Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mawawaglit" poems
Ang iyong mga matang nangungusap Lumuluha ng buhangin Kasama ng iyong mga pangarap Lumipad na at nagtago sa mga ulap Ang halimuyak ng iyong mga yakap ay nadarama pa rin Pilit hinugot ang  mga ugat ng pasakit Sa puso niya Binaon nang walang pasabi Kasabay nang pag iyak ng langit Kailanman hindi mawawaglit Lahat ng mga salitang nasambit Ngunit ngayon kasama na ng hangin Ang pagibig na hindi pa rin kayang limutin -Tula II, Margaret Austin Go
0
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 3:08 AM UTC
Tula I
una sa lahat marami akong katanungan lalo na sa araw ng iyong pag iwan kahit isang taon na ang nakalipas ako parin ay nalilito tuwing sasambitin ko ang iyong pangalan ako'y nanlulumo aking napagtanto kung ang iyong ani saakin ay totoo totoo nga ba ang lahat at minahal moko ng husto? isa pang katanungan, bakit moko ginaganito? hindi pa nga tayo sa gitna, bakit natapos na agad ang kwento? bumalik sa aking isipan ang bawat salitang iyong nasambit isa doon ang iyong inalay  na "mahal ko ito'y isang awit" ngunit isang araw ako'y nakaramdam ng kaba sa dibdib animo'y malayo pa lamang ay akin ng narinig inalayan ko ang aking bisig, sa sobrang lakas ng iyong tinig hindi ko alam kung sa paraang ito, pinapakita mo ang iyong pag ibig gusto kong isigaw ang aking himig at ipadama lahat sa aking bibig. ako'y tumakbo ng tumakbo ng di alintana ang paligid. gusto kitang gisingin o idaan lahat sa panaginip bakit mahal ko, umuulan naman aking mga mata ikaw naman ang dahilan kung bakit ako ay nagdurusa bigla akong pumikit at tiniis ang sakit ngunit sa aking pag gising kailanman hindi mawawaglit ang lahat ng mga salitang iyong nasambit.
0
Jul 28, 2017
Jul 28, 2017 at 9:22 AM UTC
❝mga salitang iyong nasambit❞
Araw gabi ikaw ay iniisip, Bat ayaw mawala sa isip, Pati pag-tulog ika'y laging nasa isip, Sa mahihimbing kong pagtulog ika'y laging nasa panaginip. Masayang pangyayari di mawawaglit sa aking isipan, Dahil ikaw ang bumobuo ng buhay kong may hangganan, Kaya't sana iyong tandaan, Puso ko'y iyong pangalagaan. Ika'y inaasahan, Maging kasintahan, Ika'y aking nagustohan, Kaya't sa huli ako'y naparusahan. Pero ang ating relasyon ay isang kathang-isip lamang, Relasyong aking isinilang, Dahil sarili ko'y linilinlang, Ako'y nanghihinayang.
0
Oct 12, 2018
Oct 12, 2018 at 9:25 AM UTC
Kathang-isip
Sandaling tumigil ang oras upang ipikit ko ang mga mata sa alaalang nais kong balikan mula sa isang taong kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan. Sinimulan ko sa isang eksenang bibigay at bibigay na ang aking puso sa kalungkutan at kapighatiang aking nadarama noong kailangan ko ng kausap at siya ang aking nasandalan. Alam **** hindi madali para sa akin na bigyang katuturan ang bawat hiling nila kahit pa alam **** maling mali na ang mga desisyong aking nagawa dahilan upang katawan ko ay bumagsak sa pangungulila. Ikaw ang naging gabay ko no'ng mga panahong ilang ulit akong nakaramdam na may mali na pero ipinagpatuloy ko pa rin ito at hindi mo ako hinusgahan sa naging desisyon ko. Sa mga sandaling ito ay nakapikit pa rin ang aking mga mata upang balikan ang mga nakaraang lagi ay takbuhan kita at isisiwalat ang mga pangyayaring hindi ko inakalang magagawa ko pala kahit ang sakit sakit na. Ang kathang ito ay isinulat ko at gustong ialay sa iyo dahil isa ka at hindi lang basta kaibigan, ka-trabaho, kung hindi ay isang inang itinuring akong isang anak na nawawala at kailangan ng pag-intindi, pang-unawa at pagkalinga. Muli kong binuksan ang aking mga mata at doon ay napagtanto kong wala ka nga pala sa aking harapan upang bigkasin ito nang malakas sa iyo na nagbigay pag-asa sa puso kong hanggang ngayon ay nalulumbay pa rin at pilit na nagpapakatatag. Taos-puso akong nagpapasalamat, at kung kailangan ay paulit-ulit, gagawin ko upang malaman mo na kahit tayo man ay malayo sa isa't isa o magkakalayo ay hinding-hindi ka mawawaglit dito sa aking pusong labis kang hinangaan at minahal.
0
Aug 22, 2017
Aug 22, 2017 at 12:36 PM UTC
Sa Pagpikit ng Aking mga Mata

Continue reading...
41
Verse 1: Wala sa yong mga mata Ang kinang, kislap, na dati kong nasisilayan. Bakit? Yan ang sinasabi ng mga tala, buwan, maging kalangitan na tuwing gabi’y ito ang nakikita sa piling mo’t tabi. Ako’y nasasabik sa yakap at halik. Bridge 1: Aking inaasahan na sanay di sabihing mawawaglit ang oras, natirang sandali. Chorus: Sa pagpanaw mo nagkakadahilan kung bakit ako’y nanatili’t, naniniwala sa walang hanggan. Verse 2: Kahit may ibang magparamdam Sayo ako, pangako yun magpakailan man. Bakit? Dinig ko sa paligid ko Sayo lang nabuo wasak kong mundo Nang nag-iisa’y ikaw lang kasama. Sa yakap at halik, sayo ko nabatid na mahal kita. Bridge 2: Aking inaalala Sa panahong ika’y nabubuhay pa ang oras, natirang sandali. Chorus: Sa pagpanaw mo nagkakadahilan kung bakit ako’y nanatili’t, naniniwala sa walang hanggan. Sa walang hanggan Naniniwala sa walang hanggan Ang oras, at natirang sandali. Naniniwala
0
Jan 20, 2017
Jan 20, 2017 at 11:04 PM UTC
Guhit ( Sa Pagpanaw ) - By Russell Amansec