Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lukot" poems
ilang oras, ilang araw, linggo, buwan, ilang taon na akong naglalakbay. nakita't nadaanan ko na lahat. dito sa masalimuot na lansangan memoryado ko na ang mga pasikot-sikot sa mga eskinita, bawat lubak at hukay sa kalye, ang mga graffiti at nangangalawang na karatula. pero kahit kay tagal na ng lumipas na panahon hanggang ngayon, di ko pa rin masikmura ang mga nakakabinging busina at humaharurot na makina ang nakakasulasok na baho ng usok at nagkalat na basura. sa una ako'y nangangawit pero ngayon nangmanhid na ang mga kamay ko sa higpit ng kapit sa manibela na walang sinuman ang makakaangkin dahil ito ay s'akin lamang, akin. puso ko ang mapa: lukot at punit-punit. dito ako sunudsunuran at alipin. kahit alam kong mali, di ako kikibo, ako'y tahimik. naghahanap, pero siya rin mismo nawawala. tahanan lang naman daw ang gusto niya kung saan lulunasan ng yakap ang pagod at pait, kung saan ang mga simangot ay masusuklian ng ngiti. *pero saan? saan kaya?* ako ang hari ng daan. walang kinikilala na batas. nakikipagkarera sa hangin sige-sige sa pag-arangkada. kung may masagasaan, kahit siya ang duguan, siya pa rin ang may kasalanan. dahil paminsan naiisip ko na baka mas swerte pa siyang nakahandusay sa kalsada kaysa sa akin na pagod, naiinip, naiinis sa likod ng manibela. malapit nang maubusan ng gasolina, ang mga gulong ay pudpud na. 'di ko pa rin mahanap ang tahanan kaya tumungo na lang kaya ako sa kamatayan? "para po" ako'y napalingon. oo nga pala, may pasahero ako. inaangkas lang Kita paminsan umuupo likod madalas nakasabit sa may salamin o nakalapag sa harap kasama ng mga abubot at basura. "ate, para po" hindi. inapakan ko pa ang gasolina. nagbibingibingihan sa mga bulong Mo. oo, alam kong pagod na ako pero kaya ko 'to, hindi ko kailangan ng tulong. "para, diyan lang sa may tabi" hindi. hinigpitan ko pa ang hawak sa manibela. gusto ko lang naman makauwi. oo, alam kong nawawala na ako pero sigurado ako ang ginagawa ko siguro, sigurado siguro. "para" ngayon napagtanto ko na ako'y sawi, ako'y mali. papakawalan na ang pagkapit sa patalim, ang pagtiwala sa sarili. sa wakas ako ay bibitaw. sa Iyo na ang manibela, pati na rin itong upuan na 'to, and trono. Ikaw na, ang gasolina at gulong na nagpapatakbo ang mapang nagtuturo mula ngayon hanggang magpakailanman. Ikaw na ang Kapitan ang tagapagmaneho ng buhay na 'to. wala nang pagkuha, pagdukot, pag-angkin. mula ngayon, iaalay ko na ang lahat. ako ay Iyo. ilang oras, ilang araw, linggo, buwan, ilang taon na akong naglalakbay at tuloy pa rin ang biyahe. ganun pa rin ang kalagayan ng kalye: malubak, maingay, madumi. pero kapag Ikaw ang nandyan sa upuan, para tayong lumilipad. anumang madaanan biyahe ay napakabanayad. puso ko'y nananabik. saan Mo ako sunod dadalhin? saan kaya makakarating? kahit saan man mapadpad, kahit gaano man kalayo, 'di na ako mawawala. ako ay nakarating na. o tahanang tinatamasa, nahanap na rin Kita. basta't kasama Ka, Hesus ako'y nakauwi na.
0
May 17, 2015
May 17, 2015 at 2:23 AM UTC
ako'y nakauwi na.

Continue reading...
122
dahan-dahan **** itaas ang kamiseta kong iyong nilamog, nilasog, nilukot-lukot kurutin mo ang kaluluwa kong tunay na alay sa iyo unahin mo ang aking labi bumulong sa pagitan ng mga halik dila'y umiindak sa sariling ritmo mahal kita, akin ka, mahal, halika paibabang mga halik, hihinto sa leeg isa-isang taluntunin ang mga bituin sinag sa aking balat, iyong intindihin idampi ang mga daliri sa aking dibdib himurin ito, kilitiin, at ipadama ang sansinukob na sa atin lamang lapnos ng iyong mga halik ay hahanap-hanapin animo bakas ng iyong papalayong yapak kabog ng puso'y umuugong sa silid hihigpitan ang kapit sa iyong buhok at susunggaban ang iyong labing sabik na sabik naghahalo tayo na parang makulay na pintura kaanyuang magkasalungat ay ating pinag-iisa inihahain ang sarili, punong-puno ng tiwala sirain mo ako sa pinakamagandang paraan isalin mo ang iyo, huwag mabahala
0
Oct 17, 2015
Oct 17, 2015 at 2:51 PM UTC
unang sayaw
Madilim na sulok kung san nagdurugo ang mga palad Na alala ko pa no'y si Inang ingat na ingat Mga lamok na dumadapo di ligtas sa kanyang paglilitis Na di ko na maalala itsura kung anong ipis Ngunit sa loob ng maliit na kwadro Sapat ang isang upua't mesa at isang kabayo Sabit pati ang yabang kong diploma sa taas ng orocan Lukot na resumé sa aking harapan nagmuka nang basahan Mas tanggap pa sa trabahong pamunas ng puwitan Ngunit mas higit pa ba ang munting papel kung nasaan aking larawan? Bakas ng ilang buwang puyat at thesis na pinaghirapan Bakit ako tatanggap ng trabahong mababa pa sa aking kakayahan O maging alila sa mga sinliit rin nila ang pinag-aralan? Kahapon itlog at pancit canton, Dala ni nanay noon pang huling dalaw sa aking kahon Isang buwan nang matapos na ako Inakalang ito na ang hudyat ng aking pag ahon Totoong mundong ganito pala ang paghamak at paghamon Di maatim ng sikmura sila'y yumayabong Taga UP ako, isang iskolar ng bayang nais maglingkod sa bayan Taas ng pinag-aralan ko, kung sa ibang bansa, sahod lang ng bayaran? Inyo na ang thirteenth month pay ninyong tinamuran!
0
Jul 8, 2016
Jul 8, 2016 at 11:24 AM UTC
Iskolar ng Bayang Dukha
Napuno ng tsokolate ang kanilang mga pisnging walang pakiramdam, At ang awit sa tabing estero’y maingay pa sa pag-iri ng mga metal na may susi. Unti-unti na rin silang naglabasan Na tila mga gagambang handa nang pagpiyestahan Ang mga bihag sa kahon ng posporo. Narinig ko ang malulutong na mga papel Na sabay-sabay ang pagpaubaya sa hanging umiihip ngunit mahiyain. Ang mga palad na kanina’y nakatikom sa mga tela’y Agarang nagsilikas at humalik sa mga lukot-lukot na papel. Narinig ko rin ang mga latang may mukha Buhat sa kani-kanilang sisidlan na kanina’y may makukunat na goma. Ngayo’y isa-isa silang ipinatumba Na para bang sa mga napapanood kong pelikula ni FPJ. Hindi ko matantya kung ano ba ang ibig sabihin Ng kakaibang sining sa mga mata nilang tila ba santelmo. Maghuhulaan ba kami sa kanilang mga bolang kristal O huhubarin na rin nang paisa-isa Ang mga alagad nito’t maibubunyag ang aking pamato.
0
Jun 13, 2021
Jun 13, 2021 at 2:15 PM UTC
Pamato(l)
Sana pwede akong patulugin at paganahing kumain ng inyong mga at least. At least hindi sila naparis sa mga nawala na lang sukat. At least di sila nakitang palutang lutang sa ilalim ng Jones Bridge. At least hindi ko na kailangang halughugin ang mga gusgusing morgue makita lang sila. At least buhay sila- nakakulong nga lang, may kaunting pasa sa tadyang. Sa totoo lang, nakakabingi ang inyong mga at least. Wala itong silbi sa akin sa kasalukuyan. Parang gabundok na labahing poproblemahin. Parang lukot na polo na makikita ko sa salamin. Parang masikip na brief at basang medyas. It ***** Hinuhubad nito lahat ng panatag na larawan sa aking isip. Ginugulo nito ang relasyon ng subject at predicate sa aking mga pangungusap. It really ***** Bakit naman kaya ako makukuntentong- at least buhay sila? Eh, sa ganitong bansang ang mga namumuno’y tila 3 for 50 na DVDng ibenebenta sa Raon- sino ba dapat ang nakakulong?
0
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 12:47 PM UTC
AT LEAST
Isang lukot na papel ang natutulog sa harap ng lampara Nagparamdam at hinila ako patayo sa aking kama Sa aking pagbuklat, nakita ko kung gaano nagkalasug-lasog ang mga letra Kung gaano nasaktan ang bawat linya Sa pagaakalang dito matatapos ang buong kabanata Sa pagaakalang naghihikahos na ang mga salita Kaya akin ng sisimulan ang huling talata Mahal nandito na ko sa likuran ng pahina Kung saan iginuguhit ko ang maganda **** pigura Kung saan hindi na kailangan ng matinding pagbubura Sa mga linyang lagpas-lagpas na Sa mga kurbang di perpekto ang pagkakagawa Ngunit pasensya na Pasensya na dahil gumagabi na At wala ng espasyo ang boses ko sa loob ng kartera Pasensya na dahil tuluyan ng napaos ang mga pantig sa huling kabanata Nagsawa na sa bawat pigurang ginuguhit Sa bawat salitang inuukit Kaya mahal patawad Hindi ko sinasadiyang mahalin ka gamit ang itim na tinta
0
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 4:30 AM UTC
ITIM NA TINTA