Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nadadala" poems
Tagu-taguan, Maliwanag ang buwan Munti kong tula, Inyong pakinggan Ito'y patungkol Sa kabataan Na inaakalang Pag-asa ng bayan Wala sa likod, Wala sa harap Ano ang kabataan Sa hinaharap? Handa na ba kayong Malaman ang totoo? Pagbilang ng sampu, Malalaman na ninyo Isa, dalawa, tatlo "Tara, pre! Dota tayo!" Isa, dalawa, tatlo "Kyah, pa-like ng DP ko" Isa, dalawa, tatlo "Naka-hithit na ako" Isa, dalawa, tatlo "Tara, shot na tayo" Mga kabataang nakikiuso Mga kabataang lulong sa bisyo Kabataang imbis na ang dala'y libro Ang palaging hawak ay sigarilyo Apat, lima, anim Wala nang ibang alam gawin Apat, lima, anim Kung hindi gadgets ay pindutin Apat, lima, anim "Babe, walang tao sa'min" Apat, lima, anim "Babe, pwede na nating gawin" Mga kabataang napapariwara Mga kabataang sa tukso'y nadadala Kabataang tinuturing na Maria Clara Na ngayo'y mas kilala na sa Maria Ozawa Pito, walo, siyam Nasirang kinabukasan Pito, walo, siyam "Aking pinagsisisihan" Pito, walo, siyam "Ako'y nanghihinayang" Pito, walo, siyam "Ibalik niyo 'ko sa nakaraan" Totoo nga ang kasabihan Ang pag-sisisi'y nasa hulihan Ang ating nakaraan Ang siyang madidikta ng kinabukasan Ngunit hindi ko naman nilalahat Ang nais ko lang, kabataa'y mamulat Ang buhay natin ay parang aklat Tayo ang gumagawa ng sarili nating kwento at pamagat Hindi ko tatapusin ang bilang sa sampu Dahil hindi ako ang magdidikta ng kinabukasan niyo Ngunit sa pagtatapos ng munting tula ko Sana'y makapagsimula kayo ng panibagong kwento Kwento na kung saan kayo ang bida Kwento na kung saan kayo ang pag-asa Salamat sa pakikinig mula umpisa Ngayon ang tulang ito'y tinatapos ko na
0
May 27, 2018
May 27, 2018 at 11:08 PM UTC
TAGU-TAGUAN

Continue reading...
64
I. Mahal, minsan napapaisip ako... Ang laki masyado ng mundong ito, ang mundo ko. Gusto kong hawakan ang bawa't bato, yakapin ang bawa't puno, pero hindi ko kaya dahil nadadala ako sa tinig ng mga iba't ibang boses na humihila sa aking puso at hindi ko alam kung alin ang susundan ko. Nakaktakot ang katotohanan na marami pang mga lugar na hindi pa natatapakan ng aking paa, marami pa akong hindi alam, marami pa akong hindi nakikita. Pero minsan, ang katotohanang ito ang nagpapatibok sa aking puso, at nais kong pasukan ang lahat ng mga pintong bumubukas sa harap ko, nais kong mahalin ang lahat ng taong dumadaan sa buhay ko, nais kong maranasan ang lahat ng pwedeng maranasan ng isang tao. Pero minsan talaga, hindi... Hindi talaga alam ng aking puso kung ano ang gusto nito. Kung isang mundong malaki o mundong maliit ang gusto niyang tirhan. Pero yung nag-iisang bagay na kung saan ako'y sigurado, ay... Na gusto ko na sa gitna ng kaguluhan, iyong boses ang madidinig, at iyong boses lamang. Balik mo 'ko kung saan tayong unang nagkita, kung saan tayong unang nagkakilala. Balik mo 'ko sa panahong iyon, yung unang beses na hinawakan mo ang aking puso sa iyong palad at nagpangako na hinding hindi mo ito bibitawan. Halika, balik tayo sa ilalim ng iyong puno. II. Habang ako'y nandito sa ilalim ng iyong puno, hindi na importante sa 'kin kung malaki o maliit man ang mundo. Basta't kayakap kita dito kung saan walang kahulugan ang oras, alam kong iikot lang ng iikot ang mundo. At sapat na yun para sa 'kin. Dahil sa iyong pagmamahal, lahat ng takot ay nadadaig.
0
Jan 24, 2016
Jan 24, 2016 at 7:32 AM UTC
Puno

29
baket kaya sa panahon ngayon sa halip na maging masaya tayo sa kaarawan naten ay nadadala tayo sa bigat ng pakiramdam naten parang laging pagod na di mawala kahit anung tulog mo kaya lagi nateng wini wish na sana mamatay nalang para mawala ang pagod na nararamdaman naten dahil baka ang kaluluwa talaga natin ang pagod at hindi ang katawan.
0
Jan 1, 2020
Jan 1, 2020 at 10:01 AM UTC
Untitled
Isa tayong di perpektong nilalang Kaya nadadala tayo sa mga bagay na mapaglinlang Akala tuloy natin sa buhay laging kulang Pagkat maraming oportunidad ang nasasayang Maraming desisyon sa buhay ang ating ginagawa Desisyon na kung saan may mali at tama Mali dahil sa tayo'y nasaktan sa resulta Tama dahil sa tayo'y naging maligaya
0
Aug 21, 2017
Aug 21, 2017 at 5:51 AM UTC
WASTED
‎Sa dilim ng gabi, ako’y nag-iisa, ‎Bawat sigaw, sa hangin lang nadadala, ‎Walang kamay na sa luha’y sumasalo, ‎Pag-ibig ko’y nauwi sa pagkalaho ‎ ‎Isinaboy ko, lahat ng kayamanan, ‎Ngunit sa’yo’y tila ako’y ‘sang dayuhan, ‎Damdami’t pusong  kong walang pag-iimbot, ‎Na kahit minsan, ‘di mo man lang sininop. ‎ ‎Lahat ng araw, inalay ko’t sinuko, ‎Ngunit kapalit katahimikang ginto. ‎Ako’y abo na tinangay ng unos mo, ‎Pagod na, sinta, sa laban **** mapanlo. ‎ ‎Ngayo’y puso ko’y bato na’t nanlalamig, ‎Pag-ibig ay libing sa hukay ng lamig. ‎Hindi na muling huhubog ng pag-ibig, ‎Sapagkat minsan, wasak na’y di masilip. ‎
0
Aug 10, 2025
Aug 10, 2025 at 1:06 PM UTC
Hukay ng Lamigwasak