Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Krysel Anson Sep 2018
I.
Time passes, another
batch of refugees and migrants. Cities turn into
new houses of gambling and vicious cycles.
Some say only machines can speak clearly
and most humans have lost what they have earned
throughout all this time, just right on schedule.

To own our language,
and the relationships it sets into motion,
we learn painfully, repeatedly like sunrise
and sunsets.
Claiming our own spaces and demons
hidden in our conveniences and reflex routines,
and learning the tricks that has kept peoples
from fully healing from broken promises
and betrayals throughout time.

We own up to our language and its demons
every day and night that we toss and turn
into something feasible, edible, livable.


II.
Iba ibang uri ng digma.
duguang kasaysayang binabaong buhay
binubura ang lakas at memorya tulad ng siyudad
ng Songdo sa South Korea na ang ibig sabihin
ay "city with no memory".

Ito din ang isa sa mga modelo para sa New Clark City
na tinatayo sa Luzon. Sa dalawahang mga pamamaraan
ng mga naghahari-harian, nakikibaka ang anakpawis,
nakikibaka ang kamalayan ng pagpapasya at pagwasto
sa mga pagkakamali, na paulit-ulit na sinusubukang
patayin sa iba ibang mukha.

Mula pa sa panahon ng mga lolo at lola noong 1940s
hanggang ngayon, patuloy ang mga pag-eexperimento nila at paggamit ng panlilinlang  at dahas, sa ngalan ng kalusugan, edukasyon at batas, upang ipain ang buhay sarili, lasunin ang lupang kinakain ang sarili. Kung hindi tayo mag-aaral at mag-iingat din, tayo mismo ang papatay sa mga sinisimulan. #
English translation to follow. Work in progress.
iya Jun 2015
Kasiyahan na minsan hindi makita
Dahil sarili mismo ang nagkukubli
Sa tingin natin sa iba makikita
Nun pala ito'y nasa ating pagpapasya.

Kasiyahan ay isang pagpili
Sarili ang magpapasya ng nais na maramdaman
Huwag hayaan madala ng kalungkutan
Dahil ito'y isang kasinungalingan ng kaaway.

Kasiyahan ay panatilihing nasa buhay
Ito'y nakakabawas ng alalahanin sa araw-araw
At nagbibigay ng kalakasan na harapin ang buhay
Dahil ito'y bigay ng ating mahal na maylalang.
Jose Remillan Sep 2013
Kulang ang haba ng magdamag at lalim ng
Himbing upang lubos nating maunawaan ang
Imortal na sandaling ito. Dahil alam natin na
Wala tayong anumang panlaban sa lumbay
At pangungulila, nagkakasya na lamang tayo sa
Isang pangako at pag-ako ng damdamin.

Tahan na mahal ko...
Umasa kang saan mang lupalop tayo tangayin ng
Buhay at paghihintay, ng siklo at pagpapasya,
Ako'y mananatiling nakapako sa hiwaga ng iyong
Langit na pagsinta. Kapos man ang sandaling
Ito upang maging sandalan natin sa saglit
Na paglayo, alalahanin **** hindi lahat
Ay humahantong sa wakas dahil
Likas sa atin ang manalig sa pagsintang wagas.
Quezon City, Philippines
September 12, 2013
Jose Remillan Nov 2013
J.
Pinagtagpo tayo ng magkahiwalay
At magkasikbay na lakbayin at
Pagpapasya. Marahil, sansinukob na nga ang
Unang nagparaya. Itinakda nito ang grabedad

Para tayo’y magsama bilang lumang pangako
At bagong pag-ako  ng pag-ibig, patungo sa layon at
Realedad ng ating mga palad. Hindi ba’t tayo nga
Ay kapwa mapalad? Dahil hindi sa ano mang

Sukat ng tagumpay ng buhay tayo nananahan
At nananalig, kundi sa eternal na doktrina’t utos ng puso,
Yaong ibinubukal ng wagas na pagsuyo, yaong kahit ang
Oras ay mapaparam sa lingid na daigdig ng ating mga bisig.
This poem is dedicated to Dr. ROLANDO BERNALES, "in celebration of the 12th year of love and lifetime friendship" with his "one and only." Congratulations Sir, I wish both of you all the love in this world.

University of the Philippines---Diliman
Quezon City, Philippines
November 19, 2013
Gustuhin ko mang makipagsapalaran
Sa mga letrang nakalutang sa himpapawid
Ay binabalot ako ng pagtatantya
Kung ito na ba ang tamang oras
Para kunin ang aking panulat
At iguhit ang silakbo ng aking damdamin.

Humihinto ang mga oras sa bawat pag-uusig
At tinitimbang ko pa rin
Ang mga barkong pumapagitna sa akin.
Nais kong kumawala at lumisan na lamang
Ngunit ang aking pagpapaalam
Ay mas magdudulot lamang ng dilim.

Gusto kong maniwala na ang solusyon
Ay sa pagitan ng mga iginuhit na linya
Ngunit ang aking puso'y nagtataglay ng apoy
Na maaaring makasunog sa mga barkong ito.

Hindi ko mapigilan ang nagniningas sa aking kaloob-looban
At ang boses na mas lalo pang lumalakas
Kasabay ng pagtambol ng aking hininga.
Gusto Nitong tupukin ang lahat
At sakupin ang bawat naglalayag
Sa kani-kanilang mga direksyon.

Pumikit ako at tumalon sa karagatan ng aking imahinasyon –
Imahinasyong masasabi kong tunay na engkwentro.
Patuloy kong nilalaban ang mga ugat sa aking mga braso
Na sa bawat pulso ng aking pagkatao'y
Pilit na kumikitil sa aking pagpapasya
Na mas sumisid pa sa mas malalim.

Napahinto ako sa aking pagpupumiglas
Pagkat narinig ko ang tinig na nagsasabing,
"Manatili ka lamang,"
At ako'y kusang sumabay sa ritmo ng Tinig na iyon
At unti-unti kong nasilayan na naglaho na
Ang mga agiw sa aking mga mata
At kusa ko nang nararamdamang
Mas kaya ko nang huminga sa mas malalim pa.

Ito ang aking hantungan,
Ito ang sinasabi kong liwanag.
Ito ang aking kapanatagan,
At sa Kanya ang aking lilim ng kaliwanagan.
May mga oras na pagagalitin mo ako at gagawin mo akong hindi ginustong galit,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

Mayroong mga malupit na salita na maaari **** sabihin na hahantong sa akin masaktan at magdadala sa akin ng kalungkutan,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

May mga hindi matalinong pagpapasya na iyong ginawa na biguin ako,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

May mga pagkilos na maaaring aksyon mo na mag-aalala sa akin,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

Magkakaroon ng mga sandali kung saan mo ako maiiyak at dadalhin mo ako sa luha,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

Magkakaroon ng hindi mapagpapatawad na mga pagkakamali na idinulot mo sa akin,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

May mga kasinungalingan na sinabi sa akin kung saan sinubukan mo ang aking tiwala sa iyo,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

Sa buhay may mga paghihirap, argumento, at mga hamon na dapat nating tiisin,
ngunit kahit ano pa ang mangyari, nais kong malaman mo na, "I will always love you," ngayon at magpakailanman!

— The End —