Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pulis" poems
Ako ay isang pulis, Natangal sa Serbisyo dahil sa paniniwala kong mali ang naging paghusga sa aking pagkatao, Naglingkod sa bayan ngunit nauwi ang aking paghihirap sa hindi tamang pagpataw ng parusa, Sa aking serbisyo, Sa aking pagkatao, at sa pangalan ko. Kayat nagawa ko ang desisyong ito, Wag niyo akong sisihin dahil tao lamang ako, Nasasaktan at humihingi ng katarungan sa sistemang di makatarungan ang dahilan, Sino ba naman ang matutuwang mapagbintangan, sa mga krimeng pinaniniwalaan kong di naman ako ang may kagagawan? Mga turista ang aking ginawang pananga, Dahil di naririnig ng binging sistema ang mensahe ng sarili nilang mamamayan, Kayat sila ang napili ko upang maintindi ako at magawan ng paraan, Bitbit ko ang aking baril, Hawak ko ang aking kutsilyo, Ngunit wala akong balak na gamitin ito upang masimulan ang pagkakagulo, Isa lang naman ang hiling ko, ANG MAPANSIN AKO NG BULOK NA SISTEMANG PINANGALINGAN KO.
0
Aug 24, 2010
Aug 24, 2010 at 3:46 PM UTC
In Mendoza’s Mind...
Panginoon mo ang Panganorin. Bertud Ka ng hubad na diwata. Likhang-isip, halukipkip Ng wika, pedestal ng Luha, ikaw itong kalahatan Ng kasalatan ng unawa't Awa ng hangal na madla. Samut-saring anyo't samyo Ng opyong bumabawi ng Bait at hinanakit sa buhay Ngunit masugid na patrong Naghahasik ng biyaya Sa anyo ng bote pakete lata spaghetti langaw lumot bangaw ipis lotion ****** burak darak barya kariton prosti sutana artista politiko pulis tsismis                        atbp.
0
Nov 3, 2013
Nov 3, 2013 at 3:23 PM UTC
Poleteismo
Sa unang limang segundo, berde. Sabi mo mahal mo. Sige, andar. Sa susunod na dalawang segundo, dilaw. Magmabagal ka muna. Pagisipan mo kung tutuloy ka pa. Sa huling segundo, pula. Tigil na. Wala na. Maghintay ka nalang. Magiging berde rin ulit yan. Wag ka na mag-beating-the-red-light. Pagbabayarin ka pa ng pulis at sasabihin sa'yong, "Nakita mo namang dilaw na yung ilaw, 'di ba? Ba't tumuloy ka pa?" At ikaw naman 'tong nagbubulag bulagang sasabihing, "Akala ko po aabot pa ako." Akala mo lang. Akala mo kakayanin mo pa siyang habulin pero hindi na pala. Akala mo maaabutan mo pa siya pero nakalayo na siya. Akala mo. Akala mo lang. Pero mali ang iyong akala. Sana. Sana pala huminto ka na. Sana pala hindi mo na hinabol. Sana pala noong una palang, inalam mo na. Sana inalam mo na, na di ka na niya mahal. Kaya nung naging berde na yung ilaw, umandar na siya. Pero nung umapak ka na sa gas upang habulin siya, naging dilaw na yung ilaw. Sana doon palang, tumigil ka na. Sana doon palang, nagdahan-dahan ka na. Pula na 'yung ilaw. Tigil na. 'Wag mo nang pilitin pang habulin siya. Pero ito ang sinasabi ko sa'yo, Sa pagkakataong ito'y maging berde na muli, Wag **** hintaying maging pula ulit ito. Ang mga busina ng kotse sa iyong likod ang nagsasabi sayo, "Umandar ka na. Berde na ang ilaw. Ano pa ba ang ginagawa mo?" Umapak ka sa gas, hindi para sa kanya. Pero para sa sarili mo.
0
Oct 6, 2015
Oct 6, 2015 at 12:50 AM UTC
Ang Stoplight Sa May Intersection
Hindi niyo ba nakikita Ang kanilang panlilinlang sa taong bayan Sa pagpapakita ng malayang lansangan Ngunit ang totoo'y sila ang kapahamakan Apat na dekada nang nakalipas Bata, matanda, sanggol, walang takas Walang takas sa pagmanalupit ng mga pulis at sundalo Ang nakaraan, hindi ba tayo natuto? Mga pulis ay nagkalat Mga sundalo'y laganap at dumadami Kahit saan lumingon, sila ang matatanaw Nagmamasid, nag-iikot, baril ay nasa tabi Putok ng baril biglaang maririnig Kasunod ay balitang may nabaril Iisa ang rason: nanlaban Ang tanong, nanlaban ba o kunwariang nanlaban? Kanilang pagkatok Biglaang pasok Naghalungkat na walang pahintulot Tama pa ba ito? Mga tao'y hinahayaan lang Ang mga naglalakad na kapahamakan Dahil sa takot na sila'y tauhan ng presidente Isang kamay sa bibig, kabila'y sa mata Unti-unti nang nagpaparamdam Ang pagbalik muli ng setyembre bente-tres Tao'y nabulag, hanggang ngayon ganon parin Kailan kaya magigising ang tao, kapag huli na ba ang lahat?
0
Jul 24, 2018
Jul 24, 2018 at 8:22 AM UTC
Ang Pagbalik
balik-tanaw. limang taong gulang. tapos na maghabulan, magtayaan. pagod na ang lahat at ang natitira na lamang ay magkwentuha't mag-asaran bago magsiuwian. "wala mga daddy niyo sa daddy ko", sigaw ng aking kalaro, "nagpapalipad siya ng mga eroplano". manghang-mangha kami habang nagkukwento siya at may hawak pang eroplanong papel. "pero 'di papatalo si itay", sabi naman ng isa pa, "sa Saudi siya nagtatrabaho kaya lagi akong may bagong laruan". bilang ganoon pa kabata, 'di namin mapigilan mainggit. sino ba namang hindi kung laruan ang binabanggit? pinagyabang ko siyempre ang aking ama. "pulis ang tatay ko". sabay humugis ng baril gamit ang mga kamay. basang-basa ang mga ito dahil sa pawis. mga palad na makaraan ang isang dekada't kalahati ay nalulunod na sa pagiging pasmado o marahil sa kaba dahil sino ba'ng 'di matatakot sa pulis ngayon? nalaman namin na hindi nagpalipad ng eroplano yaong daddy ng kalaro namin. flight attendant siya. marangal na trabaho. nagtrabaho nga sa Saudi ang itay ng kalaro pa naming isa subalit kalaunang bumalik sa 'Pinas dahil pagod na. kahit ano pa mang trabaho iyan o kung saan, nakasisindak isiping nakatira ka sa iisang bubong kasama ang isang mamamatay-tao. ang malala ay isa siya noon sa mga pinaka-tinitingila ko. tunay ngang mabilis ang pag-ikot ng mundo kung ang nasa poder ay baluktot ang prinsipyo. biktima tayong lahat na pumapailalim sa mga nagmamataas na sakim at gahaman. bakit magtataka sa kasulukuyan kung mas masahol pa sa kriminal ang puwersang kapulisan?
0
May 29, 2020
May 29, 2020 at 10:30 AM UTC
ano ba'ng tatay mo?

Continue reading...
36
Kalabit, Takbo Kakahiwalay lang ng buwan sa kalangitan Disoras ng gabi, di pa 'ko naghahapunan Kinailangan magtrabaho, kakasara lang ng tindahan "Mamang Pulis, magandang gabi, anong inyong kailangan?" Akbay, "may itatanong lang", aking narinig Hindi ko na malaman, bat biglang nanginig "Utoy balita namin ikaw ay sangkot" Niyakap ng kaba, hinaplos ng takot Pagsigaw na walang kinalaman Suntok, sipa, mura ako'y pinaliguan "Tama na po, may exam pa kinabukasan" Animo'y mga bingi, mga kampon ng kadiliman Kasalanang di ko alam pilit pinaako "Mag uuwi ako ng pansit" kay bunso ko pinangako Ngunit bilang na pala ang oras ko Dalawang segundo, ang narinig ko lang ay "Kalabit, takbo"
0
Aug 20, 2017
Aug 20, 2017 at 10:34 AM UTC
Kalabit, Takbo
Ang Crim. sa puso ko ay parang Hathoria ng Encantadia Pula ang simbolong kulay nila Narito ang pinakamaraming lipi sa Encapsudia Hitik sa mga nais maging mandirigma Ang Crim. sa puso ko ay parang Zerg sa Starcraft na laro Pula ang sagisag na kulay ng mga ito Layunin nila ang magtanggol at magserbisyo Kung ang Zerg para sa kanilang imperyo – ang mga pulis para sa kanilang estado Ang Crim. sa puso ko ang nagmulat sa akin Na ang mga alagad ng batas ay dapat idolohin Higit sa paggalang, sila ay karapat-dapat huwaranin Sapagkat nais nila ay maglingkod at prumotekta sa atin Ang Crim. sa puso ko ay parang Zerg at Hathoria Dito ko nabatid ang matinding puwersa Nag-aalab na layunin para sa kapwa, nagpupuyos na mithiin para sa bansa Salamat sa mga taga-Crim. na aking nakasama! -10/23/2017 (Dumarao) *a tribute to Crim. of CapSU-Dumarao
0
Sep 28, 2019
Sep 28, 2019 at 10:06 PM UTC
Ang Crim. sa Puso Ko