Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kikibo" poems
ilang oras, ilang araw, linggo, buwan, ilang taon na akong naglalakbay. nakita't nadaanan ko na lahat. dito sa masalimuot na lansangan memoryado ko na ang mga pasikot-sikot sa mga eskinita, bawat lubak at hukay sa kalye, ang mga graffiti at nangangalawang na karatula. pero kahit kay tagal na ng lumipas na panahon hanggang ngayon, di ko pa rin masikmura ang mga nakakabinging busina at humaharurot na makina ang nakakasulasok na baho ng usok at nagkalat na basura. sa una ako'y nangangawit pero ngayon nangmanhid na ang mga kamay ko sa higpit ng kapit sa manibela na walang sinuman ang makakaangkin dahil ito ay s'akin lamang, akin. puso ko ang mapa: lukot at punit-punit. dito ako sunudsunuran at alipin. kahit alam kong mali, di ako kikibo, ako'y tahimik. naghahanap, pero siya rin mismo nawawala. tahanan lang naman daw ang gusto niya kung saan lulunasan ng yakap ang pagod at pait, kung saan ang mga simangot ay masusuklian ng ngiti. *pero saan? saan kaya?* ako ang hari ng daan. walang kinikilala na batas. nakikipagkarera sa hangin sige-sige sa pag-arangkada. kung may masagasaan, kahit siya ang duguan, siya pa rin ang may kasalanan. dahil paminsan naiisip ko na baka mas swerte pa siyang nakahandusay sa kalsada kaysa sa akin na pagod, naiinip, naiinis sa likod ng manibela. malapit nang maubusan ng gasolina, ang mga gulong ay pudpud na. 'di ko pa rin mahanap ang tahanan kaya tumungo na lang kaya ako sa kamatayan? "para po" ako'y napalingon. oo nga pala, may pasahero ako. inaangkas lang Kita paminsan umuupo likod madalas nakasabit sa may salamin o nakalapag sa harap kasama ng mga abubot at basura. "ate, para po" hindi. inapakan ko pa ang gasolina. nagbibingibingihan sa mga bulong Mo. oo, alam kong pagod na ako pero kaya ko 'to, hindi ko kailangan ng tulong. "para, diyan lang sa may tabi" hindi. hinigpitan ko pa ang hawak sa manibela. gusto ko lang naman makauwi. oo, alam kong nawawala na ako pero sigurado ako ang ginagawa ko siguro, sigurado siguro. "para" ngayon napagtanto ko na ako'y sawi, ako'y mali. papakawalan na ang pagkapit sa patalim, ang pagtiwala sa sarili. sa wakas ako ay bibitaw. sa Iyo na ang manibela, pati na rin itong upuan na 'to, and trono. Ikaw na, ang gasolina at gulong na nagpapatakbo ang mapang nagtuturo mula ngayon hanggang magpakailanman. Ikaw na ang Kapitan ang tagapagmaneho ng buhay na 'to. wala nang pagkuha, pagdukot, pag-angkin. mula ngayon, iaalay ko na ang lahat. ako ay Iyo. ilang oras, ilang araw, linggo, buwan, ilang taon na akong naglalakbay at tuloy pa rin ang biyahe. ganun pa rin ang kalagayan ng kalye: malubak, maingay, madumi. pero kapag Ikaw ang nandyan sa upuan, para tayong lumilipad. anumang madaanan biyahe ay napakabanayad. puso ko'y nananabik. saan Mo ako sunod dadalhin? saan kaya makakarating? kahit saan man mapadpad, kahit gaano man kalayo, 'di na ako mawawala. ako ay nakarating na. o tahanang tinatamasa, nahanap na rin Kita. basta't kasama Ka, Hesus ako'y nakauwi na.
0
May 17, 2015
May 17, 2015 at 2:23 AM UTC
ako'y nakauwi na.

Continue reading...
122
Ikaw at ako alam kong wala namang tayo. Sino ba ang talo? Hulaan natin kung sino. Isip ko'y nalilito ano ba ang gagawin ko? Mananatili o lalayo? Alam ko namang malabo. Di na lang kikibo Hahayaan na lang siguro kahit di naman talaga sigurado Kung magiging tayo.
0
Feb 12, 2019
Feb 12, 2019 at 7:20 AM UTC
Ikaw. Ako.
Handa na  ipagtanggol katumbas man itong sampung buhay Ang halaga'y higit pa sa inipon na mga koral sa karagatan Kung binastos kahit malinggit ay kikibo ang nanahimik na balasik Hinintay humulaw ang bagyo at si Dessa ay sumakay bago umuwi ng bahay Lumusong sa baha sa baryo at ginunam-gunam ang sandaling yaon Kung may oras sa pag-aaral gayun din sa paglilibang Ngunit ang kunting kalayawan ay naging hadlang upang makatanggap ng medalya ng karunungan Hindi bakal at kawad ang pag-iisiip para di matukso sa mga bisyo Sa pagsusugal ay nalulong Hindi mahilig sa anumang  pampalakasang laro Napasama sa kapatiran Dumating ang mga araw ang alingawngaw ay umabot sa ama Nagpakalasing noong gabi bago naglabas ng mga hinaing Mga salita niya'y matutulis, umuulos sa laman
0
Jan 10, 2019
Jan 10, 2019 at 6:15 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #47
Kung ang gabi'y magiging tao mananatili siya sa sulok at aantayin ang iyong paglapit Siya yung tipo ng taong sa tuwing kakausapin mo'y tititigan ka lamang at hindi iimik Hahayaan ka niyang magsalita hanggang mamaluktot ang iyong dila ngunit katahimikan lamang ang mabibigay niyang kapalit Hahawakan niya ang iyong palad at ang buhok mo'y kanyang hahaplusin Pero hindi mo siya kailanman pwedeng mahalin Hindi siya magsasawang makinig sa bawat hinaing at sinisigaw ng iyong damdamin Dahil alam niyang iyon ang nais **** kanyang gawin Paminsan minsa'y makikitan mo siyang ngumiti Paminsan minsa'y may kasamang butil ng luha ang pagkurba ng kanyang labi Hindi siya magsasalita Hahayan niyang ikaw ang magsabi ng dapat niyang maramdaman Hahayaan niyang siya'y iyong husgahan Hindi siya kikibo at hindi siya magrereklamo Hahayaan niyang ikaw ang magsabi kung alin ang totoo Siya yung tipo ng tao na lahat ay kaya niyang gawin Basta't para sayo hindi siya magdadalawang isip ihain Wala man siyang makuha pabalik Ang nais lang niya'y ngumiti ka at hindi na muling maligaw Sa tuwing pupunta ka kay araw
0
Mar 27, 2019
Mar 27, 2019 at 2:14 PM UTC
KUNG ANG GABI'Y MAGIGING TAO
#021816 Minsan, nagsasalita ang mga lata Napakaingay at mistulang sirang plaka. May yugyugan pa Ng mga baryang hindi mabilang-bilang. Ang latang nanahimik, kikibo rin pala Pag tinapunan ng barya, Kakalansing siya. Hawak ng nanlilimos ng simpatya, Ngunit sino siyang taya? Waring nagsisipilahan pa sila Sa pagtapon ng sentimo Na tila baga lahat ay uhaw sa pansin. Kapag binigyan mo, Kakapit sila sa damit at magmamantsa May bakas ng mga kamay Kaya't sila'y wagi sa panlilimos. Kaya't minsan, hindi ako naaawa sa kanila Pagkat pagbubulaslas nila'y walang kasiguraduhan. Saanmang anggulo, Hindi masiyasat ang katotohanan. Sila mismo, gulung-gulo sa kabuuan Ni hindi tiyak ang nilalaman At kuwento'y niyupi-yupi, Buhay sa kanya-kanyang kalupi. Tunog-lata nga naman.
0
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 9:37 PM UTC
Social Media