Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"titigilan" poems
Ilang taon ka na ring laman ng puso ngunit napagtanto na tigilan na ito naging prince charming na nga kita sa isip ko at ayoko ng maging prinsesa mo. kaya titigilan ko na ito. Alam mo bang tayo lagi sa panaginip ko, sana ganon rin sa paggising. Ngunit ang layo pala, ang layo palang maging tayo kaya pipilitin kong kalimutan ang mukha mo at di na aasa sayo dahil sa una palang, kaibigan lang ang turing mo sakin at ako naman tong si tanga, umaasa na mamahalin mo at nilalagyan ng malisya lahat ng galaw mo kaya sa huli, laging nasasaktan ang puso ko. kaya titigilan ko na ito.
0
Oct 20, 2018
Oct 20, 2018 at 11:02 PM UTC
pusong asul
Tayo ay magkasalungat Magkaiba, hindi tugma At kahit baliktarin mo ang mundo Tayo ay dalawang taong Hindi maipagsasama, Hindi maipapares, hindi din maitutugma Pero mahal pa rin kita Ikaw, Ikaw, na nagmamahal ng iba Ikaw, na mayroon mga mata Na para bang sila ang dahilan kung bakit may mga tala Ikaw, na mayroong bibig Para ngumiti o sumimangot Sa tamis at pait ng buhay Ikaw, na mayroong kamay Para mahawakan ang kamay ng taong mahal mo Ikaw, na mayroong puso, Na naghahanap ng kasabay sa pagtibok nito Ako, Ako, na nagmamahal sa'yo Ako, na mayroon ding mga mata Na nakakakita sa'yo kahit ang kwarto ay punong-puno ng libu-libong tao Ako, na mayroon ding bibig Para ngumiti, tumawa, humalakhak Kahit wala ka sa tabi ko Ako, na mayroon ding mga kamay Na dapat hawak ang iyo Ako, na mayroon ding puso Na hindi pala tutugma ng tibok ng iyo Kasi pabilis ito ng pabilis habang ikaw ay papalapit ng papalapit Pero pakinggan mo sana sa ingay ng 'di tugmang tibok ng puso natin May nagsasabing Mahal kita, gusto kita, ako na lang, sana tayo Pero nandiyan pala siya. Siya, na minamahal mo Siya, na parang buwan kasama ang mga tala Siya, na laging hawak ang kamay mo Siya, ang dahilan kung bakit hindi ko kayang sabihin lahat ng 'to sa harap mo. Tayo, Tayo ay parang tubig at langis, Liwanag at dilim, langit at lupa Mapait at matamis, madumi at malinis Maingay at tahimik, itim at puti Tayo ang perpektong kahulugan ng salitang 'salungat' Sana, Sana magising ako sa katotohanan na mali ang konsepto ng pag-ibig na nalaman ko Na ang pag-ibig pala hindi lagi inaantay, At hindi din lagi naghahanap ng kapalit Sana nagkakilala tayong may lihim na nararamdaman sa isa't-isa Sana kayanin **** magmahal ng higit pa sa kaibigan Sana hindi na lang kayo nagkakilala Sana ikaw ang pangalan na nawawalan ng saysay pag paulit ulit ko itong sinasabi Sana hindi na lang ako lagi kumakapit sa sana. Pangako, Pinangako ko sa sarili ko Na pagkatapos ng tulang 'to Titigil na akong isipin ka Titigil na akong alalahanin ang ngiti mo, ang paggalaw ng iyong bibig tuwing sasabihin mo ang pangalan ko Titigilan na kita sulatan ng tula Titigil na akong mahalin ka At ang huling sana na aasahan kong matupad Na sana tandaan mo, Minahal kita, Ginusto kita, Kahit siya na lang At sana masaya ka.
0
Feb 10, 2016
Feb 10, 2016 at 11:13 AM UTC
Magkasalungat

Continue reading...
65
Ako’y isa lamang pinuno, Gumabay sa isang hukbo. Oras ay itinataya upang magturo, Upang bigyan ng kaalaman ang mga pribado. May mga taong gusto akong tularan, Mga nasa ikatlong taon ng paaralan. Tungkulin ko sila’y turuan, Upang sila’y magkaroon ng kaalaman. Mga COCC kung sila’y tawagin, Lahat sila’y may sinusunod na tungkulin. Mga katulad ko’y dapat sundin, Upang makamit nila ang kanilang hangarin. Meron akong isang CO na nakilala, Pansin ko’y kanyang nakuha. Hindi ko maipaliwanag ang kanyang ganda, Lagi nalang sa kanya ang aking mga mata. Ang ibigin siya’y isang bagay na bawal, pagkat posisyon ko’y pwedeng matangal. Ito’y aking gagawan ng paraan. Kahit ito pa ang batas ng paaralan. Tinataguan ko ang aking Commando, Upang makipagkita sa giliw kong CO, Tinutulungan din ako ng kaibigan kong pribado, Na umiibig naman sa isang pinuno. Bakit ganito nalang ang pag-ibig, Palagi nalang may humahadlang sa paligid. Hindi ba nila alam kung gaano kasakit, Ano ba ang kanilang naiisip. Ang pamumuno ko ay pansamantala lamang, Ngunit pag-ibig ko sana’y walang hanggan. Huwag sanang masira ang ating samahan, O Aking Joana, hindi kita titigilan.
0
Dec 3, 2010
Dec 3, 2010 at 7:26 AM UTC
Mi Inspiracion de Militar
Minahal mo ba talaga? O naawa ka lng sa kanya? Tinigil mo na nga, Kaso umiyak sya, nagbago yung isipan. Binalikan ng walang dahilan. Tapos ngayon ika'y nalilito, Kung titigilan ba ang panloloko. Kaya mo ba syang saktan ng buong buo. Mawala lng yung nararamdaman niya sayo. Isipin **** mabuti yung gagawin. Hindi ba sya masasaktan pag ika'y aamin? Malungkot, luluha sya ng di inaakala Tingin mo ba ang gagawin mo ay tama? Kung ikaw ay aking tatanungin. Kakayanin mo bang magmahal ng iba ng palihim? Hindi ba sya magagalit pag sya'y iyong paglaruan? Yung tipong nahuhubog kayo sa kasiyahan. Pero yung totoo, katotohanan ba yan? Hanggang tawa na lng ba kayo Wala na lng ba talagang mangbabago ? Subukan **** sabihin yung totoo. Baka maraming masusubukang bago
0
May 29, 2017
May 29, 2017 at 4:58 AM UTC
❝Kalituhan❞
sana pinigilan ko ang sarili ko nang tuluyang mahulog sa'yo upang hindi na maulit ang ginawa kong pagpilit sa aking sarili sana pinigilan ko ngunit, sana hindi nalang kita tinigilan pero kailangan kitang iwanan kasi hindi lamang ako yung nasasaktan pati ang damdamin kong pilit kong pakawalan sana hindi kita tinigilan sana nakikita ko ay iyong reaksyon sa likod ng mga hadlang tuwing tayo'y nagkakaroon ng interaksyon kahit sa chat lamang sana nakikita kita pero bakit kung kailan ilang buwan nalang tayo magsasama saka muling kumislap ang aking mga mata tuwing ika'y nakikita hindi ito tama sapagkat nangako ako sa sarili ko na titigilan na kita noon pero noon iyon anong nangyari saakin ngayon bakit biglang ninakaw mo ang aking atensyon mula sa kanya, patungo sa'yo sana matagal ko na itong ginawa hindi kung kailan malapit ka nang mawala sa aking paningin, hindi kung kailan malapit ka nang maglaho sa aking paligid, hindi kung kailan bumalik na ulit ang nararamdaman ko para sa iyo... hindi. sana nagawa ko nang umamin sa'yo noon ngunit hindi ko kaya hindi ko kayang masaktan dahil lamang sa munting damdamin ko na maaaring makasira sa kung anong meron tayo. oo, magkaibigan tayo. alam ko yun. dahil hanggang doon lang tayo. sana, nakita mo kung gaano ka kahalaga sa paningin ko. sana... pero hindi.
0
Jan 29, 2018
Jan 29, 2018 at 6:04 AM UTC
Sana
sa umaga, sa akin ay anino ka lamang na sa pagsapit ng kadiliman ika'y mawawala ngunit sa gabi, sa akin ika'y nagiging hangin sisinbol ng malambing at hahaplos sa aking balat tunay nga na may mahika ang isang tulad mo isang matipuno at matalinong nilalang na kahit sa mga oras na walang pagkikita ang iyong palad aking nararamdaman sa aking balat na tila sa'yo'y isang libro na iyong walang tigil na pagmasdan at hindi titigilan ang paghanga sadya nga napa-irog mo ako, isang binata na iyo'y napasinto-sinto na kahit wala ka sa tabi ko napukaw mo ang damdamin ko.
0
Apr 5, 2019
Apr 5, 2019 at 10:37 PM UTC
palad ng salamangkero
Sabi ko titigilan na kita. Sabi ko kakalimutan na kita Sabi ko tama na. Sabi ko ayaw ko na. Sabi ko lang pala yun. Di yun ang sabi ng puso ko'
0
Jul 2, 2018
Jul 2, 2018 at 3:02 PM UTC
Sabi' ko