Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Random Guy Jan 2020
sa maingay na mundo
sumulat
sa makalat na kwarto
sumulat
sa mga nakakalason na yugto
sumulat
at 'wag tayong tumigil
hangga't ang utak natin
ay unti-unting nagiging mapayapa
lumilipad
hinahangin
ng bawat salita
tugma
kinukulayan ang bawat pahina
ng kahit anong kulay na gusto mo
pula
lila
kahit pagsamahin mo pa sila
ikaw ang bahala
basta't sumulat ka
Mimi Jan 2019
Di ko alam kung mababasa mo toh!,well feeling ko Hindi ,gusto ko Lang malaman mo na di ko ginusto ang nangyari... sorry kung may nasabi man  ako na di tugma sa nararamdaman ko.


Akala ko kaya ko mag isa,na ok lang ako kahit wala ka! Pero mali pala ako...di ko pala kaya pero anong magagawa ko kung ayaw mo na talaga.

Na ituloy ang  nasimulan natin, sobrang hirap ang sakit
I don't know why I cry when I wrote this letter to him maybe cause I still love him till now...
Tagalog translation:
Hindi pa nga nagsisimula, tatapusin na agad?
Kesyo daw baka ibang trabaho ang aapplyan ko na hindi daw tugma sa kursong kinuha ko
Puna ng nanay kong talak ng talak na parang pinaglihi ang bungaga sa pwet ng manok
Hindi pa nga nakapagpasa ng application letter at resume negatibo agad ang nasasabi at naiisip
Ika nga nila pride does not pay your bills.
Importante ba talaga yun? Na pride ang pinapairal at hindi na lamang lunukin ang pride
Kaya hindi umaasenso ang bansa eh dahil sa negatibong pananaw ng mga tao sa lipunan
Na imbes tulungan kutyain pa lalo
Ano bang pinpupunto mo? Ano ba ang ikinakagalit mo?
Na matulad ako sa ibang tao na sapat na ang isang kahig, isang tuka
Gusto ko naman mamuhay sa mundong ito na hindi sapat ang kakarampot lang
Ngunit ibahin mo ako sa iba, ayaw kong umasa sa salitang survival of the fittest
Gusto kong maniwala sa salitang comfort of the fittest
Ayaw ko nang ma experience ulit yung ulam na toyo, suka at mantika na ihahalo sa kanin pangtawid gutom lamang
Ayaw ko nang gawing ulam ang sabaw ng noodles na abot hanggang leeg na walang kalasa-lasa para makakain lamang kaming lahat
Ayaw ko na nung mga panahon na minsan lang ako makaranas kumain sa fastfood restaurants
Ngayon hindi na tuwing birthday o kahit anong okasyon makakakain kami, kundi kung kailan may extra sa pera ko
Hindi kahihiyan ang makakamatay sa atin kundi uhaw at gutom lamang
Mamamatay nang nakadilat ang mata mo
Kahit alam **** may oportunidad na dumadaan sa mga panahong lumilipas
Mas pinili **** tumunganga na lamang sa hangin nang walang laman ang sikmura
Imbes na magsipag para may maipakain sa pamilya kahihiyan ang inuuna
Tandaan mo, wala kang laban sa sikmura **** kumakalam at dila **** uhaw
Kung hindi ka magtyaga at maghanapbuhay.

English translation:
You haven’t even started, yet they’re already shutting you down?

They say you might apply for a job that doesn’t match the degree you took. My mom, always nagging like she was born with a rooster's mouth, keeps voicing her concerns. I haven’t even submitted an application letter or a resume, and negativity is already in the air.

They say, pride doesn’t pay the bills. But is that really important? Is pride really the issue here? Should I just swallow my pride?

This is why the country doesn’t progress—because of the negative outlook of people in society. Instead of lifting each other up, they choose to mock and tear others down.

So what is the real point here? What exactly are they angry about? Do they want me to end up like others who live paycheck to paycheck, barely scraping by?

I just want to live in this world with more than the bare minimum. But unlike others, I refuse to rely on the saying "survival of the fittest." Instead, I want to believe in "comfort of the fittest."

I never want to experience another meal where soy sauce, vinegar, and oil mixed with rice are our only options just to get through the day. I never want to rely on watered-down instant noodles that stretch to feed everyone but have no real flavor.

I never want to go back to the days when dining at a fast-food restaurant was a rare treat, reserved only for birthdays or special occasions. Now, it’s no longer just a once-a-year thing—it happens whenever I have extra money.

Shame is not what will **** us—it’s thirst and hunger. You’ll die with your eyes wide open, knowing opportunities pass you by. And yet, instead of reaching for them, you choose to sit idly, stomach empty. Rather than working hard to provide for your family, you let shame control you.

Remember this—you stand no chance against a growling stomach and a thirsty tongue if you don’t hustle and work for a living.
nobody Apr 2021
Nag
Nag

Nagpaparamdam
Nagpapadama
Nagpapaalala

Nagpapadala
Ang damdamin
Sa mga parirala

Bagamat
Walang sukat
Ito ang inaakala

Mga salitang
Walang tugma
Pero ikaliligaya

Nalilito
Nagtataka
Nagtatanong

Pilit iniintindi
Ang bawat
Bulong

Hinuhukay ang
Anumang natitirang
Nakalubong

Madumi at pilit
pipigilan ito sa
pag-usbong

Nakita na
Nakita ko na

Kailan ba naging malinaw
ang mali na.
PAANO BA GUMAWA NG TULA

PAANO ba gumawa ng magandang TULA
TULA na may tamang sukat at TUGMA
TUGMAng pantig mabulaklak na SALITA
SALITAng dapat umayon sa SIMULA

SIMULA ng tula dapat may tamang BAYBAY
BAYBAY ng panitik dapat saktong BILANG
BILANG ng patinig minsan pa ay KULANG
KULANG sa diwa tula pa’y walang BUHAY

BUHAY na dapat laman ng iyong KWENTO
KWENTOng aakit sa bumabasang TAO
TAO na minsa’y paghuhugutan ng LAKAS
LAKAS upang sa tula’y MAIBULALAS

MAIBULALAS katagang HAHANAPIN
HAHANAPIN sa balong ubod ng LALIM
LALIM ng salita’y dapat PAKASURIIN
PAKASURIIN salitang BIBIGKASIN

BIBIGKASIN mga kataga ay SAPAT
SAPAT na mauunawaan ng LAHAT
LAHAT na babaybaying pantig may SUKAT
SUKATan ang lalim ng ilog at DAGAT

— The End —