Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
dalampasigan08 Jun 2015
Ikalawang Kurap

Tinatahak ko ng marahan ang isang makinang na landas sa gitna ng mga taong alam kong nananalig din.
Hinihila ko ng pilit ang dalawang talampakang hindi dumarampi sa sahig na katulad ko’y nakatingala din sa langit.
Ang aking mga palad ay magkaniig at ang mga daliri’y kayakap ang isa’t isa.
Naiibsan ang sakit ng aking mga sugat ng nalalanghap kong halimuyak mula sa mga puting bulaklak sa paligid.
Tila piraso ng langit ang dambanang ito na kung saan sinasabing tutuparin ang lahat ng mga kahilingan mo
at papawiin ang lahat ng sakit at paghihirap na dinaranas ng kahit na sino.
Sa lugar na ito nakalilimutan ko ang lahat ng hapdi at pagod na nararanasan ko araw-araw
para bang unti-unti niyang hinuhugasan ang buo kong katawan
at binibigyan ako ng bagong lakas at pag-asang harapin ang isang bagong bukang liwayway.
Habang nananalangin ay napansin ko ang mga matang natuon sa’kin
nagmamasid - tila kunot noong nagtatanong kung bakit ang basahang tulad ko na tinalikuran ng lipunan at inaring kanlungan ang lansangan ay naririto’t naninikluhod sa harap ng dalanginan.
Alam kong ako’y kanilang napupuna ngunit sila’y bulag.
Niyayanig ng aking mga dasal ang buong simbahan ngunit sila’y bingi.

May kung sinong hindi ko naaninag ang umakay sa’kin patungo’t papalapit sa dambanang ginigiliw.
sa bawat hakbang ay bigla kong naalala ang lahat ng pagdurusa
at nasambit ang "salamat sa lahat ng pag-asa."
Nilingon ko ang larawan ng madlang dukha’t kaawa
ngumiti at binitiwan ang aking huling hininga.
Jose Remillan Nov 2013
J.
Pinagtagpo tayo ng magkahiwalay
At magkasikbay na lakbayin at
Pagpapasya. Marahil, sansinukob na nga ang
Unang nagparaya. Itinakda nito ang grabedad

Para tayo’y magsama bilang lumang pangako
At bagong pag-ako  ng pag-ibig, patungo sa layon at
Realedad ng ating mga palad. Hindi ba’t tayo nga
Ay kapwa mapalad? Dahil hindi sa ano mang

Sukat ng tagumpay ng buhay tayo nananahan
At nananalig, kundi sa eternal na doktrina’t utos ng puso,
Yaong ibinubukal ng wagas na pagsuyo, yaong kahit ang
Oras ay mapaparam sa lingid na daigdig ng ating mga bisig.
This poem is dedicated to Dr. ROLANDO BERNALES, "in celebration of the 12th year of love and lifetime friendship" with his "one and only." Congratulations Sir, I wish both of you all the love in this world.

University of the Philippines---Diliman
Quezon City, Philippines
November 19, 2013
dalampasigan08 Jun 2015
I

Bumabati, dumarampi

Dumarayo, sinusuyo

Umiibig, nananalig

Lumilisan, napaparam.



II

Sinusulat, inaawit

Kinakatha, inuukit

Sinasambit, ginuguhit

Inaangkin, sinusungkit.



III

Nasilayan, hinangaan

Nabighani, sinundan

Nasilaw, nasaktan

Humapon, luhaan.
Jose Remillan Sep 2013
Makailang ulit kong
Tinahak ang lansangang ito
Patungo sa layo at lapit
Ng ating pag-ibig.

Sa himig at pintig,
Puso't isip nati'y
Kapwa nananalig. Dinadaig
Ang siklo ng pagpaparoo't parito

Ng mga gulong na
Libong ulit man akong
Tangayin palayo at palapit sa'yo,
Ang lansangang ito ay
Mananatiling lantay na lansangan

Sapagkat ikaw ang daan.
For Jinky Tubalinal.

SLEX is an acronym for South Luzon Express Way, a superhighway
that connects the imperial Manila to the southern provinces of Luzon.

Quezon City, Philippines
April 2013
blythe Jan 2015
In this wicked world, she sojourn
Facing every hardships and pains
Continuously, she endures
Hoping that one day all those will soon pass.

People tried to pull her down
But she remained still and tough
Life goes on no matter what,
She will be strong happen what may.

This world may be cruel
But she will not give up;
With a courageous and strong heart,
She will fight until the very end.

~×~×~

Ang mundo'y pawang puno ng hinagpis
Mga suliranin, laging nararanasan
Walang nagawa kundi ang magtiis
Nananalig na lahat ay kayang malampasan.

Hinahamak man ng iba
Hinding hindi siya magpapadala
Tuloy ang daloy ng buhay
Magpapakatatag siyang tunay.

Madilim at magulo man ang mundo
Hindi siya susuko
Lalaban ng buong puso
Magpapatuloy hanggang dulo.
My second poem written in Tagalog with an English translation :)
AgerMCab Aug 2020
Gabi-gabi kitang pinapangarap aking mahal
Sanhi marahil ng pusong kung umibig ay hangal

Regalo ka ng tadhana, hindi naman pwedeng buksan
Maamo **** muka sa diwa lang maaaring masdan

Rehas ang katumbas ng ating pagibig, hindi pa malayang ipagsigawan
Ako'y nananalig laya nati'y ibibigay sa panahong wala ng alinlangan
Niel John Ortizo Aug 2017
Ilang ulit ko ba dapat sabihin?
Ilang ulit ko ba dapat aminin?
Na mahal kita
Minamahal parin kita
Kahit walang tayo
Patuloy na umaasa
Patuloy na nagbabaga
Ang aking pag-ibig
Ang aking puso
Taimtim na nananalig
Taimtim na humihiling
Na magbukas ang iyong puso
Na magkaroon narin ng tayo
Sa ating mga salita
Sa ating mga gawa
Nagpapakitang tayo ay masaya
Nagpapakitang tayo ay maligaya
Sa piling ng bawat isa
Sa piling ng ating mahal
Kaya may itatanong lng ako sayo
Ilang ulit ko ba dapat sungkitin ang mga tala?
Ilang ulit ko ba dapat sabihin sa iyo na...
Mahal kita
Minamahal kita
Patawarin mo sana pagkat ako'y umaasa
Patawarin mo sana pagkat ako'y nananaginip
Na matanggap mo mga sinasabi ko
Na matanggap mo ang pag-ibig ko
Na matanggap ng puso mo ang puso ko
Kaya mahal ko paumanhin
Nandito lng ako nag-aantay sayo.
Ako po’y katulad niyo na nangaral din lamang
At layong ituwid ang ilang mga hakbang
Ngunit panganib ang siyang umabang

Itinuring na sigalot ng iba
Naging masakit sa kanilang mga mata
Kaya aking mga hakbangin ay sinawata

Inihulog sa dagat na malalim
Kung saan pag-ahon ay marilim
Tuluyang bumulusok pailalim

Maaaring ako’y hindi na makaahon
Tuluyang igugupo upang maturan din ng leksiyon
‘Di narin mahahampas pa ng mga alon

Subalit habang nariyan po kayo
Ako’y nananalig at hihingi ng saklolo
Nawa’y mapakinggan at matulungan po ako!

-10/24/2012
(Dumarao)
*My Twilight Poems Collection
My Poem No. 191

— The End —