Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Vernice Q Nov 2015
Bakit kasi biglaan ko pa rin naaalala ang lahat?
Bakit hindi pa rin kita makalimutan?
Gusto ko ng sumaya.
Gusto ko na din magmahal ng iba.
Pero sa tuwing gagawin ko yun, natatakot ako.

Natatakot akong masaktan sila,
at masaktan ulit ako.
Namamanhid ako tuwing susubukan ko.
Bakit ang hirap pa rin?
Sana may tumulong naman sakin
para lumakas lakas naman ang loob ko.

Kasi hindi ko alam
kung hanggang kelan ko pa kakayanin ang ganito.
Ang hirap-hirap, sa totoo lang.

Dinadaan ko lang lahat sa tawa,
sa pagguhit, sa pagsusulat…
Pero onti na lang, baka bumigay na ako.

Ayoko na ng ganito…
At sa paglipas ng araw-araw
Aking napapansin ang unti-unting pag-iiba
Ng aking pag tingin sa'yo
Damdami'y hindi maipinta
Kung ito ba'y hanga lang o may halo nang mas malalim
Ako'y natatakot sa kung anong ibig sabihin nito
Ngunit aking pag tingin sa'yo ay hindi maiiba
Sa kadahilanan na ika'y pinili
Sinasadya man o hindi
Ng aking puso't utak
Pero siguro sa ngayon, mas maigi na tayo'y maging magkaibigan na muna lamang
Dahil ako'y namamanhid, at iyong hindi iniisip ang ganitong bagay sa buhay
Hunyo May 2018
Alam mo ba? Mamahalin parin kita kasi naniniwala ako sa kasabihan
ng mga matatanda, na mas mahalaga ang
nararamdaman ng puso kaysa sa nakikita lang ng
mga mata. Pero tangina ng tadhana, bakit ngayon pa?
Kung kailan mahal na kita, ika'y lumisan pa.
Sakit sa puso nung narinig ko mula sa iyong bibig
na wala ng pag-asa.
Isa lang naman ang aking dahilan kung bakit iniibig
parin kita, yun ay kahit nakapikit ako kita kita.
Oo kita kita, kita kita sa mga panaginip ko araw araw.
Nangangarap sana hindi na magising pa, para araw araw kasama
ka. Kasama kang matulog sa kama, kasama kang magpahinga
galing eskwela. Kasama kang tumanda, kasama kang
mamatay hanggang sa pagtanda. Kaya ayoko ng gumising
pa. Ilang sampal na kaya ang aking natanggap para lang ako'y magising na?
pero alam mo mas pinili ko paring huwag nalang idilat ang aking mata kahit ang buong diwa ko'y gising na
kahit buong pisngi ko'y namamanhid na.
kasi ayokong dumilat at masilayan kong wala ka, at mapagtanto ko paulit-ulit na panaginip lang pala.
Pagtawanan nyo na ko't lahat lahat kasi nageffort ako sa wala, at wala ring pag-asa.
Wala ng pagasang
makasama pa kita, matulog sa kama kasama ka, kasamang
magpahinga galing eskwela, kasama kang tumanda, kasama
kang mamatay hanggang sa pagtanda,
Wala ng pagasa na maging tayo pa. Talo na ako. Isa pa talo na ako.
Kasi narinig ko na mismo sa iyong bibig yung salitang "ayoko".
Ilang beses na kong naghayag ng pagibig ko
na binalewala at sinayang kasi natatakot ako.
natatakot ako. Natatakot na baka hindi mo
mahalin ang katulad ko. Natatakot ako na baka
hindi mahalin ng puso mo ang puso ko.
Midnight poetry
Madelle Calayag Jan 2020
Maaga kong nilisan
ang lupang sakahan
Tinahak ang lugar
na maingay at magara,
ito pala ang Maynila.

‘di napigilan ng tirik na araw
ang aming pagkukumpulan.

Nagkamayan
kaming magkakabrad,
Simula na ng himagsikan.

Sariwa pa sa alala
kung pa’no
kami inagrabyado.
Itinulak.
Binugbog.
Tinakot.
Ginamitan ng dahas.

Sa plano ng gobyerno
kami pa rin pala ang talo.

Paano pa kami mabubuhay
kung wala ng lupang mapagtatamnan?

Akala ko sa bundok
o gubat lang may ahas
-yun ay sa akala ko lang pala.

Sa’ming magsasaka’y
Kumukulapot ang putik
Ngunit
sa inyong mga nakabarong,
animoy
walang duming nakabahid.

Sa inakala kong
tubig lang ang maaaring
idilig,
Dugo
pala nami’y pwede ring
pumatik.
Tila ba ang gobyerno’y namamanhid.

Nasaan na
ang pinangako nyong
libreng abono?

Ginawa nyo na bang pataba
sa mga bulsa nyo!?

Sa pagpunta
ng mga imperyalistang bansa,
Matutulugan
pa ba kaming mga dukha?
Makatatayo ako
sa aking pagkakadapa
Ngunit
ang bayan
kong nakalugmok ,
makakaahon pa kaya?
I wrote this four years ago for the Filipino farmers
G A Lopez Jun 2020
Bakit sa una'y halos sumakit na ang tiyan kakatawa
At maya't maya'y tumutulo na ang mga luha sa mukha?
Napapaiyak na lamang sa sulok
Unti-unting kinakain ng maitim na usok

Namamanhid na't halos di makilala ang sarili
Nais ko ulit bumalik sa panahong wala pa akong alam sa mga nangyayari
Ang mga ngiti ko noong kay tamis
Mga tawang walang halong lumbay at hapis.

Pilit kong kinakalimutan ang aking mapait na nakaraan
Ngunit bumabalik balik pa rin lahat ng ala-ala sa aking isipan.
Ang sabi nila'y tigilan ko na ang mamuhay sa nakaraan at iwasang magkaroon ng galit sa kapwa,
Paano maaalis ang galit sa aking puso
Kung ang dahilan nito ay ang taong nag-iwan ng masakit na marka sa aking pagkatao?

Sa tinagal tagal ng panahon, para bang naging bato ang aking puso
Bawat pintuan ay may kandado
Bawat bintana ay sarado
Ibang-iba na sa dating ako.
Years change people.

— The End —