Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Nov 2015
Kapayapaan...

Isang salitang hindi maikakaila.
Na may sampung titik na mailap makuha.
Isang salitang nais na ibandila,
Pinapangarap ng ating buong madla.

Kapayapaan...
Isang salitang may sampung letra...


                                                  Pag-­asa...

Anim na letra lang pero sadyang matalinhaga.
Nagbibigay sigla sa puso ng nasasakdal at nag-iisa.
Nagiging liwanag sa dilim ng isang nagdurusa,
Ngunit mailap makamtan sa mundong marami ay napapariwara.

Pag-asa...
Isang salitang may anim na letra...


Pag-ibig...

Kaliwa't kanan ang krimen at kaguluhan.
Nasaan ang pagmamahal sa pagkakawatak-watak at iringan?
Ang puso ng iba'y balot na balot na nang kasamaan.
Maibabalik pa ba ang pag-ibig sa tinubuang lupa?

Pag-ibig...
Ikaw ay nasaan?


                                         Kapayapaan ang gusto ko.
Pag-asa ang nais ko.
                                         Pag-ibig ang tanging tanglaw ko...
Crissel Famorcan Mar 2017
Sa minsan kong paghawak ng isang panulat
At sa sandaling panahon na mata'y idinilat
Masakit na katotohanan ang sa aki'y sumambulat
At mga katiwaliang di man lang maisiwalat

At kaya nga nabuo ang una kong tula,
Punong - puno ng emosyon na pawang mga luha
sa kahabaan tila ba naging dula,
Dalawampu't limang berso:pawang may tugma

Hindi ko alam kung bakit at paano
Sa mga isyung pambansa,wala ngang alam gaano
Pero basta't tinamaan ako ng inspirasyon,
Biglang gumagana itong imahinasyon

Mga salita ay rumaragasang tuloy - tuloy,
Parang tubig sa ilog,walang tigil sa pagdaloy
Nag - uumapaw sa kaisipan at sadyang matalinhaga
Tunay na nagmumula sa puso ng makata
Taltoy May 2017
Sadyang matalinhaga,
Di ko maipaliwanag kung bakit,
Ako'y humahanga,
Dahila'y di masambit.

Ang isa sa mga rason,
Kung ba't nagkakaganito,
Sa mga nagdaang panahon,
Ako'y naantig sa'yo.

Pag-iisip ay naiiba,
Sa labas, di mo aakalain,
Ang abot ng  makakaya,
Kanyang damdamin at pagsasalamin.

Sadyang mas magaling,
Kagalingang di ko maabot,
Sa sarili'y naging hiling,
Di alam kung saan mapupulot.

Naisip na yan ay talento mo,
Di nga pala tayo magkapareho,
Ngunit atensyon ko'y nakuha mo,
Di ko maitatangging ika'y inspirasyon ko.
Ako'y naaaliw at namamangha sa'yo bawat minuto.
Jun Lit Nov 2017
Matalinhaga ang kahapon,
ang nagdaang panahon:
kapeng mainit na pinalalamig, hinihipan
pero di malag-ok, nakakapaso sa lalamunan
Tila alon sa dalampasigan
itinataboy ng pampang
ngunit bumabalik ang mga ala-alang
pilit itinatapon, kinakalimutan.

Mga tagpong akala’y isang dipa lamang
tila ang pagitan
ng lupa at kalangitan
ngunit nang tatawirin na’y
bangin pala ang kailaliman
walang tulay na magdugsong
sa sanlibong katanungan
sa mga gumuhong moog
at nadurog na diyos-diyosan.

Sa sulok ng balintataw
isang paslit ang natanaw
tumatakbo’t humahabol, sumisigaw
tinatawag niyang “Tatay!”
iyong nakalagak, isang bangkay
sa kabaong na ipapasok, ihihimlay
sa nitsong pintado ng puting lantay
- labi ng aking amang hinagilap na suhay

Sa lamay ng patay,
ang kapeng barako ay buhay
bumubukal, walang humpay
maalab ang pakikiramay,
sawsawan ng tinapay
          Sa lamay ng patay
          nagsisikip man ang dibdib
          magkunwari’y kailangan
          nagdurugo man ang puso
          lakas-loob ang kaanyuan

Habang umaagos ang litanya
sa labì ng punong magdarasal
pumapatak ang ulan ng luha
walang puknat ang “Bakit?”, nag-uusisa
Hindi napapahid ng panyong pinipiga
ang hapdi ng sugat sa naulilang diwa
lalo’t ang bayaning inakala
ay pasang-krus pala ng inang dinakila

Matalinhaga sadya ang kahapong nagdaan,
pelikulang kulay sepya, kumupas na sa kalumaan:
Lumamig na ang inuming sa burol ay itinungga
Tahimik na silang nagtungayaw ng sumbat at sumpa
Sa malayo’y kumakaway ang palaspas ng payapa
Nagpahinga na rin ang ilaw na sa aki’y nagkalinga

Sumisilip sa alapaap ang impit na sinag
Naglalaho na ang mga bituin sa liwanag
ng unti-unting pagsabog ng araw na papasikat
At sa pagbangon, bagong umaga’y may pahayag

Gigisingin akong lubos, tila tunog ng gong
ng bagong-luto **** pagsalubong
Isang lag-ok muli, aasa, susulong
kung saan man hahantong . . .
To be translated as "Brewed Coffee IV"
AstralPotato Jul 2019
Isang pagkakamali biglang nabura
Nabura lahat ng tamang ginawa
Isang pagkakataon ang ipinusta
Ipinusta ang akala niya ay tama

Tama ba na sabihing umalis ka?
Umalis sa kadenang kinasusuplutan?
Tama ba na sabihing lumipad ka?
Kung putol na ang pakpak at wala ng liliparan?

Humayo ka, lumaban ka, yan ang sabi nila
O kay daling sabihin ng dilang matalinhaga
Ngunit sa parehas na dilang iyon ka nalugmok
Makalilipad pa ba ang napilayang lamok?
I'm just so stressed af
Taltoy Apr 2017
Sa mundo, walang sigurado,
Hindi lahat sasang-sayon sa'yo,
Dahil di mo hawak ang 'yong kapalaran,
Nagpapahiwatig na wala kang katiyakan.

Hindi ko naman ipinagpalagay na ako,
Dahil di ko naman alam ang iniisip mo,
Ngunit nakitang matalinhaga,
Sa paningi'y kataka-taka.

Hindi naman ako ganyan ka gunggong,
Kasalanan bang magtanong?
Sa tingin ko, di naman siguro?
Hwag sanang isiping ganyan ako ka desperado.
Ewan bakit nasulat ko ito.

— The End —