Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagpadala" poems
Madalas naiisip ko… ‘bat ko nga ba patuloy sinasaktan ang sarili ko? Bakit nga ba ako tumitingin sa mga bagay na puwedeng ikasakit ko? Bakit nga ba “ikaw” ang laman ng isipan ko? Ikaw na mismong tao na dahilan kung bakit ako nasasaktan nang ganto.. “Pagod na ko” Yan ang paboritong linya ko tuwing nasasaktan ako “Pagod na ko” Sa paulit-ulit na sakit na nararamdaman ko “Pagod na ko” Sa mga bagay na akala ko may kabuluhan sa buhay ko “Pagod na ko” Tuwing naaalala ko na hindi mo kayang mahalin ang isang tulad ko Para akong bata na gustong mag-recite Pero iba pinipili ng **** ko Para akong pumapara ng jeep Pero namimili ng pasahero ang drayber nito Para akong tanga na minahal ko ang tulad mo Kahit na alam kong masasaktan lang ako Umasa ako. Pasensya na. Kasalanan ko. Sabihan na nila akong tanga Dahil nagpadala ako sa nararamdaman ko Sabihan na nila akong mababaw Dahil nahulog ako kaagad sayo Sayo.. Sa mga simpleng kilos mo Sa mga bagay na akala ko may kahulugan din sayo Sa mga salitang binitawan mo na akala ko totoo Sa mga halik mo na akala ko naramdaman mo din tulad ko Ako lang pala Ako lang pala ‘tong tanga na nakakaramdam ng mga bagay na ‘to Ako lang pala ang nagmamahal sa kuwentong ito Ako lang pala ang umaasang magiging “tayo” Ako lang pala ang nangangarap na magkakaroon ng “ikaw at ako”
0
Oct 14, 2015
Oct 14, 2015 at 11:42 AM UTC
Ikaw at Ako
Tanda ko pa dati nung tayo pa, Ang dami nating plano sa isa't-isa. Sabi mo sa hinaharap ako'y kasama, Sa pagtanda, sa hirap maging sa ginhawa. Dumaan ang Disyembre: Buwan ng taglamig. Tila hindi ko na ramdam ang iyong pag-ibig. Ang dating umaalab na pagmamahalan, lumamig. Bakit ka nagkaganyan? Ako ba'y may kasalanan? Nangako kang hindi mo ako iiwan, Nangako kang hindi mo ako tatalikuran. Hanggang sa ika'y nakaramdam ng kasawaan. Iniwan mo akong walang alam, ako'y labis na nasaktan. Niloloko mo lang pala ako! Hindi lang pala ako ang nasa puso mo. Isang lang pala ako sa mga laruan mo. Kaluluwa mo sana'y sunugin sa impyerno! Nagpadala ako sa mga ngiti mo, Umasa ako sa mga pangako mo. Sinisisi ko ang sarili ko, Kung bakit sayo'y ako'y nagpaloko.
0
Jan 19, 2015
Jan 19, 2015 at 10:46 AM UTC
Taksil
Umalis ng walang plano, walang dala kundi ang puso. Nagpadala nga ba sa uso? pero saan ang tungo? Bawat hakbang ng paa, bawat kapos ng hininga, ninanamnam para sa ikasisiya pero saan ba ang tungo? Ramdam ang pagod kinailangan ng tumukod ngunit hindi tatalikod. pero saan ba talaga ang tungo? Kung saan man patungo yun ang hindi maituro pero alam ng puso na bawal ang sumuko.
0
Feb 10, 2019
Feb 10, 2019 at 4:15 AM UTC
Saan ang tungo?
I. Nakilala ka dahil sa isang kaibigan, Di nagtagal, tayo'y nagkamabutihan. Walang araw na hindi nagkakausap, Tuwing nagmemensahe ka ako'y parang nasa ulap. II. Nakilala pa natin ang isa't-isa. Tandang-tanda ko pa nung una tayong magkita, Hindi ko maalis sayo aking mga mata, Pero ramdam ko ika'y sakin ay ilang pa. III. Unang larawan na tayo'y magkasama, Proud na proud ko pang ipinakita sa tropa. Ako na ata ang pinaka-masaya nung araw na 'yun, Dinarasal na sana parati nalang ganun. III. Nagpatuloy ang ating palitan ng matatamis na salita, Pero kada-araw na lumilipas na araw, tila ika'y nanlalamig ata. Hinayaan ko, kahit na hulog na hulog na ako sa'yo. Sabi ko sa sarili ko: "Wala kang karapatan mag-tampo dahil di naman kayo." IV. Nagsawa na ako sa ganoong estado kaya't nagtanong ako ulit: "Ano ba ang meron tayo? Kasi mahal kita, eh ako ba?" Hindi ka umimik, nagpumilit kang ibahin ang usapan. Tinanong ko ulit ang aking sarili kung; "Itutuloy ko pa ba ang laban?" V. "Hindi kita kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa akin." Ang ganda ng umaga ito, tapos ganito ang bungad mo? "Bakit ano ang dahilan, gusto kong maliwanagan?" Tanong ko. "Gusto na niya makipagbalikan. Patawarin mo ako." VI. Halos gumuho ang mundo ko sa nabasa ko. Para akong natutulog ng mahimbing, tapos binuhusan ng yelo. Alam ko namang hahantong sa ganito, Buti na lamang handa ako, pero di ko akalain bakit sa araw pa na 'to? VII. Masyado akong nagpadala sa mga ngiti mo, Hinahanap-hanap ko pa presensya mo, Hulog na hulog na ako, kasi akala ko kaya mo ako. May kalakihan ako, pero sana nagsabi kang hindi mo ako kayang masalo. VIII. Ikaw ang bumuo sa mga araw ko, Pero ikaw rin pala ang wawasak nito. Lumaban ako--kasi akala ko kaya mo rin akong ipaglaban, Pero mas piniling **** balikan yung taong minsan ka nang iniwan.
0
May 10, 2016
May 10, 2016 at 10:14 PM UTC
Pa-Fall

Continue reading...
45
May ka chat ka nag hi at nag wave pa Ikaw naman 'tong si desperada mag ka jowa Napapikit bigla at sabay sabing Lord eto na ba? At dali-daling dampot ng phone Ma-replayan lang siya ng bongga Hindi pa man nagiging kayo'y may call sign nanaman Tulad lang yan sa una mong nakatawagan Pero sa huli, di rin naman kayo nagtagal. Kaya eto ka nanaman aasa Aasa na baka eto na Aasa na sana siya na Aasa na baka sa huling pagkakataong ito ibigay na sa akin ng mahal na bathala ang aking mga dasal na sana dumating na siya Pero tulad ng karamihan,sa una lang talaga masaya Sa una lang siya magaling Sa una kalang niya pakikiligin Pero pag dating sa huli Di ka rin naman niya iibigin. Sabagay kasalanan mo rin nsman Nag "hi" lang iniisip mo,may gusto na siya sayo Binati kalang halos maihi ka na sa kilig Binanatan kalang ng mga linyang "babe kain kana" iniisip mo mahalaga kana sa kanya Hinawakan lang niya mga kamay mo At sinabihan ng mga katagang "ikaw lang,walang iba" iniisip mo mahal kana Di ko rin naman nilalahat Pero mas madalas,mas tama pa yung kutob sa mga bagay na posibleng mangyari. Kaya wag **** isisi lahat sa kanya, Sa kanila Kung nasaktan ka at nahulog ka sa kanya Kasalanan mo rin naman,dahil nagpadala ka sa mga messages niyang puro pambobola na magpapaasa sayo ng sobra Mga messages niyang magpapakilig sayo dahil alam niya na dun ka niya makukuha Mga messages niyang walang kwenta Pero aminin mo,kinilig ka Mga messages niyang patuloy ka paring umaasa na baka? siguro? Totoo na At sa mga messages niya na dahilan ng pagkalugmok mo sa kalungkutan na walang ibang nakaka alam kung gaano kasakit ang pagsabaying dibdibin sa iisang araw lang ang dalawang bagay ng iyong nararamdaman ngayon Ang maiwan ng walang dahilan at Masaktan ng wala kang anumang karapatan. Ang maiwan ng walang dahilan dahil hindi mo naman siya naging pag-aari kailan man At masaktan ng wala kang anumang karapat Dahil kahit kailan hindi ka naman niya talaga minahal Dahil pinaasa at pinasakay kalang Dahil alam niyang dun ka bibigay At dahil nagtagumpay siya,gagamitin niya itong armas para paglaruan ka Kaya mag ingat ka sa mga mabulaklak na mga salita ng mga taong gagamitin ang iyong nadarama, sumaya lang sila.
0
Mar 10, 2021
Mar 10, 2021 at 7:52 AM UTC
Sa Daming Marupok Ba't Naki-isa Ka Pa

44
Malabo, magulo, parang guguho ang mga salita. Matanong kita, makata ka ba talaga? Kung oo ang sagot, bakit parang limot na ng labi at ng kamay mo ang paghabi sa mga tulang minsang bumuhay sayo? Bakit parang hindi na sanay ang utak sa ingay ng patak ng ulan sa paglikha ng pyesang alam mo na ang katapusan? Anong nangyari sayo? Marami na silang nagtanong ng ganito. Mga lito sa kung ano na ba ang pinagsasabi ng labi ko. Sa lahat ng nagpadala ng sulat, at sugat dahil lang hindi ko nailapat ang tamang salita, hindi naipinta ang gustong makita ng mata, patawad. Hindi na kasi kayang patahimikin ng isip ang puso. Hindi na kayang tabigin, pagkunwariing ayos lang ito. Sa lahat ng nagpadala ng sulat, at sugat dahil lang hindi ko nailapat ang tamang salita, hindi naipinta ang gustong makita ng mata, patawad. Hindi na kayang itago ang malabo, magulo't matagal nang gumuhong ako.
0
Sep 8, 2017
Sep 8, 2017 at 9:41 PM UTC
Sulat sa Makata
Ang pagkalit na paghanaw sa bidlisiw sa adlaw, sa dihang kitang duha magpahabol sa kangitngit, dungan natong abton ang mga bituon sa langit, samtang kita kay nagbaylo ug kainit sa'tong mga panit. Sa kalami, kalagot, ug kalipay, magpalunod sa'tong mga tinguha arun dili magmahay, kitang duha kay magtagbaw, hangtud sa ikaw musinggit ug mutiyabaw, mga pangandoy sa atong lawas atong ipagawas giduyan sa gakos ug nagpadala sa bugnaw na huyohoy, Gidusog, gibira, gidusog, gibira dusogbiradusogbiradusogbira Sa kagilok ug katam-is sa imong mga halok, gisabayan ug pagsimhut sa imong mga puting ilok, sa pagbarug ug pagpakita sa bidlisiw sa adlaw, ikaw, nikalit ug kawala ug nihanaw, tungod sa kalami nahabilin imong lawas, imong lawas nilupad, nawala ug nitakas. YAWA NAHABILIN IMONG LAWAS
0
Nov 10, 2019
Nov 10, 2019 at 8:27 AM UTC
Pakipaghilawas Sa Manananggal
Simula pa lang alam kong ako ay talo Tumuloy pa din dahil sa tigas ng ulo Sinunod ang puso at nagpadala sa agos Hinayaang  malunod sa tamis ng sandali Isang araw nagising ako sa aking mga luha Naalalang kahapon pala natapos ang lahat Mga paa natin ay humakbang sa magka-ibang direksyon Lumingon at tinanaw ang anino **** lumalakad palayo Ang dulo ng iyong daan ay sa kanya patungo Sa simula pa lang ay sya na ang iyong dulo Ang tayo ay sandaling hintuan lamang Kung saan nagpalitan ng masasayang tawanan Ang katotohanang hindi natin tinakasan, Walang dapat palayain dahil kahit kailan hindi ka naging akin At ngayon ito na ang ating realidad Hanggang dito na lang at hindi na pwedeng dugtungan.
0
Jul 26, 2019
Jul 26, 2019 at 4:40 AM UTC
Dulo