Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makatagpo" poems
Ang ating tadhana'y sadyang pinagtagpo Di ko nga malama't ako'y nalilito Maging hanggang ngayong naging ikaw't ako Nanatili pa ring tuliro isip ko. Dati ay pangarap lamang kita mahal Ngunit 'wag isiping ako'y isang hangal Libre pong mangarap ng sariling dangal Lalo pa't ikaw ang ibig kong matambal. Kay sarap gunitain una nating usap Di ko man lang pansin bilis niyong oras; Sa muni-muni ko ikaw ay kaharap Ibig ko'y magtagal mapahanggang bukas. Sa bawat minuto't nagdaang segundo Aking sinusubok perpil mo mahal ko; Sa tuwing makita iyong litrato mo, Di ko maiwasang kiligin ng husto. Nang dahil sa Facebook, nakilala kita Nang dahil sa Facebook, naging tayong dal'wa; Ang ibig ko sana'y makatagpo ka na Nang ikaw'y mayakap at makakasama.
0
Jul 28, 2016
Jul 28, 2016 at 9:24 PM UTC
Nang Dahil sa Facebook
Alam mo, ayoko na Gusto ko nang huminto sa pagpapaka-tanga Ayoko na matulala at sabay maiisip ka Kasi alam ko na matagal bago ako muling makabalik sa aking diwa Pwede ba manahimik ka? Ang ingay mo lalo na kapag ako’y matutulog na Bastos at biglaang papasok sa aking isipan Na para bang isipan ko’y iyong kaharian Hindi ka ba napapagod? Sa kalalaro ng aking pusong lasug-lasog na sa iyong kapapaikot Tuwang-tuwa ka pa at humahalaklak kapag ako’y iyong nabibiro Pag sasabihin **** “last na”, pero sinungaling ka Edi sa’yo na! Sa’yo na ang kaligayahan at kalungkutan ko Sa’yo na ang pangarap at kabiguan ko Sa’yo na ang lahat ng ako, sa’yo na ang pusong laruan mo O, ano? Ba’t tumigil ka? Bakit ka biglaang lumayo kung kailan ibinigay ko na? Akala ko ba sa akin ay nasisiyahan ka? Akala ko ba sa akin masaya ka na? Ah, ngayon gets ko na! Gets ko na na mabilis ka pala magsawa Pagkatapos ng isa, maghahanap ka ng iba Pagkatapos **** manungkit, magtatapon rin pala Ayan ka na naman at umaarangkada Parang isang sports car na rumaratsada Patungo sa mga babaeng iba’t iba ang klase Iba’t iba ang ganda Kaawa-awang kababaihan Kasalanan ba nila na natipuhan mo sila Bakit kung parusahan mo ng iyong matatamis na pekeng salita Ay parang mga batang niloloko ng isang salamangkerong desperado kumita Sana matauhan ka… Minahal kitang tunay ngunit sayo’y lokohan lang pala Sana sa paglipas ng panahon, makatagpo ka Ng isang babaeng paluluhurin ka habang nagmamakaawang patawarin ka niya.
0
Mar 10, 2016
Mar 10, 2016 at 8:15 AM UTC
Isang Daan **** Labada

Continue reading...
36
Wala akong pera pang-cab Kaya mas prefer ko mag-jeepney Ikaw ang hihilingin Kung sakaling makatagpo ng genie Lagi kang nasa ulo ko Parang paborito ko'ng suoting beanie Mahal kita Sheki Kahit na size mo ay mini
0
Sep 11, 2019
Sep 11, 2019 at 9:53 PM UTC
Sheki
Isa marahil sa libu-libong isda sa karagatan Ang maigting na pumipili ng pain sa kawalan Sa takot na baka ibalik lamang sa karamihan Sapagkat ang nais ay di na pakawalan Ang uri ay hindi maihahambing kaninoman Tila nagiisang premyo sa makahuli na sinoman At isang beses nya lamang matitikman Ang tunay na tagumpay ng hamon ng karagatan Sumisisid nga ng husto pailalim Hinahanap kung may butas pang susuungin Takot na takot na baka mapain Ang isdang nasanay nang nasa ilalim Kailan kaya susubukang umangat At matutong sa pain ay kumagat? Makatagpo nang mangingisdang tapat At kung mahuli sa kanya ikaw na ay sapat.
0
Jan 16, 2023
Jan 16, 2023 at 11:16 AM UTC
Isda
• • • Bigo, yan ako labing-limang araw bago ka dumating Pinaasa sa mga susunod na araw na hindi naman pala makakamit Niloko sa hindi malamang kadahilanan kung bakit Panay ang tanong sa isipan kung bakit ako pa ang napili Na nananahimik at wala namang balak manakit Sabi ko tama na't huwag nang umasa pang muli Dahil sa henerasyon at ikot ng mundo ngayon, Ang makatagpo ng taong kayang suklian ang pag-ibig na meron ako Ay parang inaabot ang langit sa liit kong ito Pero mahirap nga naman talagang pigilan [minsan] ang nararamdaman Na kahit ilang araw pa lamang ang nagdaan Umaga, tanghali, hapon, gabi habang naghahapunan Ay laman ka na lagi nang aking isipan Hep hep hep! Sinabi nang saglit! Masyado kang makulit Hindi ka na bata na dapat pang paluin sa puwit! Pero eto, seryoso na ulit. . . Bakit ba kasi umaasa pa nang paulit-ulit? Eh nasa harapan na nga yung sagot na wala ka naman ngang **** Kahit sa totoo lang may konti nang sakit Nakakatawa lang din minsan, ano? Hindi ko lang sigurado kung yung tadhana lang o pati ako Na alam namang mapaglaro Pero sinasabayan yung agos kahit alam na hindi sigurado't [minsan] delikado Risk taker nga ako, hindi ba? Pero may kaduwagan sa aking kalooban at ayaw ko pang bumigay Kasi hindi ko pa kayang mapalayo ka't baka magpaalam na nang tuluyan Kaya dito na muna ako sa isang tabi, Na muli nalang maghihintay sa iyong susunod na mensahe. • • •
0
Oct 4, 2020
Oct 4, 2020 at 5:55 PM UTC
"Nakakangiti pa naman Ako"
Minsan naisip kong huminto Naisip ko na ring sumuko Pakiramdam ko kasi kakaiba na ako sa lahat Kaya madalas naiisip kong tumigil na sa pagsusulat Hanggang sa makatagpo ako ng ilang Makata At sa PANGATLONG PAGKAKATAON,sa kakayahan ko, Mayroong naniwala Isa yun sa mga pangyayaring labis kong ikinatuwa Pagkat kahit papano,may nagpapahalaga pa sa aking mga akda May nakakapansin pa sa natatago kong kakayahan Kaya nga mas lumakas ang taglay kong paniniwala Na isinilang ako para magsulat Kahit na pakiramdam ko kakaiba ako sa lahat Hindi ako titigil Sa pangarap kong 'to walang makakapigil Patuloy akong magsusulat hangga't kaya ko At Pagyayamanin pa ang bigay sa aking talento At sana balang araw, Matupad din yung pangarap ko Maging propesyonal na manunulat At May akda ng Isang Libro.
0
Oct 11, 2017
Oct 11, 2017 at 1:33 AM UTC
Walang Titulo
8 Nang gabi ding iyon Sila’y napuno ng imahinasyon 9 Pawang tuliro’t nahirapan Sa pagtulog ang mga naturan 10 Ang prinsipe’y sobrang namangha Sa ganda’t alindog ng dalaga 11 Ang dalaga’y puspos kilig Sa prinsipeng kumabig 12 Animo’y lumulutang sa mga tala Ang pakiramdam ng binata’t dalaga 13 Ninais-nais ng prinsipe Na muling makita ang babae 14 Inasam-asam ng dalaga Na makatagpo muli ang binata. -06/15/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:48 PM UTC
Siboloria 2 -Gabing Maligalig-
Oh kay saya no'ng ikaw ay Makatagpo. Kay sarap sa pakiramdam na ika'y Makatabi. Pero ngayo'y gusto ko nang Makatago sa mga ngiti **** naglalaho, at Makatakas sa pakiramdam na parang winawaldas. at sana'y Makatakbo na rin papalayo.
0
Sep 12, 2019
Sep 12, 2019 at 9:24 AM UTC
Makata