Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kubli" poems
Kling Klang....  Kling.. Klang.. Tunog ng kampana'y sumisigaw ng kagalakan, Amihan hanging sumisimbolo ng isang Banal na kaarawan. Saanman pumaroo't-pumarito'y puno ng kasiglahan; Mga hapag-kaina'y dinadagsa ng iba't-ibang kasaganaan, Mumunting kislap sa bawat bahay ay pawang madadaanan, At mga magigiliw na parol sa bawat poste'y isa-isang nagtitingkaran. Habang ang lahat ay masiglang nagkakantahan, Isang lalaki ang naglalakad sa makipot na eskinitang daanan, Maruming damit, gusgusing katawan, Balbasing mukhang mistulang mga puno sa isang mayabong na kabukiran. Pasuray-suray n'yang tinahak ang kadiliman, Dala ang isang boteng alak na kanyang nag-iisang kasamahan. Mga lasing na hakbang ay pilit binibitawan, Mumunting yapak patungong bahay na kubli sa kasayahan. Pagdating sa bukana, bote'y itinapon sa pintuan. Nagsusumigaw at pilit humihiyaw na siya'y agad na pagbuksan. Isang babaeng puno ng pasa't sugat ang kanyang naalinagan; Mayuming mukhang naging busangot ng dahil sa kahirapan. Ilang minuto pa'ng nakakaraan, Isang nakakakilabot na sigaw ang pumagitna sa masasayahang kantahan, Iyak na pilit tinatago, pinipigilan ngunit sa huli'y sumuko't mabilis na nagsilabasan. Ang katanungan, ano nga ba ang dahilan ng kasuklam-suklam na sigaw na nasaksihan? Mistulang iyak ng pagkahabag ng kalangitan Ang unti-unting nagsipatakan. Ulang nakisabay sa nakakakilabot na kalagayan - Binubugbog ng lalaki ang asawa; ang kanyang pinangakuan ng pag-iibigan, Isang taon pa lamang ang nakakaraan! Dugo'y nag-unahan sa pagpatak, Nagsimula sa kanyang kaibuturan binaybay hanggang sa kanyang talampakan. Babae'y nanghina't nagsumamo Na tigilan na ng kabiyak ang pambababoy dito at sa anghel sa tiyan nito. Ngunit ang tainga niya'y nagmistulang sungay; Walang bahid ng pag-aalinlangang pinagpatuloy ang maling labanan. Tengang-kawali't pinag-igihan pa'ng pagsipa't pagsuntok sa tinuturing n'yang kalaban. Dala ng matinding droga, ang haligi ng kabahayan ay naging sundalo't kaaway sa sarili niyang tahanan. Mistulang militar na naging ispeya't traydor sa dapat sana niyang pinagsisilbihang kaharian. Ilang araw pa'ng nakalipas, isang nakakabangungot na kaganapan, Ang naging usap-usapan sa pamayanan. Isang inang nilapastangan ang nakitang walang malay, duguan at butas ang sinapupunan. Sa gitna ng pighati't panlulumo, Ang kampana'y muling umiyak ng pakikiramay. Tunog ng madamdaming dalamhati. Musikang malumanay, .......dahan-dahang naghahatid sa inosenteng sumakabilang buhay. Kling Klang... Kling.. Klang..
0
Apr 30, 2015
Apr 30, 2015 at 10:57 AM UTC
Kampana

Continue reading...
46
isang mukhang naka kubli itinatago ang totoong imahe isang pagkukunwari kailanman hindi maitatago ang katotohanan sa maskara kasinungalingan minsan masaya minsan may pagsisisihan ka minsan masasaktan pero sa bandang huli may matututunan ka ito yung buhay na naranasan ko sa likod ng maskara na itinago ko sa paraan hindi ako tinakasan ang buhay na totoong nararanasan ko gumawa ng sariling mundo na hinango sa imahinasyon paano pa ba makakatakas sa aking buhay na binilanggo ng pag papanggap na hindi ako minahal nila na akala ay ako to hinangaan nila akala totoo marami naniwala na ang nasa harap nila ay nabuhay bilang malinis na tao napag tanto ko na parehas lamang ang tao napaniwala ko at ako mismo ay nalinlang lang din sa kainggitan ko galing sa taong perpekto na kinuhanan ko ng pagkatao. na kahit ako mismo ay nangarap na sana maging ganon man lang din ako kahangaan ng iba at tanggapin bilang patas na tao sa mundo minahal mo lang ba ako dahil sa itsura ko? nagustuhan dahil sinabi kong mayaman at may kotse ako? tinanggap kasi akala mo nakahanap ka ng prince charming mo? pasensya na nagising na rin naman na ko sa katotohanan kahit ako mismo ay napagod na sa pagkukunwaring hindi naman talaga ako. kasi nangarap din ako na tanggapin ako ng buo di dahilsa istura nakaharap sayo dahil gusto ko din ng may taong mamahalin ako kung sino at ano ba ako ayoko na. pagod na ako. dahil inaasahan ko rin naman na kapag nalaman mo ang totoo ay iiwan mo lang din naman ako wala kahit sino mismo ang makakaunawa sa taong gumamit at napilitan itago ang buhay sa isang maskara dahil sa bandang huli ako mismo parin naman ang masasaktan dahil umasa ako na matatanggap ang isang tulad ko sa lipunan
0
Jan 5, 2019
Jan 5, 2019 at 11:18 AM UTC
Maskara

63
Ang luhang pilit na kinukubli, bumuhos, parang talon Sa mga pisngi kinikimkim, hanggang sa pusong humihinahon Mga kamay halukipkip, ang bibig ay takip-takip Sariling Hikbi, ayaw marinig ang nais, habang buhay na maidlip Ngiti nga'y naglaho, maskara'y nawala Masasayang halakhak, bulaklak na nalanta Pusong pinilit mabuo, maging bato Nadurong sa isang pagkakataon... Sa ala-ala mo Ang malayang paglalakbay ay sinubok kong mag-isa Inilayo ang puso ko, sa iyo ng aking mga paa... Pinilit na wag lingunin ang nakaraan Mga mata ay tinakpan, sarili'y piniringan Tainga'y pinilit takpan, madiin, madiin Na kahit bulong ng puso, di ko na kaya dinggin Ngunit ang damdamin, sumisigaw, humihiyaw Maliwanag, malinaw, malakas na bulong ay ikaw Ngayon gabi, sa pagtulog, halika sa panaginip ko Sa panagip baka doon, tayo magkatotoo Halika, mahal, halik sa tabi Tulungan mo akong palayain ko ako...
0
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 2:52 AM UTC
KUBLI
Sa pagpikit ng mata, pilit kong kinukubli. Baka ang luha ay mapigilan, tulad ng iyak, naging hikbi Pilit na ikinulong ang mga tubig ng pait Pilit na nilululon ang sakit, ang hapdi Gumuguhit ang sakit sa puso kong nagmamahal Hinihiwa ito, tila di na tatagal... Nanataling pikit at luha ay pinipigilan... Tulad mo sa pusong ayaw kang pakawalan. Hindi na ba talaga ako mahal? Kung hindi na'y, huwag na akong gawing hangal... Hindi na ba talaga ako iniibig? Kung ganun, pakawalan na sa iyong bisig. Hindi ko alam ang mahikang dulot mo. Hindi ko alam, bakit ikaw ang mahal ko. Hindi ko alam, bakit ikaw ang sinisinta. At ang mahalin ka, sadyang kay sakit pala. Pagmulat ng mata, alam ko, ito'y bubuhos Mga luhang kubli, sa pisngi, aagos Ang hikbi ay magiging hagulgol Mga sasabihin ko'y nakabubulol Patuloy ko na nga kayang ikukubli ang sakit? Patuloy na nga lamang ba ako na pipikit? O hahayaan na lamang kumawala ang tubig? Baka sa pagbuhos, mahugasan ang pusong umiibig...
0
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 2:56 AM UTC
Nakakubling Luha
Sa ilalim ng kadiliman ng gabi, Ningning sa'yong mata'y namumukudtangi. Walang salita ang pwedeng maka-pagwari, Sa katangian **** nakakabighani. Walang kahit kailan na hindi ka sumagi, Sa aking mga panalangin at palagi. Ikaw ang dahilan sa aking mga ngiti, At ang tanging nais sa bawat sandali.
0
Oct 12, 2024
Oct 12, 2024 at 10:57 PM UTC
Naka-kubli sa Gabi
Anu ba ang pandemya? ito ba ay parang hawla na lahat tayo ay naka kubli naka kulong sa apat na sulok na wala na magawa kung hindi naka totok telepono naka tingin sa telebisyon na araw araw di nag nagbabago! nagbabago ang balita na ang maralita , maralita lng ang nabubuhay ng normal? pero hindi lahat tayo ay tinamaan ibat ibang kwento ibat ibang karasanan. Nawalan ng trabaho Nalugi ang negosyo Naiwan ng mga minamahal at wala namang maayus na tugon walang kasiguraduhan kung meron mag babago sa mga bukas na haharapin sapagkat tayo ay naging alipin naging lumpo, tayo dahil sa pademya lahat bay randam na? ang pahirap at pasakit Ramdam ko at ramdam nyu ang malaking pagbabago tinatawag nilang bagong normal. bagong normal na di natin ginusto, pero wala na tayong magagawa andito na to. Kaibigan , kapatid sana tayo ay di sumuko alam ko mahirap pero tayo ay mag sumikap tayo ay tumulong. tayo mag kaisa para ating boses ay umugong Isigaw ng sabay sabay na ngayun pandemya tayo ay pantay pantay lahat tayo ay may maitutulong maliit man o malaki. patuloy sa pagdarasal na sa huli tayong Pilipino parin ang magbunyi
0
Feb 20, 2022
Feb 20, 2022 at 11:22 AM UTC
Pademya
Pook na may kalayuan Di madali kung puntahan Kubli’t payapang kanlungan, Malayo sa kaguluhan. Minsan kita’y papasyalan Pag isip may katanungan Doon ko matatagpuan Puso mo ang kasagutan.
0
Apr 7, 2019
Apr 7, 2019 at 11:31 PM UTC
May Isáng Tagóng Poók
laging andyan pag kailangan ng kasama pinapatawa,pinapangiti na parang walang nakakakita pinapasaya dahil ayaw makitang malungkot **** mga mata ngutin hirap **** pasiyahin pag sya na ang iyong problema minahal kita ng palihim habang ikaw ang may ibang kapiling nakikitikim ng kaunting saya at lambing dahil sa huli, di kita matawag na "akin" pero andito lang ako pag kailangan mo handang pasiyahin ka hangat kaya ko kahit umulan o bumagyo pupuntahan ka kahit hangang sa huling hinga ko mahal kita, yan lang ang masasabi ko, kahit na kaibigan lang ako para sayo...
0
Mar 13, 2019
Mar 13, 2019 at 5:36 AM UTC
Kubli (A.M.A)