Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tambayan" poems
Gusto mo kape? 'O gusto mo tayo nalang,puwede 'O Teka,biro Lang Pangako kape lang talaga,Tara na Ano bang gusto **** lasa? Matamis ba? Para kahit sa pagtimpla nalang ng kape ko ibabawi yung lasa ng nais ko sa iyo'y ma-ipadama Gusto mo ba'y Matabang? 'Yung wala ng lasa 'Yung wala ng pag-asa 'Yung kulang sa timpla Dahil napagod na. 'O baka Gusto mo naman 'Yung sakto lang 'Yung kahit may gusto kang iba Ako'y patuloy paring aasa At kahit mangawit man ng sobra At magpawis man ng kakaiba sa kakahintay, Sa akin ay ok lang Kahit ako'y kaibigan lang naman,Mahal Basta ikaw At kung ang sagot sa lahat ay pag-papakatanga Sigurado ako ang nangunguna. 'O baka gusto mo ng 3 in one? 'Cause you want me to be your number one fan Just like my favorite man Superman Spiderman And maybe a man of mine Nako ano ba yan! Ano ba talaga gusto **** lasa? Ayoko ng manghula pa Kaya sabihin mo na Para di nako mahirapan pa na Ipagtimpla ka pa. Ah alam ko na! Gusto mo rin ba yung lasa tulad ng aking pag-timpla? 'Yung nag-kakasalubong yung tamis at pait ng kapeng barako Oo Kapeng barako Parang tayo Kapag ang mga mata nati'y nag-tatagpo na akala mo naman ay may salitang tayo Kung nakakapag salita lamang ang ating mga mata Sigurado Bistado Aminado  na gusto natin ang isa't-isa. Pero Teka,Kape lang ba 'to talaga? 'O meron pang iba? Sabihin mo na Para hindi na ako umasa pa na mahulog ka pa. Tara kape pa Para makasama pa kita Ang sarap lang ma-upo kasama ka sa ating tambayan Kasabay sa pagtanaw sa ating kalawakan. 'O kay sarap sa pakiramdam noong sandaling  ika'y aking mahagkan At batid kong ito'y panandalian lamang, Kaya Tara kape lang Kahit walang aminan Dahil alam ko naman na Tayong dalawa'y malabong mag-katuluyan.
0
Feb 21, 2021
Feb 21, 2021 at 9:22 AM UTC
" TARA KAPE "

Continue reading...
61
mula sa bintana ng mga katotong tahanan may pinaghuhugutan balitang pinagkainan merong budbod di-umano ang bibingka sa bilao madalas di-ginugusto,,minsan nama'y napapa-tipo. bihira man ang daloy sa hiwa ng pagkakataon nariyan pa rin ang kuro at haka sa loob ng kahon sa tulong ng walang patumanggang bulong na hindi naririnig ang tunog sa likod ng pulang bilang matatanaw may abiso sa kidlat na walang kulog. ilako ang lakbay ng himay sa mga nagdidilang anghel para mahumpay ang tamlay mula sa pader na papel ibahagi ang natatanging kuwento sa oras ng hanay ng kasarinlan mag-manman sa likuran bago dumating at gumawa sa tambayan matabunan man sa araw-araw ang pag-apaw ng dalaw sa estado wag mag atubili,hataw lang sa paggalaw muling ibangis ang talento bagamat ano mang bulwak meron ang katha sa salamin,matapos na maisulat sa ere man hanggang sa paglapag ng tuyong dahon,may mangha na ipamu-mulagat sapagkat hinde mababanaag sa mga nilakaran ang iniwang bakas sa pinanggalingang upuan dahil ang dati nang puting kulay sa loob na 'ala pang bahid magkukulay dilaw sa pagkakaroon ng matimtimang masid at kung ang inaasahan ay taliwas sa nakatakda,,alin lang yan sa dalawa : bumilis ang pagbagal ng patak kaya manunumbalik ang dati nang sigla o malamang na mangamba sa pakiwaring hindi daratnan dahil sa pagkaantala? kung magkagayo'y ituloy lang ang pagkasabik sa pagtatapos pagkat magkakabunga!
0
Dec 12, 2015
Dec 12, 2015 at 8:50 AM UTC
salungguhit
siguro magtatagpo ulit tayo kapag tayo ay handa na para sa isat'isa hindi... mali... tangina ng linyang yun! minahal kita ng buong buo gamit ang tangina kong puso pero hindi mo manlang ako minahal ginamot ko ang sarili ko kahit ngayon ginagamot ko pa at gagamutin ko bukas at gagamutin ko sa isang araw hanggang sa isang linggo sa susunod na buwan hanggang sa isang taon gagamutin kopa ang sarili ko at gagamutin ko pa habang nabubuhay pa ako kaya pakiusap... mga tatlong taon bago matapos ang ngayon kung magkita man tayong dalawa sa tambayan na dati tayong magkasama ay sana wag ka nang lang lumapit ilalabas ang apoy sa iyong pagbati ng "kamusta" sisindihan ang pag-ibig na sumunog sa aking pusong natusta na ginawang abo ng iyong pagmamahal wag ka nalang lumapit... ipagpatuloy mo lang ang iyong paglakad kung saan ka man papunta iniwan mo ako nung sabi ko "teka lang" iniwan mo ako nung sinabi kong "pahinga muna" humiling ako ng panandaliang paghinto sa giyera ng ating mga puso dahil sa walang tigil nating pagaaway na ikaw ay biglang bibitaw dahil sa simpleng bagay iniwan mo ako nung sinabi kong "sandali lang" iniwan mo ako nung sinabi kong "itigil na natin" napagod sa pagtakbo sa paghabol sa nauunang hindi naghintay sumuko sa batuhan ng ako ang tama at ikaw ay mali - - kahit kailan hindi ka magiging sapat para sa akin kahit kailan hindi mo magagamot ang nasirang ako ang nawasak na pag-ibig ang nawalang pagmamahal kahit kailan hindi na mababalik ang dati kahit kailan hindi mo mapapapoy ang abo hindi mo maaalis ang sakit na pinagdaanan nito hindi mo matatanggal ang pilat na naging sanhi mo maitatago mo lang ito magpapanggap na hindi nangyare ito lolokohin ang sarili pakiusap lang.. papakawalan na kita na ito ay hindi panandalian na ito ay panghanggang dulo papakawalan na kita na ito ay hindi biro na ito ay totoo na ito ay ang katotohanang palagi **** isusuka pasensya na mahal.. para sa iyo binigay ko ang lahat alam ko hindi pa yun sapat pero ginago mo ako kaya nagbago na ako kaya pakiusap.. wag mo nang gamitin ang oras hindi makakalimutang ang dilim ng nakalipas hindi mapapaltan ng bagong memorya ang masamang ala-ala hindi tayo magiging handa para sa isat isa hindi tayo para sa isat isa isa kang magandang halimbawa na kailan man hindi ko matututunang paghandaan kung pwede lang ibalik ang nakaraan ikaw ay aking tatanggihan
0
Jul 22, 2017
Jul 22, 2017 at 1:22 PM UTC
tula ni VJ: "hindi tayo para sa isa't isa"

71
#051416 Nauuhaw ako Bitak-bitak ang lalamunan Sabay lunok, iba ang indak ng tag-init. Humiling ako Sa bulsang gula-gulanit Sa retasong sando Sabay hanap sa munting kaluping Singit sa maingay na sapatos. Siyang nakikipagtagisan ng laway Sa putik na binubuhusan ng langit. Muli, nauuhaw ako Pero sana'y mapawi ito Ng mahika't eksperimento Ng itim na likidong kumukulo sa lamig. Taglamig, taglamig na takipsilim; Yakap ko ang kapoteng maitim ang tagiliran. May karatula sa kanto, Kaya't napasugod ako sa pagkasabik. Tangan ko pagbalik ang litro. Magaspang ang mga kamay Kaya't makapit ang bote sa mga daliri. May karatula sa ikalawang kanto, Tatlong kulay, pero hindi matukoy Gabi'y makasarili, walang nais na kahati. Ulap ay hinawi, kabiyak ang buwan at bituin. Isang bloke ng yelo, Yelong pinira-piraso Binasag sa sementong kwadrado Pahaba't may mga bumbilyang mamatay din. Isang ihip lang ng hangin, lagas ang liwanag. Isang basong walang laman, Walang bahid ng pagsabon Buhat sa mga nakasalansang na pagkatao, Iba't iba ang pwesto, May kanya-kanyang tambayan. Tuluyan silang naging tambay na lamang. Nauuhaw ako pero hindi ito napawi, Mga kalapating pumapagaspas sa himpapawid, Senyas pala ng paglisan. Musikang hele patungong langit, Pagtulog ko'y pahimbing nang pahimbing. Nauuhaw ako, nauuhaw na naman ako Pero pauwi na ako sa Tahanan, Doon na makaiinom, magpapahinga na ako. Paalam.
0
May 14, 2016
May 14, 2016 at 10:31 PM UTC
Coke Story
Nagtagpo ang ating mga salita Higit sa isang sandali Yung isang sandaling hindi panandalian At kalakip ng ating tila kaytagal na hintayan Ang sinasabi nilang heto na Heto na pala ang pangmatagalan. Nagtagpo ang ating mga ulirang mga puso Kasama ang bawat sakit na hanggang ngayo'y pasan-pasan pa rin natin. Kasama ang bawat agam-agam, Kasabay ng kanyang pagluwas buhat sa mga makakapal na ulap Ang pagtanghod ko sa muli nating pag-uusap. Nagtagpo ang ating mga damdaming Marupok pa sa kahoy na hinayaang anayin. Kung saan ang bawat pako'y nag-iwan ng mantsya at kalawang. Nagtagpo ang ating mga basag na pangarap Ang mga pangakong hinayaan nating Matunaw sa likido ng galit at pait. Nagtagpo ang ating mga paningin Sa hindi inaasahang tambayan Sa tambayan ng damdaming Akala nati'y wala nang lusot para sa kinabukasan At kasabay ng minsan nating pag-aaksaya ng panahon Sa pagpapaligaw sa mga mabubulaklak na salita, Tayo ay nagtagpo na may iisang luha sa iisang garapon. Nagtagpo tayo sa basag na nakaraan At hinapo sa bawat piyesta ng masasakit na mga salita Bagkus sa likod ng bawat "ayoko na" at "bahala ka na" Ay sabay tayong nagtagpo at nagtago ng ating mga dala-dala. Doon ka sa kaliwa at ako naman sa kanan Doon tayo sa magkasalungat na landas Kung saan ang oras ay posibleng di na magsipaglihis pa Na ang aking umaga ay di mo na gabi At ang aking gabi ay di mo na umaga. Kung saan ni isa'y di na aalis At kung saan ang lahat ay posibleng di na magmintis. Baka doon -- Baka sakaling matagpuan nating muli ang isa't isa. --- Minsan, napadpad ako sa karagatan Kung saan ang bawat hampas ng alon Ay tila kumpas na lamang ng nakaraan Na ang dating puting buhangin Ay unti-unti nang nanumbalik Akala ko'y isang panaginip Pero doon ay may subalit -- Subalit na napakaganda. Ako'y saksi sa pagluha ng langit nang pabaliktad Na parang ang lahat ng maganda sa dalampasigan Ay unti-unting inanod At akala ko'y di na makababalik.
0
Nov 8, 2017
Nov 8, 2017 at 8:06 AM UTC
Tagpuan

50
Lagi ka na lang tourist spot na ayos picture-an, handa pag may birthday lang, extreme sport na masayang subukan, gown pag debut, dress pag kasalan, leap year pag pinagpala, blue moon pag may himala, lakad ng barkada kung tuloy ang aya. One time, big time. Kailan ka kaya magiging tambayan anuman ang dahilan, kanin sa kahit anong ulam, basketball na laging andiyan, t-shirt, shorts, pants na 'di pangmayaman, a-kinse at a-trenta pag minalas, new moon, full moon at lahat ng quarter, fixed date. Big time, all the time.
0
Aug 5, 2016
Aug 5, 2016 at 12:40 PM UTC
Sana steady naman
Magkaibigan Naglolokohan Nag-aasaran Nagngingitian Isang araw nag-yaya ng hindi inaasahan Hindi tumigil sa text at tawagan Kumain ng sabay Nag-usap ng matagal Bumiyahe ng magkahawak-kamay Umakyat ng bundok at nakaalalay Spoiled sa paghatid at pagsundo Tambayan ang mcdo Gusto laging magkasama Ayaw humiwalay sa isa’t-isa Ang oras ay kay bilis pag magkapiling Ang araw ay kay tagal pag malayo ang isa sa atin Isang araw nagtanong at nagtaka Ano bang meron sa ating dalawa? Higit pa ito sa magkaibigan Mukhang nahulog na ng tuluyan Pebrero 28 itinakda natin ang “tayo” Minarkahan na ang ating kalendaryo Hindi inaasahan. Ni hindi pumasok kailanman sa isipan, Na ang dating magkaibigan at magkaasaran Sa huli ay magkakatuluyan Salamat sa mga hindi inaasahan.
0
Apr 6, 2016
Apr 6, 2016 at 10:14 PM UTC
Unexpected
032417 Pinagmasdan ko ang paglipad mo Napakaganda mo Hanggang ang langit Ay naging "sa piling ko." Sa pagpupumilit **** lumipad, Doon ka nahagip ng nagsisigawang mga hangin, Doon ka naputulan ng isang pakpak, At doon, sa wakas: Nagpasalo at nagpakanlong ka sa'king pag-ibig. Wala kang kamalay-malay Na ako ang siyang umakay sayo. Sa una pa lang, alam ko namang Pag nahilom ka na'y Kusa ka na ring aalis. Alam ko namang ang bisig ko'y Siyang tambayan lang ng pag-ibig. Minsan, pinangarap ko ring makalipad Gaya mo, baka sakaling magtagpo tayo sa ere Baka sakaling masabayan kita Sa mga gusto mo pang liparin. Pero magkaiba kasi tayo Wala akong sinasabing hindi patas ang tadhana Pero tama nga si Bathala, Wala naman tayong magagawa Kaya mabuting ngayon pa lang, Pakawalan na kita. Mahal, lipad na Kaya ko nang mag-isa. Mahal, paalam na Kahit ang totoo'y: Di ko pa kaya ang wala ka.
0
Mar 24, 2017
Mar 24, 2017 at 9:48 AM UTC
Lipad
Minsan makakatagpo ka ng taong una pa lang click na kayo Yung trip mo trip din nya Kapag nagjoke ka ng corny tatawa pa din sya Yung tipong ang gaan lang 'pag kausap mo sya Ang sarap sa pakiramdam na di kailangang magpasikat o gumawa ng image na ipapattern mo sa magugustuhan nya Yung kung ano at sino ka, yun lang ang ipapakita Walang itatago kasi wala din namang huhusga Buti na lang pareho tayo ng dinaanan Nagkasabay sa pagtambay Sa mga simpleng kwentuhan alam ko nakatagpo ako sa iyo ng tunay na kaibigan.
0
Mar 21, 2019
Mar 21, 2019 at 9:47 PM UTC
Napadaan sa iisang tambayan