Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"paasahin" poems
Sa pagibig.... Pwede kang magdala, o ikaw ang dadalhin Pwedeng kang paasa, o ikaw ang paasahin Pwede kang manggamit, o ikaw ang gagamitin Pwede kang mabigo, bago mo sya bigoin Bago magmahal, dapat bang handa ka? Na Bago ka masaktan, kailangan ng anestesia, ano para manhid muna? At dapat bang may pamunas? Bago ka lumuha? Ahh, Bago pala ang lahat, ano ba magiging luma? At Ganon ba ngayon pagnagmahal? Para manalo ang taya, dapat **** isugal! Pano kung lahat mo na ginawa? Kulang parin Di ba masakit? Kung Alam na nating masikip sa damdamin, pinipilit pang pagkasyahin Lahat naman talaga pwede diba? Tulad ng sinabi ko sa unang stanza Pwede kayong dalaway magkatuloyan Pwede ding tuluyan kang iwanan Pwede ka nyang maalala, pwede ding kalimutan Pwede ka rin nyang paalalahanan na wag mo na syang ligawan Pero laging pakatatandaan.... Lahat ay nagtatagumpay lang kung naiiwasan ang kabiguan Pero ako, di parin ako matatakot magmahal Kasi alam kong darating ang araw di magtatagal Na ang natagpuan ko man di sakin itinadhana, May itinadhana para sakin na di ko pa natatagpuan Dun ako naniniwala, Ang puso ko di parin nakasara hinihintay lang kita aking sinta Hanggan sa panahon na tayoy magkita Lahat ng pagtingin ko sayo na Ngunit ngayon, sa paglipas ng panahon Ang anyo ng pagibig ay nagbago, Lasa nagkaroon Noong nanliligaw sobrang sweet,Naging bitter ng nabasted Meron pa ngang iba, iba iba ang tinitikman ng di mo nababatid Parang sa kape din, noon stick to one lang ang timplahan Ngayon naimbento na ang 3 in 1 Parang tema ng pelikula din, noon may happy ending Ngayon dapat happy lang walang ending Noon ang poreber pinaniniwalaan Ngayon ang poreber, walang ganyan Noon may pagibig na wagas Ngayon ang pagibig nagwawakas Kaya naaalala kita sa Noon at ngayon Kasi,,,, Noon, saksi ang langit,nagsumpaan tayo Ngayon, dahil sa galit, sinusumpa mo na ako Noon, ang nadarama natin masaya lang Ngayon, ang nararamdaman natin masasayang lang Noon, hawak hawak pa kita,Ngayon, bakit bumitaw ka na Noon, andito ka pa, Ngayon, bakit anjan ka na Di ko mawari ang pagibig kung itoy biyaya bakit masakit kung gaano katamis noon, ngayon walang kasing pait kung gano kainit noon, ngayon napakalamig Kung gano ka kinikilig noon ,ngayon naging manhid Kung gano tayo kalapit noon, malayong agwat ngayon Kung gano tayo nagaalala noon, biglang nagkalimutan ngayon Kung gano tayo kasaya noon, walang kasing lungkot ngayon Pangako **** di ka magbabago noon, ngunit nagiba ka na pala ngayon Kung Ano man ang meron noon, lahat yun nawala ngayon
0
Sep 28, 2018
Sep 28, 2018 at 12:18 AM UTC
Pagnagmahal

Continue reading...
60
Alam mo ba ang tunay kung nararamdaman, Mga galaw mo na kaya akong saktan, Tapos hindi mo alam, Lahat ng sakit kinikimkim ko, Para lang di mo lang ako masabihan ng walang tayo. Sasabihan mo rin ako ng bakit ka ba ganyan dinaman kita jowa, Ang sakit sobra, Kaya lahat ng nararamdaman ko dinaan ko sa tula, At sinasabi ko sayo lahat ng tula ko para naman matamaan ka. Ang manhid mo grabe, Hindi ko na alam ang gagawin, Sinabi ko na sayo lahat ng ibig sabihin ng mga tula ko pero wala parin, Alam mo bang yung pahanon na may kahawak kamay ka, Nag selos ako pero sino nga ba ako para maramdaman yon. Nasasaktan ako lalo na sa mga pinagsasabi mo, Yung mga salita mo na parang kutsilyo na tinutusok ako, Nag sabi ka ng I love you, Pero hindi pala totoo. Bakit kailangan mo pang sabihin? Yung salitang kaya ako paasahin, Kung hindi naman sa puso mo nanggaling, Ang sakit isipin lahat pala yun ay hanggang pang kaibigan lang pala. Sinabi na nila sayo na nasasaktan ako deep inside, Tas ikaw tumatawa, Ano yung feelings ko clown para pagtawanan mo, Ang sakit sakit na. Hindi ko alam kung bakit ka tumatawa pero nasasaktan na ako, Hindi ko na kaya, Sana wag dumating yung araw na aalis ako, Kung saan sa huli mo lang narealized ang lahat nang sinasabi ko sayo. Sana dumating yung araw na pagsisihan mo yung pag alis ko, Pero sino nga ba ako para sayo? At bakit kailangan mo pang pagsisihan ang pag alis ko, Isang hamak na kaibigan lamang ako. Sana rin dumating yung araw na hindi ako aalis, Kasi may tayo, May ikaw at ako, At yun ay isang panaginip na imposobleng mangyari.
0
Dec 1, 2018
Dec 1, 2018 at 11:38 PM UTC
Maskara

38
Noong araw na umamin ka Pikit matang sinabing, gusto kita Meron akong biglang nadama Dapat nga bang ipakita? Habang nakikinig sa iyong tinig May pagaalinlangang nadinig Tama nga bang making Sa nilalaman ng aking dibdib? Binigyang pagkakataon Sinubok natin ang kahapon Ngunit bakit ganoon Di ko na alam ngayon Takot akong aminin sa sarili Na baka ako'y nagkamali Pero mas takot akong aminin Na baka ako'y nakasakit Gusto kitang palayain Dahil di kita kayang yakapin Bigyang paumanhin Hindi nais ika'y paasahin
0
Nov 27, 2017
Nov 27, 2017 at 6:01 PM UTC
Paumanhin
Ganyan ba ko ka tanga para iyong paasahin sa mga salitang binitiwan mo? Oo, walang tayo. Oo, minsan akala mo pinapaasa kita. Pero takot lang ako. Takot na baka hindi mo matanggap lahat ng bahid ng pagkatao ko. Sabi mo, Mahal mo ko. Pero bakit lumayo ka?
0
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 7:41 AM UTC
Tarantado
Kahit minsan man lang subukan mo sana akong lokohin at sana ako rin ay iyong paasahin Alam ko kung ano ang sabi ng iba Na ayaw nila sa mga paasa Pero wala akong **** sa opinyon nila Kasi mas pipiliin ko ang umasa Kesa sa bitiwan at kalimutan ka Kaya kahit minsan, subukan mo man lang sana akong lokohin Sabihin mo Na ikaw ay pwede ring maging sakin Paglaroan mo ako at paasahin Wala akong **** ano man ang kanilang sabihin meron akong aaminin sa totoo lang, umaasa kasi ako na baka ang lokohan di kalaunan ay totohanin. Kaya kahit minsan man lang subukan mo man lang sana akong lokohin at paasahin Pag-ibig ko sayo mag mo naman sa laging barahin pag-asang maipakita ang pagmamahal ko sayo sana, wag mo namang ipagkait sa akin.
0
Mar 15, 2016
Mar 15, 2016 at 1:00 PM UTC
Lokohin at paasahin mo ako.. PLEASE!
#020917 Heto, magsisimula na naman ako sa dulo Sa dulo kung saan ako mismo ang nagbigay katapusan Nagbigay katapusan sa sanang "tayo." Ako naman yung bumitaw Sa akin naman nanggaling yung mga katagang "Wag muna, huminto muna tayo." Pero gaya ng ulan, di ko kayang pahintuin ang lahat Gaya ng buhangin sa tabing-dagat, Di ko kayang buohing muli ang sanang "tayo" Kung ito'y gumuho na sa mismong mga kamay ko. Parang mas di ko ata kaya -- Di ko kayang wala ka Di ko kayang mag-isa Na alam ko namang isa ka sa kalakasan ko. Gusto kong ibaon ang sarili ko sa buhanginan Sa buhanginan at magpatangay sa tubig ng dagat At baka sakaling makabuo tayo ng "tayo" Baka sakaling maging matatag ang "tayo" Baka sakaling hindi na tayo sumuko sa isa't isa. Paulit-ulit kong iniisip kung ba't ko nasambit ang lahat Akala ko, namanhid ako sayo Pero yung totoo, di ko man lang masabi sayo Di ko masabi sayong ayokong bitiwan ka Na ayokong pakawalan ka. Gusto kong ihagis ang sarili ko sa dagat At magpalunod hanggang sa sagipin mo ako At buhatin mo ako sa pampang At saka mo muling sabihing di mo ko iiwan At saka mo sabihing mahal mo pa rin ako. Gusto kong maggising sa mga bisig mo Masilayan ka, makita ka, mayakap ka Kasi di ko alam kung kaya ko pa Kung kaya ko pang mawala ka ulit. Pasensya kung nasasaktan kita Kung nanghihina ako kapag wala ka Na lagi ko sayong ibinubuhos ang bawat daing ko Na halos manghina ka na rin dahil sakin. Pasensya kasi sobrang mahal kita Na sa halos tatlong taon, Hindi kita binitawan Pero ngayon, nagtataka ako Nagtataka ako sa sarili ko Ba't ba kita pinakawalan? Ba't ba hinayaan kong maglaho na lang ang lahat? Ba't ba pinahihirapan ko pa ang sarili ko? Ba't ba di ko masabi sayong kailangan kita? Oo, kailangan kita at oo, mahal kita Hindi naman ako nagbibiro At wala sa bukabularyo kong iwan ka at paasahin ka lang. Di ko mabilang kung ilang beses kong hindi nasalo ang bawat luha Ang bawat luha sa mga mata kong parang pawis Parang pawis na dumidilig sa tigang na lupa Hanggang sa masaksihan kong iba na ang ruta ko -- Na tila ba ang layo mo na Na tila ba ang layo ko na sayo. Siguro nga, natuto ka kaagad Natuto ka kaagad na bitiwan ako At sobrang sakit Eh akala ko namanhid na talaga ako sayo Pero alam mo, ngayong wala ka na Ngayong wala ka na sa mga kamay ko Parang mas di ko na kaya. Ewan ko, basta Basta lang -- Sana bumalik ka na Balikan mo naman ako.
0
Feb 8, 2017
Feb 8, 2017 at 11:24 AM UTC
Sana Bukas May "Tayo" Na

67
Ano ba ako sayo? Ano ba ang lugar ko sa puso mo? Ano bang meron tayo? Paano tayo humantong sa sitwasyong ito? Kailan ba titigil ang pagbabasa kaling ito? Pagbaba Sakaling maging tayo Ako ay isang makatang nalunod sa kalungkutan Ng dahil sa lalaking hindi ko makalimutan Ikaw ay tulad ng bituin, mahirap abutin Kahit anong pilit gawin, ako ay umaasa parin Ang oras ay tumatakbo sa tuwing ika'y kasama ko Tila kuneho kung lumundag ang puso ko, Nung panahong may halaga pa ako sayo Narinig ng buong mundo ang aking sigaw, nung nalaman ko'y ika'y bumitaw Ano ba talaga ang gusto mo? Ang patuloy na saktan ako? Ang paasahin ako? Ang maniwala sa kasinungalingan na sinabi mo na mahal mo rin ako? Ako ay litong lito, sa nararamdaman kong ito Ano ba talaga? Kailan ba ako sasaya? Kapag naging tayo na? Ay oo nga pala, may mahal ka nang iba
0
Oct 15, 2016
Oct 15, 2016 at 7:07 AM UTC
Ano ba talaga?
Itaas na ang bandera at iwagayway Iharap pababa sa mga naglulupasay Dito magsisimula Ang pagkuha ng retrato Dito magsisimula Ang pagkuha ng “selfie” Sa pagtunog ng isang “click” Ay makukuha ang atensyon mo, Maaaliw ka, Mabibighani’t mapapatingin At tila pag kumukuha ka ng retrato Ay ikaw ang pinakamaganda Sa naglalakihang lente na nasa screen Sa pagtunog ng isang “click” Ay mapapangiti ka Photogenic daw, ika nga At sa pagkatapos lagi ng mga ito Ay mawawala nalang bigla Na tila nagsusuot ka ng antipas Tuwing nakangiti nagpapakuha ng retrato Sa pagtunog ng isang “click” Ay mag aayos ka Magpapagwapo’t magpapaganda At tila isa itong contest At kailangan ikaw ang pinakamaganda At sa pagkatapos nito Ay titignan mo kung nadaig mo ba sila Ngunit bakit ikaw na hindi naman kumukuha ng retrato Ay tila nagiging isang kodak o kamera Na sa tuwing tumitingin ako sayo ay tila makukuhanan ako ng retrato Na tuwing nakikita kita, wala mang click, ay titingin ako sa mga mata mo na tila lente ng kamera
 Sa paglapit mo saakin Ay makukuha mo ang atensyon ko, Maaaliw ako, mabibighani’t mapapatingin At tila pag kasama kita Ay wala akong mahiling Kundi ang patigilin ang oras Para manatili sa piling mo Ngunit bakit kapag nasa iyo ang atensyon ko Ikaw ay nakatingin naman sa iba Hindi ang pagiging nandito ko ang tumatakbo Sa munting isip mo, kundi siya Sa paglapit mo saakin Ay mag aayos akong bigla Magpapagwapo o magpapaganda At tila isa itong contest Na kailangan madaig ko siya Pero parang hindi ko kaya Dahil kahit kailan hindi ko madadaig siya At kahit na gaano mo pa ako lapitan Siya parin ang magiging malapit dahil sa kariktan At ako ay maiiwan sa alon ng pag-iisa Sa paglapit mo saakin Ay mapapangiti ako Lalabas ang mga ngipin Na tila nasa isang patalastas ako ng colgate Ngingiti At ngingiti lang Ngunit sa likod ng mga ngiting ito Ang tinatago ko ay luha Mga luha na hindi ko ninanais na makita mo Sanhi ng simula mo ‘kong paasahin Mga luha na pinili kong itago mula sa’yo Dahil alam ko rin naman na hindi mo ito papansinin Hindi ka naman kodak na itinataas ko
Ngunit bakit pakiramdam ko ay nakatingin ka saakin pababa Habang ako’y nasasaktan at nagluluksa At sa pagtapos ko ng piyesang ito Ang tanging hiling ko lamang ay Mga retrato na maaaring itabi Dahil nag uumapaw na ang mga mata kong gusto nang matuyo Itaas na ang bandera at iwagayway Iharap pababa sa mga naglulupasay Dito magtatapos Ang pagkuha ng retrato Dito magtatapos Ang pagkuha ng “selfie”
0
Apr 19, 2017
Apr 19, 2017 at 11:15 AM UTC
Selfie

76
Hindi nagpasabi sa tunay na mithiin Ngunit kalauna’y mahahalata din Laro ang tingin sa damdamin Pwedeng pagpasa-pasahan Pwedeng paasahin Bakit palagi na lamang taya Tatakbo’t hahabol Laging madadapa? Masasaktan Ang tawag ay lampa Samantalang sa una pa lang Hindi naman ito ang gusto niya? Titigil na sa pagtakbo Titigil na sa paghabol sa’yo Hinihingal na’t Pawis tumutulo Bumibilis ang tibok ng puso Pinagod ang sarili Nagkasugat, nahirapan At sa huli iyong sasabihin atin na itong tigilan Sineryoso ko pero Nilaro mo lang pala
0
Feb 16, 2016
Feb 16, 2016 at 8:24 AM UTC
Laro.
English Translation: The night has ended But you're still not here as expected The night has ended But until now You've left my lips unattended The night has ended But the chance is still prevented How long will I wait For that fate For that day To give you my yes And to say I do, In my wedding dress --- Original Philippine Version(written on the date below): Natapos na naman ang gabi Na hindi parin ikaw ang katabi Natapos na naman ang gabi Ngunit hanggang ngayo'y ikaw parin, Ang hanap ng aking mga labi Natapos na naman ang gabi Wala parin ang hiling na sandali Hanggang kailan pa ba ako maghintay Sa tinig na kay lamig Sa yakap na kay higpit Hanggang kailan pa ba ako maghintay Pagkat ayoko nang masanay Na maghintay sa wala At paasahin ng tadhana Nakakpagod at nakakainip na Umasa na may tayo At sagutin ka na nang -- Oo
0
Aug 9, 2017
Aug 9, 2017 at 10:47 AM UTC
I do/ "Oo"