Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lasap" poems
Tuwing balikan ko ang nangakaraang araw na nagugol noong kabataan. Wari'y nagbabalik ang diwang malumbay, na minsang dinanas niring abang buhay. Ang bawat nagdaang aking mga araw, doon sa luntiang ating paaralan gunita ay pawang dusa't kapanglawan, ang bumabalot niring balintataw. Subalit ang dusang nakapanghihina, pilit napapawi ng mumunting saya. Ang isang bituing kahali-halina'y naging hugot-lakas niring pusong aba. Hindi ko mawari noon yaring dibdib, tuwing binabaybay ang daang matinik. Anong ubod sayang naglaro sa isip, ang sinintang Musa ng aking pagibig. Simula nang ikaw ay aking mamasdan O! hangad kong tala sa sangkalangitan, hindi ko malirip at di na maparam tila nanggayumang lagi sa isipan. At magbuhat noo'y aking hinahangad; ang sangkalangita'y aking malilipad, upang mahahaplos ang talang pangarap at isang dahilan niring pagsisikap. Subalit ang hangad wari'y panaginip at tila'y malabo itong makakamit. Pagkat ako'y lupa't ikaw'y nasa langit, at kutad ang pakpak at walang pangsungkit. Ang tanging nagawa, sa layo'y pagmasdan. Puso'y inaaliw sa taglay **** kinang, at kung anong siglang sa akin nanahan, ang sanlibong dipa'y lakaring di pagal. Iyon ang gunita't aking kabataan, doon sa mahal kong ating paaralan. Kung pagsaulan ko'y pawang kapusukan, subalit tiyak kong sa puso ay bukal. Sumapit ang yugtong di ko na namasdan ang tanging bituing aking minamahal. Pagkat ay nalayo ako sa tahanan, upang susuungin ang bago kong daan. Ang pakiwari ko'y sa taong nagbago, paghanga'y aayon at ito'y maglaho. Tulad ng magapok ang buhay na bato, kung saan inukit ang puso't ngalan mo. Taon ay nagdaa't panaho'y lumipas, ngunit ang paghanga'y hindi kumukupas. Hindi ko maarok na lalong nagningas, nang muling magtagpo ang ating nilandas. Kaya ninais kong maipapahayag, ang mga damdaming sa puso'y nailimbag. Limang ikot-araw ang mga nagwakas, magpahanggang ngayo'y laging umaalab. Ikaw ang bituing aking hinahangad, isa sa nagtanglaw niring aking landas. Ang Musa sa puso't tanging nililiyag, ang umakay niring diwa na sumulat. At ngayon ay aking naipapabatid, dito sa talatang nagsalasalabid. Mula sa paghanga't tungo sa pagibig, ang hindi maihayag niring dilang umid. Papalarin kaya itong abang lingkod, at mula sa langit ikaw'y pumanaog? Diringgin mo kaya yaring tinitibok ng pusong noon pa'y sa'yo umiirog? At kung yaring akda'y sa'yo walang lasap, ipaguumanhin ang pusong sumulat. Ninanais ko lang na maipahayag, ang aking pagtangi sa'yo at paglingap. At kung kasadlakan nito'y pagkabigo, sa aking paglapit, ikaw ay lalayo. Tanging hinihiling, sa iyong pagtakbo, nawa'y di burahin ang mga yapak mo. ©Raffy Love Canoy |March 2020|
0
May 10, 2020
May 10, 2020 at 7:53 AM UTC
Gunita ng Paghanga

Continue reading...
73
Nakatindig sa harap ng mga nangagdaan; Sa pagtunog ng batingaw, ikaw ang s'yang naaalala, na ikaw sana'y magbalik. Ako ngayo'y nakabinbin sa bangin ng kalungkutan: Nasa'n ka na nga ba? Sadyang 'di kita matanaw kahit man lang ay saglit. Nalulunod ako sa mga luha sa bawat oras ng pagkadapa, Nakapako sa krus ng pag-iisa't pighati; 'Sang pinsala dulot ng pag-ibig na nawaglit lang ng bigla Nasa'n ka na nga ba? Hinahanap-hanap kita sa bawat sandali. Nakakulong sa rehas ng iyong pagmamahal, At sa pagdating ng hating-gabi, ginagapos ng lubid ng karimlan: Walang mahagilap na dahilan sa paglayo mo mula sa 'king piling, Bukod-tanging kahapon na lamang ang aking sinusubukang gunitain. Subalit gulo ang s'yang aking batid, pait ang s'yang aking lasap; Ni walang kapayapaan, ni bigkis man lang ng galak. Tayo sana'y ikakasal na, ba't ka pa lumisan? Nasa'n  ka na nga ba? At kung hindi ka pa rin darating, sa panahong mundo na'y magdidilim, Maghihintay pa rin ako sa 'yo hanggang mayro'n pang akay na takipsilim.
0
Nov 27, 2011
Nov 27, 2011 at 8:42 PM UTC
Takipsilim
Kayraming lubak, alon ay malakas Tatagaan ang loob, sa daa'y maraming ahas Maraming kasama ngnit ikaw ay mag-isa Pagtaas ng tubig sa sapa, sa'yo ay walang kakarga Natural lang ang umiyak at magpapadayak Pag-abot sa tuktok ay hindi basta at payak Minsan pa nga sa'yo ay maraming tatapak Pero ang payo ko sa'yo, sumayaw at pumalakpak Hindi ka baliw sa iyong gagawin Ipakita ang galing at taas ng mithiin Daan naman talaga minsa'y mahirap tahiin Ngunit kapag umayaw, ika'y palpak na tatawagin Matapos ang hirap, asahan mo ang sarap Damhin ang lasap ng natupad na pangarap Bawat pawis at dugo, kapalit ay karanasan at kamalayan Na sa iyo ngayon ay magsisilbing kayamanan
0
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 4:15 PM UTC
Patungo sa Tuktok
Oh napakasarap, langhap na langhap, Amoy **** ubod ng sarap, Na tila animo'y lasap na lasap Ang mala-Rosas **** humahalimuyak.
0
Dec 6, 2014
Dec 6, 2014 at 3:37 AM UTC
Rosas
Nakatindig sa harap ng mga nangagdaan Sa pagtunog ng batingaw, ikaw ang s'yang naaalala, na ikaw sana'y magbalik. Ako ngayo'y nakabinbin sa bangin ng kalungkutan: Nasa'n ka na nga ba? Sadyang 'di kita matanaw kahit man lang ay saglit. Nalulunod ako sa mga luha sa bawat oras ng pagkadapa, Nakapako sa krus ng pag-iisa't pighati; 'Sang pinsala dulot ng pag-ibig na nawaglit lang ng bigla Nasa'n ka na nga ba? Hinahanap-hanap kita sa bawat sandali. Nakakulong sa rehas ng iyong pagmamahal, At sa pagdating ng hating-gabi, ginagapos ng lubid ng karimlan: Walang mahagilap na dahilan sa paglayo mo mula sa 'king piling, Bukod-tanging kahapon na lamang ang aking sinusubukang gunitain. Subalit gulo ang s'yang aking batid, pait ang s'yang aking lasap; Ni walang kapayapaan, ni bigkis man lang ng galak. Tayo sana'y habangbuhay na, ba't ka pa lumisan? Nasa'n ka na nga ba? At kung hindi ka pa rin darating, sa panahong mundo na'y magdidilim, Maghihintay pa rin ako sa 'yo hanggang mayro'n pang akay na takipsilim.
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:22 PM UTC
NASAAN KANA NGA BA?
Lumalalim na ang gabi Malamig ang simoy ng hangin Ikaw lamang ang nais kong makatabi At ang aking gustong makapiling Oh, paligaw-ligaw tingin Ikaw lamang ang tanging minimithi Ayoko munang umuwi Dito ka muna sa aking tabi Ayoko nang sa iyo ay mawalay pa Huwag mo na akong iwan pa Huwag muna tayong umuwi Kay sarap pagmasdan ng buwan ngayong gabi Hawak ang iyong kamay at lasap ang preskong hangin Ngayo'y nadinig na aking panalangin Kay sarap pagmasdan ng mga tala Singkislap ng iyong mga mata Hawakan mo lamang ang aking kamay At tayo ay nakatingala sa alapaap Ikaw lamang ang aking sinisinta, aking pinapangarap Ang aking minahal ng tunay Sapagkat hanap ng puso ko'y ikaw At wala nang iba pa Dahil mahal kang talaga Ibubuhos lahat ng pagmamahal at oras sa iyo Habang ako ay nandito pa sa mundong ibabaw Ako ay nangungulila sa tuwing tayo ay magkalayo Sa iyo lamang ako uuwi Sa iyo lamang ako mananatili Ikaw lamang ang aking nag-iisang, sinisinta
0
Aug 29, 2023
Aug 29, 2023 at 12:00 AM UTC
Sinisinta (11-8-2022)