Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
080416

Ilang beses na akong sumusulat ng tula,
Nagbilang ng talatang puno ng metapora,
At naglaan ng kuwit sa humihingal na mga pangungusap.

Ilang beses na akong humukay ng alaala,
Mabigyang buhay lamang ang reporma ng katha,
Makaniig  lamang ng puso ang mga mambabasa.

Ilang beses na akong nagtapon ng papel,
Naubusan ng tinta't napurulan ng panulat.

Ilang beses ko nang sinabi saking sariling
"Hihinto na ako sa sa pagsusulat."
Bagkus sa bawat pintig ng puso'y
Tanging Ikaw ang pamagat.

At sa bawat pagsalin ng lenggwahe ng damdami'y
Ni hindi masilayan ang binagtas ng pusong marupok na.

Ilang beses na akong nagtula,
Pero paulit-ulit ang tugma,
Ikaw at Ikaw pa rin ang pamagat.
Hindi ko alam kung bakit pa nagtataka,
Kung bakit pa nagtatanong kung may pag-asa pa,
Bakit pa nga ba aasa pa?
Kung ang pag-asa ay sa simula pa lang ay wala talaga.

Ilang taong  nagsikap para makita mo na ang pagmamahal ko ay hindi katulad ng kaniya,
Para kapag sinabing “nag-iibigan” ay tayo ang magiging kahulugan at hindi ang halimbawa,
Na hindi na mananatiling konsepto ang “magkasama tayong tatanda”,
At hindi na mananatiling pangako ang “hindi ka na mag-iisa”.

Pero ang tayo’y parang ningas na hindi man lang naglagablab ay namatay na,
Parang apoy na hindi pa man nagbaga ay agad inapula,
Na hanggang ngayon tinatanong kung bakit nagpipilit umalab para sa iba,
Kung kaya namang huwag upusin ang mga sarili sa piling ng isa’t isa.

Ako’y nakagapos sa iyong pagmamahal na hindi naman talaga naging akin,
Kinukulong sa hawla ng kahibangan na baka sakali mag-iba ang ihip ng hangin,
At sa wakas ay ako’y iyong pakakawalan sa kadena ng pag-iilusyon,
Baka sakaling ang tayo’y magiging bahagi ng kasaysayan at hindi na piksyon.

Pero ang kasaysayan nating hindi pa man nagsisimula ay nais nang isulat ng iba,
Isang taong nagsusumikap maging bayani sa bawat yugto, naghihintay na mabigyang halaga,
Na sa akin ay nagtatanong, “magiging tayo kaya?”
At bago siya masagot, ay kailangan pang magtanong sa’yo, “magiging tayo kaya?”

Kasi kung hindi, hindi ko na ipipilit ang sarili ko at tatanggapin ko na,
Na sa pagtupad ng pangarap kong pagpapalaya mo sa’kin sa kadena ay iba ang nakatakda,
At  sa piling niya, baka sakaling makuha kong maging lubusang masaya,
At ako naman, hindi na ikaw, hindi na ang damdamin mo ang nakataya.

Kasi kung hindi, hahayaan ko siyang apulahin ang aking apoy na nag-aalab para sa’yo,
At gisingin ako sa katotohanang nauupos na ako, nauubos na ako,
Na kaya ang tayo ay parang ningas na hindi lumalagablab kasi hindi pala ikaw ang baga,
Hindi pala dapat ako umasa.
Eugene Aug 2017
Kung aking bubuklatin,
Ang mga nakaraang pahina ng iyong mga awitin,
Sigurado akong maalala mo ito at kakantahin,
Pauli-ulit pang rerehistro sa utak at iisipin.

Mahilig kang kumanta,
Boses mo ay kakaiba,
Mahilig ka ring gumala,
Sa mga malalayong lugar na hindi na abot ng iyong mata.

Sa trabaho ay seryoso ka.
Minsan nakalimutan mo na ring ngumiti sa iba,
Sa dami ng iyong ginagawa,
Kami ay napapagalitan pa.

Dedikasyon mo sa trabaho ay hindi matatawaran,
Pero kahit na ikaw ay may posisyon na,
Walang nagbago sa iyong nakaugalian.
Ikaw pa rin ang taong madali naming lapitan.

Ipagpatuloy mo ang ugali **** masaya,
Upang bigat sa dibdib ay maibsan pansamantala,
Mabigyang katuparan ang pangarap mo sa iyong bubuuing pamilya,
Nang maging sandigan mo sa habambuhay na ligaya.
Ang lalim ng 'Yong pag-unawa'y
Higit pa sa mga nakapilang karagatang
Nagsasapawan patungong Silangan at Kanluran.
Umaapaw ang 'Yong pagkalingang walang ibang nais
Kundi ibuhos ang 'Yong katapatan sa aking kakulangan.

At gaya nga ng mga ibong walang sawang sumisipol,
Ay gayundin naman ang 'Yong pag-ibig
Na hindi ko mabigyang pamagat
Gaya ng mga tulang kinakatha ng puso't pag-iisip.

Sa bawat bigkas ng bibig,
Sa bawat tuldok na simula ng pagguhit,
Sa bawat pintig ng pusong tanging Sayo ang papuri..
Ikaw at ikaw pa rin ang hihintayin,
At malaya kong ihahagis ang mga kamay sa ere --
Kung saan ang langit ay panandaliang masisilayan.

Maghihintay sa araw ng paghayag ng liwanag,
Ang boses **** sa mga letra lamang nabibigyang-buhay
Ay balang araw ding hehele't magpapatikom
Sa mga armas ng kadiliman.
At balang araw, masasabi ko ring,
"Nagbunga ang paghihintay."
elvin ado Feb 2020
BY; ELVIN ADO

SINO

Sino nga ba ako para ako sayo?
Sino nga ba ako para mahalin mo?
Sino nga ba ako para ipagsiksikan ang sarili sayo?
Sino nga ba ako para ipilit ang sarili na mahalin moko?

ANO

Ano nga ba ako para sayo?
Ano nga ba ako diyan sa buhay mo?
Ano nga bang saysay ng mga sinasabi ko sayo?
Ano pa ba ang gagawin ko para mapatunayan sayo na ikaw lang ang laman ng pusong to?

Ilan lang ito sa mga tanong na nais kong itanong sayo,
Mga tanong na paulit ulit sa magulong isipan na to,
Mga tanong na sana'y mabigyang linaw para ang puso'y di na umasa pa sa isang tulad mo,
Para matigil na ang katangahan at kabaliwang ito,

Kaya napagtanto na sa pamamagitan na isang sulatin ilalahad ang mga ito,
Sapagkat ayaw ko nang malaman mo,
Malaman mo ang mga tinik ng dibdib ko na gsutong sabihin sayo,
Kaya dito nalang ilalahad kasi wala namang tayo,
at kailanman hindi magiging tayo,

"KASI SINO AT ANO BA AKO SAYO
ISANG HAMPAS LUPA NA HINAHANGAD ANG ISANG LANGIT NA TULAD MO"

— The End —