoy your life today while preparing for the future ika nga. Kung bata ka maglaro ka, sige lang makipaghabulan ka sa mga tutubi o di kaya ay  magtampisaw sa ulan. Kung binata ka sige lang manligaw ka at makipagkaibigan mag-invest ka sa pakikisama at matutong makipagkapwa tao. Kung nagtratrabaho kana gawin mo nang may pagibig ang ano mang giangawa mo, ‘wag lang nang dahil sa pera.

Maging bubuyog ka na laging handang sumimsim ng bango ng mga bulaklak. Gayahin mo ang ibon na laging umaawit at lumilipad. Umawit ka at tumula kahit walang tagahanga. Ipagdiwang mo ang bawat ngayon. Ang maiksi subalit makabuluhan na panahon ito ang mga ginintuang sandali na hindi mo dapat na ipagpalit, hawakan mo ito nang hindi mawaglit.
LAtotheZ Aug 2017
Dilaw na sinag ang bumungad sa aking kamalayan
Habang sumasayaw ang ulap sa bintana
Umaawit ang electric fan kasabay ng mga mumunting ingay sa labas ng kwarto
Kailngan maghanda dahil ngayon ay mas espesyal pa sa nagbabagang balita sa radyo.
Almusal ligo toothbrush bihis na daig pa ang artista sa telebisyon
Beso beso, kamayan, tawanan, yakapan, galak, sa mga taong namiss mo noon
Preparado ang lahat, nakisama ang panahon
Kakausapin ko si Ama na may buong buong desisyon
Naguumapaw sa saya na may kasamang kaba
Asan na pala sila? Anong oras na ba?
Hanggang sa nagsimulang umawit ang mga anghel
Isa isang lumakad ang saksi na may kanya kanyang papel
Hakbang pakaliwa, hakbang pakanan, onti na lang malapit na
Hanggang sa matunton ko ang harapan, naku eto na, kumapit ka
Tila nanahimik ang paligid, nakatuon lahat sa nagiisang pintuan
Hanggang sa bumukas at lumantad ang nagiisang kasagutan

Liwanag. Oo sya ang aking liwanag.
Dahan dahan papalapit, upang akoy mapanatag
Kislap ang nangingibabaw sa buong kaharian
Untiunting pagpatak ng luha sa galak namasdan
Napakagandang nilalang, ang nagiisang dahilan
Kung may araw sa umaga, sa gabi sya ang buwan
Pagkahawak ko sa kamay sabay hinagkan
Ngayon naririto kana hindi kana papakawalan
Susumpa na animoy umaawit sa pinakamasayang pagkakataon
Pagkakataon na tila munting bata na naglalaro sa papalakas na ambon
Anong oras na? Alam kong alam mo na
Kung paglagay sa tahimik ang tawag dun, ang sagot isigaw mo na
Dahil bukas ay di na ko mangangarap pa
Bagkus ang bawat bukas ang hanganan para mahalin kita
Oras na ang nagbilang para mahanap natin ang isat-isa
At kung nagsimula man ang bilang sa isa, magtatapos ang lahat sa labi-ng-dalawa

Written: 08/01/2014
Marg Balvaloza Jul 2018
Sinong mag-aakala
Na doon, tayo ay magkakakilala
Una kang masilayan,
Wala akong ibang naramdaman
Sa gilid ng aking mata
Ika’y aking nakikita
Halos magkatabi
Iisang upuan lamang ang pagitan.
Sinong mag-aakala na tayo ay iisa;
Iisang Diyos pinaglilingkuran, iisa ang pinaniniwalaan
Sabay umawit, nagpuri sa Panginoon
Na alam nating tapat mula noon hanggang ngayon.
Sinong mag-aakala na sa paglipas ng isang linggo
Sa dating lugar, tayo'y muling nagtagpo
Walang muwang, mga hakbang ko'y patungo pala sa'yo
Labi nati'y ngumiti nang ang mga mata natin ay nagsalubong.
Lumipas mga araw,
Ika’y akin paring natatanaw
Nakasama, nakausap, at higit na nakilala
Ikaw ay maalam,
Nabigyan ng kakayahan
Magsalita, mangusap tungkol sa katotohanan.
Sinong mag-aakala na damdamin ko’y makukuha mo
Ang aking atensyon ay hindi na maialis sa’yo
Sa bawat salitang lumalabas sa bibig mo,
Tila ang tinig mo’y nagsisilbing musika sa pandinig ko.
Sinong mag-aakala na ika'y gugustuhin ko,
Makasama sa tuwina,
Galak, tanging nadarama
Tunay nga’t ang pinagsamahan
ay hindi nasusukat,
sa kung gaano na katagal magkakilala.
Sinong mag-aakala na hanggang ngayon ikaw pa rin ay kasama ko
Sa panahon at oras na minsa'y gipit na gipit na ako
Tinuruan, nag-iba ang pagtingin ko sa mundo
Naging positibo sa lahat ng aspeto.
Sinong mag-aakala na ikaw ay aking makikilala
Landas na nagtagpo nang dahil kay Bathala
Panahon ay susulitin, hindi mamadaliin
Upang sa huli ay hindi tayo mabitin!


© LMLB
"Sa gilid ng mga mata tinitignan kita."
-
Can't believe I met you exactly a year ago and I'm so happy to say that I'm still with you. For more years to come! Thanks for the companionship. I'm going to keep it, just this way. // 04.03.18
Pagkadilat ng aking mga mata kaninang umaga ay naisipan kong libutin ang lugar kung saan naroon ang mga bagay na ako mismo ang lumikha.
Linibot ang alapaap ang kislap ng bulalakaw, ang lupa at tubig at langit at bawat kariktan sa madadaanan.
At higit sa lahat ng kariktan ay nakita kita.
Nakita ko ikaw na napakaganda na tila walang kahit anumang makagagawa ng kahit anong bagay na makakasira sa iyong ganda.
Nakita ko ikaw na aking minsa’y nilikha at ngayon ay wala akong masabi kundi ang kotang “it was great”
Kaya’t kumuha ako ng papel at pluma gumuhit.
Sumulat ako gamit ang bibig.
Umawit gamit ang kamay.
Ginuhit kita
Ambiguous Frizz Sep 2019
Ngiting pinagkakait
dahil sa pananakit

Pusong 'di nakakaramdam
ngayo'y pagod na't hinahapo

Nakakulong sa lilim ng mapagpanggap
ang natatanging nagagawa ay magsulat

Magsayaw o kaya'y umawit

Hindi dahil nagdiriwang
o kaya'y maligaya

Kundi itanggi, itakwil
lumbay na nadarama
Malaya ka nga ba?
Lecius Dec 2020
Kung makakausap ko lamang ang batang ikaw, sasambitin ko sa kan'ya na alam mo ba, ikay isang batang maraming talento. Mapapahanga sa'yo ang mga tao nang dahil sa pag-kanta mo.

Hahanap-hanapin nila boses na napakaganda, mistulang anghel ang umaawit kapag narinig na. Lahat ng kanilang mata'y sa'yo titig kapag inumpisahang umawit, 'di sila kukurap kahit saglit.

Kung makakausap ko lamang ang batang ikaw,
papayuhan ko s'ya na marami kang makikilala kaibigan man at kaaway, mayroong mananatili at aaalis, may mamaalam at 'di na muling babalik.

May makikilala ka na isang pag-ibig, mamahalin ka niya. Gabi't araw  ka niyang ipapanalangin na sana maayos kalagayan mo. Siya sa'yo mag-aalala kung kumain kana ba o may sakit ka.

Kung makakausap ko lamang ang batang ikaw,
Ipapaalam ko sa kan'ya na kay raming paghihirap ang dinaranas mo, pero sa kabila nito ay hindi ka sumusuko, parati mo kinayakayanang lampasan.

Isa kang napakatatag na babae na hindi agad aatras sa ano mang pag-subok sa harap, parati kang nag-papatuloy na may bitbit na ngiti sa mukha na hindi basta-basta mabubura.

Kung makakausap ko man ang batang ikaw,
babanggitin ko sa kan'ya na huwag kang mag-alala ang hinaharap mo ay nasa maayos na kalagayan. Kasama n'ya iyong pamiya at minamahal siya.

Huwag kang mag-alala sa kinabukasan, pag-tuunan mo ng pansin ang kasalukuyan, sulitin mo ang bawat araw para maging masaya, dahil ang kinabakusan ay malayo pa ang kasalukuyan ay nasa harap na.
kahit marupok ang damdamin at katawan nating mga nilalang ni Bathala upang umawit, sumulat, tumugtog o dumula,
ibig kong sabihin sa inyo na mas marilag ang tapang natin kaysa kape,
sapagkat sa bawat ihip at higop sa lamig o init nitong inumin,
anumang hangarin ay kinaya natin.

— The End —