Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Feb 2016
Hindi nagpasabi sa tunay na mithiin
Ngunit kalauna’y mahahalata din
Laro ang tingin sa damdamin
Pwedeng pagpasa-pasahan
Pwedeng paasahin

Bakit palagi na lamang taya
Tatakbo’t hahabol
Laging madadapa?
Masasaktan
Ang tawag ay lampa
Samantalang sa una pa lang
Hindi naman ito ang gusto niya?

Titigil na sa pagtakbo
Titigil na sa paghabol sa’yo
Hinihingal na’t
Pawis tumutulo
Bumibilis ang tibok ng puso

Pinagod ang sarili
Nagkasugat, nahirapan
At sa huli iyong sasabihin
atin na itong tigilan

Sineryoso ko pero
Nilaro mo lang pala
Isang beses lang akong magsusulat patungkol sa’yo
Dahil last na to, tandaan mo.
Alam kong di naman makakarating to sa’yo
Pero nakakagaang ng loob na masabi ang nararamdaman ko.
JT Dayt
Written by
JT Dayt  Philippines
(Philippines)   
Please log in to view and add comments on poems