Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"matabunan" poems
mula sa bintana ng mga katotong tahanan may pinaghuhugutan balitang pinagkainan merong budbod di-umano ang bibingka sa bilao madalas di-ginugusto,,minsan nama'y napapa-tipo. bihira man ang daloy sa hiwa ng pagkakataon nariyan pa rin ang kuro at haka sa loob ng kahon sa tulong ng walang patumanggang bulong na hindi naririnig ang tunog sa likod ng pulang bilang matatanaw may abiso sa kidlat na walang kulog. ilako ang lakbay ng himay sa mga nagdidilang anghel para mahumpay ang tamlay mula sa pader na papel ibahagi ang natatanging kuwento sa oras ng hanay ng kasarinlan mag-manman sa likuran bago dumating at gumawa sa tambayan matabunan man sa araw-araw ang pag-apaw ng dalaw sa estado wag mag atubili,hataw lang sa paggalaw muling ibangis ang talento bagamat ano mang bulwak meron ang katha sa salamin,matapos na maisulat sa ere man hanggang sa paglapag ng tuyong dahon,may mangha na ipamu-mulagat sapagkat hinde mababanaag sa mga nilakaran ang iniwang bakas sa pinanggalingang upuan dahil ang dati nang puting kulay sa loob na 'ala pang bahid magkukulay dilaw sa pagkakaroon ng matimtimang masid at kung ang inaasahan ay taliwas sa nakatakda,,alin lang yan sa dalawa : bumilis ang pagbagal ng patak kaya manunumbalik ang dati nang sigla o malamang na mangamba sa pakiwaring hindi daratnan dahil sa pagkaantala? kung magkagayo'y ituloy lang ang pagkasabik sa pagtatapos pagkat magkakabunga!
0
Dec 12, 2015
Dec 12, 2015 at 8:50 AM UTC
salungguhit
100121 Parang ang lahat ng ilaw ay may kakumpitensya. Habang ang lahat ng nagliliwanag At kumikinang sa gabing mahiwaga’y Nagtatagisan kung sino ba ang pinaka-nakasisilaw – Kung sino ang pinakamaganda. Ni isa sa kanila'y ayaw matabunan, Ni ayaw nilang sila'y mahigitan Kaya naman maging sa kanilang pagtulog, Ay dinadalaw pa rin sila ng kani-kanilang kagustuhan. Ni hindi makahimbing ang mga alitaptap Na nagpapalamon sa nanunuksong alab. At tila ba walang katapusan ang paglikha Pagkat sa pagsapit ng panibagong umaga'y Iba na naman ang isasabit At magpapakitang gilas ng kanyang ningning. Ngunit ang lahat sa kanila’y May mga aninong umaakap patungo sa dilim. Nagtatago sa lilim ng kani-kanilang lihim, Walang mukhang maiguhit Kundi tanging pangalang minsang naiukit Upang panandaliang magbigay-kulay at magbigay-buhay. At sabay-sabay silang manghihina; Maghihikahos na daig pa ang nanlilimos ng lakas – Ng liwanag, ng kasiguraduhang maari pa silang bumangon. At mahahandugan pa ng pangalawang pagkakataon. Ngunit sa kabila ng kanilang paghihikahos, Ay kusang mamamatay ang kanilang mga apoy Na minsang sinindihan ngunit niyurakan Ng sarili nilang mga apoy.
0
Oct 3, 2021
Oct 3, 2021 at 11:28 PM UTC
Tiktak-tiktak
Ilang buhay pa ang katulad nilang makitil, magkulambo ng tabla at matabunan ng lupa na nilinang at pinagyaman nang mga sariling kamay at pa? ©2019
0
Apr 18, 2019
Apr 18, 2019 at 1:28 AM UTC
Katanungan