Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
(1:30 AM/ Brownout)

Ang alab Mo’y minsang inalay sa’kin
Syang naging mitsa ng pagkandirit ng himagsikan.

Ako’y nakakapaso
Magbibigay-liwanag sa madilim na kinagisnan,
Sa apat na sulok ng silid-aralan,
Sa lipunang may mabigat na ginagampanan
Tangan ang alab na umalarma sa pagkatao.

Nilisan ko ang liwanag
Kung saan akala ko’y dapat na maging kasanayan.
Ako’y Iyong tinubos
Sa mapanghusgang lipunan
May tatak sa noo, syang bukambibig ng madla
Salamat, nang ako’y maging pag-aari Mo
Nang ako’y pagharian Mo.

Gamitin Mo ako,
Pagkat ang liwanag, ang katuturan
Kailanma’y hindi mapupunan ng anumang salita
Nang sinuman..
Kung ang alab ay hindi Ikaw ang sentro
At kung ang lakas ay hindi mula Sayo.

Sukat ang buhay ko
Bawat luha ko, akala ko’y walang silbi’t walang kwenta
Ngunit iniipon Mo pala ang bawat butil nito
Minsan pala’y nakapapaso rin ito
Isalin **** muli, buohin Mo’t ihulma ang pagkatao.

Sayang..
Kung ang ilaw ay nakakahon
Kung ang sisidlan ko’y hindi ko lilisanin
Kung ang sarili’y hindi kikitilin
Nang magkaroon ng pangalawang buhay.

May ilang gagambala
Mga insektong hindi alam kung saan nagmula
Mamumuhunan sila’t magiging igno sa liwanag
At kung di lalakas ang alab,
Ako pala’y matutupok.

At sa hanging iihip,
Kung wala ang mainit na mga kamay
Na siyang yayakap at hahagkan sa akin
Ako’y maagang mahihimlay,
Mawawalang saysay ang pagkatubos sa akin.

Ngunit ang alab na ito’y
Kitilin man: kusa man at sa walang dahilan
Maari pang mabuhay, sa ikalawang pagkakataon
Sisindihang muli,
Luluha sa hapdi’t kirot ng kahapon
Ngunit ang bukas ay may kasiguraduhan
Na ang tatahakin ay hindi na tulad nang ngayon.

Binibilang na ang oras
Bawat minuto’t segundo
Maaring mapagal at maagang tamlayin,
Kung saan saksi ang kadiliman sa liwanag na taglay.

Ngunit bago maupos,
Ako’y may aabutin
Bawat sulok ay dadampian ng buhay
At magmamarka sa bawat haligi
Na kahit sa dilim, mayroong palang pag-asa.

(5/13/14 @xirlleelang)
Crissel Famorcan Mar 2018
Hahabi ng mga bagong tugma para sa bagong libro
Sa mga bagong pahina nito,may pag-ibig na kayang mabubuo?
O mga kasawian na naman ang tanging  isusulat ko?
Kalungkutan na naman ba ang uubos sa tinta ng aking pluma?
O sa malinis nitong papel,may pag-ibig nang magmamarka?
Maisulat ko kaya ang kuwentong inaasam
At sa matayog **** isipan,magawa ko itong ipaalam?
Posible kayang mapansin mo ang iaalay kong regalo
Kahit na ba di mo pa alam ang pangalan ko?
Wala naman kasi akong balak na magpakilala sa iyo!
Kahit madalas man tayong magkatagpo—
Magkakasya nalang sa mga nakaw na tingin
Sa mga simpleng sulyap na ginagawa ng palihim
Patuloy akong magmamasid mula sa malayo—
Malayo sa iyong tabi,
Pagtatagpi-tagpiin ang mga tugmang kapares ng iyong ngiti
Hindi ako lalapit at patuloy lang na magkukubli,
Pagkat alam kong kapag ika'y nakaramdam—
Wala akong magagawa kundi humulmang muli ng paalam.
Wagas ang paglilingkod
Sa bayan niyang sinisinta.
Nagsilbing pananggalang
Ng mga sugatang paa.

Walang pag-iimbot
Na hatid ang bawat galaw.
Katapatan niya'y 'di matinag
Sa baluwarte niyang saklaw.

Siya ay anak-dalita
Kaya may puso sa maralita.
Hinirang dahil may bilang
At hindi lang puro salita.

Maaga man ang paglisan
Habambuhay magmamarka
Bansag na "Reyna ng Tsinelas"
Na kanyang naipinta.
Para sa pagkilala at pagalala kay Kagawad Manet Gonzales Buensuceso

#tsinelasqueen
Angel Jun 2019
Nagising ng Alas tres ng madaling araw tila wala ng araw na sisilaw
Iniisip ang mga salita na binigkas mo sa araw na hiniwalayan mo ako
Bakit hindi napansin ang iyong mga galaw
Na ayaw mona at pagod ka na kaya nag-paalam
Nabigkas mo ang mga salitang hindi ikaw ang dahilan kundi ako sinta  
Mga sandaling kay saya napalitan ng lungkot at luha
Nakita ang luhang sanhi ng kalungkutan na nagmarka sa aking unan
Na tila magmamarka na rin sa aking puso at isipan
Bakit hindi napansin na hindi ka na pala masaya aking sinta
Lumipas ang ilang araw, linggo at mga buwan
Nakita kitang masaya at hindi na lumuluha kasama ang aking kaibigan  
   Ako'y parang isang tangang tumatawang humuhikbi
Basang basa sa ulan na umuwi  
Parang wala ng humpay ang sakit
Gusto ng mawala sa mundong puno ng pait
Kailan kaya ako makakakita ng isang taong hindi ako ipagpapalit
Na magiging masaya kung ano ako at kung ano ang meron kami
This is only my imaginations hope you like it
George Andres Jul 2018
mabuti pa rin ang bawat umaga sapagkat naroro'n ka
sumusulyap kung manunuya ang kadiliman ng langit ngunit salamat sa liwanag

batid **** sa pag-ibig ko sa bayan ay palaging kasunod ka
ang mapagpalaya **** tinig sa gitna ng mga sigaw
taas kamaong kumakapit sa apoy ng rebolusyon

naririto pa rin ako lumiko man ang daan
mananatili sa pagkaway ng bukang liwayway
at kung sa panahong hindi ko na makapa ang taling nag-uugpong sa ating dalawa
lumingon ka lamang pabalik sa sining at pluma
tambisan mo ng liyab ang mga salitang magmamarka
saliwan mo ng musika ang dalit ng maralita
lilingon muli ako aking sinta,
at doon ay makikilala kita.
63018

— The End —