Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magkakalayo" poems
Sandaling tumigil ang oras upang ipikit ko ang mga mata sa alaalang nais kong balikan mula sa isang taong kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan. Sinimulan ko sa isang eksenang bibigay at bibigay na ang aking puso sa kalungkutan at kapighatiang aking nadarama noong kailangan ko ng kausap at siya ang aking nasandalan. Alam **** hindi madali para sa akin na bigyang katuturan ang bawat hiling nila kahit pa alam **** maling mali na ang mga desisyong aking nagawa dahilan upang katawan ko ay bumagsak sa pangungulila. Ikaw ang naging gabay ko no'ng mga panahong ilang ulit akong nakaramdam na may mali na pero ipinagpatuloy ko pa rin ito at hindi mo ako hinusgahan sa naging desisyon ko. Sa mga sandaling ito ay nakapikit pa rin ang aking mga mata upang balikan ang mga nakaraang lagi ay takbuhan kita at isisiwalat ang mga pangyayaring hindi ko inakalang magagawa ko pala kahit ang sakit sakit na. Ang kathang ito ay isinulat ko at gustong ialay sa iyo dahil isa ka at hindi lang basta kaibigan, ka-trabaho, kung hindi ay isang inang itinuring akong isang anak na nawawala at kailangan ng pag-intindi, pang-unawa at pagkalinga. Muli kong binuksan ang aking mga mata at doon ay napagtanto kong wala ka nga pala sa aking harapan upang bigkasin ito nang malakas sa iyo na nagbigay pag-asa sa puso kong hanggang ngayon ay nalulumbay pa rin at pilit na nagpapakatatag. Taos-puso akong nagpapasalamat, at kung kailangan ay paulit-ulit, gagawin ko upang malaman mo na kahit tayo man ay malayo sa isa't isa o magkakalayo ay hinding-hindi ka mawawaglit dito sa aking pusong labis kang hinangaan at minahal.
0
Aug 22, 2017
Aug 22, 2017 at 12:36 PM UTC
Sa Pagpikit ng Aking mga Mata

Continue reading...
41
Umuulan na naman, Natutuwa ba o nalulungkot ang langit? Walang nakakaalam, Tulad ng damdaming lihim at itinatagong sakit. Sa bawat patak ng ulan ay pagpatak ng luha, Pilit nanunumbalik masasayang alaala. Ulan ang dahilan kung bakit pinagtagpo, Sa ulan din pala magkakalayo. Lakad at takbo sa gitna ng ulan, Mabasa o magkaputik ay hindi alintana. Bugso ng ulan ay biglang dumahan, Payong ang nakita pagkatingala. Ngiti **** nakahahalina, kislap ng iyong mga mata, Iyan ang naaalala sa unang pagkikita. Tila bang tayo ay nasa koreanobela, Damang-dama ang pagiging bida. Ngunit katulad ng mga seryeng inaabangan, Kwento nating dalawa ay may hangganan. Ang masayang wakas, hindi na masasaksihan, Sapagkat ayaw mo nang makita ang dulo, nauna ka nang lumisan. Lakad at takbo sa gitna ng ulan habang habol ka. Basang-basa at putikan, hindi alintana. Mga hikbi ko ay hindi mapatahan, Kasabay nang pagbuhos ng ulan. Payong mo'y hindi na matanaw, Wala na, tuluyan ka nang bumitaw. Iyan ang alaala ng huli nating pagkikita, Ang maging kontrabida sa kwento ng bawat isa.
0
Oct 6, 2020
Oct 6, 2020 at 8:25 AM UTC
Lihim
‪huminga ka.‬ ‪hindi porket nagparamdam siya, ‬ ‪susubukan mo kung may pag asa pa;‬ ‪kung may natitira pa.‬ ‪sa oras na ‘to na lahat ay magkakalayo, ‬ ‪na lahat ng tao’y may distansiyang higit sa isang metro, ‬ ‪isabay mo na rin ang puso mo. ‬ ‪di lahat ng bagay, may pagasang bumalik sayo.‬
0
Mar 25, 2020
Mar 25, 2020 at 9:06 AM UTC
metro